watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 113807 times)

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #180 on: July 16, 2020, 10:08:22 am »
tingin ko kaya hindi sinasabi ni ACay kung rented or owned ba yung condo, kasi wala dun ang sagot, mukhang free stay sila dun as payment for her not so subtle promotion of the development. parang ganun ata magbayad ang century properties sa endorsers nila like pia w. baka kasama sa terms na wag nya idisclose na yun ang payment dahil sa legal implications like tax.

ang alam ko sis Megaworld yung condo niya. based din sa nagcomment sa Condo Tour niya. kung ganyan nga, ang swerte naman niya. libreng luxury condo para mag promote 

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #181 on: July 16, 2020, 10:30:51 am »
kung ganon man, edi sana si rei germar na lang kinuha ng megaworld na magaling at effective magpromote lol.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #182 on: July 16, 2020, 10:35:06 am »
Wala akong paki kung kanya yung condo... Ano ba talaga yung bine-bake niya? May nagtanong ba dun sa comments section? LOL

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #183 on: July 16, 2020, 11:04:46 am »
Wala akong paki kung kanya yung condo... Ano ba talaga yung bine-bake niya? May nagtanong ba dun sa comments section? LOL

grabe siya, tawang tawa ko sayo sis. hahahah kems din ako kung kanya un condo or not, kung x deal man . good for her, pinagtrabahuan naman niya magkaroon ng ganun deal. pero ang tanong ng madla, anung bnbake mo cyst? Lol

lyrahs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #184 on: July 16, 2020, 12:00:31 pm »
^^hahahaha sis. Tawang-tawa ako, talagang yung binebake ang concern.
Masilip na nga yang condo tour ni Madam

Edit: So ayun na nga, napanood ko na ang condo tour.
Puto Calasiao yung binebake nya ;D

Maaliwalas yung condo nya gawa ng puro puti. Pero tama nga ibang mga sis natin dito, masyadong malaki ang furniture nya. Hirap nga syang ikutan yung dining table para pumunta sa balcony.

Mga bagay na na-bother ako:
Coffeemaker nya na lagpas sa kinalalagyang patungan - Sagiin ang pwesto
Mga display items sa harap ng TV - di makita ng buo ang papanoorin
Sapatos sa loob ng bedroom - kahit pa branded yan, tinatapak kung saan-saan yan. Baka kung anong dalang mikrobyo tas nasa loob ng bedroom
Malalaking plants - pasensya na sa mga plantitas at plantitos, pero di talaga ako fan ng malalaking halaman sa loob ng bahay, lalo at sa kwarto. Pakiramdam ko babahayan lang ng kung ano-anong insekto. Ok lang yung maliliit, yung parang nasa dining area nya, pero di pa din ganun kadami. Hehe

So ayun lang naman ang comment ko sa condo nya. Pero bet na bet ko yung kitchen at pantry nya. Hehe
« Last Edit: July 16, 2020, 12:41:34 pm by lyrahs »

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #185 on: July 16, 2020, 01:15:23 pm »
Ako na ang gumawa. Binasa ko mga comments dun sa condo tour. Walang nagtanong ano yung bine-bake niya hahahaha pero may nag-comment na sobrang daming halaman, sagot nung isa... jungle theme daw. Di ko alam kung joke or seryoso ba yung nag-comment haha

simang

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #186 on: July 16, 2020, 02:12:43 pm »
Puto seko po yata yung binake nya. Hehe.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #187 on: July 16, 2020, 02:26:42 pm »
Uso ata halaman ngayon lalo na yung mga nasa small pots. Curious lang ako hindi ba malamok or mainsekto sa loob ng bahay kapag ganun?

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #188 on: July 16, 2020, 02:37:27 pm »
Ako na ang gumawa. Binasa ko mga comments dun sa condo tour. Walang nagtanong ano yung bine-bake niya hahahaha pero may nag-comment na sobrang daming halaman, sagot nung isa... jungle theme daw. Di ko alam kung joke or seryoso ba yung nag-comment haha

same here nabasa ko yung comment na yan natawa din ako e

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #189 on: July 16, 2020, 05:11:28 pm »
Grabe naaawa ako kay Joo. Ang mangmang talaga ni ACz sa condition ni Joo. Sana imbes na magmarathon sya sa Netflix manood sya ng mga yt videos about autism and home intervention program. Hindi nya pwedeng iasa sa teacher at therapist ang buhay ni Joo. Sila ang kasama ng bata 24/7 so sino pa bang the best teacher ni Joo kundi silang mag asawa? Sana bago sya ma addict sa mga halaman magfocus muna sya kay Joo. Yung teacher na iha-hire nila hindi naman nila alam sino sino nakakasalamuha sa labas at sa bahay baka yun pa magdala ng virus sa bahay nila.


