watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (thread 66)  (Read 138788 times)

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #520 on: March 19, 2020, 05:09:14 pm »
nakakabilib talaga si Vico, baguhan pero kung kumilos parang matagal na sa posisyon. critical thinker at may empathy sa tao. he looks so frustrated sa interview niya about sa tricycle, and well mocha and the gang nakahanap ng butas para iattack siya. hindi ako taga pasig pero naappreciate ko un mga ginagawa nia. im from bacoor, cavite, hello naman sa mga revilla. paramdam din hindi lang sa botohan. Lol


foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #521 on: March 19, 2020, 10:16:19 pm »
^baka nasa residence nila sa Ayala Alabang mga Revilla kaya di makapunta sa Cavite. Haha

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #522 on: March 19, 2020, 10:29:26 pm »
Mukhang ok naman pala ang suggestion ni Vico na hayaan magbyahe ang mga trike kasi hindi lahat ng healthworkers may car. Maski yung mga pumapasok sa banks and groceries iniisip ko paano sila nakakapasok ngayon.

^^Oo nga no, ano na ba nangyari sa mga Revilla? After ng election saka yung pagbalik sa showbiz (na na-bashed siya at pinagtanggol ni Lolit Solis) wala na akong nabalitaan pa sa kanila. Ngayon ko lanh sila naalala uli.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #523 on: March 20, 2020, 06:36:33 am »
Im from Pasig. We appreciate all the efforts of Mayor Vico. He launched yesterday yung donation drive for old bikes. Bka may magdonate for the frontliners since sinisita sya about tricycle.   

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #524 on: March 20, 2020, 10:14:06 am »
may point naman talaga si vico kung bakit niya gusto payagan ang tricyle, sabe pa nia if makapag provide ang national goverment ng transpo ititigil niya kaso nga wala naman talagang pnprovide, ang alam lang ibash at kontrahin siya. threatened sila kay vico.

well here is the update: Lol namigay si mayor lani mercado ng isang kilong bigas, tig isang delata at noodles. yes tig isa po. kulang daw kase ang budget ng city. eh ang kapal ng muka. bat kaya hindi siya mag out of pocket tutal barya lang naman un sa milyones na ninakaw nila.

at may parinig pa si lani na kesyo hindi daw siya mahilig mag social media ng mga ginagawa nia. eh wala din naman siyang ippost kase wala naman silang ginagawa- triggered na taga bacoor, cavite  >:( ;D ::)

ps. wala pong kalaban ang mga revilla dito kaya sila ang nanalo.
« Last Edit: March 20, 2020, 10:22:54 am by muning00 »

Starliiight

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #525 on: March 20, 2020, 10:22:17 am »
^Kakapal. Nung nangangampanya mga pultiiko na 'to gamit na gamit social media at pa-TV dito, pa-TV doon. Lahat publicized. Tapos nung hinahanapan na ng aksyon nung nanalo, biglang sasabihin hindi lang sila mahilig sa social media? Excuse me, responsibility nila i-assure yung public na gumagalaw yung gobyerno and may aasahan yung tao.

Tapos here comes Vico na nagtatrabaho and finding ways to take care of his people, i-to-troll pa troll farm ng ibang partido. Napa-presscon pa yung Presidente para lang i-shade siya. Nakaka-frustrate because we're all supposed to be on the same side! Hayyyy Pilipinas!

Meanwhile, sana more celebrities help pa and use their platform to bring awareness. Nakita ko si Twitter ni Angel Locsin, ang tagal na nila tina-try bumili ng masks and other medical supplies para makatulong pero nahaharang daw sa port pagdating dit. :(

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #526 on: March 20, 2020, 11:19:26 am »
^^sana magkaroon kayo ng Vico Sotto sa Cavite para may kalaban na mga Revilla.

