watch now

Author Topic: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?  (Read 4255 times)

rollin

  • Guest
Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« on: June 19, 2019, 04:07:44 pm »
hello... Is anyone here experienced na nagka gusto narin sya sa ka officemate nya kahit na married na sila? share naman kayo paano kayo umiwas sa ganung sitwasyon.


Thank you

sweet_maldita

  • Guest
Re: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« Reply #1 on: September 29, 2019, 08:02:16 pm »
Just to share my experience, July 8, 2019 nagstart kami sa new company. At first, naatract na talaga ako sa guy pero di ko dedma pa lang nun una kasi hindi pa naman talaga kami magkakilala. Everyday kelangan namin magpalit palit ng seat para makilala namin lahat ng kawave namin. I'm feel so lucky because last day ng palitan ng upuan tumabi sya sakin.

Nagkakilala kami, kabiruan. Sinasabi nya na wala syang gf or wife or anak. So ako mega-stalk sa fb nya. Wala naman akong nakikita, about God lahat ng post nya so kala ko totoo nga. Everyday nahuhulog loob ko kasi mabait na gwapo pa tapos close na kami. Then my trainer ask our batch if may gusto magpalipat sa LOB. Ayoko mafall talaga sa kanya kaya nagpalipat ako ng LOB. Iisa lang ang prod namin so nagkikita pa rin kami. Lagi pa rin nya ako niyayakap. Then nalaman ko na may asawa na sya. Masakit syempre.

Nagbirthday sya, sumama ako. Tinignan ko kung pag sumama ba ako at makita ko yung wife nya e mawawala na feelings ko for him (as my respect na rin sa girl). Pero hindi ganon nangyari, nahuhulog pa rin ako kahit anong control ng feelings ko. Buti na lang naiba sya ng shift kaya hindi na kami madalas magkita. Magkita man kami di na ganon katagal ang oras na magkasama kami.  Lahat ng way ginagawa ko makaiwas lang din sa kanya. May feelings pa rin pero atleast di na katulad nung dati.

FayeP

  • Guest
Re: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« Reply #2 on: October 01, 2019, 01:09:08 am »
hindi pa, hehe crush na super babaw oo pero un inlab wala...nasa straight path utak ko eh....saka I do believe in the kasabihang "Don't s*** where you eat" ...

J.warner

  • Guest
Re: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« Reply #3 on: October 01, 2019, 05:22:47 am »
^ hi sweet_maldita sa BPO ka ba? Uso dyan mga lalakeng nagfifeeling single, kahit may asawa. May payakap yakap pa sya ha.
Tama lang umiwas ka, madami ka pa makikilala.

Ako naman nagka crush sa HR head namin. Haha. Married na sya so dedma lang si Kuya. Yun naman gusto ko sa kanya hes very professional. Although pag nakikita ko sya jusko ang tibok ng puso ko haha 😂
But because hes married- nag let go na ko. Charot. Good karma naman kasi I ended up with a very loving, respectful & generous guy never married no kids so sakin lang talaga sya.

Evolet027

  • Guest
Re: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« Reply #4 on: October 03, 2019, 07:34:57 pm »
yeah, so many times. May office crush ako na 5 years na kong may crush sa kanya. Though hindi naman seryoso pero talagang nag i skip ng beat heart ko pag nakakasalubong ko sya. Charot. I guess ganun kalakas yung dating nya saken. hahaha! THis man has a live in partner and kids na daw. Basta ganun lang epekto nya saken, super bilig ng tibok ng puso. Crush lang naman. hahaha!

sweet_maldita

  • Guest
Re: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« Reply #5 on: January 24, 2020, 01:27:56 am »
^ hi sweet_maldita sa BPO ka ba? Uso dyan mga lalakeng nagfifeeling single, kahit may asawa. May payakap yakap pa sya ha.
Tama lang umiwas ka, madami ka pa makikilala.

Ako naman nagka crush sa HR head namin. Haha. Married na sya so dedma lang si Kuya. Yun naman gusto ko sa kanya hes very professional. Although pag nakikita ko sya jusko ang tibok ng puso ko haha 😂
But because hes married- nag let go na ko. Charot. Good karma naman kasi I ended up with a very loving, respectful & generous guy never married no kids so sakin lang talaga sya.


Ngayon ko lang uli nabuksan yung thread na to. Ngayon ko lang din napansin mali pala grammar ko..haha! Sorry naman. Kinukuha na siguro ako ng liwanag nyan. hehe

Yes, sa bpo po sis.  Sa ngayon okay naman na kami. Wala ng special feelings pero friends pa rin kami. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« Reply #6 on: January 24, 2020, 02:18:25 am »
Ako hindi pa. Ayaw ko ng office romance e. Di pa din ako nagkaroon ng crush ng matindihan sa office.

i_miss_sleep

  • Guest
Re: Nagkagusto ka na ba sa officemate mo?
« Reply #7 on: January 24, 2020, 05:02:20 am »
yes, pero hindi sa may asawa at may gf. admire yes, pero not to the point na pinagpapantasyahan ko at consider na pwede in the future. magaling ako mag-freeze ng mind and heart ko sa ganyang situation. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close