Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 61)  (Read 59934 times)

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1387
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #520 on: June 13, 2019, 02:04:59 pm »
Magkaiba talaga ang standards ng production sa abs at gma, madami na din kwento na laging tipid sa gma, hindi ganon kaayos, pabaya etc..which is makikita mo din naman, as a casual viewer, pag nanonood ka ng mga shows nila

schizo_me

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 234
  • Live Enjoy Act Love Express See and Awaken
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #521 on: June 13, 2019, 02:41:54 pm »
hindi na naga ako nanood ng GMA , mas lalo pa ako nainis sa kanila  :-\

marge070407

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1076
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #522 on: June 13, 2019, 03:29:55 pm »
Pero ngayon naka-freeze na renewal ng franchise ng ABS kaya siguro kapag nawala ABS mga 2020 GMA na mayagpag.

fifi_girl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 326
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #523 on: June 13, 2019, 06:56:03 pm »
Politically motivated ba yung pagkaka hold ng franchise ng ABS?

yellowminion

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 570
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #524 on: June 13, 2019, 07:37:14 pm »
Nakakainis ang GMA. Sana magsampa ng case ang family ni Manoy. My heart aches. Nakakainis talaga😭

LABYU

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 198
  • wala lang :)
    • Waley waley
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #525 on: June 14, 2019, 01:41:07 am »
Sobrang lungkot naman yung kay Mr.Eddie Garcia  :'( Sobrang turn off ako sa GMA7, dineny nila na may negligence na nangyari? Diba itong website is kay GMA?!  >:(
🙄🙄🙄🙄

THREE strikes and you're out.

10:15 AM - December 1, 2017

lyrahs

  • i'm addicted to YOO
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 808
  • someday my coffee prince will come :)
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #526 on: June 14, 2019, 10:49:07 am »
Politically motivated ba yung pagkaka hold ng franchise ng ABS?

Ang alam ko sis matagal na kasi silang hindi nagbabayad ng tax so hold ang franchise nila (hanggang March 2020 pa naman franchise nila). So I guess pag nagbayad sila ng tamang tax, itutuloy ang franchise.

Kung politically motivated, di ko lam. Haha. Kelangan lang siguro talaga nila magbayad ng tamang buwis. Binraso ni Duterte ang PAL at Mighty Corp na magbayad ng tax di ba, para may pondo din tayo sa Build Build Build.

Just my 2 cents  ;)
Life's a beach....Enjoy!!!

izabelle

  • Extremely Happy Wife and Mom
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2185
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #527 on: June 14, 2019, 12:03:16 pm »
I do hope na kung ang issue talaga ay malaking utang ng ABS CBN, if ever magbayad sila maging ok na ang lahat.

Sana huwag daanin sa "personal" na galit.
The less you respond to rude, critical, argumentative people, the more peaceful your life will become. :)

marge070407

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1076
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #528 on: June 14, 2019, 01:31:52 pm »
Alam ko may settlement na sila nung March pa. Ang sinasabi yata ni President kaya ayaw niya irenew dahil yata dun sa ads niya na hindi pinalabas ng ABS nung election and bias daw kaya ayaw na pirmahan. Pero for me dapat talaga kung ganun idemanda na lang or isoli kung may pera no need na ipasara. Pero isa lang masasabi ko sobrang saya ni Jimmy Bondoc ang haba na naman ng litanya sa facebook hahaha.

Loully

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 64
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #529 on: June 15, 2019, 01:56:05 am »
ang masasabi ko lang, wrong move si jimmy bondoc. i know nagpapabango siya sa current admin para maka-pwesto pero admins come and go pero ang galamay ng influence ng mga tao sa abs ay mas malaki at may staying power. hindi niya alam kung kanino siya hihingi nga favor in the near future. pray na lang siya na mabigyan agad siya ng pansin ng current admin at maka-pwesto, pwede siyang karibal ni mocha.  ;D

lilu

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 221
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #530 on: June 15, 2019, 10:58:18 am »
I think system ng ABS ang pinopoint nya, hindi nga lang nya inespecify sa post nya, masyado syang natuwa. Kaya kahit sinong artista na nagwowork sa ABS, maaapektuhan sa sinabi nya. Hindi nila magets na di naman magsasara ang AbS, kung magbayad man good, kung hindi kukunin ng government and new management lang. So reg employees and artists di naman mawawalan ng trabaho, fair working conditions lang naman dapat. Malaking influence ang media, whole nation look up to thrm lalo na sa news, kaya kung ok ang system and management, siguro hindi na bias. Napanuod ko ang PTV 4 dati, and yun ang gusto ko yung positivity, yung inuudyok yung mga audience to love your country and mag tulungan para umunlad. Yung mga ganun..

