watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)  (Read 94258 times)

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #340 on: July 08, 2019, 12:09:59 pm »
Hindi ko talaga matagalan si kris l. I dont know why pero di ko talaga siya type. In all levels. Haha

Di ako masyado nanunuod kay annec. More on ig ko lang siya sinusundan kaya sainyo ko nalalaman mga ginagawa nila o niya sa vlog.

Actually ganun din naman si anna c kay anne c. Hindi rin naman niya ginagamit brushes ni annec so quits lang na di rin niya maging fave ang sponge ni anna c. Hehe

Hindi ko again type mga pakulo ni anna c. Parang hapit siya ngayon sa pag upload, siguro dahil may ilalabas nanaman siyang product kaya dapat visible siya ng bongga.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #341 on: July 08, 2019, 01:55:36 pm »
Karamihan sa mga beauty vloggers nag-improve ang hitsura. Infairness gumanda sila. Yung iba talagang ibang iba na hitsura from their first uploads. Maybe because of the salamat dok at sangkaterbang skincare. Mukhang si Kris Lumagui lang ang di gumanda para sa akin mas nagagandahan kasi ako sa kanya nuon. Si Anne Clutz ang ganda na din niya ngayon sana ayusan niya si Papa Kitz kasi hindi appealing physically. Infairness sa bf ni Anna C na si Geloy nag-improve yung pananamit at kuminis ang face. Silang dalawa kasi ang madalas laitin ng mga netizens.

vanity fair

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #342 on: July 08, 2019, 02:10:50 pm »
I just watched the latest vlog of LC.  Bibili din sya ng bahay!  Hinihintay lang nya umuwi mommy nya daw.  Saan kaya sya bibili?

bluewingedangel

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #343 on: July 08, 2019, 02:17:43 pm »
Ako naman medyo hindi ko gusto yung mga ngipin/Veneers ng mga nagpa ayos lalo na yung kay Mae Layug and si Toni Sia.  May mga angle din na hindi maganda yung kay Anna Cay, although nag improve yung lip/mouth shape nya. Parang mga chicklet na kinabit, kung alam pa ninyo ang chicklet, napaghahalataan ang edad, hehe.

baby_ni_jaybee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #344 on: July 08, 2019, 04:29:52 pm »
^ yan din ang tingin ko sa mga naka veneers haha parang chiclet, naalala ko tuloy yung si Mr. Wilson sa Dennis the Menace na movie lol siguro depende sa pagkakagawa? yung kina Mimi and Chinky parang ayos naman eh. Yung iba parang di natural, yung halatang fake na ngipin?

samsuni3

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #345 on: July 08, 2019, 05:00:43 pm »
Napansin ko lang di ko sure kung ako lang, di ko alam kung si Isha pilit na ginagaya si AnneC? based dun sa mga timeline of events ng buhay nila parang halos magkasabay o magkapareho mula dun sa paglipat hanggang sa pagkuha ng aso etc.. Tapos yung huling kita ko sa Insta nya yung naliligo yung mag ama nya sa labas habang umuulan. Edi ba may ganun post din si AnneC nuon? Ewan ko bakit ganun yung napansin ko hahah!

Si AnneC naman parang nadagdagan yung kaartehan tska sa Insta nalang ako sumisilip sa ganap nya kasi halos same lang sa Vlogs. Tska sa Insta wala yung "Beke Nemen"

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #346 on: July 08, 2019, 05:28:36 pm »
Infairness sa bf ni Anna C na si Geloy nag-improve yung pananamit at kuminis ang face.
Actually dalawang vlogs na napanood ko na parang nakamakeup si Geloy. Yung Baguio tsaka etong Boracay na may mga close up shots. Baka minamakeupan ni Anna.

Eto na naman si Anna na medyo humble brag sa Boracay kakainis ng slight, mga pahaging ng price ng binook nyang flight last minute sa cellphone etc.

Good for Isha, may uploads ulit.

Chikadora101

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #347 on: July 08, 2019, 05:45:37 pm »
Actually dalawang vlogs na napanood ko na parang nakamakeup si Geloy. Yung Baguio tsaka etong Boracay na may mga close up shots. Baka minamakeupan ni Anna.

