watch now

Author Topic: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)  (Read 101224 times)

innocent_beauty

  • Guest
Re: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #420 on: August 30, 2020, 06:38:24 am »
Uhmm I don?t think so. Napapanood ko mga vlogs niya, oo maarte cya pero ibang level kaartehan niya sa preview. Trying hard to be Heart cya. Siguro akala niya pag preview need niya magpaka sosyal like Heart kaso hindi bumagay nagmukha cyang trying hard and copy cat.

hahaha in fairness natapos ko sya ibang iba sya sa mga vlogs nya..may mga hermes bags din sya dati kaya feeling mala heart din siguro =) kaso di bagay sa kanya  ;D
« Last Edit: August 30, 2020, 06:45:37 am by innocent_beauty »

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #421 on: August 30, 2020, 04:21:16 pm »
super idol niya si Heart, kaya siguro nakuha niya un ibang mannerism. siguro nga kala niya porket preview eh dapat sosyalan at englishan na. Lol pero mahilig talaga siya sa luxury items, un isang trip niya sa us halos isang maleta ata un napamili niya dun, sabe niya wag na daw isa isahin kasi hindi naman daw importante. sa preview lang sguro un chance niya maipakita un collections niya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #422 on: August 30, 2020, 04:30:06 pm »
^^Ako skip-skip panonood ko. Di ko keri arte niya dun. Actually mas maarte pa siya kay Heart dun haha.

Sinubukan ko panoorin featured video ng ibang vloggers and artista sa Preview, ang cute nung kay Janine and Pilita.

Naawa naman ako dun sa mga tumulong kay John Regala. Sila pa masama ngayon. Bakit kaya di hamunin ni Tulfo na magpa-drugtest si John R?

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #423 on: August 30, 2020, 05:07:44 pm »
irita talaga ko kay John Regala, sabi na eh something is fishy talaga about him. ungrateful siya,  kala niya ata porket celebrities eh daan libo ang ibibigay sa kanya. imbes na hanapin niya un balance bakit hindi nalang siya mag pa salamat? totoo talaga siguro un chika na mas gusto niya ang cash donation, un siya talaga ang hahawak ng pera niya. tama si elizabeth orpesa, mas may deserve na tulungan kesa sa kanya.

engaged na pala si melissa ricks, im happy for her.  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #424 on: August 30, 2020, 06:11:50 pm »
^Napanood ko yung interview ni Chuckie and nagbigay siya ng figures kung magkano binigay ng mga celebrities like Vic Sotto. Sabi ni John R di daw siya naniniwala na ganun lang ibibigay ni Vic sa kanya. Di naman siguro babanggitin ni Chuckie on cam ang amount kung hindi talaga ganun ang ibinigay ng tao. Kaya kadalasan ako ayaw ko tumulong, for sure kung may social experiment tungkol sa pagtulong bagsak ako.

innocent_beauty

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #425 on: August 31, 2020, 09:20:00 am »
^ hindi ko din gusto naging attitude ni john regala sa mag tumulong sa kanya sya na nga tinulungan di pa sya masaya hinahanap pa talaga pera , ano sa tingin nya gusto nya iba pa yung donation straight sa kamay nya iba pa yun pang hospital ? at saka bat di sya naniniwala na ganun lang binigay ng mga celebrities eh syempre may pandemia nagyon lahat gipit ano tingin nya bawat celebrities eh 1M donation or 500k each? may listahan naman,  di pa sya magpasalamat buti nga may tumulong pa sa kanya eh , dun nga sa ibang mas deserving walang natulong ,nun pa man ganyan na sya may attitude na, at saka sa tingin nya ba kung walang tumulong na ibang celebrities eh aakuin lahat ni sir raffy tulfo lahat.
« Last Edit: August 31, 2020, 04:36:54 pm by innocent_beauty »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #426 on: August 31, 2020, 10:28:31 am »
^True. Kinu-question niya yung nagastos sa ospital. For sure daw mas malaki pa yung natira kesa dun sa hinand over na amount sa kanya. And other people kinu-question na ginawa daw business ang pagtulong kay John R. Ewan ko for me no, kung may friends ako na ganyan, I wouldn?t mind na babawas sila as long as kumpleto ako sa food, meds and other supplies. Kasi di ko din naman pera yun, itinulong din lang naman sa akin yun. Napakamapaghanap niya. Saka negosyo naman talaga yang mga patulong at charities na yan. Look at ABS may tax rebate (di ko matandaan exact term) dahil sa charities nila. Ibang celeb nga nagpapa-auction pero di naman 100% binibigay sa charity may kita pa din sila.

Even Raffy T di mo masasabi na taos sa puso ang pagtulong, kumikita kaya ng malaki ang show niya dyan.

