watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)  (Read 108880 times)

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #580 on: March 27, 2020, 09:01:38 pm »
^^Haha tawang tawa ko, sis! Sa mga bagets mabenta yan eh. Personally, hindi ko bet pero hindi rin naman ako ang market ni Rei. So kebs. Lol

I like MD too. Can't say I'm a fan kasi may mga ganap din naman siya na hindi ako agree pero ang maganda sa kanya, she owns who she is. Hindi siya ipokrita. Gusto ko rin pagiging praktikal niya. Marunong sa pera and hindi humble bragging. Tyaka napansin ko siya lang yata yung makeup guru na lagi nagsasabi na sa highschool viewers niya, okay lang yung powder and lip tint muna and hindi muna kailangan mag-invest sa mamahalin na makeup. For me, that's very responsible.

To be fair kay ACz, nag-tweet na yata siya tungkol sa pag-donate, etc. Ewan if may nasabi na siya sa vlog niya since hindi pa ko nakakanood ulit.

Madness

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #581 on: March 27, 2020, 10:19:47 pm »
Anong vlog yung sis? kwento.

Oh, I just checked and burado na pala talaga videos ni Geloy (or his channel)

Hindi ko na maalala about what yung video ni Geloy (wala ring kwenta malamang). Pero he was vlogging that time. Tapos sobrang sungit ni Anna sa video. Fan kase ako ni Anna dati. Lahat ata ng videos nya napanood ko. Tapos when I saw that video, ay teka, may mali. Bakit ang sungit nya sa video na yun. Ang dami nakapansin. She even tweeted about it. Tapos sabi nya, bakit hindi daw sya pinagtanggol ni Geloy.

Sa isip-isip ko naman, pano ipagtatanggol ni Geloy, yun naman talaga ang ugali mo, girl. Yun lang haha


Yung mga post ni Rei Germar sa ig puro naka nguso. Maganda ba? Di ko kasi bet.

Di ko rin type yung pa-nguso at inaantok pose ni Rei. Lahat ng pictures nya ganun. Pero nagagandahan din ako sa kanya.

^^ napansin ko siya lang yata yung makeup guru na lagi nagsasabi na sa highschool viewers niya, okay lang yung powder and lip tint muna and hindi muna kailangan mag-invest sa mamahalin na makeup. For me, that's very responsible.

Oo nga sis! Which I appreciate kay MD kase ang dami nyang viewers na bagets. Pero di rin ako avid fan ni MD. Nood nood din every now and then lang.

 Hindi naman masama na mag-aim ng luxury goods, kanya-kanyang priorities lang naman yan, pero siguro -- aware ba si ACy na baby bra mga warriors nya? Kase "ate"  ang tawag sa kanya. Or di na naman sya intouch sa reality? Paki ba nya hahaha  :P

May pinapanood ako na videos ngayon, yung kay It's Me Abby. Napadaan lang ako sa videos nya tapos ayun, pinapanood ko na lalo ngayon na lockdown.


addlczzz

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #582 on: March 27, 2020, 10:59:04 pm »
Mga sis!! Watch niyo vlog ni Alex. Yung bungad palang ng message nya sobrang sapul. Tapos gulat ako, wala ni isang ads sa video niya.

addlczzz

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #583 on: March 27, 2020, 11:33:27 pm »
https://myx.abs-cbn.com/features/22992/7-things-you-should-know-before-organizing-your-ow

"#GandangBardagulan2020 donation drive gathered around P500,000 in just three hours. Yep, that's what happens when people use their platform for the good!"

Featured yung mga youtubers na nag conduct ng donation drive. Ang galing lang kahit yung iba di naman ganon kadami ang followers. :)

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #584 on: March 27, 2020, 11:39:25 pm »
^Maganda yung pagkakasabi ni Mae Layug na walang masama kung gusto mo ng luxury items and wala rin masama kung hindi mo siya hilig. Ang masama is yung bumili ng hindi mo naman afford or kung kinakalimutan mo yung ibang responsibilities mo para lang mapagbigyan yung luho mo. Maganda yung message na yun. For me, yung likes nina Anna Cay, Ry Velasco, etc dapat sinasabi rin nila yun sa viewers nila lalo na kung marami silang young impressionable teens na pinapanood sila. Totoo naman kasi na Youtube promotes consumerism which is hindi maganda, especially sa mga students pa lang na wala pa naman talaga pambili.

