watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)  (Read 142862 times)

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #480 on: April 29, 2020, 11:38:52 am »
Napasilip tuloy ako sa vlog ni ACz mukang positive naman mga comment doon 😁 pero di ko na pinanood di ko bet mga ganon pati ba naman yun may reaction pa? Clickbait ba niya yung sa thumbnail?

Andi Venice

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #481 on: April 29, 2020, 12:29:42 pm »
RE: ACay Plants, I have a lot plants sa condo ko. There's nothing wrong with buying and putting them inside the houses. It's up to her kung paano niya aalagaan. If she is to busy of course kelangan niya talaga ipaalaga yan sa helpers niya.

ACz, okay naman maging "sexy mom" pero wag naman masyadong show off or Toni Fowler level na.

stephyes89

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #482 on: April 29, 2020, 01:15:22 pm »
Nauuso ata content kasi ngayon sa mga couple yung ganung reaction video pero alam ko hindi naman mismo yung gumagawa ng content ang papanoorin at wala pa ko nakitang thumbnail na sila mismo nagpa sexy. Yung kay Viy Cortez lang pinanood ko then check lang nila ano reaction ng mga partner nila pag pinanood ibang babae na nag my heart went oops.

Nagbasa ako ng mga comment sa ig ni ACz nacurious kasi ako sa sinabi ng isang sis dito. Ako lang ba ang medyo napa question mark dun sa pagtatanggol ng ibang fans ni ACz na okay lang siya magpa sexy image dahil she?s growing daw??? meron pa dun sumagot na bawal na daw ba mag grow? Nagsabi kasi yung commenter na mas gusto daw nya dating ACz na simple lang. Ganun na ba mag grow ngayon?

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #483 on: April 29, 2020, 01:30:20 pm »
Pinutakte ng comments si ACz sa instagram niya  ;D as in umuulan ng hate comments ahahaha


airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #484 on: April 29, 2020, 01:34:47 pm »
Kaya di ba dapat may niche yung vlog parang hindi bagay sa family vlog nagrereact pa sa ganyan tapos si kitz pa sana kung si Jeya tapos may lesson ganern yung lesson ata na nakuha ng viewer eh biniboost ni Kitz confidence ni Acz dinaan lang sa reaction pero bet talaga ni Acz yung mag ganyan 😁

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #485 on: April 29, 2020, 02:34:03 pm »
ACy - ganun talaga pag marami disposable cash...gagawin kung ano maisipan gawin, bibili ng mga usong bagay, sasabay sa lifestyle ng mga sikat... maraming pwedeng waldasin na pera eh tapos lumaki pang sheltered si madam.

ACz - di ko na sya pinapanood pero tiningnan ko vlog channel nya, thumbnail pa lang nung latest video kadiri na. Sana kung ganun na image nya dati pa maiintindihan ko. baka gusto nya maka-level yung mga vlogger na magpo-post ng sexy pic. Alam nyo na para di mapag-iwanan, ang boring nga naman kasi ng vlogs nya at hindi rin nya kaya gumawa ng substantial content kaya magpapa-sexy na lang sya. Hot mama ba peg nya, bakit ang cheap ng kinakalabasan? Pilit eh. Kung may mga nagsasabi na nag-grow si ACz dahil iba na image nya, ka-level lang din sila ni ACz. Nasan ang growth dun? yung bank account lang naman nya lang nag-grow. May napansin ba kayong self-improvent sa kanya? Ako wala. Pati pagiging ma-L ng asawa nya proud pa syang ipakita.

