Author Topic: I'm lost :-(  (Read 2593 times)

gt76

  • Guest
I'm lost :-(
« on: July 03, 2019, 07:02:24 pm »

I thought makakatulong itong pagshare ko ng nararamdaman ko.

Di ko alam ko saan ako mag-uumpisa ulit.

Bago ako nag-asawa nag-abroad ako, at ng kumita tinulungan ko ang parents ko sa pagpapatayo ng bahay namin at nakatulong sa parents ko financially. I travelled a lot. Pinakamasayang naranasan ko ang magtravel sa Europe, Asia at iba-ibang isla sa Pilipinas.

Dumating ang time na ready na ako mag asawa, emotionally and financially. @36 nakapag asawa ako. Nasa abroad kame pareho at ginamit namin ang mga naipon ko nung dalaga pa ako. Ibabalik namin sa bank account ko kapag nakaluwag-luwag.

Simula nung nagkawork kame pareho, nagsimula din humingi at tumulong sa mother nya at mga kapatid. Ok lang sa mother nya kame tumulong pero pakiramdam ko pinakasalan ko ang buong pamilya nya. Pakiramdam ko obligasyon namin sila.

Naghangad akong makapag ipon kame at maibalik na rin yung naipon ko, para na rin sa future namin at sa magiging anak namin, sad to say walang nangyari.

Di na ako nagrenew at pagod ako sa pagtatrabaho dahil toxic sa company na pinasukan ko at wala rin naman saysay ang pinagpapaguran ko dahil mas priority ng asawa ko ang tumulong sa pamilya nya.

Nawalan ako ng gana sa aking married life. :-( Lalo akong nawalan ng gana nung nagloan ang asawa ko dahil nangailangan ng pera ang kapatid nya. Lahat na lang ginagawan nya ng paraan, pwede naman nilang pagtulungang magkakapatid dahil di rin naman sya lang ang nakaabroad. Hanggang sa nawalan sya ng work at di mabayaran ang loan. Yung kapatid nya may kotse sa Pinas, may pamilya at nung nakaraan nasa HK sila at nakakapasyal sa ibang lugar sa Pinas. Samantalang pareho kaming jobless ngayon. Wala akong ganang mag apply at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.

Di ko alam kung paano ako magsisimula....




 






three8one

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #1 on: July 03, 2019, 08:29:06 pm »
Gaano mo na ba kakilala yung husband mo TS bago ka nag decide magpakasal sa kanya? mas maganda talaga kinikilalang Mabuti muna natin yung mga taong pakikisamahan natin. Lalo na kung aabot sa puntong magpapaksal na. pag padalos dalos at kadalasan nagmamadali, ang nakikita natin yung surface lang ng magagandang katangian at pag uugali ng tao. ang ending, kung hindi matagalan Ayun nanjan na magkakameron kang regrets.

sana hindi mo rin ginalaw yung naipon mo nun dalaga ka pa, kung ano't ano man ang mangyari gaya ng nangyayari ngayon meron kang pang simula ulit. kaya lang anjan na iyan, lets hope na  everything goes well na lang kung may mga plan ka/kayo para maka recover uli.

kaya mo yan TS!  :)

kaythrielle

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #2 on: July 03, 2019, 10:15:03 pm »
Sis, bakit hindi yung kapatid ng asawa mo ang magbayad naman ng loan tutal niloan naman yun ng asawa mo para sa kanila hindi ba.

Mag-apply ka ulit. Ang gawin mong motivation ay para magkaroon ka ulit ng sarili mong pera...yung sweldo mo, para lang sayo yun. Kung wala pa kayong anak (or kahit meron) at kung kaya mo, hiwalayan mo asawa mo.
Sorry sis pero parang he is dragging you down.

Dapat kapag nag-asawa na, ikaw na ang priority. Did you agree ba na mag-loan sya para sa kapatid nya? Mali talaga mga naging desisyon nya kaya give him the consequence of his actions.

Do not be affected. Be strong. Kaya mo yan. Focus ka sa pwede mong gawin, huwag sa problema kasi walang mangyayari kapag wala kang gagawing aksyon.
Pray, ask for guidance. At mag-apply ka na ulit mag-work.

bee_bolivar27

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #3 on: July 04, 2019, 01:39:24 am »
usap kayo ng asawa mo teh. better na open yung communication niyo para malampasan nio yan. wag kayo mag sigawan, if it helps write a list ng lahat ng gusto mo sabihin para may direction un usapan.

sabihin mo lahat ng sinabi mo here tas maybe discuss na yung loan na ginamit ng kapatid nia is pabayaran nia sa kapatid nia.

look out for jobs, the more na tengga ka lalo ka mawawalan ng gana. good luck!