Nicon888

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #585 on: March 28, 2020, 12:52:58 am »
Do you guys remember Peevee dela Rosa. I think she?s back to vlogging. Good! She makes sense. Look at that lady, if you notice before pa sya Puro signature din Ang bags Pero hindi mayabang Ang dating or humble brag Ang dating sa akin. Hope she vlogs more.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #586 on: March 28, 2020, 02:12:43 am »
Nagdonate yung family ni Anna ng isang malaking truck ng bigas 380 kaban. Hindi pa ba sapat na tulong yun? Hayaan na muna natin na humble brag siya na influencer importante nagdodonate at nakakatulong mapapoints man yan or what.

louvieee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #587 on: March 28, 2020, 03:19:12 am »
Ang punto kase e hindi naman about sa pagdodonate nya, kase alam naman ng lahat na magdodonate sya. Ang punto e nanahimik na lang sya mula nung pumutok yung issue about sa covid. Samantalang yung ibang mga influencers e halos araw araw nagrerepost ng mga nanghihingi ng donasyon. Hindi nya ginamit yung platform na meron sya para maencourage ang mga followers nya to help or paalaalahanan man lang sila about social distancing o ano. That?s how I see it.

Last na comment ko na rin to about dyan kase paulit ulit na lang e. Haha. Basta one thing?s for sure, para sakin hindi nya deserve na tawaging influencer.

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #588 on: March 28, 2020, 03:43:54 am »
Do you guys remember Peevee dela Rosa. I think she?s back to vlogging. Good! She makes sense. Look at that lady, if you notice before pa sya Puro signature din Ang bags Pero hindi mayabang Ang dating or humble brag Ang dating sa akin. Hope she vlogs more.

napa search ako sa youtube nya di ko kc kilala sya..yayamanin din sya pero eto talaga yung sinasabing humble or simple lang..si anna cay pa simple yabang sinasadyang pahaging sa mga luxury item nya sa vlog nya para may masabing meron syang item na luxury, meron isang vlog sya may bag naman dala since wallet nya is hermes bitbit nya talaga wallet nya habang namimili ng damit =) kakaloka si ateng...ika nag si chinky positive eh " mga mayayaman humble lang sila "

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #589 on: March 28, 2020, 03:51:51 am »
Did you all see Madam AC latest IG story promoting her "Current Favorites" vlog?

" Hi Guys! This is AC! I hope you're well and safe! PERO for today, I'll be sharing you my current favorites! "

My golly. Ayan na. Bebentahan na naman tayo mga siz!!

ilovejapan

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #590 on: March 28, 2020, 04:52:59 am »
And now Acy.. ask her Followers to please watch her humble vlog..

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #591 on: March 28, 2020, 05:03:46 am »
Ganun ba talaga kahina ang reading comprehension ng mga Filipinos?

No one is asking or forcing her to donate but to call for donation. Magkaiba yun. Nung simula mag-quarantine ang Metro Manila, ano bang ginagawa niya? My god... last ko na about dyan kay Madam. Paulit ulit parang yung mga tao tamad magbasa tapos mag-argue na kesyo ganito ganyan eh hindi naman binasa comments ng mga tao dito lol

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #592 on: March 28, 2020, 05:39:43 am »

Madam, alam namin may pera ka, kung ayaw mo tumulong o gamitin ang socmed me to call for donations gaya ng ginagawa ng ibang influencers, pwede manahimik na nalang? Hindi naaayon sa panahon na to.

Sis, reading comprehension? E eto nga nagbackread lang kasi ako kasi madaming nagquestion sa kanya about sa pagtulong. Totoo naman napakayabang ni Anna Cay buwiset na buwiset din ako naman ako sa travel niya sa Russia kahit magbackread pa isa ako nagcomment dun. Pero dun lang ako sa nagsabi na di ginamit platform niya sa pagpromote ng donation drive. Eh sa kanya ko nga nalaman yung grab points kaya ako napadonate din dahil ko naman alam na pwede pala. Ang akin lang maliit na post man or mahaba tulong pa din yun.

Millionaire

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #593 on: March 28, 2020, 06:25:10 am »
hayaan na lang natin c anna cay.  malaking bagay din na donate nila.  kung ayaw nyang gamitin platform nya,  its her choice.  [textspeak!] namang na call out na rin attention nya regarding sa paggamit ng influence nya sana.  kaso nganga.  wala akong finofollow sa kanila,  unsubscribe na lang mga sis.  ako personally,  tumutulong din ako,  pero ayokong tumulong ng dahil lang sa prinepressure ako ng lahat.  ginagawa ko ang pagtulong ng bukal sa dibdib ko.  kaya kung c anna cay ayaw nyang ibroadcast,  o ayaw gamitin influence nya,  nasa sa kanya na yun.  lipat na lang [textspeak!] ng ibang influencer na like naten :)