tawang tawa ko sa mangmang! hahaha. gets ko yung sinabi niya na hindi nila kaya turuan si joo kasi hindi talaga lahat built maging teacher/homeschool teacher. my mom tried sa amin magkakapatid, hindi niya kinaya. lol HAVING SAID THAT, sana since sa situation ngayon, tyagain muna niya. hindi mo masabi baka nga magdala pa ng virus sa kanila.

napanood ko sa ig story ni divine lee na nag-positive pala siya sa covid. hindi pa siya lumalabas since march 14 daw so most likely sa mga gamit, etc na pumapasok sa bahay nila. naalala ko si acz kasi ang daming delivery sa kanila araw araw tapos parang hindi naman nila ni-disinfect.

Madness

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #190 on: July 16, 2020, 06:00:54 pm »
Uso ata halaman ngayon lalo na yung mga nasa small pots. Curious lang ako hindi ba malamok or mainsekto sa loob ng bahay kapag ganun?

ako din, one thing that stops me from having plants ay yung uod na galing sa plants, or bulate. basta yung mga worms sa plants. so sa dami ng indoor halaman ni ACy, wala kaya uod doon? haha
Eh natural habitat naman nila ang halaman. Lalo pag sa condo, buti sana kung house, the uod can go anywhere haha  :D

napanood ko sa ig story ni divine lee na nag-positive pala siya sa covid. hindi pa siya lumalabas since march 14 daw so most likely sa mga gamit, etc na pumapasok sa bahay nila. naalala ko si acz kasi ang daming delivery sa kanila araw araw tapos parang hindi naman nila ni-disinfect.

I watched Divine Lee's IG stories din, omg! To think aning aning na yun ha. Hindi nga kaya carriers na tayo lahat, asymptomatic lang. Ang payat nya sa stories nya!

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #191 on: July 16, 2020, 07:27:28 pm »
Waah, kakapraning naman lalo yung kay Divine Lee. Sarap i-tag si AC sa story niya haha

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #192 on: July 16, 2020, 07:41:51 pm »
Oh no! Sana ok lang sila Divine Lee diba bata pa yung anak nya. Pero I doubt na sa food or things galing yung virus. Proven na ba yun? Possible din kasi na yung gumagawa ng errands sa house nila e yun ang nahawa. Baka yung mga namamalengke, nag ggrocery nagpupunta sa bank etc. Impossible naman na lahat yan online. Im sure may isa pa ring lumalabas sa household nila..

Sorry if nakikialam ako sa parenting style ni ACz. If normal si Joo, wala naman problem if lax sila. Yes mahirap maghomeschool or magturo ng anak pero sana kahit basic life skills maturuan nila yung bata. Tyagain nila. Kahit yung pagkain mag isa, dun nila simulan. Sabi nga ng mga Developmental Pedias ang therapy hindi natatapos sa center or sa school. Tuloy tuloy yan hanggang bahay since the time spent sa therapy e 1 hr a day lang. After nun, dapat may follow up sa bahay.

Yung coffee maker ni AC e mukang sponsored naman pala kaya kahit di sya coffee drinker yung high end model agad ang kinuha. May pa link siya sa IG so alam na.. Dami na daw nya na-convince bumili..

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #193 on: July 16, 2020, 07:55:50 pm »
wait so bumalik na sa dati yung editing style at intro ni ACy, so most likely sponsored nga siguro yung condo tour niya.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #194 on: July 16, 2020, 08:28:47 pm »
Alam ko sasabihin ng iba kanya kanyang parenting style pero mas devoted pa si ACz sa halaman compare sa anak niya. Alam ko sasabihin ng iba hindi naman lahat napapakita sa vlog pero yung pagaalaga sa plants niya pinapakita niya 😆 priorities siz pati nga aso napabayaan na hindi na bida sa IG.

bonnie07

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #195 on: July 16, 2020, 08:34:48 pm »
Same ng coffee maker si ACay at Kryz Uy.  Pero si Kryz specifically mentioned in her vlog na it was gifted to them nung brand. Hehe.
« Last Edit: July 16, 2020, 08:46:00 pm by bonnie07 »

hi5frankie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #196 on: July 16, 2020, 09:51:06 pm »
Ako lang ba but sobrang annoying when these vloggers use si instead of ang as noun markers when they speak and write? Like why??? This is basic Tagalog grammar.

