watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (thread 66)  (Read 138949 times)

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #240 on: February 24, 2020, 10:43:52 am »
^^ same here.

Kung true man nanuntok sya, (although sabi nya kasi wala daw syang sinuntok), well kapag naagrabyado ang loved ones mo, ibang usapan yon. Honestly, kaya ko manakit ng tao kapag anak ko or asawa ko ang inagrabyado.

Syempre depende sa extent ng ginawa.

Anyways, I'm very happy for them lalo na para kay Sarah! Sa wakas noh, nagawa nya ipaglaban ang gusto nya sa parents nya.

hello, she's 31 years old and financially stable. Si Matteo mas financially stable pa kesa sa kanya. I don't know ano ang problema ng parents ni Sarah.

18 yrs ng buhay ni Sarah e nag provide sya sa family nya, kulang pa po ba? Technically nga, hindi nya responsibility yon.


Starliiight

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #241 on: February 24, 2020, 12:04:15 pm »
Dito kasi sa atin, ang nakasanayan is kailangan laging sumusunod ang anak sa magulang. Na parang utang na loob ng anak na binuhay siya ng magulang when in fact it is the responsibility of the parents to do that. Nakulong si Sarah sa toxic mentality na 'to and I am so happy she has finally made a stand and broke free of her toxic family, especially her parents. Parang nabasa ko dito na yung mga kapatid niya may mga pamilya na rin and may freedom na gawin mga gusto nila so I wonder bakit si Sarah, hindi nila mapalaya.

So sad lang na yung wedding nila na supposedly one of her happiest days eh nabahiran ng intriga dahil sa nanay niya.

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #242 on: February 24, 2020, 12:13:08 pm »
^ ang mga kapatid nya, sa ibang bansa pa nag aral.

and true, toxic culture yan sa PH. Kailangan sundin ang parents ALL the time, or else, walang utang na loob ang anak.

petlovah

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #243 on: February 24, 2020, 12:14:49 pm »
Kudos to SG for being brave. I can feel her. My parents were not approved as well of me getting married and alam ko dahil yun sa sustento issues. They did not even attended my wedding. Mga kapatid ko may mga pamilya na and yet they get the freedom they want. I felt like ATM na money-maker lang din kaya siguro I also got married late na. Well, even if I am married na, I still give them money. Yun lang, hindi na madami like kasama sa gastos ko mga anak ng mga kapatid ko kasi syempre I already have my own family. Mas priority ko parents and family ko sa ngayon.

Congrats to them!

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #244 on: February 24, 2020, 01:01:08 pm »
So, ayun na nga... Lumapit na kay Tulfo ang bodyguard si Sarah, dun siya nag tell all... Haaaaaay...

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #245 on: February 24, 2020, 01:08:54 pm »
Sa victory pala sila ikinasal, inilock down daw ang buong 2nd floor tapos sa King Crab reception

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #246 on: February 24, 2020, 01:59:09 pm »
So, ayun na nga... Lumapit na kay Tulfo ang bodyguard si Sarah, dun siya nag tell all... Haaaaaay...

Feeling ko lang ha, parents ni Sarah ang nag coconvince kay bodyguard na gawin yan.

Starliiight

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #247 on: February 24, 2020, 02:35:42 pm »
Kadiri nung Pa-Tulfo ha. Nakakainis talaga ngayon na kapag may mga ganyan, ang first resort is Tulfo. Feeling ko rin si Mommy Divine may pakulo nito.

Nanood ba kayo ng Senate hearing re ABS-CBN's franchise renewal? Infairness, Carlo Katigbak has presented himself well ha. Nasagot niya lahat ng tanong sa kanya nang maayos. First time hearing him talk. Impressive.

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #248 on: February 24, 2020, 02:37:22 pm »
Grabe! Pati ganyan tinutulfo pa? Ka cheapan! May iba naman issue na much better tulungan ni Tulfo kung gusto niya hindi ganyan kaloka!

