Author Topic: you vs. your bf's family  (Read 515 times)

iceylicious

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 264
you vs. your bf's family
« on: May 15, 2019, 03:45:29 pm »
hello mga sis!
pa vent out lang, naiinis kase ako sa bf ko.
may plan na kase kami magpkasal this year, simple wedding lang naman gusto ko kahit civil wedding ok na sakin. pareho kami may work pero hanggang ngyon wala pa rin kami naiipon, inuuna nya kase yun family nya sa province. lagi sya nagpapadala yun tipong wala na natitira para sa kanya. madalas namin na pagaawayan yan kase halos lahat ng sweldo nya napupunta lang sa family nya, pang budget at pang bayad utang.
 
Naisip ko Pano naman ang future namin..  32yrs old nako, si bf naman 30, gusto ko na mag settle down. gusto ko na magka baby before ako mag 35 yrs. old.

mga sis tingin nyo ba parang lumalabas na nagdadamot ako sa family ni bf?  hindi ko naman sya pinagbabawalan na magpadala sa kanila, ang point ko lang magtira sya para sa pangpakasal namin.. btw, hati kami sa mga magiging expenses ng kasal.
naiinis lang talaga ko kase masyado ko umasa sa kanya. :'( feeling ko hindi nya ako priority.  :'( :'(

glamorosa_09

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1023
Re: you vs. your bf's family
« Reply #1 on: May 15, 2019, 06:41:30 pm »
It's understandable na at your age nakakaramdam ka na ng pressure, pressure magka-baby, pressure magkaroon ng family.

But know also that the more you let pressure influence your decision, the more your decision can go wrong. Wrong in a sense that the relationship might be stressful, have several unresolved and repetitive conflicts, cause resentment, etc. Ngayon pa lang parang ganun na nangyayari.

This is not just about money, it's also about who is his top priority, who he is more committed to, where does his loyalty lies stronger...

Marriage will not solve your bf's lack of financial boundaries. If you think marriage will make things better, think very carefully. Kadalasan lalo lang lumalala. If you will pursue marriage, do not work on changing him, work on accepting him, especially alam mo na from the start.

Basa ka ng mga married girltalkers dito na same ang problem sayo. Merong recent sharing ng katulad sayo sa marriage problem thread ba yun or in-laws thread.

Pagdadamot ba itong maituturing? Not naman, but this is coming from lack of personal/familial/financial boundaries. And like what I've said priority and commitment. Kung ngayon hindi sya tumatanggap ng counsel mo, what will change after marriage.

You can hope, and hope, and hope, and tiis, tiis, tiis, baka one day magbago, but it will not be guaranteed. Pero kung kaya ng personality mo yun, gora lang... Iba iba naman tayo ng threshold.




iceylicious

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 264
Re: you vs. your bf's family
« Reply #2 on: May 16, 2019, 12:43:47 pm »
Sis, nakausap ko na sya inexplain ko na rin sa kanya. pero sarado parin ang isip. di ko daw sya naiitindihan, di daw nya matiis family nya. halos mga kapatid nya may mga sarili ng pamilya. naunahan na sya.

sana dumating ang time na marealize nya tama ang sinasabi ko sa kanya na magsave para sa sarili nya at para sa future namin. ang hirap ng ganito.

@glamorosa_09
Sis naisip ko rin yan what if kasal na kami tapos ganun pa rin style nya diba. mas lalong mahirap.

avitot

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 501
Re: you vs. your bf's family
« Reply #3 on: May 16, 2019, 03:00:34 pm »
Hi sis, dont get me wrong, I do not want to burst your bubble pero hindi kaya si bf ay hindi pa ready to move to the next level at di niya lang masabi sayo directly kasi he does not want to hurt you in a way? If he said ready na siya magpakasal kahit simple wedding dapat meron na kayong target date, guest, mga nagawang preps, etc.. but seems to me nasa drawing board pa lang lahat. hindi kaya napressure siya dahil you have your timeline laid out to him?

sabi ng hubby ko sila daw mga lalake if they wanted something so bad to happen, di kelangan sabihan pa kasi sila mismo magkukusa lalo na pagdating sa usapan ng kasal so, baka di pa siya ready to settle down and madami pa siyang plans sa family niya na hindi pa niya nafufulfill bago siya magpakasal?  It seems lang  na ikaw yung  gustong ipush ang plans to happen this year without considering his side of the story. Ikaw na nagsabi may mga huge expenses pa siya so baka naman he is clearing his way muna bago siya magmove sa another huge responsibility?
 
I think pressured ka lang given your age and it is understandable. Habaan mo lang ang pisi sis, right timing will come  :)
 
all sky :)

iceylicious

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 264
Re: you vs. your bf's family
« Reply #4 on: May 16, 2019, 04:30:22 pm »
@avitot
Sis si bf nga ang nagyaya na sakin na magpkasal na kami, so ako naman umasa talaga ako. nag search at nagplan nako para sa wedding prep.

2 months ago nag set na kami ng target date this coming october sana civil wedding na nga lang kami para di ganun kalaki ang gastos.  pero hanggang ngayon ni singko wala pa kami.  :-\. sabi ko nga sa kanya kung magkano ibibigay nya na amount  ganun din ibibigay para mabilis kami makaipon.

feeling ko talaga hindi pa talaga sya ready. family nya siguro priority nya.
pero sana di nalang sya nagsabi para di ako umasa.. ang sakit pala ng ganitong feeling na umasa ka sa wala. :'(



three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2613
  • GuyTalker
Re: you vs. your bf's family
« Reply #5 on: May 19, 2019, 03:50:32 pm »
@iceylicious

karamihan samin mga lalake wala naman talaga alam sa mga preparation ng mga ganyan event. bibihira yung mga hands on sa pagtulong sa mga gf nila, afaik ah! ? siguro para di ka ma stress masyado try mo ibahin yung approach mo sa bf mo. instead lagi mong pinupuna yung mga pagtulong tulong nya sa family nya, inaalala mo wala pa kayong ipon etc... bigyan mo sya ng mga options and suggestions na pede nyo pag usapan para mag meet halfway yung mga gusto nyo mangyari. im sure kaya mo magawa yun, magagaling mga babae sa mga ganyan sa pagkaka alam ko eh. although madalas dapat yung guy ang nag dedecide, pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon. kaya nga anjan kayo na mga partner eh, considered kayo ang other half ng mga partner nyo kayo ang makakatulong mag puno ng kakulangan.  pressured na din yan si bf for sure di lang nya siguro ma open sayo pwedeng ayaw kanya ma disappoint. habaan ang pasensya! kasi mas kakailanganin mo yan pag tungtong mo sa next level ng relationship nyo.

just my 2 cents..  :)
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

 


Latest Stories

Load More Stories
Close