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #594 on: March 28, 2020, 06:39:41 am »
^You need to check yung timeline. Kelan ba niya ginawa yang sa points at kelan ba sinasabi ng mga tao dun yung inaction niya for calling for donations? Yun kasi ang punto dito pero kung saan saan niyo dinadala yung issue lol

If you're going to quote my comment, i-check mo kelan ko sinabi yan at kelan nag-simula yung Grab points niya. March 25 yang post ko while March 27 yung Grab points niya. At di ko alam bakit naka-single out yang comment ko lol Eh palagi ko naman siyang sinasabihan na itigil na ang kayabangan mas lalo't sa panahon na to. My god... paulit ulit nalang ako.

krisslorr

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #595 on: March 28, 2020, 07:02:11 am »
infairness, okay naman yung latest vlog ni ACay. walang humble bragging, walang product promotion. meron din cya mga ilang pointers and advices on what to do during quarantine. may natutunan din ako about sa pag-marinate ng porkchop and chicken tsaka bawal pala magspray ng lysol malapit sa mga pets. sana lang ginawa niya itong awareness vlog na ito ng mas maaga para sana hindi na cya napuna. kasi parang tingin tuloy ng iba napipilitan lang cya mag-vlog about this pandemic issue sa pananahimik niya. natakot siguro siya dahil sa dami ng backlash sa kanya regarding sa insensitive russian travel niya. 

EDIT: March 19 pa pala yung vlog niya kaya lang late upload. so i think tinatry rin naman nya mag-bring ng awareness ng maaga kaso wala si Mico para mag-edit ng video. and knowing her, may pagka-tardy talaga cya.
« Last Edit: March 28, 2020, 07:23:12 am by krisslorr »

piknik

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #596 on: March 28, 2020, 07:18:18 am »
Sis, reading comprehension? E eto nga nagbackread lang kasi ako kasi madaming nagquestion sa kanya about sa pagtulong. Totoo naman napakayabang ni Anna Cay buwiset na buwiset din ako naman ako sa travel niya sa Russia kahit magbackread pa isa ako nagcomment dun. Pero dun lang ako sa nagsabi na di ginamit platform niya sa pagpromote ng donation drive. Eh sa kanya ko nga nalaman yung grab points kaya ako napadonate din dahil ko naman alam na pwede pala. Ang akin lang maliit na post man or mahaba tulong pa din yun.

Ang point kasi ng ibang girl talkers is, nananahimik lang and not using her platform to spread more awareness, how to donate, etc. etc. kasi kahit ako nagccringe sa mga ig story niya na pahumble brag ng sofa niyang may hermes pillows, luxury bags niya na ibebenta niya.. hindi kasi napapanahon. tapos nung may nag call out sa kanya dun sa newest post niya sa ig, dun lang naman sya talaga nag ig story ng pasaglit ng mga kung pano mag donate (like grab points, globe rewards). kumbaga kung walang nag call out, ewan ko lang kung maiisip niyang gawin yung tatlo o apat  niya na ig story about donation via globe rewards at grab points. anyways last ko narin to about her, unfollowed her every where narin naman

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #597 on: March 28, 2020, 08:41:50 am »
Yung mga post ni Rei Germar sa ig puro naka nguso. Maganda ba? Di ko kasi bet.

Haha. Hindi maganda. Lalo na kung lahat ng photos mo ganun  iisa ang ichura

pinkwonderland

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #598 on: March 28, 2020, 08:45:59 am »

pretty empress

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 17)
« Reply #599 on: March 28, 2020, 11:02:25 am »

Bakit parang nagagalit kayo pag may gtalker na hindi agree sa inyo? Para kayong bullies. Di ko naman masisisi kung yun lang din napapansin ng tao kasi sunud-sunod yung posts about what influencers must do lalo na si Anna Cay. Agree naman ako dun sa sana di na siya nagtravel. Isa pa nga ako sa naiinis din sa kanya pero after that bumalik na naman sa dati. Bags niya, shoes niya, yabang niya etc. Hindi ako si Anna Cay ha. Matagal na ko nagpopost dito sa thread. Pero ang daming ngayon lang nagpost dito mula nung maumpisahan na naman si AC.

Pansin ko nga din yan sis, ok lang sana okrayin mga influencers sa mga maling ginagawa pero wag naman sana i attack yung hindi pabor sa posts nyo. Di naman kailangan lahat e pabor sa pov nAtin yung iba gigil na gigil pa lolssss!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close