^sis @OTRA_VEZ,
alam mo sis para kang angel. Marami kang pina realized sa akin. Tinamaan talaga ako ng mga sinabi mo, and I want to say thank you. Hindi man kita kilala personally, but I want you to know na meron ka na namang natulungan, and ako yun, you helped me have peace. Maraming salamat talaga sis Otra.. mwahmwah. - sis J
================
Hello mga sis, goodam.
Update ko lang kayo since I think I owe all of you an update dahil natulungan ninyo ako mag muni muni and kinausap ninyo ako kahit hindi tayo magkakakilala.. kasi wala talaga akong mapagsabihan.
Last night, nag usap kami ulit ni husband, and sabi ko napakasakit sa akin na malaman yung ganun na ilang araw na akong nag aalala.. then he hugged me and apologized and hindi na daw niya uulitin and hindi na daw niya ako sasaktan ng ganun ulit.
Hindi naman daw niya ako kaya talagang lokohin, dahil nakaya nga daw niya for 16 years na maging faithful, eh ngayon pa daw ba nagkaka edad na kami.
Kaya totally pinatawad ko na siya kagabi as in ni let go ko na lahat ng galit at takot.
And... ayun naka 3 rounds kami ng make up sex kagabi. Hahahahaha. Parang honeymoon ulit. Lol.
Dahil sa sinabi ni sis @Otra_Vez na palagi na lang daw ako ang nasusunod sa marriage namin which is actually true... (ako talaga ang dominante kasi

)
Napag usapan namin ni husband na from now on kapag may mga hindi kami mapagkasunduan na mga decisions sa mga plano and all, para hindi na kami mag away kung sino ang dapat masunod eh...
MAG TO- TOSS COIN KAMI.
Kung sino manalo, yung gusto niya masusunod. At least that way, we wont resent each other.. we will just resent the coin. Lol.
Napatunayan ko talaga na staying in marriage is an everyday work. It is an everyday choice.
Kailangan araw araw mo piliin na mahalin ang asawa mo, na patawarin siya, at araw araw din na tignan mo kung ano ang mali din sayo...
Maraming salamat talaga mga sis.. God bless our families. Mwahmwah