watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)  (Read 204179 times)

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #460 on: November 06, 2019, 04:56:09 am »
Nakapanuod ako ng 1 vlog about japan kay ashley. Sorry pero mukha silang mga social climber. Yes bumili sila ng designer goods pero they look so desperate. Yung tipong ang mahalaga sakanila makabili ng designer bags. Parang for them, the definition of success is being able to buy designer goods. Napaka materialistic lang ng dating. Yes they have the money naman, pero is that evern a priority? Kaya mga kabataan ngayon masyadong materialistic e.

Si rei and mae lang yung kahit papano matino sakanila. Kaya si rei friends with MD and Raiza contawi. Medyo mature na siya. Pero itong si toni sia nagbago bigla. Yung kaartehan niya to the next level, si hazel naman parang immature. Lahat sila parang desperadong rei germar. Peg nila maging rei in terms of outfit, bags, etc pero the maturity di nila makuha.

Speaking of AC. She talked about not comparing other ytubers products, maging masaya nalang daw and wag na iopen up. Pero the truth is, inopen padin niya kasi kahit papano publicity padin yun sakanya. Kumbaga may bibili ulit ng sponges niya na nabaon na sa baul.

Honestly maganda sponges ni MD. Yung kay AC kasi, 2nd wash ko pa lang punit na agad.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #461 on: November 06, 2019, 05:08:11 am »
Agree ako sa todo tipid sa pagkain at accomodation pero todo post ng luxury at material things hahaha.  Ang daming masarap na pagkain sa Japan. Ayoko ng fast food kapag nagtratravel kasi andun ka na rin lang might as well itodo na ang food hehe. Shopping at pasalubong laging sa huli kapag may extra budget at naexperience ko na lahat ng gusto ko gawin sa Japan hehe. Hirap din kasi magbitbit ng nahaul karagkarag mo sa entire trip kaya maganda sa huli na. Sila yata nauna ang shopping? unless un talaga ang goal nila sa pagpunta sa Japan.

drag0nfly

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #462 on: November 06, 2019, 06:54:10 am »
And hindi ba mas expensive mag-shopping ng luxury goods sa Japan?  Nabasa ko lang kay Baghag years ago.  O di sila na ang mapera LOL.  Natawa ako dun sa nagsabing, "Chanel girl ka kasi dba?"  Yasssss.

Mukhang mas nag-enjoy pa si Rei sa recent Korea trip nya with Rai C and Teena compared sa sushalang naganap sa Tokyo.  Si Rai pa naman parang no BS type of girl, so kung jive sila ni Rei, that speaks a lot about Rei.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #463 on: November 06, 2019, 08:39:44 am »
dun sa mga nabasa ko, puro badmouthing Ang ginawa ng mga to about Japan. Kesyo they prefer Korea daw and Hindi na babalik sa Japan because they don?t feel safe?

May sinabi pa si Hazel na 4 times na siya nakapunta sa Japan. So sa 4 times na punta mo dun, di ka pa nagsawa sa awrahan? Dapat alam mo na ang culture sa Japan and pinagsabihan mo mga kasama mo.
Lol! Do they feel safe ba sa Pinas?! As if napaka-safe dito sa atin ah. Saka sa totoo lang yung pagbibihis sa airport malamang naisip nila dahil din kay Hazel. As per Ry kasi si Hazel daw nagsabi na sa Ginza daw dapat ?fashion, fashion? ang awrahan.

iceicebaby

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #464 on: November 06, 2019, 09:11:39 am »
^korek sis. Baka naman kasi sa Pinas, never sila nag-commute at mga feeling prinsesa na May driver and taga-buhat ng mga gamit. Hi admire Rei and Mae Layug. Sila Lang talaga yung hindi nakakainis dun.

Di ko din gets na pumunta sa Japan para kumain ng Korean food? So talagang shopping and Disney lang Ang pakay nila dun? Kawawa naman yung mga first timers (kung sino man sila). They missed out, big time!

