watch now

Author Topic: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)  (Read 100917 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #500 on: September 14, 2020, 02:08:17 pm »
^^Di ba nakakainis yung maligno-maligno stories nila?! Lalo na yung mga multo kuno na  nakikita sa Tiktok videos, pati yung may nakakatakot na boses. Pati pic ng usok na nagform ng kung ano pinapatulan.

^True Unang Hirit pati sa night news nila may ganyan din. Napapatanong na lang ako sino na naman yan. Maski pamangkin ko na 14yrs old di kilala kung sino yung tao na nasa TV.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #501 on: September 14, 2020, 02:39:18 pm »
Ang lalo pang nakakainis obvious naman na fake pinapatulan pa rin nila para magkaron sila ng content. Nakakadisappoint ang KMJS sa part na yan. Kaya nga di na ko nanonood ng Rated K dahil sa mga maligno tapos ginawa din ng KMJS. Important din talaga na may "stocks" of new dramas ang mga network. Hindi yung magshoot sila ngayon tapos airing na mamayang gabi. Sana narealized nila lahat yan ngayon.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #502 on: September 14, 2020, 03:03:32 pm »
pati sa pagnew news ng GMA...

May naalala nga ako dyan yung buntis na kapuso... Obvious na kung sino kasi kalat na nga sa socmed.... Parang ang kyeme sa headline pa "Sino naman itong kapuso na nagdadalang tao..."...  pasuspense, eh hindi ka na nga masususpense kasi kalat na nga sa socmed...

Mayroon pa yung parang naglakad galing  Maynila pabalik sa  probinsya, sa headline nila " blah blah..... Makakabalik kaya siya sa kanilang lugar? Abangan!" 



Mga artista nilang iba hindi marunong umarte,  nagagalingan lang ako dyan kay Dingdong, Alden. Si ALden naappreciate ko na nung movie nila ni Kathryn. Naku kung hindi pa ayusin ang pag aarte, lalamunin sya ni Kathryn.

Mga teleserye nila nakakaloka rin ::)


foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #503 on: September 14, 2020, 03:37:54 pm »
^may nga boo boo din pala sila sa news. haha! pero bakit laging ABSCBN tinitira sa ganyan? Ang di ko talaga kaya yung way ng pagbasa nila ng news. Naiirita ako.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #504 on: September 14, 2020, 03:52:22 pm »
Catchy ang news ng TV Patrol, tapos magaling sila makahikayat ng emosyon na yun ang wala sa 24oras.

Nung lumipat nga ako ng channel, parang ha?? Anung pinagsasbai ng mga to..napapaganun ako sa 24 oras tapos may mga nonsense pampahaba ng airtime .. Naloloka ako.

Pero nanonood pa rin kami sa GMA haha
« Last Edit: September 14, 2020, 06:31:13 pm by janachen »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #505 on: September 14, 2020, 04:23:22 pm »
^Wala naman ibang choice e. Mga matatanda dito sa bahay naghahanap talaga ng mapapanood na balita. They used to watch TV Patrol pero ngayon wala ng ibang option kundi 24Oras. Pero pagpatak ng 8pm pinalilipat na ng Marimar ng mom ko. Dati kapag TV Patrol pa bawal maglipat ng channel.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #506 on: September 14, 2020, 04:27:29 pm »
Pag TVP sa Youtube ko na rin pinapanood yung livestream nila.

kaisha

  • Guest
Re: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #507 on: September 14, 2020, 10:46:31 pm »
sino sino mga artista that transferred to other networks?

ano plan ng ABS CBN now?

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #508 on: September 14, 2020, 11:15:52 pm »
^sa big stars wala pang lipatan. Si Pokwang pa lang yata yung may pangalan na lumipat sa TV5.. medyo tahimik ang ABS Entertainment. Baka may pinaghahandaan.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #509 on: September 14, 2020, 11:18:00 pm »
I think not totally sila nagtransfer pero may show sina piolo, catriona, billy at ibang stars sa TV5. Ang alam ko parang rerentahan ba yung oras? Tama ba yung term... Like eat bulaga.
 
Tapos ang director nila from ABS din. 