Feeling ko kaya nagbago si ACz kasi na-deprive sya sa mga ganyang bagay. Maaga kasi sya nagkaroon ng sariling pamilya tapos sakto lang sa basic needs nila yung kinikita ni kitz. imbes na ine-enjoy nya early twenties nya, nasa bahay sya at nag-aalga kay jeya. wala rin sya sariling income nun. Kaya ngayon na marami ng syang pera, ngayon sya bumabawi sa experiences. Yun lang kailangan nya makipagsabayan sa mga mas bata dahil baka walang magka-interes sa boring na buhay nya.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #486 on: April 29, 2020, 04:59:56 pm »
^I also think kaya siya ganyan kasi hindi niya na-enjoy ang singlehood.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #487 on: April 29, 2020, 06:50:32 pm »
Sis sunnypan, mukhang tama ka nga sa observation mo re: ACz. Yan yung mga hindi niya nagawa before so ngayon nalang niya gawin. Hirap lang din kasi may dalagita siya.

miss_mm83

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #488 on: April 29, 2020, 07:17:54 pm »
Ano ba naman si ACz!! Gusto kong maghanap ng atchara pang tanggal ng umay

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #489 on: April 29, 2020, 09:07:57 pm »
grabe un pregnancy journey nila Rhaze and Dan, naka 2 cycle sila. new cycle, new payment. Grabe i cant imagine how heartbreaking un 1st cycle nila, even the negative results nun natural way nila. Ang mahal ng baby nila na un  ;D blessed din sila na may funds sila for IVF, nagbabasa ko ng comment un iba talaga ilan years na wala padin baby and hindi rin afford ang IVF. So happy for them.

sobrang frustrating din un first clinic nila, okay lang ba na mali mali ang records nila?  >:( imbes na makatulong sila sa couple eh lalo lang nila pinahirapan. if ivf need talaga physically, mentally at financially ready ka.

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #490 on: April 29, 2020, 10:23:04 pm »
Mabusisi din mag alaga ng plants. Hindi lang siya basta didiligan mo. Dapat may passion ka din to take care of them. Parang hayop din, lagi mo rin sila aalalahanin. I bet kaya binili ni AC yung mga plants na yan dahil mahal siguro. Gusto patunayan na kaya niya bumili ng mahal na plants. Lets see how long siya mag lalast sa new hobby niya. A essential oils nga naka ilang buwan lang siya.

Medyo di kasi bagay sa background ni ACz yung pag tiktok ng naka bra. I mean sa iba okay yun, pero sa nature niya parang ang off lang. for entertainment talaga. Para lalong sumikat.


liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #491 on: April 29, 2020, 11:10:03 pm »
parang may condition si ACy, kapag kasi ngkainterest siya sa isang bagay overreaction or over siya sa pagbili. dati sa makeup lang yung mga haul niya dati na isang haul lang more than 100k worth agad. tapos oils, gems now plants parang OA kasi diba normaly naman sa tao eh itatry lang muna sa umpisa, collectors lang naman usually ang maraming binibili ng interest nila pero kahit collectors gradual rin ang pagbili.

True, siguro because marami syang pera na pwedeng waldasin. Nakakagulat talaga sya gumastos pag may naisipan sya, over the top kailangan meron syang complete set agad. I remember before meron din syang sariling archery bow and arrow, I thought Philippine team sya or nagkocompete yun pala nag aarchery lang sa mall range lol. Ano pa ba, makeup trolley na never ata nyang nagamit, airbrush makeup, essential oils, crystals etc.

Pinanood ko yung video ni Anne C. hay! Okay lang sana kung wala syang anak na dalagita. Di ba nya naisip kung mabully si Jeya because of her videos?
« Last Edit: April 29, 2020, 11:13:44 pm by liana »

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #492 on: April 30, 2020, 01:18:23 am »
May nag comment pa sa IG na si Ina Raymundo nga mas grabe eh, si Ina naman sexy star talaga nung dalaga mas tame nga ngayon compare before. Off lang talaga na hindi ka naman pa-sexy dati tapos ngayon puro pa-sexy hindi naman body shaming pero yung content i-akma niya sana like what if classmate ni Jeya makapanood at kung sana noon pa lang ganyan na personality niya which is sobrang layo talaga.

Rychroxx18

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #493 on: April 30, 2020, 02:22:26 am »
Namention ni ACy sa latest vlog nya na yung mga plants daw sa filming room nya na muntik na mamatay yung helper nila ang bumuhay.

