watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)  (Read 113612 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #100 on: July 14, 2020, 02:01:44 am »
^^Hindi naman siguro sis. Yun lang siguro madalas niya ipakita kasi yun IN ngayon. Madami din kasi mga viewers na gusto ang mga high-end hauls.

^Agree. Di niya kaya dalhin. Ang gaganda pero bakit di bagay or parang laging may mali? Try kaya niya mag-enroll sa mga personality development workshop baka mag-improve siya.

May nanonood pa ba kay Lloyd Cadena dito? Tinatamad ako magbinge ng uploads niya. Pinanood ko yung isang upload niya about sa new house nila. Alam ko hindi pa tapos ang bahay niya pero sana  kumuha siya ng interior designer/decorator para sulit ang bagong bahay. Parang ang jologs ng interior, maski curtains niya ang panget.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #101 on: July 14, 2020, 02:28:14 am »
^^Hindi naman siguro sis. Yun lang siguro madalas niya ipakita kasi yun IN ngayon. Madami din kasi mga viewers na gusto ang mga high-end hauls.

exactly, kaya nawawala identity niya kasi nakiki-uso na lang cya. kung ano lang yung IN, mahal at branded yun ang ginagaya niya. kaya some of the people here find her trying hard and I can't blame them for that. don't get me wrong, I love watching her hauls, she's one of my aspirations in luxury shopping. pero sana lang minsan maging natural or personal yung mga choices niya hindi lagi kung ano yung uso, branded or mamahalin. opinion ko lang naman ito.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #102 on: July 14, 2020, 02:44:31 am »
^I agree na nawawalan siya ng own identity dahil kung ano na lang ang IN yun na lang lagi ang content. Medyo disagree lang ako sa bragging issue, nagmumukha sigurong bragging kasi super kulang sa details, puro pahagip lang. Time na for ACay na matuto from other Youtubers. Di ko na siya pinanonood since walang sustansya vlogs niya. Sayang sa data at kuryente. Mas naeenjoy ko pa manood ngayon ng mga smalltime youtubers na nagpupunta ng Dapitan Arcade.

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #103 on: July 14, 2020, 04:48:32 am »
i think yun na yung identity niya, nakikiuso lang and go with the flow whatever's in. :D  personally, i don't like her style or aesthetic. i know her stuff are expensive, but for some reason, it just doesn't look expensive on her. siguro kasi yung mga bagay na gusto niya is yung mga nagsusumigaw yung brand sa damit or bag or shoes like yung suot niya sa condo tour.

compared to say, rei. mahilig din siya sa luxury clothes, bags, etc pero it doesn't scream new money and baduy?

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #104 on: July 14, 2020, 08:29:00 am »
Yung porma niya pambahay chic lalo na yung mahilig siya sa branded slides. May foreign Youtubers akong pinapanuod, head to toe branded din pero sosyal, di tulad kay Madam na kung pwede bawat suot kita ang label eh ginawa na.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #105 on: July 14, 2020, 08:50:55 am »
True with lyod and yung house niya baduy or jologs pero ok lang for me kasi yun naman talaga ang character niya and not pretending or nakikipagsabayan, Kaya nga yung iba lumalabas na trying hard. Even Isha admitted before na dati nagtry din siya magpretend para makisabay pero eventually hindi niya daw talaga mapigilan yung love niya sa purple na mga gamit. Kaya nalabas na trying hard sila ACy and ACz kasi alam mo yun nasesense mo na ibang lifesylte yung gusto nila iproject kahit hindi naman yun yung aura ng nalabas sa kanila. kahit anong pasosyal nalabas pa rin yung totoo.

Toni Sia, GGSS pero ang sexy nga niya ngayon bumagay and pagkapayat niya kaso yun lang ibang level din ang pagkaarte niya ngayon!haha

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #106 on: July 14, 2020, 09:59:16 am »
i think yun na yung identity niya, nakikiuso lang and go with the flow whatever's in. :D  personally, i don't like her style or aesthetic. i know her stuff are expensive, but for some reason, it just doesn't look expensive on her. siguro kasi yung mga bagay na gusto niya is yung mga nagsusumigaw yung brand sa damit or bag or shoes like yung suot niya sa condo tour.

compared to say, rei. mahilig din siya sa luxury clothes, bags, etc pero it doesn't scream new money and baduy?

