kahit naman ano gawin ng mga influencer may masasabi pa din ang tao sa kanila. tama naman na dapat ginagamit ang platform nila to inform others pero may times na ginawa naman nila pero mali pa din sila. just saying my opinion kc mostly ganun ang nababasa ko. we can criticize influencers pero wag to the point na parang fault nila lahat ng nangyare. they have social responsibility but let them do it on their own way. ndi kc nakakatulong ang pagpuna sa kanila. imbes na magaan sa loob nila na tumulong eh nagiging burden ang pag iisip nila sa sasabihin ng ibang tao like she?s bragging or nakikiride lang para sa content. can we stop the crab mentality and focus in helping each other?
May I ask WHO you are pertaining to?
Kasi let's say si Madam nasa isip mo ha at siya naman hot topic dito so gawin ko na siyang example ha...
1. kahit naman ano gawin ng mga influencer may masasabi pa din ang tao sa kanila.
- May ginawa ba siya? Nung may nag-comment na tao about donation, defensive sagot niya. These past few days nakita ko kung gaano kasipag sa IG stories ibang personalities. Kung sa Youtuber, nakikita ko almost everyday si Camille Co calling out for donations eh yung si Madam? Nakita ko luto luto, pakita ng luxury goods, exercise tapos pakita syempre ng Yeezy, makeup tapos may pa-giveaway pa. So tanong ko, anong ginawa ng idol mo?
2. tama naman na dapat ginagamit ang platform nila to inform others pero may times na ginawa naman nila pero mali pa din sila.
- Hindi naman siya ino-obliga mag-donate diba pero sana use their platform and their voice to reach out to their fans o baka kasi puro baby bra ang fans ni Madam kaya walang pang-donate? (joke) And again, may ginawa ba siya? Nung bago palang yung quarantine natin, puro pagkain pino-post niya. Paki korek ako kung hindi ko napansin na may ginawa siya regarding donation.
3. just saying my opinion kc mostly ganun ang nababasa ko.
- Parang selective yung binabasa mo. Saan mo nabasa, dito? Kasi basa ka ulit, wag tayo mahina sana sa reading comprehension. Ang mga comments dito if you notice eh maayos.
4. we can criticize influencers pero wag to the point na parang fault nila lahat ng nangyare.
- May nagsabi bang kasalanan ni Madam na nag-quarantine tayo? Kasalanan ba ni Madam na may Covid-19? Siguro ang malaking kasalanan niya yung pagiging insensitive niya. Nung umalis siya habang pataas ng pataas ang cases ng Covid-19. Yung insensitive siya sa mga nangyayari lalo na sa mahihirap kasi todo flex siya ng kayamanan niya; na sobrang comfortable ng pamumuhay niya.
5. ndi kc nakakatulong ang pagpuna sa kanila. imbes na magaan sa loob nila na tumulong eh nagiging burden ang pag iisip nila sa sasabihin ng ibang tao like she?s bragging or nakikiride lang para sa content.
- Kung ang pagpuna sa kanila eh para gumising sila sa social responsibility nila as so-called "influencers" eh maigi nga yun. Yung iba kasi deadma lang. Nung nag-donate siya sa Taal nun, dami nag-commend sa kanya dito. Again, basa basa din kasi.