watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)  (Read 94296 times)

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #200 on: June 26, 2019, 02:49:14 pm »
Hindi ko talaga si hazel and her mom. Parang trying hard sila to fit in. Actually, halos lahat ng vloggers parang may pagka social climber na sila lahat kumita lang konti, sasabay sa uso. Lahat designer stuff na. Not against it pero naging trend na sakanila na bumili ng mamahaling gamit just for the sake na meron sila.

Kahit si mae layug medyo di ko narin bet. dati bet ko siya kasi simple lang.

Mas gusto ko pa si heart. Kahit mayaman, may sariling mundo. Down to earth din siya.

fifi_girl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #201 on: June 26, 2019, 02:55:17 pm »
^yeah, nag-iba na din sa Mae Layug. Dati i watch her vlogs, ngayon hindi na din.

louvieee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #202 on: June 26, 2019, 03:42:47 pm »
Wrong timing naman yung pagbbreakout ng face ni Anna Cay. Kung kelan naman niroroadtest nya yung ?product? nya.

eleine26

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #203 on: June 26, 2019, 04:22:07 pm »
Parang gayahan na lang nangyayari sa mga vlogger ngayon.

Pag nag grocery yung isa, mag grocery din iba.

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #204 on: June 26, 2019, 04:58:46 pm »
^ siguro sis dahil sa dami na ng mga vlogger ngayon because of money earn not because of passion eh gayahan na nangyayari like nagpagawa ng bahay yung isa gagaya yung isa , lumipat  lilipat din, may mag haul meron din gagaya ganern. kung baga wala ng maisip na good content na mapupulutan mo ng ideas or concept. mas gugustuhin ko pa mga travel vlogs na hindi sponsored and products review na binili sa sariling bulsa kc mas authentic mas may sense kaysa sa sponsored na pinapaganda ang review kc libre at may bayad kaya kahit di ginagamit sasabihin matagal ng gumagamit kahit alam mo naman hindi mo nakikita sa vlog nya  ;D makeup review sabihin maganda etc..pero mas prefered parin mga branded makeup mga nireview hindi mo na nakikita ginagamit ..kaloka lang sila.

baby_ni_jaybee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #205 on: June 26, 2019, 05:00:57 pm »
^pag grocery haul na, iniiskip ko na kasi kalimitan pinakita na nila na binibili nila sa supermarket tapos ipapakita pa din sa haul, paulit ulit na lang lol kauta eh. sana ang ipakita na lang nila kung may bago silang nadiscover or kung may gusto sila itry na item from the grocery. lahat na lang pwede ilagay pampahaba ng vid, nilagay e lol

eleine26

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #206 on: June 26, 2019, 06:14:04 pm »
kumikitang kabuhayan na kasi nila pag vlog eh.. kaya anything na sure magiging hit sa viewer, yun ginagawa nila.

saturated na din kasi masyado youtube ngayon. parang lahat nag vlog na. kaya madalas yung iba mema na lang, memapost lang. and yung iba vlogger, mas personal yt channel na, meron pa family or meron pa yt channel na sarili mga anak. obviously, views na lang habol mo nun.

liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #207 on: June 26, 2019, 09:40:15 pm »
Parang gayahan na lang nangyayari sa mga vlogger ngayon.

Pag nag grocery yung isa, mag grocery din iba.

May napanood ako or naread about that na it's something about "trends" kaya pare parehas sila ng content. Yung highest trend kasi yun yung mataas ang rate sa ads. That's why pag may nag haul sunod sunod sila nagho-haul.

Nadaanan ko yung video ni lalaking marangal and may sarili na rin pala syang channel and nagulat lang ako na ang tataas ng views ng mga prank videos nila.

realmofadreamer

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #208 on: June 27, 2019, 02:49:28 am »
iirc, namention yan ni coffeeandsparkles. Something about youtube algorithm. Nireresearch din kasi nila kung ano ang trending na keywords kasi dun maraming ads. And kung puro lifestyle vlogs ang finafollow mo, malamang pare-pareho mga contents ng mga yan. Lalo pa napakalawak ng sakop ng ?lifestyle? niche. Kaya kahit anong trending, gagawin talaga. Sa akin kasi kapag nagsubscribe ako sa isang channel, for example make-up/beauty channel, yun lang papanoorin ko. Kapag naghaul na yan na hindi naman related to make up or beauty, hindi ko na pinapanood. Unless talagang nagbago siya ng channel at ginawang lifestyle vlog or travel vlog or whatever and nagustuhan ko naman yung mga bagong contents niya. Kaya bihira akong magsubscribe sa lifestyle vlogs kasi alam ko lalabas at lalabas din sa recommendation ko yun. lol

innocent_beauty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #209 on: June 27, 2019, 05:43:37 am »
meron nga isang local vlogger ok na sana sya kc tipid tips, simple life ang mga pinapakita nya pero na turn off ako kc gumaya nadin sya sa mga bandwagon pa haul , shopping etc. kc nun sabi nya struggles sila and you can tell naman pero habang tumatagal nag iba flow parang naging trying hard tuloy " can afford " ang peg..sorry ha pero opinion ko lang to ...except mama anne clutz kc nakita ko naman gradual pag asenso nila.

