Author Topic: Anak sa Labas Problem  (Read 1244 times)

angese10

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 62
  • go girl
Anak sa Labas Problem
« on: August 10, 2019, 11:23:22 pm »
hello lurking lang ako lagi dito sa gt pero ngayon may problema ako. sana matulungan niyo ako to decide.

yung husband ko kasi may anak sa labas. pinatawad ko sya sa pagkakamaling iyon. dati iniwan sa kanya yung bata pero ngayon kinuha na. ang problema ko ngayon e lagi gusto ng husband ko mag contact dun sa bata kasi napalapit na sa kanya. dati sabi ko ok lang basta magpaalam sa akin. gusto ko sana lahat ay ikwento nya pero usually yung mga bagay na nagsend lang ng litrato o nangumusta d niya sinasabi. nasasaktan pa din ako nito kasi parang naguusap sila ng kabit nya na hindi ko alam.gusto ko sana kasama ako sa eksena kasi mahirap na nga sitwasyon, mas nagiging mahirap pa sakin kakaisip if niloloko ba ako. pero alam ko naman sa ngayon walang relasyon yung dalawa purely sa bata lang.

last time mineet nya yung bata. nagpaalam naman sakin so ok ako. ngayon naman gusto nya puntahan ulit kasi nag birthday pa lang. nagalit ako kasi may balak pala siya hindi nya sinasabi. sabi niya hindi daw kasi sure na aalis siya. sobra inis ko ngayon kasi parang ako na nagaadjust sa kanila.hindi ko din siya makausap ng maayos kasi ang laging rason kasi anak niya daw yun.

sa ngayon parang kami tuloy yung pamilyang kabit. sobra inis ko gusto ko iwan na to. nagdemand ako na kung pupunta sya, isama nya ako or isa sa anak nya. malayo kasi bahay sa amin so kapag pumupunta sya dun, magastos talaga kaya ang reason niya sayang pamasahe. yung demand ko na sana ipagpaalam naman sakin mga moves nga, wala din. naiinsulto na ako.ang sabi naman niya masyado lang daw madumi isip ko. ano sa tingin niyo? i need help.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2087
  • life's good! praise the Lord!
Re: Anak sa Labas Problem
« Reply #1 on: August 13, 2019, 01:34:20 am »
-sis, pag usapan nyo ng mahinahon, tell him na nafi-feel mo mas nagiging malaking bahagi ng buhay nya yun bata, at yung feelings mo about it.

Isa sa mga reasons bakit hindi nya siguro masabi sayo is because grabe yun reaction mo. Sis, anak nya yun, dapat lang magkaron siya ng personal relationship dun sa bata...wag mo ikaselos yun, karapatan din ng bata na andun lagi yung tatay nya, tulad ng sa mga anak mo...

"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

exquisitegem

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1022
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: Anak sa Labas Problem
« Reply #2 on: August 13, 2019, 10:59:15 pm »
I agree that you should be involved sa mga decisions niya regarding sa bata. It's hard to be in your position kasi naging kabit niya yung babae at hindi maiwasang mag-isip ng masama. I think you should be clear na lang on the visiting schedule like ilang beses sa isang buwan ganun. Pero yung pagsesend ng pictures, hindi naman na siguro masama yung ganun esp simpleng kumustahan lang about sa bata. Karapatan din ng bata kasi tatay niya yung hubby mo sis. Parte na talaga siya ng buhay niyo.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7403
Re: Anak sa Labas Problem
« Reply #3 on: August 26, 2019, 10:19:40 am »
My bestfriend's parents had the same situation. My bestfriend only found out na may kapatid sya sa labas when we were in high school tapos nung nag college yung bata, dun sa kanila tumira. It was a very difficult time for their family but they all had to make adjustments.

As the legitimate family, maga adjust pa din kayo sis pero kung ako yan, I will not let him call the shots because illegitimate child, meaning fruit ng pagtataksil. It's big of you to accept the child, not many wives will do that, ako mismo hinde ko sure kung kaya ko yan. Pero you have to talk to him and let him know that you should know everything that concerns the child because at the end of the day, sya ang nagpasok sainyo sa ganitong situation and so he should respect you as his wife and as his priority.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3256
Re: Anak sa Labas Problem
« Reply #4 on: August 31, 2019, 06:34:31 pm »
^ I agree
Kung di nya magawa iyan, you need to think din kaya mo ba mag Isa at iwan asawa mo? Sa ikatatahimik mo rin.
Magbibigay ba sya support sa you once you walk out?

 


Latest Stories

Load More Stories
Close