watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 113770 times)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #220 on: July 18, 2020, 02:45:49 am »
^True, to think na si muther dear pa niya magpa akyat baba doon. Super nakakabaliw yang Toblerone stairs na yan.  ;D

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #221 on: July 18, 2020, 04:14:07 am »
@ Anne Cz nun pa man walang tyaga si mama anne sa anak nya si joo diba mostly si kitz ang nag aalaga sa kanya dun pa sila sa lumang condo nila, aminado naman sya na si kitz daw talaga focus kay joo since wala naman trabaho si kitz si mama anne naging bread winner sa youtube at business nya sya naka focus. About sa netfilix paano hindi makakatulog ng maaga si mama anne kung pati kapatid nya si papa kitz eh nag ne netflix then sya lang matutulog kasama si joo, so kung madaling araw na natutulog si anne malamang si joo matutulog lang yan pag inaantok na.

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #222 on: July 18, 2020, 09:42:04 am »
sabi nga ng isang sis dito in denial stage pa si ACz.. kung hindi nya agad ihahanda sarili nya sa condition ni Joo male-late talaga development nung bata hindi pwedeng si kitz lang magtityaga at magpapasensya kay Joo. hindi nila pwedeng sabihin na di nila kaya yung bata di naman forever meron therapist na magtuturo, actually tuturuan din sila nun pano nila i-handle si Joo. brother in law ko nga na 13 y/o na with autism din pero na-guide sya ng maayos ng biyenan ko, 13 na sya pero ang brain development stage nya nasa 4-5 y/o palang pero still kaya nila syang i-handle.

infairness naman kay Lloyd, he chose not to expose yung architect at engineer na tinanggal nila he still respect them. gusto ko din yung kahit stress na stress na sya sa bahay nya pero ginagawa parin nyang entertaining yung vlog, kumbaga di nya pinapasa sa viewers yung stress nya kaya nga ayaw na din nyang ikuwento lahat ng ngyari behind the cam dahil magulo at talagang nakaka init ng ulo haha next summer na daw sya magpapa interior

sima

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #223 on: July 18, 2020, 09:54:22 am »
Grabe din ang tawa ko doon sa video ni Lloyd tungkol sa hagdanan nila.  Nagpabili na nga siya ng keyk kay Madam Ely para mabawasan na ang stress niya.

Magkaganun pa man, maganda talaga ang disposition ni Lloyd at ng mama nya.

izzie7

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #224 on: July 18, 2020, 11:33:43 am »
Kakatuwa nga si llyod at mama nya. Hindi na nya inexpose kasi hindi din naman nagpakilala sa vid at napromote. Hindi na din detailed yung chismis sa house kasi yung tita ni madam ely yung nag alok sa kanila nun? Yung content nung ibang kasama nila based pa din pala kay llydo. Hindi ba maganda yung curtains? Parang ok naman kung hindi super haba. Except yung sa room niya medyo mahirap ayusin dahil sa hot pink bed at chair pero atleast may character.

Yung room renovation din ni rei ang hinihintay ko. Medyo annoying lang yung muka ng bf niya.

Si bretman ba ginagaya ni acz sa halaman? Forest na yung bahay ni bretman parang nangangati ako habang pinapanood. Cute pa yung may vegetable garden sa labas pero yung may forest sa loob ng bahay?

Tama naman si acz na kelangan ni joo ng therapist so sa school or homeschool. Hirap lang talaga mamili dahil sa covid kung lalabs ba or magpapapasok sila. Kelangan ok yung makuha nila kasi malaking factor yun. Saka ganyan talaga patience. Case to case basis din. Walang perfect na magulang at for sure yung magulang ang mas concerned sa anak nila compared sa mga mema.


mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #225 on: July 18, 2020, 02:23:12 pm »
Re Lloyd?s new house: Di ako makapaniwala nung sinabi na may architect and engineer siya. Sorry sa term pero napaka-incompetent nila. Maswerte pa din sila kasi di sila pinangalanan ni Lloyd to think na kitang-kita sa vlog ang mga mali. At good to know na kino-consider niyang maghire ng ID.

