watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (thread 64)  (Read 96803 times)

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #340 on: October 22, 2019, 10:09:21 pm »
Hay kaasar, 24 oras un palabas sa P2P na nasakyan ko di ko napanood un interview ni Marj...ang hirap na tuloy sundan...

https://www.youtube.com/watch?v=kZ2m1i3hTjI

goddessella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #341 on: October 22, 2019, 10:11:50 pm »
I watched the interview na.

First point, yung sinasabi nila na nagtext si Atong to ask Nicole and some family to leave dahil dadating si Gretchen, actually, it wasn?t offensive. Parang umiiwas lang sa gulo and iniiwas na din ni Atong sila Nichole sa gulo. ilang days ba yung wake? Nichole and the rest have all the time naman to stay there... Ilang minuto/Oras ba andun si Gretchen? Ano ba naman yung pagbigyan na nila yung tiyahin nila to say goodbye to her father in peace and umiwas na sila.... there was nothing wrong with that.

Second, yung pagsigaw ni Claudine ng ?you are unbelievable!? Feeling ko normal lang din yun, parang kahit pakitang tao na lang dahil Anjan si presidente. Eh Di mamaya mo warlahin yung kapatid mo, pag wala na si presidente. Parang bugso na lang naman yun ng emosyon kasi gets ko si Claudine, parang eto na, magbabati bati na lahat, kahit sandali lang, tapos ang tigas ni Marjorie, kahit sa presidente, Di sha papaawat.

Tapos yung pagbuhat naman ni Nichole kay Gretchen, heller, kung ako din si Gretchen I will defend myself. Ang daming psg sa paligid, ang daming mga pamangkin and miron around na pwedeng maglayo or umawat kay Gretchen, yun pa talagang pamangkin na may issue sa akin (putting myself in gretchen?s Shoes) ang bubuhat sa akin? Hindi ko din maiisip na that?s just to ?buhat? me kasi in the first place wala namang issue na violent si Gretchen before that point. Ang maiisip ko din talaga is that this pamangkin is out to harm me and I will defend myself.


Pero off din nga yung allegation ni Gretchen na si Marjorie ang cause of death ng tatay nila if hindi naman pala heart attack yung reason. Parang naghuhukay na lang ng pang sisi si Gretchen.


FayeP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #342 on: October 22, 2019, 10:13:08 pm »
^sis Antigone, salamat sa link, check ko sa bahay pag uwi, bawal dito sa office ng YT...kaya makikibasa muna ako sa mga posts nyo nalilito na ko kelangan ko na ata ng timeline or mapa

mctina_20

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #343 on: October 22, 2019, 10:18:56 pm »
3. She said the tension came when Atong asked Nicole, etc to leave because he's visiting with Gretchen. Sorry, I don't think the request was wrong. She said it's offensive because Nicole has the right to be there. But so is Gretchen. Anak siya. Ano ba naman yung mag-give way sila? Ilang oras or minuto lang naman yun. Parang grabe naman yung pride naman nila.

Sis klaro naman sa interview  anak ni Atong nagpapaalis kay Nicole and sa mga kapatid ni Nicole dahil papunta doon si Atong and Gretchen.

I don't think Gretchen had the intention to reconcile with her Dad before his death, since si Claudine naman pala bantay every night, she could have went there if she wanted to.

Gretchen's parents never been invited to any of her houses? - let's she if Mommy Inday get an invite after this.

I don't trust Claudine at all, everything is for publicity. I don't have showbiz insider info but the fact that ABS sided with Angelica then, that speaks volume.


Starliiight

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #344 on: October 22, 2019, 10:24:57 pm »
^^Agree, sis, re pagbuhat ni Nicole kay Gretchen.

Medyo nakakainis pa yung pagsabi ni Marjorie na bunso si Claudine and ang bastos niya sa pagsabi ng "you are unbelievable!" as if naman may manners siya. Pare-pareho lang naman silang bastos. No one's better than the other. Nagkataon lang na hypocrite si Marjorie kaya mas may sympathy mga tao kay Gretchen.

