Author Topic: Papa Left Mama for Another Girl.. What to do?  (Read 297 times)

PinKisH_23

  • I'm a Device Manager and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
Papa Left Mama for Another Girl.. What to do?
« on: October 07, 2019, 05:22:34 am »
Ok this is gonna be long, please bear with me.

May history na talaga ang father ko ng infidelity since ipinagbubuntis palang ako ng mama ko.

Every single time it happens nakikita ko naman na ipinaglalaban ni mama si papa for our sake.

My mom stopped working right after she gave birth to my younger sister, then the bunso came in 1992.

Nag OFW sa China ang father ko right after my brother was born. Akalain nyo bang dumating pa sa binyag ng bunso kong kapatid ang kabit nya nuong panahong iyon. Katabi nya pa ang papa ko sa kwentuhan kaharap ng mga kaibigan nya. That time hindi ko yun naiintindihan, pero habang kinukwento sa akin yun ni mama nung medyo nagkaka isip na ako tungkol dun, nararamdaman ko ang sakit.

May time pa when I was in 3rd year high school, may pumuntang lalaki sa amin, concerned lang daw sya sa amin at ang boss nya na Chinese. Ito raw papa ko pinapunta ng China ang matagal nya ng kabit (same person na pumunta nung binyag ng brother ko) at nag stay sila sa hotel for 2 weeks. Kaya pala the whole time na nasa abroad sya, same lang ang kinikita nya nung andito pa sya sa Pinas, yun pala kasi pinadadala nya sa kabit nya. Sinugod ni mama yung babae, dating officemate ni papa yun, according sa kwento ni mama sinabunutan daw nya yung babae at talagang sinaktan nya sa sobrang galit.

Nung mga panahon na yun ang dinadasal ko lang talaga ay matapos na ang relationship nila at maghiwalay na. Di rin naman kasi kami close sa kanya, he was just the provider and never the father na andyan para gabayan ka, he was just financially able, dahil nga nag stop si mama sa work so dependent talaga kami. Pero nung mga panahon na yun natuto narin kami mag sideline ni mama, I was 14 nung nag umpisa ako tumulong kay mama sa pananahi para may pang dagdag kami sa araw araw.

Hangang matapos ko yung college, wala na ako masyadong nabalitaang babae ni papa, naging busy narin ako sa buhay ko while working. Ang alam ko lang, umuuwi sya tuwing Chinese New Year, yun lang. Pero napapansin namin, tuwing uuwi sya laging burado ang laman ng cellphone at laptop nya, tapos laging branded na pabango at mga damit ang dala dala nya for himself. Nagduda na ako nuon pero di ko nalang pinapansin.

In 2013 ata yun when mom had a stroke, sobrang alala namin, nakita ko yung affection na pinapakita nya mama, yung at one point inisip mo na sana forever na ito. Inalagaan nya si mama, inasikaso at binilhan ng mga pangangailangan nya, so talagang inisip ko na baka nga nagbago na.

Wala kaming napapansin na kahit na ano sa kanya, nag uusap parin sila ni mama sa wechat at walang nagiging problema habang nagrerecover si mama. Napaayos narin yung bahay namin nung time na yun para di na sila aabutin ng baha dahil kawawa nga si mama pag mangyari yun.

2015 yung huling beses na lumabas kami, nag La Mesa Dam kami tapos a week after nag swimming sa Amana, nung panahon na yun di na pinapansin ni mama si papa, nakakaramdam nanaman ng sya ng hindi maganda. Kasi may nakita daw syang picture sa phone ni papa tapos binura ni papa.

In October 2016, nagcelebrate kami ng birthday ng bunso namin nung iopen ni mama na delayed na yung sahod ni papa ng 4 days, usually on time naman dumadating yun kaya nagtaka kami.

Tinatawagan at ni message namin sya sa wechat pero walang response, may time pa na ni block nya ako. So tinawagan ko yung boss nya dito sa Pinas at ni confront kung ano problema, si papa daw ang nag request na sa kanya na dadaan ang sweldo nya.

Siguro dahil na threaten sya sa ginawa ko, bigla nya sinagot ang tawag ko. At umamin sya sa akin, may pananagutan na daw sya duon. Nagalit ako ng sobra sa kanya kasi iniisip ko na kung ano man yun, pwede naman na pag mag retire na sya umuwi nalang sya ng Pinas at manahimik na magsama sila ni mama. Yun pala may kabit nanaman sya at seryoso na ito.

Sabi ko sa kanya, hindi kami manggugulo kung itutuloy nya lang ang sustento sa mama ko. At pumayag naman sya.

Hangang nagpatuloy yung ganung set up, every sahod may dumadating na pera kay mama pero wala na yung bonus nya na 150K a year and yung 13th month, ok narin kesa wala.

Till Feb this year nagsabi sya sa kapatid kong bunso na hindi na sya magpapadala dahil magpapa opera daw sya. Kahit anong pakiusap gawin nya, hindi na nagreply pa ang tatay ko.

Hindi na sana ako iimik, hindi ko na pinansin, pinagsisikapan nalang namin ng kapatid ko na kakapunta lang ng US na tugunan yung pangangailangan nila mama pero dumating yung masamang balita last month lang. Madedemolish na yung mga bahay sa lugar namin, unfortunately, di na nagawa pang ayusin yung pagbili ng lupa kaya wala ng choice ang LGU kundi gibain yung mga bahay at kasama dun yung bahay na pinaayos nila mama at papa.

Sa awa ko sa mama ko (imagine, nawala na ang asawa mo, pati bahay mo, mawawala din), gumawa ako ng paraan para ma hack ang email at fb ng magaling kong ama, nagawa ko naman.