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #427 on: August 31, 2020, 11:23:00 am »
^ nagsalita na din unasawa ni chuckie, may breakdown na din naman binigay sa kanya. hindi pa din siya kuntento. ako din, hindi ko na hahanapin un balance, basta ba nabayaran un bills at kung ano pang need bayaran. napaka ungrateful talaga niya. wag lang magsawa tumulong un ex wife niya, pero sana wag na siya dalhin sa usa, sobrang abusado niya kase. nakakainis imbes na maawa ka.

kems na din ako kung sincere ba pagtulong nila, basta nakatulong. okay na un.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #428 on: August 31, 2020, 11:46:48 am »
^Yung ibang tao kasi nakiki-question kung sincere daw ba pagtulong ng mga celebs na yun. Ang accusation nila pinagkakitaan lang si  John R. Kaya nasabi ko na maski si Tulfo questionable ang sincerity dahil kung tutuusin siya ang mas nakikinabang dahil sa views. Walang utang na loob si John hahaha. Baka yung misis niya nacorner nalang yun e, wala ng nagawa kasi kapag di siya tumulong masasabihan pa siyang di naka-move on at nakapagpatawad.

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #429 on: August 31, 2020, 04:16:02 pm »
^ mukhang sincere naman saken un ex wife niya, baka nga maabuso pa siya. so tigil tigilan na sana ni John un paghahabol niya at magpasalamat nalang siya na may tumulong sa kanya, kaysa sabihin niya na hindi lang ganitong amount ibibigay ni celebrity. ako ang nahiya para sa kanya.  >:(

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #430 on: August 31, 2020, 07:55:18 pm »
mapapahiya rin si Raffy tulfosa ginagawa nyang yan. Maswerte na lang at may tumulong sa kanya.

Ok na yung maghanap sya ng black and white pero huwag nalang sana nya ibroadcast.

innocent_beauty

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #431 on: September 01, 2020, 04:16:02 am »
^ yan yung sinasabi nilang " ikaw na nga tumulong ikaw parin ang masama"  :).

lyrahs

  • Guest
Re: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #432 on: September 01, 2020, 11:08:45 am »
Mukhang talagang pera ang gusto ni John Regala. Kasi kung ako yan na maospital at may fund raising para sa medical needs and bills ko, di ko na papakelaman ang pera. Basta bayad ang bills at nabigay ang needs ko, ok na yun. Bat pa pag-iinteresan ang pera

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #433 on: September 01, 2020, 07:37:56 pm »
Wow ylona garcia nagwork na sa Mcdo. Kakabilib naman.

notapussyKat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #434 on: September 01, 2020, 11:01:59 pm »
Ano na bang nangyayari kay KC? Asan na yung elusive, mysterious, classic beauty and humanitarian KC na super idol ko nung high school ako?

Maganda pa din naman siya and may sense sa mga interviews niya pero bakit sa IG sa mga post niya panay pakita siya ng boobs, pa-sexy at todo aura na hindi naman niya bagay and hindi bagay sa lugar (Full make-up and street wear sa the farm, the corset na ipit,and now this photo). Nalulungkot lang ako. Para na siyang Kardashian :-[

http://www.fashionpulis.com/2020/09/insta-scoop-kc-concepcion-says-much-has.html

krisslorr

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #435 on: September 02, 2020, 01:35:55 am »
Ano na bang nangyayari kay KC? Asan na yung elusive, mysterious, classic beauty and humanitarian KC na super idol ko nung high school ako?

Maganda pa din naman siya and may sense sa mga interviews niya pero bakit sa IG sa mga post niya panay pakita siya ng boobs, pa-sexy at todo aura na hindi naman niya bagay and hindi bagay sa lugar (Full make-up and street wear sa the farm, the corset na ipit,and now this photo). Nalulungkot lang ako. Para na siyang Kardashian :-[

http://www.fashionpulis.com/2020/09/insta-scoop-kc-concepcion-says-much-has.html

sis, yan daw ang totoong KC. high school days pa lang daw ganyan na pumorma si KC and hindi lang aware ang public that time kasi wala pang social media noon. i agree, para na nga siyang Kardashian maybe sila ang inspo niya. well, as long as she's happy...

Starliiight

  • Guest
Re: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #436 on: September 02, 2020, 08:40:19 am »
^^feeling kylie jenner siya sa posts niya. ang trying hard ng dating for me, lalo na farm/nature yung background niya so parang may disconnects sa mga suot niya. lol pero napanood ko yung interview niya with g3 san diego sa youtube, okay talaga siya sa interviews. and ang open niya dun ha. mukhang love pa niya si pierre, kasi hindi niya kaya pag-usapan.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #437 on: September 02, 2020, 10:16:04 am »
Masyado lang mataas ang expectation ng mga tao sa kanya. Kung san sya happy, go lang. Kaya ang daming dumadaan sa depression dahil gusto ng ibang tao perfect sya sa panlabas. Baka yan na talaga sya at yan ang gusto nyang peg

xtine

  • Guest
Re: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #438 on: September 02, 2020, 04:04:59 pm »
I agree with you sis.

Masyado lang mataas ang expectation ng mga tao sa kanya. Kung san sya happy, go lang. Kaya ang daming dumadaan sa depression dahil gusto ng ibang tao perfect sya sa panlabas. Baka yan na talaga sya at yan ang gusto nyang peg

lyrahs

  • Guest
Re: Re: Latest Showbiz Update (thread 67)
« Reply #439 on: September 03, 2020, 02:28:01 pm »
Nakita ko lang sa GMA News, tinangayan si Gladys Guevarra ng pera ng partner nya. Grabe naman. Alam ko engaged na sila tas tinangayan sya ng pera

 

Latest Stories

Load More Stories
Close