I?ve traveled extensively and Japan is my favorite out of all the places I?ve been to (over any European or North American city). Kaya to see people disrespect it triggers me talaga. Yung irita level ko parang same nung kay Logan Paul. Lol.

bluewingedangel

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #465 on: November 06, 2019, 10:09:28 am »
Naku ano naman ang manners nyang Hazel, kasi napanood ko yung Thailand trip nila ng mommy nya. I was researching sana for where to shop in Thailand so pinagtyagaan kong panuorin yung vlog nila ng mom nya. Napaka walang modo, yung mom nya sinabi yung Khob Khun Ka sounds like "kapon ka" sabay tawa ng walang pakundangan. Na i-scam daw nila yung tuktuk driver, mas wais daw sya, etc. etc. Tapos nung aalis na sila sa hotel nila napakita yung loob ng room, my gash hindi man lang inayos yung mga plastic at kalat na iniwan dun. Ako nahihiya para sa kanila. Kaya naku kung anong puno syang bunga. I really don't like Hazel and her mom. Haist!!!

blackmage8

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #466 on: November 06, 2019, 10:19:58 am »
Sana all makapag travel din for free ano? Gusto ko makapunta ng Japan eh dahil sa Anime at good reviews about Japan.❤ wala pa akong napapanood na full vlog sa mga nabanggit niyo dito sumilip lang ako dun sa airport scene. siguro yung iba hindi naman yata ganun kagulo at kakalat sa airport pag nag travel..Nagka Hawaan nalang yata that time.
Kasi hal. If alone lang at nagkalkal ng gamit or inayos may area naman talaga sa CR na pwedi mo ilapag maleta mo para mag fix ng gamit if ever basta nagkahawaan nalang ng Ugali yan kung sino man may pakana😂 nagbasa basa ako sa comment dun sa vlog ni Hazel may naiirita yata sa Ugali ni Rei i dont know if Rei or Ry at na iispell lang ng Rei? But if ever iba timpla ni Rei that time sino ba naman di maiirita no!?

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #467 on: November 06, 2019, 10:35:08 am »
Di ko din gets na pumunta sa Japan para kumain ng Korean food?
Namili ng high end na gamit tapos sa McDo kumain. Sana ni-consider nila na may mga first timers silang kasama kaya sana dun sa mga rated restos sila kumain or yung maka-experience man lang sana ng authentic Japanese food.

Saka sana if may di sila nagustuhan sa Japan sinabi nila sa magandang paraan. Constructive Criticism ba tawag dun? Wala naman country na perfect for sure mas malala pa Pinas compared sa Japan. Kung halimbawa na Pinas ang sinabihan nila ng di maganda for sure pinalaki na yang issue na yan at na-declare na silang persona non grata.

BashaGhorl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #468 on: November 06, 2019, 10:35:41 am »
Hindi po korean food yung kinain nila sa Japan..Yakinikub po yun and not Samgyupsal

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #469 on: November 06, 2019, 11:21:14 am »
Sis blackmage8, kasi doon sa IG stories talaga ni Rei during their Tokyo trip super haggard niya as in. Parang pagod na pagod siya.  ;D Siguro nakakaubos ng energy talaga kapag ganyan mga kasama mo.

forumera

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #470 on: November 06, 2019, 12:05:14 pm »
so far sa mga napanood ko, infairness naman sa food nila, tatak Japanese naman, like ramen, yakiniku and if I go to another country okay lang Mcdo kasi iba menu nila e, I wanna try, pero hindi ko naman aaraw arawin, once is okay.

mukhang si Toni nga nag book, kasi sabi ni Rei sa phone conversation with the airbnb host, "yes for Toni", pero for sure she asked other girls feedback naman kung ok sa kanila but clearly no one bothered to search or read reviews.

when we went to SG, yung kasama namin ang nag search at ng book ng accomodation namin, kahit I trust her judgement kasi mataas standard niya, binasa ko pa din yung reviews, searched saan malapit, ano meron kainan, shoppingan sa area mga ganun so I wouldn't be surprised.

muning00

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #471 on: November 06, 2019, 12:19:31 pm »
nagreply si ashley sa isang comment, saying na kala nila dalawang bathroom. un pala daw un isa shower and un isa eh toilet kaya nakalagay sa airbnb eh dalawa. but still irita ko sa kaartehan nila except rei and mae.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #472 on: November 06, 2019, 12:28:22 pm »
^Di ako super selan sa accomodation pero may mga non-negotiables din naman ako kaya nagbabasa ako ng reviews bago magbook and also hinahanap ko yung nearby landmarks baka kasi mahirap hanapin yung accomodation.

Sabagay iba-iba ang menu ng Mcdo. Pero maski kapag local travel mas gusto ko i-try local restos kesa fastfood. Pero kung may kasama akong bata wala akong choice kundi magMcdo or Jollibee haha. Naalala ko nagaaway kami ng anak ko sa HK kasi ayaw ko magMcdo or Jollibee kaso nanalo din anak ko 😂

iceicebaby

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #473 on: November 06, 2019, 01:11:43 pm »
Yung food medyo naiintindihan ko kasi I think May napanood ako na pagod na sila and gutom na gutom. So kung saan na Lang sila inabutan, dun na kumain. And yes, Kung hindi man Korean yung kinainan, then my bad. Di ko din kasi napanood ng buong-buo, Puro ako skip. Ang cringey kasi.