I bet ngayong ECQ lang nya maaasikaso mga yun then pag lifted na at pwede na gumala mapapabayaan na din nya at yung helper na ang magaalaga.

Oo nga no, now that you guys mentioned it, ningas kugon nga pala talaga si madam. Pag sawa na move on to the next hobby or interest. Sabagay madami naman syang pera kaya wala syang pakelam sa gastos. Remember also her Hermes phase?


qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #494 on: April 30, 2020, 06:25:21 am »
Natawa ako dun sa archery sa mall! True ba? hahaha

Wala ngang improvement si ACz. Makeup skills = zero. Vlogging skills = questionable for me kasi wala naman kalutay lutay nangyayari sa vlog niya kaya ayan kung ano ano na naiisip para mapag-usapan at maging relevant.

Napanuod niyo pala yung prank video ni Shek? Na-off lang ako sa sinabi ni Charles dun. Yung inopen niya shirt niya then sabay sabi na "mukhang squatter" yung look niya.

liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #495 on: April 30, 2020, 09:39:25 am »
Natawa ako dun sa archery sa mall! True ba? hahaha


Yes, sis true yan. Nasa vlog nya yan before, as in full set huge bow and arrow case ang meron sya.

O R E O O

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #496 on: April 30, 2020, 11:34:22 am »
Medyo stress ako kay RAB sa alcohol nya, kulang na lang maligo siya sa alcohol. Sis RAB, may zonrox po, puwedeng yon ang pang substitute mo pamunas ng mga tables at mga pintuan mo sa bahay. Mas lalo ako nabother when she said na mas okay lang daw maglasang alcohol kaysa maglasang virus. Napa SMH ako! Hindi sa lahat ng oras alcohol lang puwede maasahan marami pa naman, may safeguard, zonrox etc. Pagna over ka sa amoy ng alcohol, puwede siyang mamatay din don, yes! safe na safe siya sa virus. Why not! choknut. Sablay siya sa part na yan pero the rest of her video naman helpful kahit pano bawasan lang sana nya kaka alcohol. Use alcohol when outside or needed talaga.

sunnypan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #497 on: April 30, 2020, 12:06:49 pm »
Natawa ako dun sa archery sa mall! True ba? hahaha

Wala ngang improvement si ACz. Makeup skills = zero. Vlogging skills = questionable for me kasi wala naman kalutay lutay nangyayari sa vlog niya kaya ayan kung ano ano na naiisip para mapag-usapan at maging relevant.


Oo, may vlog yun nung early YT years nya. At nag-enroll pa si ate girl sa professional makeup school sa BGC para maging pro makeup artist kaya bumili din sya ng makeup trolley. proud pa nga sya nun kasi magkakaroon na daw sya ng sarili nyang career. pero fickle minded si girl, hindi naman nya napanindigan. di nga naman madali maging makeup artist kaya dun sya sa easy money: parent's business & YT.

ACz - di man lang mag-enroll sa short course makeup class para mag-level up skills nya. akala ba nya magaling sya mag-makeup dahil ilang taon na nya yun ginagawa? madami na kasi subs at umaabot din ng mahigit 100k views kada video nya kaya kikita parin sya. sa dami nyang pera pwede sya mag-enroll sa iba't ibang workshop kung saan madadagdagan yung kaalaman nya. pero mas pinipili nya makisabay sa mga usong trip. 
« Last Edit: April 30, 2020, 12:10:07 pm by sunnypan »

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #498 on: April 30, 2020, 12:54:47 pm »
^^Yan na yan din sinabi ko about sa vlog na yan ni RAB! Yung ok lang maglasang alcohol kesa maglasang virus. Eh ano ba lasa ng virus? haha

helloehm

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 18)
« Reply #499 on: April 30, 2020, 04:16:56 pm »
I don't think she said na gusto niya maging MUA. Gusto niya lang mas matuto mag-makeup kaya siya nag-enroll.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close