watch now

Author Topic: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)  (Read 19496 times)

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #200 on: October 24, 2019, 10:20:16 am »
sis schizo_me, ganyan din tyan ko may maliliit na butlig na di naman mapula, color skintone pa din...kaya iba siya sa pics ng mga PUPP but I guess ganun na din to...ang gastos ko now sa lotion at vit. E cream...naubusan na nga ako ng sunflower oil...

re: manas, ayan nakataas now ang feet ko, pansin ko kagabi na naka rubber shoes ako mas konti yun swelling kesa kahapon na nakasandals ako...I guess baka naka-cut nun strap ng sandals ko un circulation ng blood kaya mas kita yun manas....

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #201 on: October 26, 2019, 07:25:34 pm »
Pinatigil na ko ng ob ko with taking Obimin vitamins pero pina keep yung ferrous sulfate and calcium. My RBC is 3.08 kase pero ang normal range for females is 4.10 huhuhu First day ko try na wala Obimin, kase napansin ko, even without the iron supplement, nagsusuka pa din ako after ko mag take ng vitamins. Oh well, ilan weeks na lang din naman na tiis. Okay na din naman kay OB yung weight gain ko kase at first mejo worried sya na hinde ako bumibigat masyado.

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #202 on: October 27, 2019, 11:36:09 am »
^sis, nagtataka din ako sa weight gain ko, nagstart kasi ako sa pregnancy na to ng 58kilos, now 61.5kilos pa din ako, pero ang laki tignan ng tyan ko, sabi nga nila ito daw pinakamalaki kong tyan sa lahat ng pinagbuntis ko. Although si OB ko laking laki sakin pero ewan ko ba 3.5kilos lang tinaas ng weight ko kaya feeling ko sobra naman un reaction nya

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #203 on: October 27, 2019, 11:54:03 am »
add ko lang pala, gumgrabe yun rashes at itchiness ng skin ko, pati likod ko, face, sa binti at arms meron na, my OB prescribed anti histamine and betnovate lotion para sa kati...so far ok naman mawawala na yun redness at sobrang kati, unless mapawis talaga kaya naglalagay na din ako ng cornstarch pag sobrang init dito sa bahay..

Pansin ko din pag andito ako sa bahay, wala akong manas sa feet...

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #204 on: October 27, 2019, 01:01:20 pm »
^Onga sis konti lang nag gain mo to think na few weeks before delivery ka nalang. Baka most of your weight is pregnancy related. Yung una kong pregnancy, heavier and bigger ako, I gave birth at 66kgs. Now at 32 weeks, I'm 59kgs. Siguro factor din dati yung grabeng water retention ko.

Bakit ka kaya nagka rashes? Triggered by hormones lang kaya yan? Grabe talaga pinagdadaanan ng mga babae pag nabubuntis noh.

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #205 on: October 27, 2019, 02:24:04 pm »
Pruritic folliculitis daw eh related sa pregnancy, pagkapanganak daw mawawala din, sadly, andito siya until manganak ehhehhee konting tiis na lang daw kasi 35th week ko naman na...hay ang kati lang talaga...

nikki968

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #206 on: October 27, 2019, 08:55:04 pm »
Hi mga sis! Saan kayo manganganak at magkano ang estimated for NSD at CSD?

schizo_me

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #207 on: October 28, 2019, 09:06:22 am »
10 kilos na na gain ko  :-\.  sana di na madagdagan.

tigil na din ako sa Obimin and pinag take na ko ng malunggay.

Mga kailan kayo magleleave sa work ?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #208 on: October 28, 2019, 09:18:49 am »
^^Ang hirap pag Makati kase pag tulog hinde mo namamalayan na nakakamot mo sya. Konting tiis na lang sis.

 schizo_me Due date ko talaga is Dec 24 but I will go on leave na ng Dec 16. Actually, ang birth plan ko is that pag hinde nag normal delivery by 2nd week of December, mag scheduled CS ng Dec 15. I'll be 38 weeks and 5 days by then. Ayoko kase na nasa hospital kame ng Christmas, kawawa naman yung daughter ko, she always looks forward to spending Christmas with her cousins.

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #209 on: October 28, 2019, 10:05:51 pm »
^^sis schizo_me, mag Mat Leave ako ng Nov. 16, bale 15th ang last day ko dito sa office....para may pahinga konti...

queenofmymanslife

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #210 on: October 31, 2019, 09:58:20 pm »
Third Baby - Nov. 28,2019    ;)

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #211 on: November 03, 2019, 07:32:16 am »
mga sis, update lang sa rashes ko...last week lumala pa siya ng bongga, pero now parang pagaling na din un ibang part...nakakapagtaka lang din na sa mga hita at binti wala ko, sa arms lang, tyan, likod at shoulders...nagkaron un face ko pero nawala din agad after two days...

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #212 on: November 03, 2019, 09:35:45 am »
Aaww hirap nyan sis. Napaka uncomfy kase ng itchiness. I remember hinde ako makatulog non sa kati.

Speaking of hinde makasleep, sobrang hirap magsleep ngayon. Kagabe I was up til midnight kakahanap ng pwesto kase hinde ako makahinga. I can feel baby poking my ribs. Ang sakit and mas nahihirapan ako mag breathe. I fell asleep ng half seated sa bed with 2 pillows under my head, 1 in my lower back and 2 on each sides. Hayy konting tiis pa.

schizo_me

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #213 on: November 03, 2019, 05:43:05 pm »
Hi Sis Faye, may rashes din ako and pinaiwas ako sa chicken and egg para di masyado mangati.