Eto na naman si Anna na medyo humble brag sa Boracay kakainis ng slight, mga pahaging ng price ng binook nyang flight last minute sa cellphone etc.

Good for Isha, may uploads ulit.

Ang hilig ni anna sa ganyan, lagi sinasabi na very late sila nag book tipong boarding na.. gusto talaga ipamalita sa sambayanang pilipino na madami syang pera. Nag ddaily vlog na sya kase may nag i edit na ng vlogs nya, kung wala.. I DOUBT. Yung bora vlogs, panay banggit sa shang na dun daw sila last nag stay etc etc. Pero pinapanuod ko pa din videos nya para i prove sa sarili ko na wala nga ako napupulot sa videos nya hahahah!

Bet ko yung bibili na sina lloyd ng bahay tapos sabi nya kahit anong bahay basta MABILIS INTERNET XD ganyan dapat nag iisip! 😁😁😂😂

Been watching Micah Louise lately, i like her.

louvieee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #348 on: July 08, 2019, 06:33:48 pm »
Hilig nga ni Anne Clutz sa ?beke nemen?. Tiba tiba na nakukuha nyang pera sa YT nagagawa nya pa magparinig ng ganun sa mga brands? Haha! Kahit naiinis ako pinapanood ko pa rin kasi curious ako sa bahay. Siguro pag natapos na ng tuluyan yung house nya matatapos na rin panonood ko sa kanya. Haha

Anna Cay, hindi ko na talaga kaya panoorin. Sobrang natturn off ko sa asal nya ngayon. Grabe yung pagbabago sa personality ni ate. Pakahinhin dun sa mga unang vlogs nya pero ngayon, anyareee.

Isha, sana mapanindigan nya na yang paguupload since yan ang kabuhayan nya. Bawas bawasan na lang din sana yung pagka jologs. Haha. Minsan kasi may mga antics sya na parang OA na. Hindi na pleasing sa mata. Kaya madalas hindi ko na tinatapos yung mga videos nya e.

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #349 on: July 08, 2019, 07:03:11 pm »
Cringey talaga tung beke nemen hirit ni Anne Clutz. I know its a joke but jokes are always half meant. Diba sa joke din naman nagsimula ang pagsponsor ng kung ano anong household items lately.

calix11

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #350 on: July 08, 2019, 08:53:51 pm »
yun siguro yung way ni Anne Clutz talaga para makapagparinig sa mga brands kasi alam naman niya bibigyan siya. Kaso nahahalata din ng ibang viewers yan at hindi na maganda, nag mumukha tuloy hindi siya credible kasi may gagamitin siyang product o gusto lang magkaroon tapos mag-be-beke nemen siya sa video.

si geloy napansin ko din, pumuti, tsaka iba na pumorma, lagi kasi siya nakikita sa videos ni Anna Cay so dapat naman kung may iaayos pa siya physically, bakit hindi? kahit tipong makeup at ootd lang. pero yung ootd na oversized sweater na parang dress na ni Anna Cay ang off talaga sa akin.

sana ituloy-tuloy na ni Isha ang pag-vlo-vlog, pero sana quality content naman hindi yung may ma-i-post lang. medyo magulo pa din house nila sana maka-pag house tour na siya, lagi nila kasama brother niya ano? akala ko may pamilya na yun? nakatira siya sa kanila? pero okay din yan, masaya din ka-bonding mga sibs.

eleine26

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #351 on: July 08, 2019, 09:42:39 pm »
re AC

ang boring ng Boracay vlog niya. wala na sila ginawa dun, for me parang nagsayang lang ng pera. feeling ko kaya lang naman niya pinasunod sila mico para meron mag edit ng vlog niya at mapanindigan ang daily vlog.

hinde nakakatuwa yung mga biglaan travel niya hahaha. like eto sa Boracay, dala buong vanity kit niya pero walang dalang swimsuit? yung sa Baguio naman, side B daw ng underwear gamit niya sa last day kasi 2 lang dala niya. hello, pwede naman bumili sa SM, mahilig naman siya sa pagkabili suot agad  :D

liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #352 on: July 08, 2019, 10:22:18 pm »
Anna Cay, hindi ko na talaga kaya panoorin. Sobrang natturn off ko sa asal nya ngayon. Grabe yung pagbabago sa personality ni ate. Pakahinhin dun sa mga unang vlogs nya pero ngayon, anyareee.


