Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)  (Read 101101 times)

Acetylcholine

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)t8
« Reply #60 on: November 13, 2019, 11:37:06 pm »
I notice a pattern  ;D anyway ito po ay Local YT THREAD may iba pang thread dito so kung sawa ka na sa puro YT pinaguusapan then lipat ka

Galing naman ni Lloyd nakabili na rin sya ng house.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #61 on: November 13, 2019, 11:42:00 pm »
ay andaming new members with only 1 post.  ;D ;D ;D lamna




darkjuliet

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #62 on: November 13, 2019, 11:52:37 pm »
Hahhaha nakakatawa nga yung ultra bash kay Anna Cay pero obvious na obvious na pinapanood pa rin naman nila. For the record, i dont like ACay kasi HUMBLE BRAG sya. But thats it. Kung gusto nya bumili ng Mustang, go. Kung gusto nya iprioritize luxury bags over future bahay with Geloy, go. Wala na tayong pake dun kasi di natin pera yun hahaha. Ang toxic lang nung iba kasi kung makapag analyze at husga eh akala mo may 24/7 CCTV na nakatututok kay ACay at baway kibot may opinyon. 😝 pls dont fight with me. Di ako si Jash mga mumsht hahaha. In fact I prefer Michelle Dy to Ana Cay. Peace!

Tickeled-Pink

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #63 on: November 14, 2019, 12:12:36 am »
Bakit na Tulfo si Viy and Her Viyzaar?
Ni reklamo daw ng seller? Ang haba ng video, no time to watch. 😬

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #64 on: November 14, 2019, 12:54:09 am »
Vloggers bazaar yun e natural dudumugin mga vloggers siguro dapat di na lang hinaluan ng ibang merchants or di na sila nag-expect na mas bibili sa kanila kesa sa mga vloggers. Sympre karamihan naman talaga ng customers e to meet the vloggers ang pinunta dun. Ganun talaga ang business minsan kikita minsan malugi.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #65 on: November 14, 2019, 01:09:23 am »
ai ewan sa mga nagreklamo, knowing na vloggers bazaar un malamang ang pupuntahan talaga dun un vloggers. porket hindi sila kumita ayun nagpunta kay tulfo. business is always a risk. kahit san naman bazaar may mabentang booth at mahina. i dont believe din un sinasabe nila na un mga vloggers daw "bili muna bago picture". i dont think ganun sila kagarapal. and alam nila magbabackfire pag ganun ang ginawa nila.

viy is very humble and sincere naman, actually naawa ako skanya.
« Last Edit: November 14, 2019, 01:24:04 am by muning00 »

MrsG.2020

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #66 on: November 14, 2019, 01:16:06 am »
Yung iba dito ayaw ng comments pero basa din ng basa.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #67 on: November 14, 2019, 01:53:17 am »
Ay andito na din pala ang gulo sa Viyzaar, ang bibilis nyo mga sis.

i dont believe din un sinasabe nila na un mga vloggers daw "bili muna bago picture".
May mga nabasa nga ako dun sa comments sa Tulfo na nakapag-picture sila sa mga vloggers na wala naman silang binili maski isang item kaya di daw totoo ang claim ng mga complainants. May isa naman nagcomment sabi niya may isang vlogger na hindi niya pinangalanan na gusto bumili muna ng items niya before magpa-pic. Sabi ng commenter mura lang naman ang mga items (patches, stickers etc) around 50php and ido-donate naman daw ang kita so go na siya na bumili para makapagpapicture. Infairness naman sa organizers ginawa naman nila makakaya nila para ipromote ang mga sellers nila pero di naman nila mapipilt ang mga buyers na bumili dun kung ayaw.