J.warner

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #4 on: July 09, 2019, 12:17:43 pm »
Sorry sis. This is the reason kaya ayoko pa magpakasal. Kahit financially ready si hubby gusto ko talaga yung sure na sure na kami. Kasi madami ako kilala na married pero di masaya. Bakit ganun.
Anyway.. sa Pinas ba kayo kinasal? If not baka pwede hiwalayan mo na sya. Maniwala ka sakin if tatagal ka sa ganyang situation baka mas miserable pa abutin mo.
Kung di mo naman mahiwalayan, hanap ka na lang work and this time make sure na may money ka for you and your future child. Wag ka na magpapagamit ulit.

otra_vez

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #5 on: July 10, 2019, 11:01:37 pm »
i feel you. it's hard to be unemployed. mas mabuti nang sobrang busy kesa idle. but all i can really say is, don't give up. look for a job. apply lang nang apply. you encountered a setback but that's just how life is. they happen talaga, whether or not you had a hand in it.

as for your  marriage, at the very least, alam mo naman siguro lahat ng decisions ng husband mo? if he didn't keep it from you, that's at least a relief. however, in that case, what i don't get is why you allowed all of this to happen. i think that your problem is you don't assert yourself more or even if you do, natatalo ka lagi ng flawed logic ng husband mo. perhaps you give in to keep the peace but you know that advice, "it's better than to be happy than to be right,"-- yeah, sometimes, that's bullcrap. it's ok to fight, it's ok to disagree and it is certainly ok to fight for what you believe is right, especially if your happiness depends on it.

you and your husband need to talk. if you feel unhappy or trapped in this marriage, he needs to know that. that's the only way you can fix your problems and move forward.

Maia_Cache

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #6 on: July 11, 2019, 05:21:03 pm »
malaking factor talaga yung financial planning. kasi in your case more on savings ka at leisure. there's still chance kapag nakahanap ng work make sure na distributed ang income aside from savings and leisure dapat meron kang investment para kahit mawalan ng work hindi ka takot sa future mo.

barbramae

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #7 on: July 23, 2019, 01:49:51 pm »
Sis, don't stop working. You need to have your own income para hindi ka dependent sa asawa mo.
Halos same situation tayo. Mas younger saken ng 7 years si hubby so bata pa mga kapatid niya at salat talaga sila sa buhay. Nagpapadala siya ng pera sakanila buwan buwan. Ultimo pambili ng sapatos ng mga kapatid niya pangschool, siya nagbibigay, Though sinasabi naman niya saken at okay lang saken yun dahil may sarili naman akong pera. Hindi ako dependent sakanya in terms of financial aspect. Aside from full time job, may kung ano ano pa akong sideline para makaipon talaga kami. As long as nakakapagbigay siya saken pagnahingi ako (shoot sa bills ang sahod ko kaya nahingi na ako sakanya pang allowance ko), e okay lang saken magbigay siya sakanila. Pero may kusa din naman siya pagneed namin ng pera na hindi siya magpapadala sakanila.
Nakakaawa din naman kasi mama at mga kapatid niya since walang kwenta yung tatay nila (sorry for the term pero totoo).

Basta advice ko lang, have your own income. Malelessen niyan ang dinadamdam at stress mo pag may sarili kang pera.

airish_2

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #8 on: July 23, 2019, 02:40:37 pm »
Don't give up! Communication is the key lahat ng gusto mo sabihin sa asawa mo tell him straight hindi naman kailangan pasigaw if hindi ka kumportable na kargo pa rin family niya kahit kasal na kayo sabihin mo.

Mag asawa na kayo team na kayo at partner kaya sa isang bagay parehas kayo magdedecide hindi iisa. Kung magiipon lang din ako ng sarili ko hindi na ako magaasawa single na lang kasi anong point na nag asawa ka pero kanya kanya kayong savings? Tsaka nagfamily pa kung pati extension cargo pa rin.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #9 on: July 23, 2019, 09:04:43 pm »
I feel you sis, ganyan kasi ang magiging situation ko if un ex ko nakatuluyan ko good thing nagkahiwalay kami at di ko na hinabol dahil isa sa mga factor na ayaw ko sa kanya about family nya.
 

Now I am in good place and happily married masasabi ko napakahalaga talaga na kayo lang mag asawa mahirap kasi pag involved ang relatives sa relationship ng mag asawa lalo na nag uumpisa pa lang tapos money related pa. So until when sya mag support sa family nya? Better na magstart ka na lang ulit mag work and lesson learned na dapat sa inyong mag asawa. Kausapin mo ng maayos ang asawa mo. Wala naman masamang tumulong pero un magloloan para sa kapatid or maubosan kayo di na tama un. May sariling pamilya na kapatid nya sila dapat gumagawa ng paraan hindi ang husband mo.



J.warner

  • Guest
Re: I'm lost :-(
« Reply #10 on: July 28, 2019, 01:40:47 am »
Don?t stress too much about your hubby?s family. Basta wala ka ginagawa masama sa kanila, kahit dedma na. Maiksi ang buhay sis please don?t worry what other people would say about you kung itigil nyo pagtulong. Or magbigay ka medyo malaki then sabihin mo last na kamo. Ipakita mo may hangganan ka din at di sila pwede umasa sayo forever. At the age of 16 nagwowork na ko sa fast food dahil mahirap kami. Kanya kanyang sikap. I graduated at age 26 late na I know pero I have 7 yrs total full time work experience sa BPO and earning atleast 30k a month. Naipon ko yun so ngayon kahit pano panatag loob ko. You actually help them if you don?t help them financially dapat maging independent at mag trabaho. Alam ng family ko at family hubby ko yung hirap ko para lang makatapos pagaaral at buhayin sarili ko at tumulong sa family ko so keber na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close