Mayor nga dati si Duterte, sa probinsya pa! kaya dapat alam niya bakit nagdecide si Vico Sotto na payagan ang tricycle.. buti pa si VP Leni may naitulong sa transpo.

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #527 on: March 20, 2020, 11:44:03 am »
sana nga sis, bukod kay mayor vico anjan din sina mayor kit and marcy. mapapa sana all ka nalang talaga. sabe nga karamihan eh politiko lang bihira ang public servant talaga.

so dahil kay vico nag marathon ako ng interviews ang guestings nia haha and i can say talaga na mabuting tatay si bossing. responsible talaga. and of course un moms ng mga anak nia maganda ang relationship niya. ang saya lang nilang panoorin.


janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #528 on: March 20, 2020, 11:48:57 am »

Meanwhile, sana more celebrities help pa and use their platform to bring awareness. Nakita ko si Twitter ni Angel Locsin, ang tagal na nila tina-try bumili ng masks and other medical supplies para makatulong pero nahaharang daw sa port pagdating dit. :(

As long as complete papers naman sis mabilis lang marelease, pero kasi ang daming manloloko sa ngayon at tinetake advantage ang situation kaya sobrang higpit na nila. Tsaka hindi sila dapat basta basta bibili nalang ng sangkaterbang med supplies. May proseso  kasi, kaya siguro harang ang mga supplies nila.

Noong nagpunta ako sa customs, may mga requirements sila hinihingi sa akin like FDA permit, since andito na at mahihirapan ako makakuha ng permit, tapos ang layo ko pa warning lang ang binigay sa akin.  Mababait naman sila.

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #529 on: March 20, 2020, 12:51:55 pm »


Tapos here comes Vico na nagtatrabaho and finding ways to take care of his people, i-to-troll pa troll farm ng ibang partido. Napa-presscon pa yung Presidente para lang i-shade siya. Nakaka-frustrate because we're all supposed to be on the same side! Hayyyy Pilipinas!


March 16 nung nagpaimplement ng Enhanced Quarantine, ang sabi ng Presidente, bahala na daw ang mga LGU. Gawin nila ang tingin nila makakabuti sa kanilang nasasakupan. No need for approval, etc na daw.

Came March 19 ng gabi or March 20 ng madaling araw, sa presscon iba na naging tono nya.  Nag warning na sa mga LGU. Don't go beyond daw. Ewan ko ano meaning nya. lol Palagi naman syang taken out of context.

Ang galing diba? hahaha!

Sa mga ganitong pagkakataon mo talaga makikita ang leader na may malasakit sa bayan.

marssie

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #530 on: March 20, 2020, 03:49:12 pm »
sana nga sis, bukod kay mayor vico anjan din sina mayor kit and marcy. mapapa sana all ka nalang talaga. sabe nga karamihan eh politiko lang bihira ang public servant talaga.

so dahil kay vico nag marathon ako ng interviews ang guestings nia haha and i can say talaga na mabuting tatay si bossing. responsible talaga. and of course un moms ng mga anak nia maganda ang relationship niya. ang saya lang nilang panoorin.

Agree, but i would give more of the credits kay Connie for raising Vico well  :) As a mother sigurado and ramdam natin na bawat labas ng anak niya nag aalala siya lalo na yung isang interview ni Vico na naka full gear ng protection dahil nandun siya sa accommodation ng mga PUI.

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #531 on: March 20, 2020, 04:15:33 pm »
March 16 nung nagpaimplement ng Enhanced Quarantine, ang sabi ng Presidente, bahala na daw ang mga LGU. Gawin nila ang tingin nila makakabuti sa kanilang nasasakupan. No need for approval, etc na daw.

Came March 19 ng gabi or March 20 ng madaling araw, sa presscon iba na naging tono nya.  Nag warning na sa mga LGU. Don't go beyond daw. Ewan ko ano meaning nya. lol Palagi naman syang taken out of context.

Ang galing diba? hahaha!