Mom-of-2girls

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #210 on: June 27, 2019, 01:18:22 pm »
Matagal ko ng hindi pinapanood ai toni sia and just saw her IG baket nag iba itsura nya me pinagawa ba sya sa face nya? Did she gain weight?  Or humaba lang hair nya? And where is purpleheiress?

ultimatehousewife

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #211 on: June 27, 2019, 01:24:49 pm »
Veneers yata nakapagpabago ng hitsura ni Toni sila. :) yung iba di ko sure. Nag gain din siya

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #212 on: June 27, 2019, 03:09:50 pm »
Ngayon ko na lang ulit napanuod si Baninay. May bf na pala siya. Napansin ko parang umarte na siya at lagi na siya nag ohmygash. Aliw pa naman ako sa kanya nuon.

twinbee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #213 on: June 27, 2019, 05:43:46 pm »
Ngayon ko na lang ulit napanuod si Baninay. May bf na pala siya. Napansin ko parang umarte na siya at lagi na siya nag ohmygash. Aliw pa naman ako sa kanya nuon.

ilang months na rin sila.. di ko feel bf nya, tipong parang titikman lang sya..
ang lusog pa naman ng asset nya hehe

malayo na rin nalakbay nya, in a way na nakakatuwa. deserve naman nya

yabutize

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #214 on: June 28, 2019, 06:58:31 am »
I really have to commend Lloyd Cadena and his folder heart to help kids and the needy. Di ko siya pinapanood kasi medy obnoxious yung style nya para sakin pero pag gumagawa siya ng good deed, I binge watch. Nakakagaan ng pakiramdam. Super layo sa ibang vloggers na puro luxury shopping & pagpapaganda lang Ang alam. I have a soft spot for people who genuinely helps the unfortunate like Nina & Lloyd. Saludo talaga ako.

Sana marami pang gumaya sa kanila.

yabutize

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #215 on: June 28, 2019, 06:59:15 am »
^golden heart

liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #216 on: June 28, 2019, 09:16:02 am »
^^ So true sis. I don't often watch Lloyd Cadena din kasi ang ingay ingay pero you can really see he's genuine and has a good heart. Bilib din ako na compared with other vloggers na super lavish ng lifestyle he chose a simple life and di talaga sya umalis sa lugar nila nakakatuwa.

thatprettyghoul

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #217 on: June 28, 2019, 11:46:14 am »
^Tuwing pasukan may bigay sya sa previous elem school nya. Pag Pasko season din may paChristmas party sa mga bata at may series of pamimigay (noche buena at appliances sa mga kapitbahay, fiesta dahil sakto December ang petsa, sari sari store showcase, and other Christmas party like last year he supported the Golden Gays).

Pero ang sobrang natuwa ako sa kanya may pagiveaway sya last Dec, at yung winner bata pa hindi makapunta sa meeting place, Trinoma ata or SM North. Kinausap sya ng nanay ng winner na baka pwede sa ibang lugar sila magkita. Pauwi na talaga sila nun dahil ang tagal na nila nagwait pero pumayag siya magtransfer ng place kaya sa tabing kalsada ang naging meet up para sa prize. Maipush lang talaga. Haha. Tapos yung isang winner the next day nakapunta sa mismong bahay nya at pinakain pa nya ng handa sa bahay nila. Reason kasi ng winner enrolment nya nung meet up kaya pinagbigyan pa ni Lloyd. Ang galing lang na he is willing to make adjustments for the winners as well.

PS: naiingayan din ako sa kanya talaga haha but he has a big heart

yabutize

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #218 on: June 28, 2019, 12:09:16 pm »
Di ko yan napanood sis, Pero hanapin ko. Kala ko yung sa school and bahay ampunan Lang charity nya. Meron pa ako napanood, pang-kabuhaya showcase. Parang puhunan para sa tindahan. Love na love ko yun. Kakatuwa siya.

baby_ni_jaybee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 9)
« Reply #219 on: June 28, 2019, 01:01:23 pm »
Sana mas madami pang vloggers yung ganyan no, indi yung puro galing sa PR package lang pinapamigay lol (not shading anyone) parang mas masarap lang panoorin yung mga charity events kase yung happiness na nafifeel ko pag namimigay din kami sa mga bata, nararamdaman ko din pag nakakapanood ako ng vloggers na ganun din ginagawa eh. Ramdam mo din naman sino yung mga genuine talaga sa pagsheshare ng blessings nila sa iba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close