Ganun talaga ang business. Sapalagay ba nila kung wala ang mga vloggers pupuntahan pa sila ng mga tao e andami ng tyangge kung saan-saan, maski sa loob ng mall.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #68 on: November 14, 2019, 02:05:09 am »
Comment lang ako dun sa comment nung isa dito. Just like what you said na "Kung ayaw niyo sa kanya then don't watch" Same vein as kung ayaw mo mabasa na paulit ulit ang nega comments about Madam, eh di wag magbasa. Simple lang diba? Now, I chose to watch some of her vlogs pa din, may ibang content naman siyang maayos. I used to watch her before pa tong biglang humble bragging. Masyado lang napapag-uusapan si Madam dahil she regularly uploads videos, masipag din siya sa IG haha you cannot blame people na mag-comment sa nakikita nila na minsan naman nakakairita talaga. Alam mo yun, tao eh curious. Tulad ng pagiging curious mo din dito sa thread at napagawa ka pa ng account at nagawa mong mag-comment. I am sure madalas ka din nagbabasa dito kasi alam mo yung mga most na sinasabi, ibig sabihin curious ka din anong sinasabi dito (napagawa ka pa nga ng account nito lang) Walang basagan nalang ng trip hahaha wag ka din pa-stress dahil katuwaan naman usapan dito, ikaw lang nagbi-big deal at naste-stress.

Back to regular programming, pinanuod ko yung reklamo nung mga merchants sa vloggers bazaar. Sabi nung nag-reklamo na expected nila makakabenta sila since pupunta nga mga vloggers pero di nila inexpect na magbebenta din. I don't know ha... hindi ba yung pag-participate ng mga vloggers eh dahil magba-bazaar din sila at hindi yung special appearance lang? May vloggers lane nga eh.

Dun naman sa pa-picture bago muna bumili, sabi ni Viy na siya nagsabi na bumili muna bago magpa-picture (so opposite sa sinasabi nung ate merchant na yung mga vloggers daw mismo nagsasabi although not all) dahil sinuportahan sila. Pero alam niyo yun, expected talaga na since vloggers bazaar eh dudumugin nila yung mga vloggers.

Isa din sa mga issue nila yung Worldtrex na tinarayan sila nung President. Mali din yung ginawa nung President. Kaloka si boss na nagbabanta, nagtataray at nanduro.

Ang mali lang talaga yung sa pag-organized. Maigi nga na lahat nalang vloggers at wag haluan ng ibang merchants kasi di mo mapipilit mga tao na bumili sa iba kung dinayo talaga nila mga vloggers. At sana humarap yung President ng Worldtrex para sagutin yung accusation nung mga merchants against her. Hindi kasi dahil may naririnig na mga reklamo at ipapa-Tulfo eh ganun na gagawin mo sa mga merchants.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #69 on: November 14, 2019, 02:50:42 am »
I find it unfair na isisi ng merchants sa vloggers kung bakit sila nalugi. Well actually di nga sila lugi according din mismo dun sa nainterview ni Tulfo. Nagpa-buy 1 take 1 pa siya ng paninda niya pero kumita pa din siya hindi nga lang yung iniexpect niya na profit. So ang gusto nila magtubong-lugaw pala sila. Sa totoo lang ang mahal ng tinda sa bazaar, yung cp case na tinitingnan ko sa shopee 60php lang plus shipping na 50php so 110php total. Pero sa bazaar 250php siya nung magtanong ako. Ang mali lang talaga for me yung treatment ng Worldtrex sa mga merchants nila, hindi dapat ganun.

iceicebaby

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #70 on: November 14, 2019, 04:13:41 am »
Oo nga. I smell something fishy. Lol


Antigone

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #71 on: November 14, 2019, 06:53:08 am »
Actually if I'm going to a vloggers' bazaar, I would expect vloggers ang magtitinda. Hindi ba?

ultimatehousewife

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #72 on: November 14, 2019, 07:25:24 am »
Is Lavendaire local? Parang hindi Noh. Saw one video pa lang naman. 😊

I love lavendaire :) I think Asian siya sis. I love muchelleb as well. Dami matututunan sa kanila.

pretty empress

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #73 on: November 14, 2019, 08:01:18 am »
Female network pa din to sis. Hindi eto basta basta forum chismisan lang. Isa sa goal ng forum yung women empowerment and sympre sharing of useful informations. Okay lang siguro icriticize pero sobra na din yung iba. Inaraw araw na hahaha.

Agree sis for women empowerment. I thought mga professionals lahat naka subscribe dito pero dami akong nababasa daig pa tambay sa kanto kung maka kutya, parang naperwisyo sila na bumili si AnnaC ng Mustang hahaha..  tama ba sabi nila na pag puro negative nasasabi  mo sa kapwa mo e may tinatagong inggit ka?
« Last Edit: November 14, 2019, 08:50:31 am by pretty empress »

Ghell06

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #74 on: November 14, 2019, 08:44:21 am »
I love lavendaire :) I think Asian siya sis. I love muchelleb as well. Dami matututunan sa kanila.