Re Eddie, buti false yung mag gigive up yung family sa kanya.. Haaaays salamat. Sana nga magising na sya.
« Last Edit: June 15, 2019, 11:00:46 am by lilu »

sima

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3258
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #531 on: June 15, 2019, 01:30:09 pm »
Si Tulfo kinasuhan daw ng bigamy, nabasa ko lang sa Fashion Pulis.

Ibig sabihin, kasal si Tulfo dito sa babae kasi ayon sa kanya, naghain ng presumptive death na pinaboran ng korte kaya nakapagpakasal dito kay Pearson.

Pag presumptive death, may mga legal requirements yan na kailangan at hindi basta basta nagbibigay ng decision ang korte. Ang alam ko diyan pag ang isa tao na ang propesyon ay seaman, fisherman, sundalo at matagal na MIA at hindi makita ang body at hindi makontak dahil sa giyera o aksidente, saka lang iru-rule ang presumptive death. Eh struggling (at hindi naman strangled) journalist siya at that time.

At bakit siya pa ang kinasuhan ng bigamy?

Merong mga tinatago ding info itong si Tulfo eh. [textspeak!] akala niya sa mga taga-pakinig niya? Hahaha.

Yan comment ko sa FP.  Tignan ko kung ma-approve.

ultimatehousewife

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 227
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #532 on: June 15, 2019, 01:36:35 pm »
^ I'm a fan ni raffy tulfo pero itong issue na ito, for some strange reason, di ako naniniwala na sinabi daw ng ex wife niya na "give me 100 million dahil gusto ko ng marangyang buhay para sa amin ng bago Kong asawa."  Highly unlikely na may ganung tao... Sa pelikula siguro.  Opinion lang mga sis... :)

marge070407

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1076
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #533 on: June 15, 2019, 04:45:57 pm »

nabanggit ng Pangulo na maaari siyang makipagkompromiso sa ABS-CBN kapag tutulong ito sa kanyang kampanya na mabago ang uri ng gobyerno mula Presidential patungo sa pagiging Pederalismo.

How ironic na yung TV program niya ay mga cases na same din sa situation niya. Madalas pa naman siya magbigay ng advice hehe.
« Last Edit: June 15, 2019, 05:29:17 pm by marge070407 »

honeyblue

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 370
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #534 on: June 17, 2019, 09:25:11 am »
feeling ko marerenew pa din naman franchise ng abs. pero if hindi magrant ang renewal, hindi mapupunta sa govt ang company. private company pa din sila. maghahanap lang sila ng different avenue para ipalabas shows nila.  i think kaya nila pinapalakas online presence nila. pero syempre iba pa din pag may channel 2 pa din. ang lagot dyan yung rank and file employees. magkakaron ng valid reason ang abs to retrench their employees.

meekahuang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #535 on: June 18, 2019, 01:14:49 pm »
yan ata ang tulfo na galit sa mga Chinese pero pinag aral ang mga junakis sa Chinese school sa san juan. dapat sipain yang mga anak nya kung ganyan ang tatay. pweh!

realmofadreamer

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 450
    • That Kid at Heart
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #536 on: June 18, 2019, 08:55:20 pm »
yan ata ang tulfo na galit sa mga Chinese pero pinag aral ang mga junakis sa Chinese school sa san juan. dapat sipain yang mga anak nya kung ganyan ang tatay. pweh!

LOL! wag naman natin idamay mga bata. thats a form of discrimination din eh. mas makakasama sa school yan.

Anyway, may bagong balita na ba kay Manoy?
Every man's life ends the same way. It is only the details of how he lived and how he died that distinguish one man from another.
-Ernest Hemingway

marge070407

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1076
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #537 on: June 18, 2019, 09:02:08 pm »
Nacurious ako sa post ni FP kaya chineck ko yung Neris not so secret garden reviews. Grabe sobrang baba ng rating. Kahit naman ako parang kita ko yung menu niya ang konti at ang simple. Masyadong mahal yung presyo.

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 831
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #538 on: June 18, 2019, 09:45:22 pm »
Isaw 20 pesos? ilang piraso kaya yun

iampennylane

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1146
Re: Latest Showbiz Updates (thread 61)
« Reply #539 on: June 19, 2019, 01:11:30 am »
^isang piraso lang sis :) Tapos yung  stick daw ng hotdog P50 :D Eto talaga si Neri hahaha
I am anti-"text-talk". I support good grammar. I am part of "Save the vowels" movement". For your sanity and mine, type out your DAMN words.

Thank you.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close