Hirap na din ako matulog. nagigising ng midnight tapos hirap na ibalik ang tulog.  :'(

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #214 on: November 05, 2019, 01:21:26 am »
^sis schizo_me, totoo, hirap sa pagtulog, dami ko na kalmot sa braso, habang tulog siguro nakakamot ko...

iwas din ako sa malansa now, although sabi naman nun nurse na friend ko eh di naman to talaga allergy kaya no need to make iwas...pero just in case...

misbelled

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #215 on: November 05, 2019, 05:13:22 pm »
Hi, sissies!

36 weeks and 4 days na! Hirap na rin makatulog at makati rin yung underside ng belly ko. Sana hindi pa ako manganak kasi wala pala si OB ng Nov. 9 to 14! Check your OB's sched, tip ko sa lahat.

Yung kati, tingin ko hindi naman grabe kaya nag pahid ako ng Palmers before going to sleep. Freebie lang kaya pwede kong damihan ang pahid. Di naman na ako gumising sa pagkakati. Re: sleeping, okay talaga yung may maraming pillows for support. Tinanggal ko na yung Snug a Hug ko sa bed namin ni hubby pero binalik ko. So far, nakatulog naman ako ng mahimbing kagabi.

Manas na talaga ang feet and legs ko everytime nasa office ako pero wala na akong magagawa.

Okay na kayo sa pedia ninyo? Meet namin siya next week pag nag umpisa na yung ML ko. Reco ni OB yung pedia pero may choice naman palitan kung ayaw namin.

Kamusta ang GBS test? Negative naman ako, thank God.

May nafifeel akong Braxton Hicks contractions. Kayo? Gusto ko pa rin lumarga at pumunta ng baby fair at seminars, haha!

Kumpleto na kayo sa hospital bag? Excited na akong gamitin yung mga hand me downs, haha! Marami-rami rin yung naibigay sa amin na clothes and accessories for baby.

Prayers for all of us about to give birth especially this November!

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #216 on: November 06, 2019, 06:14:57 am »
^sis  misbelled, may POGS convention kasi mga OBs sa Nov 10-14 sa PICC...annual convention nila, attend din OB ko kaya sa Sat need namin magkita...

re: braxton hicks, konti pa lang yun contractions ko as in very very minimal pa lang...malikot lang si baby at laging tinatamaan mga internal organs ko hehe

Hospital bag ko already packed na, napagkasya ko sa isang overnight bag yung gamit namin ni baby, ang ipa-pack na lang is yun sa kun sino man ang sasama sa kin sa lying in...di ko pa kasi sure actually wala ata ako pwede isama...may mga maliliit kasi akong anak kaya di pwede si hubby.. ayoko din naman kasama nanay ko kasi sa last baby ko, siya kasama ko noon 2017 nang manganak ako, parang wala din ako kasama kasi natulog lang siya instead na magbantay at mag asikaso....so feeling ko mag isa lang ako na parang may bisitang kung ano...

Manas, meron ako pero konti lang, pag itinaas ko paa ko pag uwi sa bahay wala na din siya after an hour or so...

goodluck at God bless sa lahat

misbelled

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #217 on: November 06, 2019, 04:13:14 pm »
Sis FayeP, buti ka pa nawawala ang manas. Ako, kailangan ng 1 whole day na pahinga. Buti na lang din mag advance ML na ako.

Oo, convention nga raw ang punta ni OB. Behave daw muna ako, haha! Pero tumitindi na yung Braxton Hicks ko. Feeling ko malapit na talaga.

Ay, ako rin! Pag gumagalaw si baby, di ko alam kung gusto kong magbanyo o hindi, haha! Meron din time na para akong nasusuka siguro nadadaganan niya yung stomach ko.

Re: walang kasama sa clinic, try any other relative. Kahit in-law para lang may mag-aasikaso sa ibang bagay. Sa ospital kami so kailangan talaga ng kasama para mag-asikaso ng billing, etc.

Btw, pag may time kayo, check niyo yung YouTube videos ng Zee Mommy Diaries. Pinapanood ko yung what she used at the hospital vs what she packed. Even if iba ang situation nila kesa sa atin, at least may clearer idea tayo.

Love and prayers for a safe and gentle delivery! 

FayeP

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #218 on: November 07, 2019, 11:50:54 pm »
sis misbelled, sa lying in lang kasi ako manganganak tapos solo room pa ako...saka hands on yun mga midwife dun lalo na pag mag isa ka lang na patient...yun last two pregnancies ko mag isa lang akong patient nila nung time na nanganak ako, kaya may nakaalalay sa kin...

ayoko kasi ng relative mga pasaway, lalo naman inlaws haaha better na mag isa ako kesa kasama sila lalo ako mastress....haahha yung panganay ko (which is 8yrs old) nagvolunteer na if ever weekend or hapon ako manganak samahan nya ako sa lying in, one tricycle ride away lang naman from our house yun clinic at may service kaming tricycle kaya pwede siya ihatid hatid...bahala na hahaha

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Babies Due on 4th Quarter of 2019 (October, November and December)
« Reply #219 on: November 11, 2019, 07:58:15 am »
You're due anytime, FayeP. I hope you have  a safe delivery and a very healthy baby. Balitaan mo kame ha :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close