Napakalinis ng pagkagawa ng fb nya, walang trace talaga para malaman kung sino yung kabit nya, pero nagawa kong mahanap.

Nakita ko, kung ano anong gifts pinagbibili sa babae nya, relos na halos 100K, Iphone 7s, mga damit, sapatos, etc. Nagpost pa nga si girl na may napagawa silang sasakyan sa province, malamang eh dun sya nakatira sa same room ng papa ko, ang daming malilibre sa kanya at talagang makakaipon sya.

Grabe ang kakapal ng mukha, yung sinabi ng papa ko na mag papa opera daw sya, ayun nag Shanghai lang pala nung Feb.

Ang tindi ng kakapalan ng mukha nila, gumawa pala ng ibang account ang papa ko kung saan nakablock mismo ang account ko at ang account nya na nahack ko. At nakalagay pa pala dun sa mga profile nila na 2014 pa since maging sila.

Nakauwi na dito ang magaling na kabit.. taga Davao sya. Tapos nagpost pa ang tatay ko nitong Sept lang na nakipag meeting sila with SMDC reps, mukhang may plano pang kumuha ng condo ang tatay ko, gagawa ata ng love nest..

Sa totoo lang.. nahahati ako ngayon, either ipaglaban ko ang karapatan ng mama ko, or hayaan ko nalang karmahin silang dalawa. Naawa din ako sa mama ko kaya di ko na pinaalam ang nalalaman ko.

Pasensya na sa mahabang kwento pero kailangan ko lang talaga ng advice. Salamat. :)


It is impossible to love and to be wise.

J.warner

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 187
Re: Papa Left Mama for Another Girl.. What to do?
« Reply #1 on: October 07, 2019, 06:34:10 am »

Nag aasal binata yang papa mo. Wala sya paki sa feelings ng mama mo dahil alam nya naka depende sya sa papa mo. Sa umpisa pa lang, nambababae na, ever since, di na talaga magbabago yan.

Maling mali na pati sa inyong mga anak na malaki na kayo nagsisinungaling pa sya.  Ilang taon na yung kabit nya? Panong may pananagutan na.. nabuntis nya ba? Baka pera lang habol sa papa mo.

Tama ka bahala na sya basta wag lang stop sustento sa mama mo, kasi shes the mother of his children at di naging ama sa inyo. Dapat magbigay sya ng tama.
Ikaw ba panganay? Kausapin mo sis.. sabihin mo alam mo lahat ng sikreto nya, mag usap kayo yung talagang may agreement, face to face. Stop the dishonesty kamo. Anak ka pa din nya. Mas may karapatan ka kesa sa mga kabit nya.

Pero pag talagang ayaw tumino, wala na tayo magagawa, I mean ano mapapala natin if magdemanda? Pera nya yan bahala sya saan nya gagastusin at kung malalaki na kayong magka kapatid 18 yo and above.. may sarili ng buhay, baka mahirapan kayo maghabol. Pero kausapin mo sis ipaunawa mo sa makitid nyang utak yung side nyo din as the original and legal family.

PinKisH_23

  • I'm a Device Manager and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
Re: Papa Left Mama for Another Girl.. What to do?
« Reply #2 on: October 08, 2019, 02:49:04 am »
^ hi sis. thanks for the reply.

Papa's kabit is the same age as my younger sister, 30 years old, papa is turning 60 in 2 years.

May anak na 10 years old yung babae.

Ang gusto ko lang talagang habulin sa kanya is either yung pang monthly lang ni mama and kami na magshoulder ng para sa bahay or sya ang mag shoulder ng kahit pang DP lang ng foreclosed property at kami na magtuloy.

Nakakapikon talaga.

Sa ngayon hina hunting ko nalang ang phone number at address ng babae at pagtapos nun gagawa na ako ng hakbang.
It is impossible to love and to be wise.

J.warner

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 187
Re: Papa Left Mama for Another Girl.. What to do?
« Reply #3 on: October 08, 2019, 12:02:48 pm »
^ ang gusto na lang ata nila is yung sustento for the mom kasi syempre legal wife plus need pa nila bayaran yung bahay. 

Sis PinkIsh, yung kabit makakaintindi naman siguro yun ng situation so I think tama lang kausapin mo sya. Tsaka wag syang ano ha shes 30 tapos dad mo is 58 wag nya ipilit na true love yun pwede ba. Lalo may anak sa pagka dalaga yung girl. Ayun na
« Last Edit: October 08, 2019, 12:04:50 pm by J.warner »

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3223
Re: Papa Left Mama for Another Girl.. What to do?
« Reply #4 on: October 12, 2019, 11:33:14 am »
Sis, your mom can file a case against your dad. Pag nakakuha kayo ng court order, paraNg possible ata direcho sweldo nya sa inyo or at least part of it.

But you need a good lawyer. Mag file sya ng violence against women and children.

O di kaya try nyo isumbong iyan kayTulfo.

Thanks sis also for sharing your mom?s story. She must have loved your dad so much kaya parang nakalimutan Na nya ang sarili nya through the years. Feeling ko nagka stroke din sya dahil sa kunsumisyon dulot ng married life nya.

In any case eye opener talaga sya at sana magsilbi syang lesson sa mga wives who are struggling also in their marriages pero bata pa (30s-40s) na not to allow these things to happen to you. Don?t allow Na umasa at itolerate ang  philandering husband until pupulutin ka nalang sa kangkungan pagtanda mo. TS, Guys like your dad are selfish at marami sila. they don?t deserve to get scot free with or Iwas obligation just because they happen to want a new life partner.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close