watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (thread 63)  (Read 113028 times)

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #440 on: September 30, 2019, 09:28:59 am »
May mga ilang netizens, na nagpost na nakasalubong si Toni sa mall or public places, aminado si Toni na talagang suplada sya, hindi nya raw talaga personality yung super Hi!!! Helloooo!!!!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #441 on: September 30, 2019, 09:39:15 am »
^Ako ang feeling ko yung kay Dani and Bela may kinalaman yun sa photo na kasamang nagdinner si Bela, Bea and other ABS celebrities tapos may #ParaKayB. For me Bela was at the wrong place at the wront time. Trade launch/dinner daw yun. Di daw niya alam na pupunta si Bea and di siya aware na gagamitin ang hashtag na yun sa photo na inupload. Basta siya nagdinner lang daw. Alam mo na parang away-bata yan, dapat yung kagalit ko galit mo din pati yung mga close sa kanya dapat galit mo 😂

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #442 on: September 30, 2019, 09:45:47 am »
For me okay din si Toni although she admits naman na introvert talaga sya and di sya gaano namamansin. I don't also see her as an airhead iba lang talaga siguro yung upbringing and yung passion nya. Napanood ko yung mga testimonials nya sa church and sobrang ganda. Meron dun na sinabi nya na she di nya naging dream maging host but God made her one hindi nya alam kung bakit until a few years ago nung iniinvite na sya na mag share sa mga church. Dun sabi ng daddy nya na kaya sya ginawang host ni Lord kasi that was her training ground para mas makapag share sya and makapag inspire ng tao.

Also, wala naman masama na Toni's trying to read more books and nag attend pa ng Harvard classes kahit na short course lang.  For me nakakainspire pa nga yun. Di ba di sya nakatapos kaya nga yun yung hiniling nya kay Alex na magtapos ng college kasi sya ang may work.

About Alex, I find her funny pero most of the time talaga sablay yung humor nya and irritating na. Masyado syang galawgaw na wala sa lugar.   
« Last Edit: September 30, 2019, 04:23:31 pm by liana »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #443 on: September 30, 2019, 10:25:09 am »
Ikakasal na pala si Jolo Revilla, ganda ng fiance niya.

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #444 on: September 30, 2019, 11:25:50 am »
Ang bilis ah. Samantalang ang tagal nila ni Jodi.


SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #445 on: September 30, 2019, 12:47:15 pm »
RE: TONI GONZAGA

Wala din akong nakikitang masama kung nag aral siya sa harvard o nagbabasa ng mga books to improve herself.

Mas maganda naman na gumagawa ng paraan ang isang tao na pagbutihin ang sarili niya at mag improve bilang tao kesa sa mga taong nakuntento na lang kung ano ang meron at nagpaka bitter na lang sa buhay.

Hinahangaan ko pa nga ang mga ganyang klase ng tao, MATURITY ang tawag diyan. At least si toni eh naging mature na dahil she's a wife and a mom now, kesa naman immature pa din kahit may pamilya na.

Sa vlog naman ni Toni, I don't think pa deep siya, for me, mas akma yung description na mas pinili niya mag focus ang vlog niya sa mga positive at inspiring things and moments of her life. Which is a good thing.

Relate din ako sa personality ni Toni kasi introvert din ako.

Si Alex G ang kailangan mag mature na. She's 31 na. Time to be a lady like her sister.




mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #446 on: September 30, 2019, 01:33:15 pm »
Akala ko nasa 20s palang si Alex 😱

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #447 on: September 30, 2019, 01:39:16 pm »
Toni Gonzaga - Jack of all trades, master of none.  Marunong nga kumanta, umarte, mag-host pero mediocre naman sa lahat ng yan.  Lalo naman yung hosting skills nya ewan ko bat may nabibilib sa hosting na dinadaan sa booming voice at OA na intonation. 

Alex Gonzaga - Isa pa eto na sinwerte lang sa YouTube.  I tried watching her before, pero sorry, di talaga ako fan ng humor at other people's expense.  She is crass with a capital C.  Loud, obnoxious at kung ano-ano pa. 

So basically, sinwerte lang ang magkapatid na yan dahil despite their lack of talent and ordinary faces (Google pics of Toni before que horror), kumita na sila ng limpak limpak na salapi dahil maraming nagoyo sa viewing public.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #448 on: September 30, 2019, 01:54:23 pm »
Konti lang kasi may hosting skills sa mga local celebrities kaya maski mediocre yung skill ni Toni mas ok na yun compared sa iba. Si Anne C nga nakakairita maghost sa Showtime laging nabubulol tapos nagka-album and concert maski di naman deserving pero nabigyan ng chance so si Toni pa ba na maski mediocre e may talent pa din. Kaya patawarin na natin si Toni. Nagkataon din kasi na maswerte siya kasi malakas hatak niya sa masa.

