watch now

Author Topic: OK LANG BA NA KUMUSTAHIN SI EX?  (Read 9295 times)

PurpleAbaya

  • Guest
OK LANG BA NA KUMUSTAHIN SI EX?
« on: March 11, 2019, 09:32:05 pm »
10 days to be exact since we broke up... He was my classmate nung elementary and he was my childhood crush. Last august 2018 nakita ko sya sa suggested friend sa facebook natuwa lang ako kaya ko sya inadd  after 22 years dun ko lang ulit sya nakita. Nung umuwi ako ng October 2018 after 2 weeks ko dito sa pinas nagkita kami. Wala akong gusto sa kanya actually gusto ko lang syang maging tropa. Nung pangalawang beses na nag meet kami sinabi nya saken na he likes me ako naman parang nagulat ako then sya ayaw nya lang na magkaibagan kami. To make the long story short naging kami at almost 3 months lang. Sya yung nakipag break nung March 1. Sabihin na lang naten na hindi kami compatible as gf/bf. Maayos naman yung pag hihiwalay namin actually sa ikakabuti na lang ng sitwasyon kaya nag decide na lang sya na end na lang. Ang weird nga lang nung break up namin kasi nung nakipag break sya inaamo amo ko pa sya pero ayaw nyang magpa amo then after ilang minuto bigla pa syang nagpa lambing nagpa yakap pa sya at nagpa kiss... habang ako umiiyak while saying sorry and thank you... Sabi nya ok lang yun... Inisip ko baka naman nabigla lang sya nung makipag break pero ako pinanindigan ko na. Sabi ko na lang nagugutom ako then kumain pa kami at napaka maasikaso nya siguro dahil last na... hinatid pa nya ako sa bahay... habang nasa kotse sabi ko sa kanya hindi talaga tayo pwede as bf/gf mas ok lang saten kung friends. Tinanong ko sya kung paano na... mag uusap pa ba tayo? sabi nya OO naman.... magkikita pa ba tayo? OO naman... yan mga sagot nya... then tinanong ko kung tatawagan nya pa ba ako... sagot nya... kung mas makakabuti para sayo na hindi na muna... hindi na muna... tapos sabi nya wag ka muna mag bf mag focus ka muna sa anak mo ( single mother ako).... sabi ko naman OO naman...

Ngayon, naiisip ko lang syang kumustahin kasi ok naman ako hindi naman ako bitter or galit sa kanya nanghihinayang lang ako dun sa friendship. Ang nangyari lang siguro samen is na excite lang kami sa isat-isa since ang tagal namin hindi nagkita. At least tinry namin kaso hindi lang talaga nag work out yung relationship as a couple kaya ngayon sumasagi minsan sa isip ko na mag text sa kanya para lang mangumusta pero syempre hesitant din ako kasi baka di nya ako replayan...


amethyst028

  • Guest
Re: OK LANG BA NA KUMUSTAHIN SI EX?
« Reply #1 on: March 11, 2019, 10:51:44 pm »
^ang take diyan if you are not affected by the outcome by all means text away. Pero kung ikaka durog mo pag na seen zone ka e huwag na lang.

Pag nag message ka sa kanya you are lowering your value in his eyes. Diba nga may no contact rule. Lalo na siya ang nakipag break. If he regrets it magpapa ramdam yun, kung totally wala na kahit mag message ka ng mag message hindi na rin siya babalik.


Evolet027

  • Guest
Re: OK LANG BA NA KUMUSTAHIN SI EX?
« Reply #2 on: March 12, 2019, 02:13:05 am »
TS, let him be. Don't ever text him. Pabayaan mo syang mauna magparamdam sayo since sya naman ang nakipag break.

For the meantime, focus your time and attention sa anak mo. Mas deserve nyang ang oras mo kesa sa ex mo. Smile and be happy. Wag hayaan na magmukha naluging tindera. Be positive and pretty. Dadating din lovelife mo soon. 😉😉😉

nerddict

  • Guest
Re: OK LANG BA NA KUMUSTAHIN SI EX?
« Reply #3 on: March 12, 2019, 10:42:32 am »
^Tama yung other sissies natin. The guy might think differently if ikaw mauna magparamdam. Let him be.  :)

simang

  • Guest
Re: OK LANG BA NA KUMUSTAHIN SI EX?
« Reply #4 on: March 12, 2019, 11:30:07 am »
I really don't see the point of reaching out to an ex. Your ex is an ex for a reason. Move on na lang.

three8one

  • Guest
Re: OK LANG BA NA KUMUSTAHIN SI EX?
« Reply #5 on: March 12, 2019, 01:50:36 pm »
kamustahin mo, I text mo para sa peace of mind mo, the more na hindi ka nag memessage the more na kung ano ano ang maiisip mo. tsaka wala naman mawawala sayo sabi mo nga okay ka naman hindi ka naman bitter bakit kailangan mo pigilan ang sarili mo sa gusto mo gawin. pero don't expect anything or na magrereply siya and something good will happen, para na rin hindi ka ma false hope.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close