Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)  (Read 101337 times)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #280 on: November 21, 2019, 01:10:36 pm »
Yes sis muning00, producer Ate nila  :)

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #281 on: November 21, 2019, 01:57:54 pm »
Si Paul Unating tatlong beses niya pinagawa yung ilong niya, palpak lahat. Sobrang numipis na Michael Jackson na ngayon to the point na hindi na fit sa malapad niyang mukha. He also had eyelid surgery and buccal fat removal.

miss_mm83

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #282 on: November 21, 2019, 03:16:33 pm »
Mas gusto ko din yung tree ni Via. Yung kay AnneC kasi dapat yata hanggang dun sa hamba lang [textspeak!] taas niya. OA sa taas kasi. Same naman kami ng gusto, sa new house ko din dapat magpapalagay ako ng bonggang tree. Gusto ko yung parang panghotel hahaha. Kaso di umabot yung turnover. Hindi porke madaming pambili, sosyal na. Hindi porke malaki, sosyal din. Kapag baduy, baduy talaga all the way. Mas may taste pa yung mommy and ate niya

thatprettyghoul

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #283 on: November 21, 2019, 03:47:43 pm »
Yung mom ni AnneC minsan may choices din sya na tacky ang bet ko talaga yung ate Joyce nya. Napansin ko lang sa fam nya (mom, sis and husband) hindi din kasi nila sinasaway si Anne na this is too much na. Parang hinahayaan nila whatever she wants siguro kasi it is her money naman. Sana lang may magregulate sa kanya for the betterment din naman nya yun at para less gastos and more ipon (kahit pa limpak limpak na ang pera nya).

I remembered yung eulogy ng daughter ni Gokongwei (RIP), nabanggit nya na yung father nya sobrang tipid talaga. Ultimo wedding ng anak nya, hindi sya bumili ng new suit. Nung nalaman lang daw ng father nya na yung isang ninong naka tuxedo, nag tuxedo din father nya pero wag ka, rented lang para tipid pa din. Ganito dapat ang thinking. hehe.

Rychroxx18

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #284 on: November 21, 2019, 04:09:29 pm »
Re AClutz - Kaya nga lagi nya hinahatak mommy at ate nya pag mag shopping sya. Aminado sya na wala syang taste hehe.

Re Crisha - sayang naman sila ni Joem. Totoo kaya yung BI sa kanila ni Lovi sa FP?

Re Kris L - sayang naman yung gastos nila sa renovation kung nagrerent lang sila. Sana inipon na lang nila pandagdag pambili ng sarili nilang house. Sabagay pera naman nila yan hehe. Siguro pandagdag din sa content. Ang taas kasi ng views ng vlogs ni AClutz during their renovation. So maybe hoping sya na ganun din maging effect sa vlogs nya.
« Last Edit: November 21, 2019, 04:13:19 pm by Rychroxx18 »

liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #285 on: November 21, 2019, 04:11:56 pm »
^^ Iba rin kasi siguro pag talagang pinaghirapan mo yung pera, yun talagang pinagtrabahuhan mo mahirap gastusin ng basta basta.

Being an influencer/youtuber kasi ang dali sa kanila kumita lalo na pag maraming followers pero tingnan mo naman yung content di man lang pinagisipan talaga. Natatawa na nga lang ako pag may napapanood ako na hirap daw silang magedit etc pero pag pinanood mo naman parang di pinagisipan pagkakaedit, inalis lang siguro mga ayaw na scenes. Puro challenge, shopping, haul or sponsored reviews mga local Youtubers natin, tapos ang bilis ng pasok ng pera kaya ayun waldas din sila ng waldas thinking na ilalabas naman nila sa vlog so kikita uli sila.

ladyblush0814

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #286 on: November 21, 2019, 04:31:57 pm »
Kaya siguro ganun na lang gumastos si Anne Clutz kasi very confident sya na bawat upload niya madaming views kaya parang unlimited ang pera nya sa paggastos, minsan din kasi yun mga followers nila puro all praise sinasabi sa comment, puro ang ganda, so inspiring, i love you mama anne, tapos pag may nagcomment at hindi praises sa idol nila naku ayan na ang mga keyboard warrior.

Until such time na we as viewer and subscriber sa mga vloggers is maging mas wiser tuloy tuloy lang yang mga hindi pinag isipan na content nila.

Sana may youtuber na makaisip na mas may sense na content at hindi puro haul, puro shopping.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #287 on: November 21, 2019, 05:10:40 pm »
Napanuod ko yung condo tour ni Wil D. May sigaw ng sigaw sa game room. Si Alodia pala yun habang naglalaro ng online game. Sinabi ni Wil na dun daw kumikita si Alodia. Grabe ano parang saya na naglalaro ka na kumikita ka pa.

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #288 on: November 21, 2019, 05:27:23 pm »
^^^ iba kc yung biglang yaman din , bili dito bili dun parang walang katapusan gumastos, unlike pinag hirapan mo dugo't pawis mo di mo ma atim gumastos ng malaki kc yung halaga ng pera is pinag hirapan mo talaga..and ang pag vlog di naman dugo't pawis yan gaya ng mga oridnaryong empleyado, sa pag vlog dadaldal kalang then shopping and haul, travel yun lang..
« Last Edit: November 22, 2019, 03:32:21 am by innocent_beauty »

darkbeauty16

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #289 on: November 21, 2019, 05:54:59 pm »
Super Agree!! ;)

^^ Iba rin kasi siguro pag talagang pinaghirapan mo yung pera, yun talagang pinagtrabahuhan mo mahirap gastusin ng basta basta.