Re AClutz: itong pandemic na ito na-realized ko andaming parents na tulad niya. And these parents pa e nabibiyaan ng mga normal na anak. May mga parents pala na gusto talaga iasa sa teachers ang lahat. Ang dami ko comments na naririnig from my friends na againsts sa online classes. Like baka daw di mag-aral kundi maggames lang - wfh itong mga friends ko na ito - so pwede nila mabantayan if gusto talaga. Or may small kids daw sila na inaalagaan kaya di nila matutukan ang anak nila kapag sa bahay nag-school. Hindi daw makikinig sa kanila kapag sa bahay - so parent ka di mo madisiplina anak mo pero magrereklamo ka kapag dinisiplina ng teacher. Seriously? Problema ba ng teachers yun? Yaya ba ang tingin ng ibang parents sa teachers? Di ba dapat naman talaga tulungan ang teachers and parents?!

Meriel21

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #226 on: July 18, 2020, 02:23:42 pm »
Kakanood ko lang ng vlog ni LC sobra yung tawa ko dun sa hagdan nya sa laundry area. Kakaloka! Ang galing lang kasi di sya super nega and nakakapagjoke pa sya and super benta nung mga banat nya HAHA

Acy - totoo yung sinasabi ng mga sis dito na ang ganda nga ng couch nya sa condo super bet ko yung style and color. Pero ayun nga di sya akma dun sa space na meron sya. Masyadong malaki. Nagmumukha tuloy masikip yung unit.
Saw her IG post too na out of this world na naman yung edit sa face 🤣


Acz - i find her as a self centered woman acting like she's in her early 20s lol

Cookie_Dough

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #227 on: July 18, 2020, 03:28:03 pm »
You nailed it, sister! Education is a hand and hand process. Hindi mo pwedeng iasa sa teachers ang lahat. Mangialam ka bilang magulang kasi baka mamaya mali pala ang naituro ng teacher (this sometimes happens - lapses which I know hindi naman sadya ng teacher). Tsaka ang study habit po ay nire-reinforce yan sa bahay. Kung sinasanay mo ang isang bata na meron "study time" at least an hour, makakasanayan na nila yan. Eventually, hindi mo na kailangan pang pilitin kasi ingrained na sa routine nila ang pag-babalik aral (review) sa bahay.

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #228 on: July 18, 2020, 03:43:19 pm »
^^^ 100% agree..di lahat dapat iasa sa teacher, tuitor, or yaya ang pag aalaga or pag di diciplina sa anak...may naalala ako nun college ako sa school namin  yung teacher topic nya ata nun about fruits and vegetables then sabi ni teacher watermelon daw tawag kc it grows sa water... naloka ako sa sinabi nya di ko makalimutan yun.
« Last Edit: July 19, 2020, 03:47:43 am by innocent_beauty »

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #229 on: July 18, 2020, 03:41:08 pm »
Tama! Iaasa sa teacher para pag walang natutunan yung bata kasalanan ng teacher sa case ni Joo dapat parents ang hands on. Like what I've said mas tutok si Anne Clutz sa halaman obvious naman mas marami siya nashare na insight at airtime.

beauty_addict

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #230 on: July 18, 2020, 03:45:49 pm »
Sobrang tawa ko while watching Lloyd's vlog regarding yung toblerone stairs. I feel sorry, pero di ko mapigilan tumawa. I admire him na nagagawa pa niya mag joke sa ganung sitwasyon. Yung ginawa niya na hindi idisclose yung name ng architect and engineer is really admirable. I think baka yung foreman yung pumalpak dito. Kasi ang engineers and architects di naman yan nasa site everyday. E nagkapandemic pa. So baka hindi nabibisita to check.