and compared din to let's say.. Heart Evangelista. iba talaga dating pag si Heart ang nagdala ng mga expensive and branded. Hindi nakakairita and hindi mukhang trying hard, kumbaga sosyal talaga ang dating nya kahit simple lang ang pananamit nya #girlcrushhehe. Hindi din naman kasi ganun si Heart na kada post sa IG ay finofront niya mga branded nyang gamit. Parang mas simple pa nga si Heart kay ACy e. ewan ko ba bat pag si ACy ang nagdadala parang palaging in your face ang dating na nakakairita. tulad nalang sa isa nyang post sa ig na "protect your peace" na talagang kailangan naka front yung Hermes mat niya sa sofa na for me parang mas maaliwalas tingnan kung wala yun sa sofa nya. hanga naman din ako sa dami ng kayamanan niya pero sorry na sa fans nya yan lang talaga nagiging dating sakin, nayayabangan ako.
« Last Edit: July 14, 2020, 10:49:40 am by jasminann_ »

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #107 on: July 14, 2020, 10:32:56 am »
Yung naka-Chanel flap si ACy para kumain sa  Tapa King.  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #108 on: July 14, 2020, 10:40:37 am »
True with lyod and yung house niya baduy or jologs pero ok lang for me kasi yun naman talaga ang character niya and not pretending or nakikipagsabayan, Kaya nga yung iba lumalabas na trying hard. Even Isha admitted before na dati nagtry din siya magpretend para makisabay pero eventually hindi niya daw talaga mapigilan yung love niya sa purple na mga gamit. Kaya nalabas na trying hard sila ACy and ACz kasi alam mo yun nasesense mo na ibang lifesylte yung gusto nila iproject kahit hindi naman yun yung aura ng nalabas sa kanila. kahit anong pasosyal nalabas pa rin yung totoo.

Re Lloyd: for me lang mas ok na maghire siya ng professional hindi para gawin  na sosyal ang house but to make it look simple and  homey. Baka magawan ng paraan ng professional na pagsama-samahin ang mga kulay na gusto ni Lloyd harmoniously.

Re Isha: parang si ACay din, may itsura and proportion katawan pero ang baduy. Same with Bianca Gonzales din, sorry if may fans siya dito pero maski ano din isuot ni Bianca di bagay and nagmumukhang mumurahin.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #109 on: July 14, 2020, 10:37:36 am »
Agree na baduy yung curtain ni Lloyd medyo tacky tignan hindi swak yung size kahit yung color ng kama pero nagsusumigaw na personality  niya yun hindi nakiuso sa puro white and gray 😄 hindi daw siya magpapa ID this year kasi titignan niya muna yung chismis ng bahay. May point naman siya.

lyrahs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #110 on: July 14, 2020, 10:56:44 am »
and compared din to let's say.. Heart Evangelista. iba talaga dating pag si Heart ang nagdala ng mga expensive and branded. Hindi nakakairita and hindi mukhang trying hard, kumbaga sosyal talaga ang dating nya kahit simple lang ang pananamit nya #girlcrushhehe. Hindi din naman kasi ganun si Heart na kada post sa IG ay finofront niya mga branded nyang gamit. Parang mas simple pa nga si Heart kay ACy e. ewan ko ba bat pag si ACy ang nagdadala parang palaging in your face ang dating na nakakairita. tulad nalang sa isa nyang post sa ig na "protect your peace" na talagang kailangan naka front yung Hermes mat niya sa sofa na for me parang mas maaliwalas tingnan kung wala yun sa sofa nya. hanga naman din ako sa dami ng kayamanan niya pero sorry na sa fans nya yan lang talaga nagiging dating sakin.

I agree kay Heart. Ang elegant nya kahit hindi naman branded lagi ang suot nya. Yung Kamiseta nga ang sosyal tignan sa kanya. So talagang nasa nagdadala yan

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #111 on: July 14, 2020, 11:01:32 am »
Given kasi yun na marami issue sa bahay niya, madalas talaga kapag house and lot tinitipid sa materyales and nanloloko yung contractor. Agree rin naman gaganda talaga kung maghire siya ng ID, though feeling ko lang ha sa personality kasi niya baka after mapaganda yung house eventually gugulo rin kasi depende rin kasi sa nakatira at sa ng memaintain at syempre sa taste, for sure dadami ng dadami rin yung mga bibilhin niya gamit after ma ID, for him nga ang gaganda ng nabili niya furniture and curtains eh.

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #112 on: July 14, 2020, 10:58:49 am »
exactly, kaya nawawala identity niya kasi nakiki-uso na lang cya. kung ano lang yung IN, mahal at branded yun ang ginagaya niya.

Ano ba kasi  ang identity ni ACy?