Quote
ano plan ng ABS CBN now?
Naku matatagalan yan, manalangin sila na hindi taga admin ang manalo..LOL
« Last Edit: September 14, 2020, 11:22:43 pm by janachen »

notapussyKat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #510 on: September 15, 2020, 08:47:23 am »
Hindi ata sa TV5 management lumipat si Pokwang, kundi sa ATP (yung sa mga Tuviera) na block timer sa TV5. Kaya puro mga ATP talents ang kasama niya like Jose & Wally. Tapos yung talk show nila na chika besh, ang producer is sila Tuviera din.

Speaking of chika besh, nakapanuod ako sa YT ng episodes, magaling si Pokwang & Pauleen dun pero ang bland ng production. Puro salita lang, walang mga sound effects or kahit man lang yung mga pa background music para maging lively in between spiels. Boring din si Ria Atayde, sana palitan siya! 

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #511 on: September 15, 2020, 09:56:32 am »
si korina pala un pinalit sa show na dapat kay Kris.  nabasa ko lang naman sa twitter.

sabi naman mismong abs cbn ang naghahanap ng work para sa mga talent nila kahit sa ibang network pa un. curious nga ko sa biggest stars nila kung lalabas din ba sa ibang network.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #512 on: September 15, 2020, 12:05:23 pm »
^Sis sa TV5 ba yung new show ni Korina? Nakita ko kasi sa teaser guest si Korina sa show ni Luchie Cruz-Valdez sa TV5.

Mukhang artist ng ABS lilipat sa TV5 most likely baka execs din and mga tech guys. Pwede naman ata kumuha and mabayad ng timeslot ang ABS sa TV5 sana yun na lang gawin. Win-win solution yun.

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #513 on: September 15, 2020, 12:41:54 pm »
yes sis sa tv 5 si korina.
dame din chika sa twitter na nagbabawas ng tao sa gma kasi ipapalit un mga taga abs. im not sure if its legal by the law.

schizo_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #514 on: September 15, 2020, 01:38:52 pm »
Anyare sa Peabody Awardee na si Jessica Soho? Siguro masyadong confident kasi wala na silang kalaban kaya any any na lang.

Mukhang maiinis na naman si Kris A kasi asawa ni Mar ang pumalit sa kanya haha

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #515 on: September 15, 2020, 01:43:25 pm »
yeah, pinakaremedy yung magbayad sila ng timeslot. 

Quote
dame din chika sa twitter na nagbabawas ng tao sa gma kasi ipapalit un mga taga abs. im not sure if its legal by the law.

Yan ang kalurky. Papalitan sila para sa anong reason daw?

Quote
Mukhang maiinis na naman si Kris A kasi asawa ni Mar ang pumalit sa kanya haha

Warlalo ba sila?
« Last Edit: September 15, 2020, 01:45:14 pm by janachen »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #516 on: September 15, 2020, 02:01:46 pm »
^^^Ohhhh. Wala kasi ako Twitter kaya wala ako masyado alam. Nakikita ko nalang kapag nabanggit dito or na-share sa FB. Kawawa naman mga mawawalan ng work. Not sure kung legal kung aalisin sila, baka voluntary resignation or magoffer ng early retirement ang GMA to give way dun sa mga lilipat sa kanila. Saka baka kapag contractual employee wala na sila pananagutan kung aalisin maski matagal ng nagwo-work sa kanila.

^Matagal ng may issue kay Kris and Korina. Nagstart daw dun sa morning show na magkasama sila before. Frenemies sila. Lol.
« Last Edit: September 15, 2020, 02:07:54 pm by mysterioza_me »

nerddict

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #517 on: September 15, 2020, 02:05:30 pm »
May chika ngayon na Atong Ang ay magkaka-network na sya may-ari. And that they're hiring people.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #518 on: September 15, 2020, 02:12:07 pm »
kung totoo yan, sabi pa naman ng mga DDS maghanap na lang daw ng trabaho yung mga nawalan sa ABSCBN.. Oh ayan, nakahanap na pero may mawawalan pa rin kasi mukhang mas qualified yung mga taga ABS for the job.

may nabasa din ako sa twitter na yung It's Showtime and TVP mapupunta naman sa ZOE TV - kay Bro. Eddie Villanueva yata yan.

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #519 on: September 15, 2020, 05:04:28 pm »
Yan ang kalurky. Papalitan sila para sa anong reason daw?

siguro aminado sila na mas qualified at skilled un sa mga taga abs? haaay ang unfair pero kung contractual lang mostly ng employees nila eh wala silang laban.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close