Author Topic: Husband Wife Division of Labor  (Read 5021 times)

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #20 on: February 14, 2019, 06:41:48 am »
^ sorry ma'am. Typo error. to do "list" po yun. 😳

crzysxycl

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #21 on: February 14, 2019, 03:15:18 pm »
^^LOL!

^Sinabi ko na ng maayos. Minsan nitry ko na rin sabihin ng pagalit, useless lahat. Galit yun kapag pinagsabihan. Sabi pa nga nya gawain daw ng babae yun, dapat daw hindi ako nag-asawa. Wtf! Gusto ata matigok ako ng maaga. Kaya ngayon na night shift sya sa work, madalas kami lumipat ng anak ko sa bahay ng mom ko, dun lang ako medyo napapahinga kasi anak ko lang inaasikaso ko. Eh sa bahay, pati sya asikasuhin ko pa. As much as possible nagrerelax talaga ko pag nasa bahay ako ng mom ko, sana nga kung magiging madali lang ang mga bagay-bagay, kami nalang dalawa ng anak ko.. less stress pa.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #22 on: February 14, 2019, 03:29:03 pm »
Sabi pa nga nya gawain daw ng babae yun, dapat daw hindi ako nag-asawa. Wtf! Gusto ata matigok ako ng maaga.

Nakakainit ng ulo yung statement ni hubby mo. 2019 na, hindi ito panahon ng Kastila. Lol. Sya kamo yung dapat hindi nag asawa. Naghanap nalang sya ng yaya nya.
Ang inconsiderate lang kasi may baby kayo... sa anak lang hindi kana magkamayaw, pati sya alagain pa.

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #23 on: February 14, 2019, 04:26:03 pm »
^^ oops!  Medyo malalim na ang hugot mo sis. Ramdam na ramdam ko. Sa panahon kasi ngayon, sa sobrang dami ng stress sa buhay, yung simpleng division of labor sa bahay kahit papaano nakakabawas ng stress yun eh.

Tsaka wala naman nasusulat na pambabae lang ang mga chores.

crzysxycl

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #24 on: February 16, 2019, 12:37:42 am »
^^Nakakabadtrip talaga. Kung hindi ko lang iniisip ang anak ko, matagal ko na nilayasan to. Sinabi ko nga rin sa kanya minsan na hindi dapat asawa hinanap nya kundi yaya. Patawarin ako ni Lord, o baka bugso lang ng damdamin.. Minsan naisip ko ok lang mambabae na sya at sumama na sa babae, para mabawasan sakit ng ulo at alagain ko. Mag anak na rin sila para solo ko na anak ko. But then, hindi ko rin masabi pag nandun na ko sa situation na yun.

^Ewaaan ko ba. Basta ang sure lang ako, hindi ako willing isacrifice ang health ko for him. Hindi rin kasi tinuruan ng magulang nya eh, senorito ang peg nya sa kanila. Pero yung ibang guys naman pag nag aasawa, natututo diba. Pwede namang aralin, tamad lang to saka makitid ang utak.

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #25 on: February 16, 2019, 12:55:30 am »
^ yan..stress na yan na dulot ng ugali nya towards chores. Minsan talaga kasi nakakadagdag sa stress ng mga wife yan eh.

Sana bigyan mo pa ng chance. Napag-aaralan naman lahat ng bagay. Di naman mahirap gawin ang mga chores sa bahay.

crzysxycl

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #26 on: February 16, 2019, 09:18:29 am »
^Bahala na sya. Antay ko lang lumaki laki pa anak ko, yung age na nakakapag sumbong na. Kasi for sure pag sinabi kong ayoko na, hahatiin pag aalaga sa bata and that means dadalhin nya dun sa kanila, eh may TB MIL ko tapos mga pamangkin nya lagi rin may mga sakit. Eh ngayon nga pag gising ko nakaharap na sya sa laptop at nagraragnarok na. Ewan ko kung natutulog pa tong mokong na to.

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #27 on: February 16, 2019, 12:01:23 pm »
Don't lose hope sis. Habang may buhay may pag-asa. Pero habang may DoTa, naloko na. hehe.

crzysxycl

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #28 on: February 20, 2019, 01:14:11 pm »
^LOL!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close