watch now

Author Topic: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)  (Read 105045 times)

bonnie07

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #580 on: July 03, 2020, 08:56:34 am »
King and Queen Tea yung kina Mae. May vlog sila nun. Yung kina ACay na Tea Talk, may namention sya, hindi ko lang sure kung vlog or IG live na waiting lang daw sila ng go signal from the mall management kung pwede na magstart ng construction.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #581 on: July 03, 2020, 09:42:18 am »
ohh.. ok, thanks for correcting. I think mas magiging ok yung kay ACy kasi malakas hatak niya and inside a mall. I announce niya lang na tatao siya sa store for sure magpupuntahan ang mga followers niya. With Mae, not really sure unless na lang siguro kung kakaiba talaga yung milktea niya.

Rychroxx18

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #582 on: July 03, 2020, 12:05:35 pm »
Okay, so kaya pala lilipat si Mae para malapit sa business nya.

Profitable pa ba ang milk tea business ngayon? Oversaturated na ang market, madami nang nagsara na small shops kasi eto based sa experience ko ha, pag may bagong milk tea shop bibili ako just to try it. Pero most of the time, fail yung lasa kaya di na ako bumabalik. Kaya pag may milktea cravings, dun ako sa trusted ko na yung timpla (original Taiwan shops).

Sorry, I know we should support local lalo sa panahon ngayon pero sana sarapan naman nila. Kasi most of the time kapresyo din nila yung mga Taiwan shops, eh syempre as a consumer dun ka na sa masarap talaga di ba.

Sorry nagrant na ako sa milk tea haha.

But seriously I hope maging successful business ni Mae, mukhang malaki investment nya. Tables and chairs pa lang 97k na.

tempaccount

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #583 on: July 03, 2020, 01:21:39 pm »
mahilig lang talaga sa branded si Acy pero mej sablay talaga siya sa ibang bagay. Lols pero nakakaawa na may sakit si Leigh, yan ang hirap talaga pag natanda na ang dogs.


Aww, anong nangyari kay Leigh? Siya yung oldest dog niya noh?

airish_2

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #584 on: July 03, 2020, 01:17:50 pm »
Tapos sumabay pa yung pandemic, sakto sa vlog nga ni DJ Cha Cha hindi pa sila sure kung isa lang isasara nila dahil baka madamay ibang branch. Nakakalungkot talaga ngayon panahon kaya risky talaga gagawin ni Mae layug pero nag start na kasi kaya siguro gusto niya ituloy na lang.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #585 on: July 03, 2020, 02:10:35 pm »
ah so kaya lumipat si mae layug ng bahay at nagrent  ay para malapit sa business niya sa bf homes? taga saan ba sya originally?
« Last Edit: July 03, 2020, 02:22:51 pm by jasminann_ »

muning00

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #586 on: July 03, 2020, 02:27:17 pm »
^ naka confined daw si Leigh, may enlarged heart possible daw na stroke un nangyare. critical condition na daw.

^ im sure na taga cavite si Mae, nakalimutan ko lang if bacoor or imus siya. sana mag boom pa din un business na kase sa totoo lang nakakaumay na ang milktea. or baka hindi lang talaga ko mahilig. Hahah if ever mag franchise ako Serenitea ang pipiliin ko, ang sarap ng finger food nila dun.

swarleyscherbatsky

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #587 on: July 03, 2020, 03:32:13 pm »
Ang alam ko yung Tea Talk business nila Acy and Viy ay partnership with the owners of Skin Magical. May milk tea biz rin sila at franchisee ng diff branches ang dalawang YTers.

Speaking of milk tea, I agree. Oversaturated na ang business. Before the pandemic, alam mong fad or trend lang siya. Something na hindi tatagal. What more now na iba na ang priorities ng consumers? Sana nga lang masarap para balik-balikan sila. Hindi lang dahil may following ang may-ari.

jelly_ace

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #588 on: July 03, 2020, 03:52:04 pm »
Hello mga sis!

Finally maka join din sa thread. Tagal ng lurker dito but anyway, pinanood ko yung latest vlog ni Acay because of the comments.

Here are my thoughts:

1) Hindi pantay ang makeup ni girl. Iba yung kulay ng face sa neck. Ayan kagad na pansin ko. I know, this has been commented a long time ago and ganun pa rin pala sya. Hahaha!

2) She bought humidifier for the plants? So she must really love her plants that much? But then again, humidifiers are supposedly created for humans not plants. I think better if she did more research if she really loves her plants.

3) I noticed she likes to buy a lot of stuff. I will not be surprise if in a few months/weeks/days eh punong puno na ang condo nila. For me ha, when you live in a condo, in every purchase and things you brought into the place, kelangan planado. Like they should have their own place/space and of course purpose. Otherwise, magiging cluttered yung lugar. But then again, she and geloy are just starting out so they will eventually learn that in the long run.

4) About the pool, yeah I agree. Medyo kadiri. But as she said, wala daw masyado gumagamit ng pool kasi konti pa lang ang unit owners (?) so parang feel at home sila. Pero ayun nga, kung kapitbahay ko yan, naku isumbong ko talaga sya sa admin. Lolz!

jasminann_

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #589 on: July 03, 2020, 04:01:16 pm »

3) I noticed she likes to buy a lot of stuff. I will not be surprise if in a few months/weeks/days eh punong puno na ang condo nila. For me ha, when you live in a condo, in every purchase and things you brought into the place, kelangan planado. Like they should have their own place/space and of course purpose. Otherwise, magiging cluttered yung lugar. But then again, she and geloy are just starting out so they will eventually learn that in the long run.