Pero nakakaloka pa din mga inasal nila dun. I have a daughter na almost teenager na and wish ko lang talaga, Hindi ganyan ang asal nya pag nagta-travel abroad.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #474 on: November 06, 2019, 01:33:21 pm »
It's not korean, it's yakiniku. Japanese barbecue.

Yung Hazel talaga yung super cringe ewan ko ba, makisaksak ka ba naman sa labas ng Yoshinoya para magkulot ng buhok? Tapos yung ginawa nila sa Shibuya na tatakbo sa crossing at magsstop to get the photos kung nakita niyo sa vlog ni Ashley jusko sorry for the term pero parang mga t**** at trying hard.

I feel like they had this idea for an all-girls new brand of pinay influencers sosyalin trip to Japan but they ended up looking like idiots, wannabes and trying hards trying to take photos JUST FOR THE GRAM. May time pa na binigyan daw sila ng paper bag sa Gucci yata yun kasi andami nilang dalang plastic bag, tapos nagpapicture sa labas with all the Gucci paper bags loooooooooooooolll!!!

Also, yang sinasabi nilang hindi safe sa Japan - they booked their hotel in the middle of Shinjuku which is the red-light and entertainment district. Sa limang beses ko na pabalik-balik sa Shinjuku, I can feel that it's quite different from the rest of Tokyo in terms of safety but I'm not going to say na it's dangerous. Their experience may not be the same as mine pero feeling ko exagerrated ang claims nilang hindi safe dun.

Surprisingly, Ashley is level-headed compared to the other girls. Annoying siya sakin before but this vlog proved that mas marami pang annoying sa kanya. Ahem Ry, Hazel and Toni lol.

Yung mga ganitong times nakakamiss yung pa-Korea ng Charis a few years back with Rai, Isha, Say, Tina, Anne, Anna, etc. They were not annoying at all and represented the Philippines very well.

pretty empress

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #475 on: November 06, 2019, 01:49:42 pm »
Kris L. Created a video comparing MD's and ACay's sponges. But take note, brand new ang sponge ni MD. Old and used ang kay ACay. And of course you can guess na what happened sa comments section.

Infairness consistent sa pagkadugyot nitong si kris L. The nadine collection na sinuot nya pero di binili then itong sponge na di man lang pinaghandaan, dahil luma yung isa. #sinongwagi or maybe sinadya nya para maraming views.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #476 on: November 06, 2019, 03:21:38 pm »
I booked Airbnb several times even couple of trips to Japan but come on! May photos naman dun! Kahit mali sila ng intindi sa bathroom situation may photos bawat rooms. At feeling ko din nag-ok na iba trusting Toni's judgment. O ayan lalo pa kayo napagastos, bawas sa pang-shopping niyo. Tama naman 2 bathrooms kasi Japan yun, hiwalay ang toilet sa shower area hahaha

Dun sa nag-comment about sa ugali nung isa. Si Ry yun kasi may timestamp, yan yung hinatid sila sa Apa Hotel at napapaiyak siya. Hindi si Rei yun.

Yung sa Shibuya naman maraming gumagawa nyan, nung nagpunta kami nun ang daming tourists ganyan ginagawa. Since I am not a fan of posting in social media, I don't get anong special dun sa crossing na yun haha

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #477 on: November 06, 2019, 03:31:05 pm »
Wait... 3 days lang sila dun at majority ng ginawa nila eh mag-shopping at mag-picture for the gram? I cannot hahaha

At bumili ng BALLPEN SA MUJI?

blackmage8

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #478 on: November 06, 2019, 03:35:08 pm »
Oo sis ganyan talaga mga Public F. Na nasa IG buwis buhay at pakapalan ng face makakuha lang ng magandang photos para sa Instagram.
Parang meron pa silang next trip silang group ulit siguro mas ok ok na sila this coming trip nila baka mas makakapag handa na sila. Yung trip nila Mae with Isha, Anne naman kasi sa Korea Organize yun. Unlike pag free trip pero kayo kayo na bahala kung saan kayo pupunta mas medyo hassle yun kung kulang sa paghahanda.

qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 13)
« Reply #479 on: November 06, 2019, 03:39:23 pm »
Tapos nagpunta ng Disneyland ng 3PM? Eh yung iba dun for sure first time sa Disneyland tapos hapon na nagpunta? At anong ginawa? Bili ng headbands at pa-picture. I cannot talaga tong mga influencers na to.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close