Sa mga ganitong pagkakataon mo talaga makikita ang leader na may malasakit sa bayan.

Napanood ko yan sis. Naku! Nakakagigil talaga si Duterte, baka ayaw nya aagaw ang trono nya sa pagiging mayor.

May point naman talaga si Vico, mas safe nga ang tricycle as long as driver and one passenger lang ang sakay. Bukod sa healthworkers and other employees na kailangan pumasok, kailangan din ng masasakyan ng bibili. Hindi naman lahat ng bahay merong bata na pwedeng utusan bumili at lumakad. Some places malayo talaga ang lalakarin palabas and pano yung senior citizens lang sa bahay na walang mautusan.

Kitang kita na they just denied Vico's request without really thinking about it. Dahil siguro pinasara ni Vico yung favorite nyang Pogos kaya ganyan. Bakit si Isko pinayagan with his etrikes.
« Last Edit: March 20, 2020, 04:18:02 pm by liana »

eischied_21

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #532 on: March 20, 2020, 04:31:26 pm »
^Sis ano yun Pogos na pinasara ni Vico? Sa Ortigas ba to?

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #533 on: March 20, 2020, 05:19:47 pm »
^ Not sure sis but nasa news yan last month na Vico closed illegal Chinese establishments and may interview sya where he said na hindi sya makukumbinsi na okay ang POGO sa Pasig. Di ko sure kung close na lahat but I think he's doing or planning something to eventually close all those Pogo centers sa Pasig. Alam mo naman Pogo loving protector si Duterte so I think that's why pinaginitan si Vico.

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #534 on: March 20, 2020, 06:40:36 pm »
i agree din naman sis, even si vico sabe nia he loves both of his parents pero iba padin daw pag laki ka sa nanay. sa podcast ni paulina sabe nia si pauleen sotto un reason bakit sobrang bonded na sila ngayon magkakapatid, kase before daw separate dates sila sa daddy nila pero pauleen pinagsama nalang sila. i adore pauleen for that.

dds sadyang takot lang sila kay vico, kase nakikita ng tao kung pano talaga magtrabaho dapat ang isang public servant. for some reason naeepalan ako kay isko moreno, i feel like masyado siyang pashowbiz at papansin. so bakit nga ba pinayagan niya un etrike tas si vico hindi, eh same lang naman sila ng gustong mangyare, para sa welfare ng frontliners.  ::)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #535 on: March 20, 2020, 06:40:07 pm »
^Agree about Poleng kaya mahal na mahal siya ng mga Sotto kids. As in. Siya gumawa ng paraan para sa mga family tours nila na complete talaga sila.


zanabee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #536 on: March 20, 2020, 09:34:33 pm »
yung etric sa manila sis, hinire ng LGU nila para maging service ng mga frontliner.
yung sa Pasig namamasada para sa mga frontliner kaya pinatigil baka kasi magsamantala ang iba. yung lang nadinig ko.

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #537 on: March 21, 2020, 12:47:28 am »
 :) Down na ang FB page ni Mochang lukaret. Pinagkaisahan ng mga netizens na sabay sabay i report sa FB, kaya bagsak agad. Totoo iyan, threatened silang lahat kay Vico kaya pinagtutulungan nila.

bad.det

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #538 on: March 21, 2020, 05:57:07 am »
May sayad na kasi tong si Mocha. Hindi ko na nga din talaga alam ano ba work niya sa government.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #539 on: March 21, 2020, 06:45:07 am »
My PA went out last Tue and used Tric. Very strict sila na isang passenger lang ang pwede per tric. Kaya we decided to give 50 kasi kawWa rin yung mga tricyle. Tapos the following day nagulat kame bigla sabi bawal na tric. Eh dito sa Pasig pa naman specially san nakalocate condo ko may sarili kame na checkpoint. Di na pwede pumasok kahit kamag anak ko basta di ka taga brgy

 

Latest Stories

Load More Stories
Close