^Me too!  ;) Will check muchelleb sis. Gusto ko ng mga ganung content ng vlogs. :)

itsmeheiress

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #75 on: November 14, 2019, 08:51:01 am »
Uy mga sis huwag tayo mag away-away dito at for fun lang naman ito. We have our own opinions
about youtubers at maganda dito kasi we're accepting the positive and even negative opinions. Huwag natin gayahin ang twitter na sobrang toxic. Kung hindi nyo type yung mga pinag uusapan dito, you are free naman na hindi magbasa or start kayo ng thread nyo na lahat sa inyo mag aagree. Ako, I'm a fan of Say Tioco and madami akong nabasa na nega sa kanya dito pero I remained silent lang kasi I respect their opinion. Peace at chill lang mga sis.  ;)

blackmage8

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #76 on: November 14, 2019, 09:32:53 am »
Wag niyo kasi inaano si Anna C. masyado kayong ano eh nasasaktan na sila. charrr!!

Grabe kagabi nagulat din ako nasa TULFO si Viy, inispeed ko pa yung video para mas mabilis at malaman ko if totoo ba yun or parang ganun lang kila Benji Paras dati na for promotion lang pala. pero habang nag babasa ng comment at the same time totoo na pala.
alam kung totoong complaint yun pero natatawa ako, dati nagawa lang ng mini Parody sila Viy kasi fan nga rin sila ng Tulfo ngayon na totoo nang napa Tulfo sila hehe..

Ewan ko ha, pero masyado yata nag expect yung mga merchants na doble doble ang kikitain nila since dadagsain din yung Bazaar ng mga fans ng vlogger. napunta rin ako sa mga event na ganyan before na walang halong mga sikat pero di rin naman lahat bumibili talaga minsan napunta lang dun at dadaan titingin. kung pupunta kayo sa ibat ibang bazaar hindi naman talaga lahat mabibilhan kahit dagsa ang tao. yun ay sa napansin ko lang naman. wait nalang natin ang part 2 hehe

bad.det

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #77 on: November 14, 2019, 09:42:56 am »
Hindi ko ganon kagusto si Viy pero parang sumakit yung dibdib ko nung nakita ko syang umiiyak hahahaha. Siguro kasi ang sincere nya talaga.

Btw, grabe bilib ako kay Manay Chona. Hindi ko napansin na binge watch na pala ko nang cooking vlogs nya. Naka play lang kasi YT ko while working. Ang galing nya sa mga kids nya. Ang gagaling kumain. Sana gumawa sya ng content kung pano nya nagawa sa mga kids nya un. Ang gagana e tapos kumakain ng cucumber as snack! Kakabilib!

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #78 on: November 14, 2019, 09:56:29 am »
dun sa vloggers bazaar nayan, expect mo na ang mabibili lang talaga is yung mga booth ng mga vlogger kc syempre nakikita sa vlog nila mga products eh..o ngayon di sila kumita sa bazaar so wag nadin sila mag padala sa mga vlogger ng products =)

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 14)
« Reply #79 on: November 14, 2019, 10:05:35 am »
Btw, grabe bilib ako kay Manay Chona. Hindi ko napansin na binge watch na pala ko nang cooking vlogs nya. Naka play lang kasi YT ko while working. Ang galing nya sa mga kids nya. Ang gagaling kumain. Sana gumawa sya ng content kung pano nya nagawa sa mga kids nya un. Ang gagana e tapos kumakain ng cucumber as snack! Kakabilib!

Ako din eh. Nacurious lang naman ako nung lagi silang nakila Rhaze. Najudge ko pa nga family niya kasi akala ko lagi lang nakikitulog at nakikikain kaya pinanood ko isang vlog niya as per YT suggestion tapos ngayon napanood ko na lahat. Wala pa lang sinabi yung mga pakain ni Rhaze sa kanila. Hahaha.

"Tuyo is the greatest!"- Zachary
Cute nga mga kids niya. Although minsan naiirita na ko sa kakulitan ni Holly. Hehe

Ang generous pa ni Manay Chona sa balikbayan box niya. Hindi naghahanap ng pa-expire na pagkain para ipadala. Haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close