Si Alex kapag family or friends kasama sa vlog nanonood ako kasi for me ok lang na magbiruan sila kasi magkakakilala sila. Siguro kapag nagka-family na siya magbabago din siya. Hopefully.

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #449 on: September 30, 2019, 01:59:26 pm »
Between Anne Curtis and Toni, kay Anne ako kasi mas likeable ang personality and she seems more genuine.  Mukha pa lang ni Toni nakakairita na, what more her attitude.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #450 on: September 30, 2019, 02:36:32 pm »
^Ah ewan ko lang, sabi nga dont judge the book by its cover. So di natin masasabi yung ugali ng tao sa panlabas na anyo. Saka may attitude din naman si Anne mismong co-host niya sa Showtime nagkkwento na lagi siyang may nakakaaway dahil attitude din.

For me lang mas ok si Toni now kesa nung single siya. Mas irita ako sa kanya nung single siya parang may pagkabibo siya nun and parang ang ingay-ingay na magulo, GGSS pa sila pareho magkapatid nun. Kung nagbago man siya baka dahil nagmature na siya and lumalaki na din anak niya syempre dapat maging role model na din siya para sa anak niya. Mas nakakairita siguro yung pamilyado na siya pero ang kilos niya tulad kay Alex pa din.

FayeP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #451 on: September 30, 2019, 11:30:24 pm »
I'm not a fan of Anne Curtis but I think yun concert kasi nya katatawanan lang, parang she's not afraid na maging nakakatawa or mukang baliw siya..kaya benta yun sakin...

si Toni G kasi ewan super OA madalas...

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #452 on: October 01, 2019, 12:26:34 am »
Ikakasal na pala si Jolo. Migosh, I'm so happy Jodi isn't the one. You've been saved, girl :D

iampennylane

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #453 on: October 01, 2019, 03:50:02 am »
^tawang tawa ako  ;D

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #454 on: October 01, 2019, 07:18:57 am »
Oh yeah, Anne Curtis.. "'I can buy you, your friends, and this club!" HAHAHAHA!

Just don't be subjective na lang.

Re: Toni, que nagbago o hindi nagbago, nagmature o hindi, may masasabi pa rin ang netizens.

"Those who judge will never understand, and those who understand will never judge.?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #455 on: October 01, 2019, 07:22:44 am »
Nakita ko lang sa IG ni Mariel na may nagcomment na ire-report niya si Mariel sa Homeland Security kasi manganganak sa US. Bawal ba yun? Di ba US Citizen naman siya? Pero natawa ako kay Robin, ang panget ng reply niya halatang pikon na pikon haha 😂

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #456 on: October 01, 2019, 08:25:58 am »
I like Mariel. Sobrang nice ng personality nya. Tapos alam mo yung struggle nya sa pagbubuntis. Yung worry ng nanay at tatay pag manganganak na tapos may mga ganyang utak. NakakaHB talaga.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #457 on: October 01, 2019, 08:31:45 am »
As a US citizen, she can give birth there. US citizen na agad baby. Dito naman kung manganak sya, ipa file nya pa yon for the kid to get a Certificate of Live Birth Abroad which means US citizen na pinanganak in a foreign country. This is provided that Mariel has stayed in the US for 5 years and up prior to giving birth to the child. Hindr ko lang sure if MP is a citizen.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #458 on: October 01, 2019, 08:42:47 am »
^Nabasa ko lang din sa comments and even before pa nababanggit na US Citizen si MP. Kaya nagtataka ako bakit siya isusumbong sa Homeland Security kung US Citizen siya na manganganak sa US.

honeyblue

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #459 on: October 01, 2019, 09:32:28 am »
^kasi obvious na she will just give birth dun para maging US citizen anak nya. Hindi kasi automatic US citizen yung baby pag dito pinanganak kasi hindi US resident si Mariel.

actually, choice naman ng parent kung san nya gusto manganak. a lot of people choose to give birth the US. yun lang kasi sa case nila Mariel and Robin, sobrang hypocrisy dahil sobrang makabayan ang pinapalabas nila sa sarili nila lalo na si Robin. Kung makabayan ka, bakit gusto mo maging US citizen anak mo (kahit ba sabihin na dual citizen naman)?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close