My husband is a contractor and nagulat siya sa pagkakagawa ng stairs. Baka daw pinilit ng client. Pero sabi ko kahit na, as contractor dapat sabihin na hindi talaga pwede. Pero may mga unrealistic request talaga minsan ang clients na mapapakamot ulo na lang yung husband ko. hehe.

bratty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #231 on: July 18, 2020, 04:46:03 pm »
Pati yung tiles, parang pinaglaruan... sakit talaga sa ulo ng ganyan.

bonnie07

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #232 on: July 18, 2020, 07:21:53 pm »
Kaloka si ACay. Napakunot ang noo ko sa latest IG story nya about sa mga nagiiwan daw sa baba (condo lobby) eh hindi naman daw nya binibigay yung address nya. Naalala ba nya ang mga vinavlog nya?

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #233 on: July 18, 2020, 08:58:15 pm »
ACy - nagpapanggap lang yan na hindi alam kung paano nalaman ng viewers nya kung saan sya nakatira.

Venicsec

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #234 on: July 18, 2020, 09:01:19 pm »
Ako lang ba but sobrang annoying when these vloggers use si instead of ang as noun markers when they speak and write? Like why??? This is basic Tagalog grammar.

Example: Luxury na lang si coffee machine (recent IG story of Anna Cay making iced coffee)

Anna Cay and Kris Lumagui ang laging ganito. Sobrang cringey and not cute at all.

Yan din unang napansin ko sa mga Pinoy vloggers nung nagsimula ako manood.

Yung isa din sa nagpasakit ng tenga ko e yung excessive na paggamit ng "is" tapos with the long e sound pa ("eees").

Ex. "Ang oras ngayon is ala-sais ng umaga."
"Ang pinakaproblema ko dito is yung pagkakaggawa."
"Unang tinanong sa akin is magkano kinikita ko sa vlogging."
"Ang oras ng photoshoot namin is alas-ocho ng umaga."

Wala naman ako issue sa pag-ta-taglish kasi ganun naman talaga ang everyday Tagalog speech. Pero pwede naman kasi na hindi barok ang dating sa pag-ta-taglish.




 
« Last Edit: August 02, 2020, 01:43:53 am by Venicsec »

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #235 on: July 18, 2020, 10:01:10 pm »
^pinakita pa nga nya sa vlog nya papunta sa condo nila hanggang parking lot e haha

just watched Lloyd's new vlog, meron dun pinagtanggol sya nung bagong architect nya wag daw i-bash si Lloyd kasi syempre first time nila magpagawa ng bahay.. so meron mga ibang netizen na binash si Lloyd because of that toblerone stairs??? like parang sya ba may gawa nun kaloka mga ibang netizen ha..buti nalang understanding sya at ayaw na nyang mag pasahan pa kung sino ba yung may mali.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #236 on: July 18, 2020, 10:17:34 pm »
ACy - nagpapanggap lang yan na hindi alam kung paano nalaman ng viewers nya kung saan sya nakatira.

Hypocrisy at its finest.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #237 on: July 18, 2020, 10:45:19 pm »
Kaloka si ACay. Napakunot ang noo ko sa latest IG story nya about sa mga nagiiwan daw sa baba (condo lobby) eh hindi naman daw nya binibigay yung address nya. Naalala ba nya ang mga vinavlog nya?
Galawang ACy talaga. From being engaged to engagement ring tapos ngayon naman sa condo. Kaloka talaga. Haha!

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #238 on: July 18, 2020, 11:31:26 pm »
Sinilip ko nga IG story ni Madam at ayun nga di daw niya binibigay yung address pero thank you daw sa oras and.effort haha

Nakita ko yung FB page ni Jooks. I'm sorry pero mas tawang tawa ako sa kanya. Isa palang napanuod ko, yung naglaro siya nung horror game hahahaha

sima

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #239 on: July 19, 2020, 01:07:53 am »
Kahit naman ipa-therapy ng mag-asawang Clutz si Joo, hindi naman nila sineseryoso.  Kahit anong matutunan ng bata sa school at walang reinforcement, regression ang mangyayari at hindi progression.

Halimbawa na lang:  Inabisuhan sila ng titser na turuan/hikayating sumubo at kumain mag-isa yung bata.  Eh hanggang ngayon sinusubuan pa yata nila para lang kumain.  TSK!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close