Also, yung ilang beses niya pag-ulit na ok sila ni Duterte medyo off sakin. Parang mas concern siya sa impression ni Duterte sa kanya and yung 'relationship' nila kesa sa kapamilya niya. Akala ko ba ayaw niya ng 'showbiz' lol

Isa pa pala, sabi niya she is not a bad daughter kasi siya yung laging nandun sa weekly lunch nila, lagi niya ini-invite parents niya sa bahay nila (si Gretchen daw never lol) and she throws her parents parties.. Ang babaw naman ng definition nila ng love at pagiging good daughter. Ang isang mabuting anak, marunong rumespeto sa magulang. Sa ginawa niya and ng mga kapatid niya, hindi na nila nirespeto parents nila.

Ang gusto ko talaga magsalita mommy nila. Confused din ako kung bakit in good terms pa si Gretchen and JJ Barretto. Kung binugbog talaga ni Gretchen si Nicole, diba dapat father ni Nicole unang magagalit?

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #345 on: October 22, 2019, 10:27:05 pm »
Sabi ni Marjorie about sa Clau kay Recom, nangutang si Claudine ke Recom then it turned out na ni-trap lang pala sila.
« Last Edit: January 23, 2020, 04:35:12 am by Antigone »

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #346 on: October 22, 2019, 10:28:11 pm »

Also, yung ilang beses niya pag-ulit na ok sila ni Duterte medyo off sakin. Parang mas concern siya sa impression ni Duterte sa kanya and yung 'relationship' nila kesa sa kapamilya niya. Akala ko ba ayaw niya ng 'showbiz' lol



Truuuuuu! Yan nga napansin ko, di naman tinatanong ni Karen, wala naman issue sa kanila ni Duterte, paulit ulit niya sinasabi na ok sila ni Duterte. lol.

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #347 on: October 22, 2019, 10:59:47 pm »
Iniinterview na si Claudine sa Dzmm
https://twitter.com/dzmmteleradyo/status/1186654001078493184?s=21

Claudine: I cannot make kuwento kasi sa sobrang bilis ng pangyayari parang nakapa-surreal. Hindi ko ma-remember vividly.

Claudine: Ako ang nagsabi kay Nicole. Darating si Gretchen and Tony Boy, hindi ko alam kung darating si Atong.

Claudine: Ang nangyari is that, nung okay na si Mommy at si Gretchen na nag-usap, nagyakapan. Ang sabi ni President Duterte, sino pa ba dito ang hindi mo kasundo, yung naka-brown?

Claudine: Papalapit kami, sabi ni President maglamano. Si Marj, ang sabi ?Sa inyo po magmamano ako, pero sa kanya? Hindi n?yo alam kung anong ginawa nyan sa pamilya ko.?

Claudine: Kahit sinong tao siguro, would stop her. So ang sabi ko, you?re unbelievable. Tapos ang sabi niya, ?Nagbabait-baitan lang kayo,? nagwawala na s?ya.

Claudine: Ang sabi ko, how dare you do this in front of  the President? Nakakahiya. Nagpunta dito ?yung tao nakikiramay. ?Yun na ?yung start ng gulo.

Claudine: Hanggang sa bigla na lang si Nicole sumugod, hinablot si Gretchen ganyan. Nagkaroon na ng malaking gulo.

Claudine: Nung medyo patahimik na nakahinga na ang lahat, dun naman sumugod si Gretchen saka n?ya na hinila ?yung buhok ni Nicole.

Claudine kung minura s?ya ng pamangking si Julia: Oo. Paano nila ide-deny ?yun? May video eh ?yun ang ilalabas ni Gretchen. So makikita nila, magsinungaling sila hanggang gusto nila.

Claudine kung kasama si Julia sa nanakit sa kaniya: Kasali. Kaya I don?t understand it eh, yung sinabi n?yang ?It?s not my battle,? You were the one who laid your hands on someone you used to call your Mama.
« Last Edit: October 22, 2019, 11:23:50 pm by liana »

acqua

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #348 on: October 22, 2019, 11:45:06 pm »
Mapapaisip ka tuloy kung na harrass talaga si Gretch ng dad kasi umalis siya dati nung bata. Nagkaaway sila ng mom niya. TF queen pa tinawag sa kanya. Baka kaya di siya nagpunta sa hospital. Sa wake kasi nakikiramay ka dun sa namatayan hindi naman sa patay talaga. Kung totoo man, nakakaawa siya.