Speaking of small YTers, ang dami kong nakitang room makeover na pinagkaabalahan nila dahil sa quarantine. Nagmukhang uso yung geometric pattern sa wall dahil karamihan yun ang peg.


rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #113 on: July 14, 2020, 11:14:18 am »
parang ako yung nangangati for anna cay dahil sa mga halaman that are too close to the bed  ;D

also, ang ganda ng editing style! but i'm not sure if it fits anna cay? parang hindi niya brand.

re: lloyd, brand naman talaga niya yung choices of drapes and curtains niya. pati yung bed. i don't think he minds, yun naman talaga identity niya. di rin naman siya nagpapakasosyal.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #114 on: July 14, 2020, 11:26:29 am »
Ano ba kasi  ang identity ni ACy?

naabutan ko kasi si ACay nung nag-uumpisa pa lang cya. if you happen to watch her earlier videos, simple lang cya, medyo tomboyish and mahiyain. Uniqlo pa nga ang fave clothes niya and mahilig din cya mag-mukbang videos. i think yun ang namimiss ng mga tao sa kanya. branded na rin cya that time pero hindi kagaya ngayon na halos lahat ng gamit at suot niya sumisigaw yung logo at palaging strategic naka-display yung mga branded items. nagmumukha tuloy cya humble brag, trying hard and nakikigaya lang sa uso. tama nga yung nagmention dito before na baka si vice ganda ang idol niya hindi si heart.
« Last Edit: July 14, 2020, 11:30:33 am by krisslorr »

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #115 on: July 14, 2020, 11:29:00 am »
Oo nga mas genuine siya that time with matching red lipstick tsaka haba ng hair kaso mula nung nagsimula yung mga comment na sobrang humble niya ayun nagbago na.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #116 on: July 14, 2020, 11:33:35 am »
^agree with you sis. at tsaka simula rin nung na-compare yung yaman niya kay Shek parang doon na cya nagsimula magbago. palagi kasi sila kinokompare ng mga fans nila that time. mukhang ayaw pakabog ni madam. at least si Shek nagmatured na sa pag-manage ng pera since nagka-baby, sana ganun din si Anna pag nagka baby na sila ni Geloy.
« Last Edit: July 14, 2020, 11:39:47 am by krisslorr »

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #117 on: July 14, 2020, 11:41:38 am »
parang even before yt pa mahilig na talaga sa branded si ACy, ang nakakainis lang kasi sa kanya pag sinasabe niyang "simple" lang siya, so every time na may new luxury siya kakasabi niya na simple lang siya nagiging humble bragging na tuloy. like sige you can show off naman lahat ng branded na meron ka , its your money. pero please lang tigilan niya ang kasasabi niya ng simple lang siya, kasi nagmumuka talaga siyang nakiki hype at in lang talaga. kaya nun nakita ko un prenup niya naisip ko for sure sa vlog sasabihin na naman niya na simple lang siya.  ;D

kaya gusto ko si shek pagdating sa mga haul, brag kung brag. Lol

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #118 on: July 14, 2020, 11:46:24 am »
Re: ACy, dahil sa mga nakikita kong post dito about sa condo nya parang ayoko na panoorin kahit na inantay ko yung vlog nyang yun haha pero try ko parin silipin.. pag mga house/condo tour kase gusto ko detailed para atleast if ever magpagawa ka ng house in the future magkaka idea ka tsaka i find it relaxing pag mga ganung vlog.. yung teaser actually nakita ko sa ig search tab at unang impression ko parang pinopromote yung condo so i think meron talagang catch yung pag stay nila dun. agree ako dun sa parang laging meron gustong patunayan, like ano ba? yung pagiging mayaman ba nya? yung can afford nya lahat? yung she can be powerful sa mga connections just because meron syang pera? [textspeak!] diba alam naman natin na meron talagang instances na pera ang magiging katapat para makuha mo gusto mo.. sayang, akala ko dati simple lang sya kaya nag subscribe ako sakanya noon..

Re: Lloyd, ang tacky nga ng ibang gamit nya sa bahay. may ibang kurtina naman na okay lang pero meron din na sablay.. binili nya yun dun sa nirecommend ng isang follower nya so ginrab nya para makatulong narin sa small business pero sabi nya aayusin pa naman daw yun.. sa ID naman meron talaga sya balak, nung pagkakuha palang ng bahay nya sinabi na nya na magpapa interior sya pero dahil nga nagka pandemic so di muna nya tinuloy ngayon para safe nalang din daw tsaka yun nga tignan muna nya maga chismis ng bahay dahil sa ngayon meron na daw sya nakikita di lang daw nya sinasabi sa vlog.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 20)
« Reply #119 on: July 14, 2020, 12:07:37 pm »
infairness nga ke Lyod for sure may mga nacontact sa kanya to sponsor pero pinili niya na subscriber/small business yung kunin at magbayad. hindi mapangabuso, di tulad ng isa tanggap lang ng tanggap ng libre!

Tama yung isang sis ng simula nga magbago si ACy nung dumating si Shek maybe na threaten siya nun, pero ever since naman mas ok si shek pagdating sa purchases at pera hindi naman siya bumili ng OA gaya ni ACy and sinasabi niya talaga na mahal to etc and afford niya bilhin hindi yung kunwari simple.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close