Being an influencer/youtuber kasi ang dali sa kanila kumita lalo na pag maraming followers pero tingnan mo naman yung content di man lang pinagisipan talaga. Natatawa na nga lang ako pag may napapanood ako na hirap daw silang magedit etc pero pag pinanood mo naman parang di pinagisipan pagkakaedit, inalis lang siguro mga ayaw na scenes. Puro challenge, shopping, haul or sponsored reviews mga local Youtubers natin, tapos ang bilis ng pasok ng pera kaya ayun waldas din sila ng waldas thinking na ilalabas naman nila sa vlog so kikita uli sila.

Acetylcholine

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #290 on: November 21, 2019, 05:56:03 pm »
At nakabusiness class papuntang europe sila Jet at mommy nya wag ka. Hindi tipid mahilig sila mag stay conrad at Hilton member na ata ate nya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #291 on: November 21, 2019, 06:03:17 pm »
^Naku sis hahaha. Baka magalit ang mga vloggers/bloggers/influencers sayo kasi sinasabi mo na madali ang ?work? nila.


Re Crisha - sayang naman sila ni Joem. Totoo kaya yung BI sa kanila ni Lovi sa FP?
.

Thank you sis. Nakatulugan ko na pag-iisip kung sino yung L and K sa latest BI ni FP.


reivee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #292 on: November 21, 2019, 06:22:00 pm »
Siguro since CAN AFFORD na sila AClutz, nag all out talaga sya sa decor. Baka may yabang factor na rin. May isang vlog kasi sya pinakita nya yung SMAC nya tapos bakit daw yung kapatid nya naka Prestige. Tapos bigla nya sinabi na ?wait lang kayo?. Haha! Anne, wala ka naman dapat patunayan. Alam namin lahat na kayang kaya mo abutin spending requirement ng prestige. Di na dapat imention pa yan sa vlog.

Napansin ko din to! Haaaay....

fifi_girl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #293 on: November 21, 2019, 06:32:03 pm »
Yun christmas tree nila AnneC, parang kamukha nung mga display sa mall. Napansin ko lang hahaha

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #294 on: November 21, 2019, 06:38:35 pm »
if i remember it right cousin or basta relative ni justine un landlord nila.

bongga talaga un ate ni jet, heheh sa dating vog nag regalo pa ng mcm bag sa isang g force dancer ata un.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #295 on: November 21, 2019, 07:54:37 pm »
Nakita ko sa IG story nila Shek yung Christmas tree nila. Eh ayun sakto lang, eh yung bahay nila mataas din yung ceiling di naman pinaabot hanggang itaas na haha

Nagtataka lang ako, hindi ba sila natatakot na i-flaunt yung everyday life nila? Like may makaisip looban mga bahay nila kasi almost lahat ng galaw inaannounced. Saan ang punta, anong binili, etc...

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #296 on: November 21, 2019, 08:46:08 pm »
^I agree, kaya nga si shek kahit ang dami ngrrequest ng house tour never nia ginawa kase nga daw maccompromise un security nila, knowing na businessman pa dad nia. although meron siyang empty house tour pero on going pa un construction ng bahay nila at hindi siya ganun ka detailed.

bretman posted on twitter un mga napunta pa sa funeral ng dad nia para magpa picture. grabe common sense na nga lang naman un. knowing na may patay, bat ka pupunta para lang magpapic. give them privacy.
un mga nagpapic sa kanya sa airport keri lang kase hindi naman nila alam un reason bt siya umuwi. pero un dayuhin pa sila sa funeral nakakainis naman talaga!!!  >:(

thatgurla

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #297 on: November 21, 2019, 09:20:46 pm »
So ayun na nga! Pinapanood ko ATM si ACay. At totoo nga ang chismis. Walang laba laba. Yung binili sa just g. After iHaul, diretso suot. Muka naman madaming damit si Ate Gurl. Bakit ganern?!  Ako hindi rich, pero before ko irampa ang damit, talagang nilalabhan muna. Makati yung mga gamot gamot sa damit ateng. Anyways. Continue ko na panonood 😅

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #298 on: November 21, 2019, 10:21:35 pm »
Anung nangyari kay Ashley? Panay shopping content na lang yung vlogs niya.  Parang naging shopaholic na siya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #299 on: November 22, 2019, 05:47:29 am »
Hay kelan ko kaya magagawa magshopping na walang iniintinding budget hahaha. Kaya andaming gusto maging vlogger dahil sa pag-flaunt ng shopping hauls at walang habas na paggastos ng mga influencers na to.

bretman posted on twitter un mga napunta pa sa funeral ng dad nia para magpa picture. grabe common sense na nga lang naman un. knowing na may patay, bat ka pupunta para lang magpapic.
Wala na talagang pinipili na lugar at sitwasyon ang mga fans. Ang baba ng EQ ng ibang Pinoy.

Napanood ko tiangge shopping ni AClutz, namili pala siya uli ng pang-decor sa Christmas Tree niya, sa akin sakto na yung hindi punong-puno na decoration niya. Pero let?s see baka nga mas gaganda pa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close