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #249 on: February 24, 2020, 02:37:27 pm »
Wala naman maguutos talga kungdi si mommy Divine.. Ilang beses din inulit ng bodyguard na kesyo muntik na daw masaktan ng tatay mi Matteo si Divine. And si Sarah iyak daw ng iyak naaawa na daw siya. Eh siya nga dapat sisihin kaya nagkagulo. Lol! Sabipa daw ni MD na manloloko daw sina Sarah.. Ohwell...

KVsmommy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #250 on: February 24, 2020, 02:58:21 pm »
Watched the Tulfo episode just now and malakas kutob kong si Mommy Divine talaga lahat may pakana pati pagpunta nung bodyguard sa Tulfo. Malamang sa alamang, she would stop at NOTHING talaga to ruin the happiness of Sarah and Matteo, sabi nya siguro push reklamo para di makaalis at makasal sa Italy naman. Haaay.

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #251 on: February 24, 2020, 03:02:00 pm »
Sorry pero feeling ko talaga scripted itong mga sinasabi ng bodyguard unless magpakita sya ng proof.

and malakas feeling ko na parents ni Sarah may pakana nyan para siraan si Matteo. Kung ako si Matteo, deadmahin nya ang kacheapan na yan or let his lawyer handle it.

Sana idemanda yan nila Matteo dahil sa paninira.

stephyes89

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #252 on: February 24, 2020, 03:34:43 pm »
Nagpa tulfo pa. Dyan lalo makikita ni Mommy Divine gano kagigil mga netizens sakanya. Sa una palang obvious naman na scripted na, sinadya nyang pumunta dun sa kasal para pag usapan. Ang akala siguro nila porke napalabas na nanakit si Matteo eh magagalit mga tao kay Matteo pero kabaligtaran ang ngyari lalo lang kumampi mga tao sa AshMatt.

kireinachean

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #253 on: February 24, 2020, 04:37:40 pm »
Kakaawa naman si Sarah, sobrang guarded nya yung private life nya, parang ang rare nya magkaron ng balita sa buong showbiz life nya then etong supposed to be pinakamasayang araw sa buhay nya e natulfo pa.

muning00

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #254 on: February 24, 2020, 04:43:06 pm »
Ginagawa lang naman ni bodyguard ang trabaho niya. Ang dapat talaga pinapa tulfo si mommy divine. Abuso eh.

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #255 on: February 24, 2020, 05:02:22 pm »
trabaho niya sis sundin si M.Divine hahaha siya na nagsabi na si MDivine ang naghire sa kanya at nagbibigay ng sahod. Kanino ba galing ang pinapasahod nila dba? Sinubukan rin ni tulfo itanong sa isang army kung possible ba matanggal si Matt as a reservist, pero sorryna lang sila dahil hindeeee.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #256 on: February 24, 2020, 05:07:31 pm »

Maia_Cache

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #257 on: February 24, 2020, 05:12:40 pm »
Ang tanong dyan may assets kaya na nakapangalan kay Sarah. i think kahit pera niya hindi niya hawak eh. sabagay kaya naman siya buhayin ni Mateo pero i doubt talaga na nahawakan niya fully lahat ng kinita niya.

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #258 on: February 24, 2020, 05:30:34 pm »
Mukang meron naman sis under sa name ni Sarah. Kasi dba ang gusto nga ng nanay nia naitransfer sa pangalan nia (ni divine) bago magpakasal si Sarag

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 66)
« Reply #259 on: February 24, 2020, 06:22:49 pm »
Si Mommy Divine daw nag-hire sa kanya at nagpapasahod. Hahaha! Syempre yun ang susundin nya.

Ang tindi din e, 31 years old na si Sarah pero bantay sarado.  ;D Naiintindihan ko talaga kung bakit ginawang secret wedding ito e. Nakakasakal ang nanay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close