Author Topic: sutil na officemate  (Read 441 times)

rollin

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 69
sutil na officemate
« on: May 11, 2019, 04:55:26 pm »
hello sisters... how are you all?

please help. sounds childish siguro ito. Me and hubby were officemates, ibang department nga lang sya. Mostly mga kasama namin is matatanda na(tumanda na dito) pero nasa age 45 above naman na sila. si hubby, medyo friendly sya sa lahat kahit babae. di naman ako selosa masyado haha pero depende narin sa age. may age gap din naman kasi kaming 2(im 34, sya 41) nataon na may mga project siya where in need na mag handle ng mga taohan. so ayun na nga, meron din magaganda haha. pero i trust him naman.  nataon itong si gurl, nag ask sya sa boss(may itsura din si gurl, pero may asawa at anak narin sya). si boss, nakainom. tapos nag umpisa na sya na biruin si gurl. tipong, bakit sa kanya pa hinahanap ang asawa ko. and ayun, lahat sila sa office nagkakabiruan na. so lahat ng mga babae na lumalapit sa asawa ko, tipong sinusutil nila sa kanya kahit andito ako nagwowork, so ako naman, ngiti lang ako pero naiinis ako. ayoko naman mag create ng away kasi baguhan lang ako dito tapos respeto narin sa kanila since matagal narin sila magkakasama. naiinis lang ako kasi para silang isip bata sa ginagawa nila tapos pinapamukha pa nila sa amin na andun si gurl kahit magkasama kaming 2 ng asawa ko. gusto ko magsalita para naman mataohan sila. pero sabi ng asawa ko, mas lalo daw nila ako iinisin kapag ginawa ko yun kasi alam nila weakness ko. any help? thank you...

kaythrielle

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 484
Re: sutil na officemate
« Reply #1 on: May 12, 2019, 09:17:00 pm »
What do you mean by ?sinusutil?? Do you mean kinakantyawan?
The fact na andun ka hindi nila dapat na ginagawa yun kahit biro. Sana may sinabi husband mo para tigilan nila yun, nung umpisa pa lang, para hindi na maulit.
Halimbawa tinutukso nila si gurl sa asawa mo, sana nag-speak up asawa mo imbes maki-ride on, tulad ng ?andito si misis, labs na labs ko to wala ka ng pag-asa sa akin....? or something like that...pabiro din pero andun yung message. Nip it in the bud, ika nga

AsunaYuuki

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 106
Re: sutil na officemate
« Reply #2 on: May 13, 2019, 06:35:30 pm »
Sis hindi ikaw ang childish kundi yung mga officemates niyo, immature and insensitive.

You said they're already 45 and above pero bakit kung umasta akala mo mga high school pa lang. Nakapa unprofessional and disrespectful na kahit nandun ka eh tuloy pa din yung pagkantyaw nila sa girl at sa husband mo. Dapat din mismong husband mo ang pagsabihan sila na tigilan na yung ganung biruan dahil hindi naman maganda.

Acetylcholine

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 185
Re: sutil na officemate
« Reply #3 on: May 13, 2019, 07:40:14 pm »
Agree na sabihan mo si hubby mo na pagtangol ka naman. Or if I were you mas magpapaganda ako para lalo sila maasar then pag inulit nila yun ganun ikaw na magsalita kahit pabiro na bakit ganoon din po ba ginagawa nyo? Tapos tawa ka lang din wag kang magagalit ng bonga yung pahapyaw lang para maramdaman din nila.

rollin

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 69
Re: sutil na officemate
« Reply #4 on: May 14, 2019, 05:10:02 pm »
Thank you mga sisters. Ang ginawa lang asawa ko is umiiwas sya sa kanila, kasi minsan si asawa ko mapang inis din sa kanila. Pero di yung point na may isusutil sya sa kanila. sila lang yung ganun sa kanya kasi bata sya sa kanila. Yun lang mga sis nakakaiyak na nakakainis ginagawa nila. Tapos kapag pinatulan ko daw sila, mas lalo daw nila sya iinisin o pagseselosin ako kapag ganun. sabi ni asawa ko wala naman daw yun, magtiwala daw ako sa kanya. OO may tiawala naman ako sa kanya. Pero ayoko lang yung ginagawa sa amin.

Salamat mga sisters. nailabas ko lang sama ng loob ko.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close