watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)  (Read 153074 times)

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #600 on: January 28, 2020, 12:10:17 pm »
never talaga tumitingin ng mga supporting docs ang US consuls, very rare. useless ang mga financial docs like bank statements etc. sayang hindi nagbasa si anne dito sa GT ahahaha! kung ako sa kanya, mag EU na lang siya, mas madami pa silang bansang mapupuntahan. less stringent ang schengen countries.


drag0nfly

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #601 on: January 28, 2020, 12:27:45 pm »
^^Natawa din ako sa sinabi nyang nag-research daw sya.  Kaso mali-mali naman ang takeaways nya.  Baka yung research nya eh nanood lang ng vlogs ng mga kakilala nya.  Feeling ko nakikipagsabayan lang yan si ACz kasi dati puro Korea, then Japan, now US naman ang pupuntahan ng mga kasabayan nya.  Di pwedeng pahuli.

Thanks to those who recommended Karla Aguas.  Loving her travel vlogs.  Ang daldal nya pero she makes sense and maayos mag-construct ng sentences LOL.  Aliw personality nya.

eleine26

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #602 on: January 28, 2020, 01:53:24 pm »
Nagulat ako sa dami ng questions kina ACz. Kami kasi nun nag apply kami as family parang 3 questions lang tinanong amin then approved naman kami. Bitter pa nga ako sa Japan visa namin kasi denied kami. E wala naman interview yun. 

Agree sa nagcomment about sa damit niya, hinde tama for an interview e. Sayang nagastos nila.

Medyo feeling siya dun sa reaction niya sa pagsabi ng income nila. Akala naman niya lahat nakikinig sa kanya dun sa paligid. Feeling sikat.  ::) I doubt na lahat ng tao aware na siya si ACz na vlogger.

Re AC: napansin niyo ba dun sa thumbnail ng video niya ng Maybelline superstay, ang bilog ng mukha niya. Kaya siguro na conscious siya lalo magpapayat.

liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #603 on: January 28, 2020, 05:59:06 pm »
Kasi naman si ACz sa lahat na lang pinangangalandakan nya yung laki ng income nya.  She was overconfident na just because malaki income nya maapprove agad sila, thus di nya napagisipan mabuti answers nya sa questions. Dami talaga nyang red flags.

When we applied before 2 questions lang sa akin. 4 kami sa family, me, my mom and my 2 siblings and approve naman. They just asked me what's the purpose of our travel and how long are we staying there. So true nga na siguro na before ka pa interviewhin they have a decision na.

Antigone

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #604 on: January 28, 2020, 07:19:47 pm »
She also said that the consul was taken aback nung sinabi nya how much her monthly income is. 

Magkano monthly income niya daw sis?

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #605 on: January 28, 2020, 07:56:35 pm »
^Walang sinabi na amount.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #606 on: January 28, 2020, 08:08:06 pm »
Pinanuod ko yung video ni ACz...

1. Nakakaloka yung outfit-an ni mother
2. Yung dream ng mga anak niya na mag-Disneyland. Gasgas na gasgas na yang reason na yan at parang hindi sila nag-Disneyland sa Tokyo eh no? haha
3. Yung makikituloy sa kamag-anak. Major red flag.
4. Yung tinanong magkano monthly income niya at hesitant siya sabihin yung amount kasi maririnig ng mga katabi niya. The who you ACz? Ikaw ba ay bansang idol na kilala or dapat makilala ng buong Pilipinas?
5. Yung gusto niya i-check ng consul yung bank accounts nila. Again, the who you? I know you earned a lot but money is not justification na i-grant ang visa niyo. So what kung may pera ka?

Ewan ko anong klaseng "research" yung sinasabi niya at palpak sobra yung nangyari sa kanila dun. Parang beauty pageant ang sinalihan eh. Meron pa na eto dapat ang sagot ko at mala Ms. U pa ang dating hahaha

goddessella

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #607 on: January 28, 2020, 08:19:16 pm »
^ Makwento ko lang, hindi talaga factor ang income or "show money" sa pag apply ng US Visa. mas importante sa kanila ang source of income.

When i applied for my US Visa, hindi na ako hinanapan ng bank statement, kahit dala dala ko sha. tinanong lang ako kung ano work/source of income ko. hinanapan din ako ng hotel booking. Approved, 10 years. :D

Siguro nakatulong din that i studied in europe for a year, and i dressed like a professional. corporate dress, blazer and subdued jewelry.

yung hotel booking naman, madali lang yun. you can book online, tapos cancel booking na lang after.