Example: Luxury na lang si coffee machine (recent IG story of Anna Cay making iced coffee)

Anna Cay and Kris Lumagui ang laging ganito. Sobrang cringey and not cute at all.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #197 on: July 16, 2020, 10:04:07 pm »
Oh no! Sana ok lang sila Divine Lee diba bata pa yung anak nya. Pero I doubt na sa food or things galing yung virus. Proven na ba yun? Possible din kasi na yung gumagawa ng errands sa house nila e yun ang nahawa. Baka yung mga namamalengke, nag ggrocery nagpupunta sa bank etc. Impossible naman na lahat yan online. Im sure may isa pa ring lumalabas sa household nila..

Sorry if nakikialam ako sa parenting style ni ACz. If normal si Joo, wala naman problem if lax sila. Yes mahirap maghomeschool or magturo ng anak pero sana kahit basic life skills maturuan nila yung bata. Tyagain nila. Kahit yung pagkain mag isa, dun nila simulan. Sabi nga ng mga Developmental Pedias ang therapy hindi natatapos sa center or sa school. Tuloy tuloy yan hanggang bahay since the time spent sa therapy e 1 hr a day lang. After nun, dapat may follow up sa bahay.

Yung coffee maker ni AC e mukang sponsored naman pala kaya kahit di sya coffee drinker yung high end model agad ang kinuha. May pa link siya sa IG so alam na.. Dami na daw nya na-convince bumili..

Ah sponsored lang ba yung coffee machine ni ACy, parang intindi ko kasi sa ig stories niya before parang ang sabi niya binili daw niya yon.

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #198 on: July 16, 2020, 10:14:38 pm »
speaking of Kryz Uy, meron sya pinost sa ig story nya  (pero wala na ngayon).. screenshot nung nag email sakanya na brand ata or maybe her manager parang asking her to post something about their product at may instruction pano nya dapat gawin... sabihin lang daw na day 3 na ng pag gamit nung product at ganito nangyari and then Kryz replied declining the offer..

kaya mas lalo ko ayaw panoorin si ACz because of Joo, kulang talaga yung pag aruga ng nanay dun sa bata at di man lang mag effort na mag research ano magandang gawin.. yung stepbrother ng husband ko parang same kay Joo, he's now 13 y/o but still act like a 4 y/o pero madami na syang alam aside sa pagpasok nya sa school twice a week tinuturuan din sya sa bahay ng mom in law ko at stepdad ni hubby, binibilhan din sya ng toys at educational stuff na especially made for them na may ganung condition.. kundi lang nagka pandemic nasa speech therapy stage na sana sya.
« Last Edit: July 16, 2020, 10:47:58 pm by stephyes89 »

hello.jj

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #199 on: July 16, 2020, 11:37:32 pm »
hello!! i've been a silent reader for quite some time now and i decided to comment na kasi nabother na ako hahahah

kay ACz, im in the education industry and i work with kids with special needs like joo and sobrang nakakainis yung parenting style nya haynako. i remember before sabi nya na parang they are willing to wait kung kelan maging ready si joo, i think magsalita among other things, but girl, that doesn't work with kids like them. they have to be intentional when it comes to parenting lalo ngayon na sa bahay lang yung kid 24/7. di matuto yung kid unless they teach it to him patiently and dapat continuous. ang daming red flags and issues nung kid na kailangan i-address pero from what i see from their vids, mas kailangan talaga mag adjust ng parents muna. parang nasa in denial stage pa sila, like they know that joo has a condition but they have yet to fully grasp the situation, plus pa na very relaxed sila and they seem to rely everything on the therapist. sobrang big deal pa naman ng early intervention with kids like joo both at school and home. if they missed it, mas lalong mahirapan si joo and also the parents as he grows up.

kay ACy, curious din ako if the condo is rent or bought. but i don't think a brand, no matter how big it is, would freely give it to a yt endorser. prime loc kasi yung condo and even if people say na anna has a wide reach already, limited pa rin unlike artistas na well known talaga. siguro ni-lease yun sa kanila on a discounted price. also, i like her place, very maaliwalas and nice styling din. what irks me are the placement kaya hindi namaximize yung space. like the sofa with a nice color kaso ang laki, sana sa other side na lang yung extension (idk yung name) para ma-open yung walk way going to dining area nya. also the plants, parang excessive na masyado. sana nagcurate sya and placed them on strategic areas of her place. hahaha benta sakin yung tiger balm tho, kasi nasanay na ako maglagay sa likod before sleeping. nakakarelieve naman sya kahit papano ng stiff muscles lalo ngayong wfh and wala munang massage. napahoard din tuloy ako kainis hehe

stopped watching shek na because of her twitter posts na trying hard to be updated and relevant kaso fail. okay sana kung willing to learn from other people kaso, nahh. she reeks of privilege and she doesn't even try to understand what it means. MD learned it the hard way and i like her better now.

heheh sobrang haba ng post medyo matagal syang naipon eh 😁

 

Latest Stories

Load More Stories
Close