About sa interview, medyo maiwas pa si Marjorie and masyado nag focus issue kay Atong Ang at ?pag agaw n Gretch? like Atong Ang is a kid. Hindi na naagaw yun. Gretchen I think can be really the taunting type but not necessarily sinungaling.

grace.kelly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #349 on: October 22, 2019, 11:55:11 pm »
Galing ng pagkakahimay-himay niyo mga sis. Buti pa dito di madaling malokomga tao.

I think Marj is telling the truth pero kulang, yung kwento ni clau ang nagkwento ng kulang sa story ni marj. Sana mainterview rin si clau sa tv patrol.

Nagtataka lang ako bakit side lang ni marj ang kinuha nila parang game naman sa interview si clau. Para ba sa namamatay na career ni julia?

acqua

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #350 on: October 22, 2019, 11:56:43 pm »
Di ko makita na bad yung pagtawag nila Atong Ang. Kasi ano bang malay natin baka di pa over si Nicole at may tendency talaga magwala. Kasama pala yung mga Mimi di lang si Atong Ang.

acqua

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #351 on: October 23, 2019, 12:00:00 am »
Galing ng pagkakahimay-himay niyo mga sis. Buti pa dito di madaling malokomga tao.

I think Marj is telling the truth pero kulang, yung kwento ni clau ang nagkwento ng kulang sa story ni marj. Sana mainterview rin si clau sa tv patrol.

Nagtataka lang ako bakit side lang ni marj ang kinuha nila parang game naman sa interview si clau. Para ba sa namamatay na career ni julia?

Dito lang din ako nagbabasa ng comments. Mas sensible kasi.

FayeP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #352 on: October 23, 2019, 01:01:56 am »
baka nga para sa career ni Julia hehe kaya si Marj muna ininterview..pag magkikita ang family nila dapat talaga may camera para ebidens hehe

blackmage8

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #353 on: October 23, 2019, 01:05:23 am »
may kumakalat ng photos na magka holding hands sina AA at La Greta,,, #HindiDawSilaMagJowa.... pano kaya sasagutin ni La Greta hehe

FayeP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #354 on: October 23, 2019, 01:21:04 am »
nakakacurious talaga kung ano ang tunay na relationship ni AA at Greta, pati si Tony Boy. Are they in an open relationship? Swingers?

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #355 on: October 23, 2019, 01:42:31 am »
Kapal ng mukha ni Marjorie para icontrol sk Mayor Recom kapag nagpapautang sa iba. Misis ka teh?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #356 on: October 23, 2019, 01:43:39 am »
Napanood ko yung interview ni Marjorie and Karen D. Nakulangan ako. Hindi pa tapos si Karen magtanong may sagot na si Marjorie. Scripted ba to? Parang nakita na ni Marjorie yung tanong bago pa yung interview.

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #357 on: October 23, 2019, 01:50:01 am »
Magbarkada si Marjorie and Karen Davila so baka scripted na din. Siguro mas kapani-paniwala kung sila Boy Abunda or Gretchen Fullido ang mag-interview sa kanya pero bakit si Karen Davila. Nakakatawa na din na parang naging national issue na dahil sa TV Patrol pa talaga at epic yung reaction ni Kabayan Noli de Castro hahaha.

blackmage8

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #358 on: October 23, 2019, 01:55:19 am »
Napanood ko yung interview ni Marjorie and Karen D. Nakulangan ako. Hindi pa tapos si Karen magtanong may sagot na si Marjorie. Scripted ba to? Parang nakita na ni Marjorie yung tanong bago pa yung interview.

Sa mga interview na ganyan usually alam nila ang itatanong like sa mga artista, tapos pwedi nila/managers nila i cut kung ano ang ayaw nilang tanong or sagutin. ganern!! and kulang talaga gusto nya ma i liko yung mga issues at lahat ipunta naman kay Greta..kulang yung..
-may nakarinig na nag sabi siya ng patay gutom ang mga press..
-yung nakisali sila Julia nung nagsabong na sina Marj at Claudine.
- Yung pag mumura ni Julia kay Clau na tinatawag rin nyang Mama Clau.



innocent_beauty

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 64)
« Reply #359 on: October 23, 2019, 02:37:19 am »
ewan ko sa statement ni marjorie na si nicole eh affected much na atong is with gretchen..ano naman ngayon kung magkasama sina greta at mag jowa na sila ni atong "iha" may anak at asawa ka na din or bf, buti sana kung single ka parin maintindihan ko pa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close