Me too. Medyo naturn-off ako kay Anna Cay lalo na sa mga pahaging nya sa branded stuff nya. And why ang dami na nyang alalay ngayon? Sobrang madame na madame. Nakaka sad cause I really liked her before. Wala namang mapupulot sa travel vlogs nya pero yun pa talaga ang naisipan nya idaily-vlog. Sana makeup reviews na lang but I guess di rin pwede since she's really picky when it comes to makeup na ginagamit talaga nya.

Magvavlog na rin pala yung friend nya na si Heather.

Lady Mormont

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #353 on: July 08, 2019, 10:27:18 pm »
RE: AnneC
Napanuod ko [textspeak!] vlog re. Coco milk tea naman na ginamit na naman nya yung work na "beke nemen" and I agreed with you all, ang off nya talaga pakinggan. Kahit joke. Para kasing isa sya sa pinakamaraming PR and mga pinapadalhan ng foods parang sobra naman yata na yun.

Kay AC naman mula ng nabasa ko [textspeak!] mga sinasabe ng ibang sis dito, mas naging conscious ako at tama lumalabas nga na nagiba na sya. Kaloka.

Si Nina Rayos lang madalas ko panuorin now and si Via, plus puro IG follow sa TeamKramer.


tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #354 on: July 08, 2019, 10:35:48 pm »
^ Ay talaga? Okay naman mga travel blog post niya, sana okay din vlogs niya if ever. Friends pa ba sila ni Anna?
« Last Edit: July 08, 2019, 10:38:20 pm by tempaccount »

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #355 on: July 09, 2019, 01:32:40 am »
Grabe kayo kay anna cay pero totoo naman lahat. Medyo off siya ngayon. Sa vlogs niya walang interesting, yung sa car niya as in car lang. parang pinakita lang pero not interesting at all.

Tinatamad narin ako manuod ng vlogs niya, sa boracay niya di ko gets yung kailangan last min. Lalo na sa twitter niya, sabi niya nagbook siya pero tinatamad mag pack. Parang sadya naman ata na di siya nagpack ng swimsuit kasi obvious naman na beach ang pupuntahan. Tska yung reason niya to book mico and friends parang para ipakita sa viewers na mayaman siya at mabait. And yung pahaging ng bags, kaloka. Paulit ulit pinapakita kahit nakita na. Haha

Oo nakita ko rin sa ig stories ni annec na kumakain sila sa mang inasal tas biglang humirit ng beke nemen. Parang naisip ko, pati ba naman pagkain manlilimos ka pa? Medyo entitled na rin yung iba porket alam nila napag bibigyan sila ng mga brands.

Mom-of-2girls

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #356 on: July 09, 2019, 05:35:05 am »
Sa US nako called off na yang mga so called influencers sa hilig nila sa free stuff na me isang resto o food chain or what na nag sabi na pag influencer ka you?ll pay double the amount dun sa original price kasi abusado na nga daw. 

hotsie_pink

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #357 on: July 09, 2019, 07:24:17 am »
Di ko na pinapanood si Anna. Huling noond ko yata eh yung interview niya kay Heart. Tapos based sa mga posts niyo dito lalong ayaw ko na naman manood. Dito nalang ako maki-update.  ;D

bluewingedangel

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #358 on: July 09, 2019, 09:39:29 am »
May i-la-launch pala si AC na skin care/sun block. Yun siguro gamit nila kaya parang maputi ang mga face nila. Pero lately marami syang naging pimples sakto pa naman na tine-test out nya yung mga skin care nya.

bad.det

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #359 on: July 09, 2019, 10:13:03 am »
Oras na siguro para tanggapin naten na humble brag talaga si Anna C hahahaha. Tanggapin na din nya yun sana sa sarili nya. Lol

Turn off saken yung hindi pagsama ni AnneC sa therapy ni Joo. Help me understand bakit hindi sya lagi nakakasama.. Wala ba sya tanong sa PT or hinayaan nya nalang si Kitz mag handle sa condition ni Joo.

Re: Kris L tinry ko sya panoodin. Hindi ko kaya talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close