O R E O O

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #608 on: January 28, 2020, 09:21:22 pm »
What happened to anne clutz? Nalunod sa isang basong tubig? Masyado siyang mahangin na ngayon, I used to like her. Ano naman akala nya sa sarili nya si Sharon Cuneta siya? Lahat ng tao sa kilalang kilala siya

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #609 on: January 28, 2020, 09:25:56 pm »
siguro swertihan lang din ang us visa, kase un binabasa kong blog (psimonmyway), she is a long time traveler, backpacker. nag aral nadin siya sa europe and 10 years na din siyang ngttravel. pero denied din un visa nia kahit invited din siya ng isang organisation for a US road trip and all she needs to do is to write about the trip.  Ndenied din siya ng Schengen Visa kahit nakapag aral na siya sa Spain, then yun  isang blogger din backpacker din siya, pero na approved siya ng 10 year multiple us visa. so depende din talaga siguro sa trip ng consul.

si rhaze din, nun ngwwork pa siya as virtual assistant pinapunta siya ng boss nia sa us, first try nia nadenied din siya, then second ayun multiple na.
« Last Edit: January 28, 2020, 09:39:23 pm by muning00 »

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #610 on: January 28, 2020, 09:44:51 pm »
Nainggit lang siguro siya kanila Raiza. May pagkainggitera din yun si ACz eh. Sa Paris or Shanghai na lang. May Disneyland din naman dun.

darkjuliet

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #611 on: January 28, 2020, 10:49:54 pm »
Parang for Avon and not Maybelline yung event nina Raiza and Angel sa NYC.

reivee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #612 on: January 28, 2020, 10:52:15 pm »
What happened to anne clutz? Nalunod sa isang basong tubig? Masyado siyang mahangin na ngayon, I used to like her. Ano naman akala nya sa sarili nya si Sharon Cuneta siya? Lahat ng tao sa kilalang kilala siya

I was about to say this.

bad.det

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #613 on: January 28, 2020, 10:58:35 pm »
Baka nga for content nalang kaya nag apply sya for US Visa. Pero sabi nya November pa daw nila bet mag US? Ang dami na talaga nyang pera. Kasal + US Trip? Wow yamanin na nga talaga.

_hotbabe_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #614 on: January 28, 2020, 11:18:38 pm »
What happened to anne clutz? Nalunod sa isang basong tubig? Masyado siyang mahangin na ngayon, I used to like her. Ano naman akala nya sa sarili nya si Sharon Cuneta siya? Lahat ng tao sa kilalang kilala siya

Truth. Sabi pa niya kay Jeya ok lang daw na ma denied sila atleast daw maranasan naman daw nila na ma-reject sila. Oh db yabang. Parang ang dating lahat ng gusto nila nakukuha nila. Well, not this time ACz😜

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #615 on: January 29, 2020, 12:52:32 am »
so depende din talaga siguro sa trip ng consul.
Mukhang depende nga sa trip. Yung friend ko 2 sila na nag-apply parehas na company sponsored ang trip. Si friend hindi tiningnan any docs na dala niya, pero yung isa hiningi daw ng consul ang guaranty letter niya from the company. Same consul ang nag-interview sa kanila at yung kasama niya lang ang na-approved.

Tapos na ata ang Maldives, Japan and SoKor trend, US naman ngayon.

Arte nga ni ACz dun sa part na ayaw sabihin income niya, gusto niya pakita bank statement niya pero nagdalawang-isip siya sabihin income niya nung tinanong siya, mas inalala pa niya mga tao sa paligid. Pake naman ng ibang tao dun sa kanya, di naman lahat ng andun kilala siya or alam bahay niya. Ewan ko nayabangan pa ako sa kanya nung sinabi niya na na-surprise (taken aback term niya) daw yung consul nung sinabi niya magkano kinikita niya. As if naman siya lang ang may pera  na nagapply for US Visa.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #616 on: January 29, 2020, 12:55:06 am »
Grabe talaga nagagawa ng fame at pera nakakalimutan maging humble at kahit gaano niya itago lalabas at lalabas.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #617 on: January 29, 2020, 01:19:05 am »
^True. Nakakalungkot

Isa din akong ACz fan noon. Grabe as in walang palya akong nanonood, pero noong nag start na sila magtapon ng pagkain yung tipong ang daming niluluto / order tapos hindi naman kinakain nawalan na ako ng gana. Kaya sa inyo na ako nakikibalita.  ;D Kung dito pa siya sa GT thread nagbasa doon ang daming tips and tricks.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #618 on: January 29, 2020, 01:25:53 am »
^Nagbasa naman daw siya and nanood ng  mga vlogs, mukhang naging overconfident siya just because malaki laman ng bank accounts niya. Kasi ang pinagdidiinan at inulit-ulit niya is sana tiningnan man lang daw ang mga bank statements na dala niya galing sa LAHAT ng banko nila.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 15)
« Reply #619 on: January 29, 2020, 01:32:53 am »
Tsaka isa din sa reason na iniisip niya bakit di sila na-approved eh yung nanginginig yung kamay niya at dun sa mga uncles niya na di na niya nakikita kaya di niya binanggit na may relatives sila sa US nakatira.

She comes off as humble sa mga vlogs niya pero dun sa US visa vlog niya... lumabas ang true colors ni ateng. Yung tipong pa-humble effect pero deep inside eh mayabang pala. Ate... Youtube is not forever and not everyone is expected to know you kaya kalma ka lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close