Tama yung isang sis na nagcomment dito sa thread. si ACy parang di sya napapakali pag wala syang bagong binibili o ginagastusan.  kaya nga life goal ko yan e kasi di nauubos pera niya kahit pa walang patid sa pag gastos haha. kumbaga parang wala na syang mahihiling pa lahat na sa kanya na
« Last Edit: July 03, 2020, 04:16:37 pm by jasminann_ »

jasminann_

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #590 on: July 03, 2020, 04:05:51 pm »
^ naka confined daw si Leigh, may enlarged heart possible daw na stroke un nangyare. critical condition na daw.

^ im sure na taga cavite si Mae, nakalimutan ko lang if bacoor or imus siya. sana mag boom pa din un business na kase sa totoo lang nakakaumay na ang milktea. or baka hindi lang talaga ko mahilig. Hahah if ever mag franchise ako Serenitea ang pipiliin ko, ang sarap ng finger food nila dun.

Ah ok sis. tapos saan nga ba ulit yung nirerentahan niyang bahay?

blue_girl

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #591 on: July 03, 2020, 08:17:43 pm »
Kung kapait bahay ko si ACy isusumbong ko talaga siya sa admin. Nothing against dogs pero unfair pa din kung gusto niya paliguan talaga yun dog gawin niya sa banyo or bumilis siya ng plastic swimming pool at gawin niya sa bahay nila huwag sa common area. Kapag sa amin yan for sure may malaki fine na siya at kung renter siya pwede kausapin ng admin yun owner terms for eviction siya for not following house rules.










blue_girl

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #592 on: July 03, 2020, 08:22:29 pm »
yun milk tean ni Mae sana mag succeed kahit over saturated yun market at sana may deliery service sila ngayon panahon ng pandemic kapag under ka pa naman ng food panda or grab may cut sila na 30% agad.

Yun pagrerent kung gusto na talaga nila mag upgrade at afford naman nila okay lang hirap din kase may additonal family member na sila baka they need more space at yun location benefits both of them. Yun pagrerenovate nun bahay na irerent honestly okay lang ako dun madami gumagawa nun by experience contractor kase asawa ko pero usually daw banyo at kusina lang. Ang mahirap lang diyan dalawa client kase may say din yun owner sa design change like paint color kahit renter lang yun magbabayad.

qtpie

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #593 on: July 03, 2020, 10:28:20 pm »
^^Cardo accidentally jumped sa pool so hindi naman siya sadya na pinaligo nila dun yung aso pero nakita ko yung IG story niya na kung saan saan side ng pool na nagpupupunta si Cardo pero hinahayaan lang nila hanggang sa tumalon nga yung aso. Sana bantayan nila maigi at hindi naman sa kanila lang yang pool na yan. I own my condo unit at unit owner or lessee ka, nakakapikon pag di sumusunod sa house rules yung mga neighbors mo.

sparks0711

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #594 on: July 04, 2020, 07:38:47 am »

2) She bought humidifier for the plants? So she must really love her plants that much? But then again, humidifiers are supposedly created for humans not plants. I think better if she did more research if she really loves her plants.


Ginagamit din po ang humidifier for indoor plants para ma-maintain ang humidity sa loob ng bahay. Masisira kasi ang plants pag mababa ang humidity level.


miss_mm83

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #595 on: July 04, 2020, 03:29:51 pm »
May gen2 na yung brushes ni ACz. Ganun ba kalaki ang market ng brushes? Feeling ko kasi pag may isang set ka na lalo kung hindi naman required sa work mo n naka plakado make-up ka... hindi mo kailangan ng madaming brush. Personally, I love to buy really good skincare kesa make-up. Kayo ba?

jasminann_

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #596 on: July 04, 2020, 05:33:27 pm »
May gen2 na yung brushes ni ACz. Ganun ba kalaki ang market ng brushes? Feeling ko kasi pag may isang set ka na lalo kung hindi naman required sa work mo n naka plakado make-up ka... hindi mo kailangan ng madaming brush. Personally, I love to buy really good skincare kesa make-up. Kayo ba?

Same here. I don't buy lots of brushes. Basta bumili lang ako ng alam kong quality and matibay kahit pricey and yun na yon. Bought that set 2017 and until now ok parin. No shedding no damage. I also invest more on skincare than makeup. Lalo ngayon, ang daming new makeup launches pero di nako bumibili kasi natatakpan lang ng mask eh. Kung for Zoom meetings naman I do think meron pa naman akong enough makeup and di ko kailangan magdagdag.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #597 on: July 04, 2020, 05:34:11 pm »
Sa Lazada may Maange brand makeup brushes. Parang ganun din naman brushes ni Anne Clutz. Mas mura pa nga yung Maange at positive din ang reviews.

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #598 on: July 04, 2020, 08:00:50 pm »
Here are my thoughts:

1) Hindi pantay ang makeup ni girl. Iba yung kulay ng face sa neck. Ayan kagad na pansin ko. I know, this has been commented a long time ago and ganun pa rin pala sya. Hahaha!

Its a normal day na lang na hindi pantay ang make up ni ACy sa mukha at leeg.  ;D

qtpie

  • Guest
Re: All About Youtubers/Vloggers (Thread 19)
« Reply #599 on: July 04, 2020, 09:39:36 pm »
Back in the day I used to collect MAC brushes. As in almost complete tapos na-realized ko later on na di ko naman nagagamit lahat lol So I buy what I need eh lalo pa ngayon sa panahon natin, hindi pwede magwaldas nalang ng pera ng ganun ganun nalang tsaka saan naman gagamitin. Saan ang lakad, te?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close