Author Topic: Husband Wife Division of Labor  (Read 5012 times)

tomatostellar

  • Guest
Husband Wife Division of Labor
« on: February 01, 2019, 12:43:04 am »
Ano mga assigned tasks sa inyo sis and ano naman kay hubby?

kaythrielle

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #1 on: February 01, 2019, 03:25:17 am »
Me and hubby dont have a clear line or anything set in stone for division of labor. Whoever is available or can do the chore at that time, will be responsible for doing the chore.
We help each other whenever we can.

detteski

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #2 on: February 01, 2019, 08:56:44 am »
Pag weekdays, si hubby ang cook especially dinner kasi work from home siya :) then pag weekend, misis duties na ako. laba, luto, walis sa bahay, wash ng dishes. :D

ohcmon

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #3 on: February 01, 2019, 09:47:24 am »
We live in a condo and have our clothes laundered outside so not much chores naman except cleaning and cooking hehe. I cook and sort clothes from laundry, hubby cleans and does the dishes. :D.

simang

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #4 on: February 01, 2019, 10:47:54 am »
Wala rin kami clear division ng chores sa bahay... i mean we didn't technically assigned what to who pero siguro nakasanayan na lang rin over the years. We have a househelp who does the regular cleaning and laundry. I manage the kitchen on weekdays and si husband on weekends naman. Sa daughter namin, hati rin, like if ako nagpaligo, sya magbihis, mga ganyan.

bratty

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #5 on: February 01, 2019, 11:06:39 am »
Lahat ng di ko na kaya, kay husband na! Hahaha! 😂

thebratinella

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #6 on: February 01, 2019, 01:45:54 pm »
We live in my parents' house. May laundrywoman twice a week na nag-iron na din ng clothes. I'm in charge of my daughter's needs. Yung pag gising sa umaga, pagpaligo, bihis, prep ng stuff, pagcheck ng homework, review etc. I also clean our room and parts of the house. Si hubby in charge sa cooking (masarap siya magluto), asikaso ng car and paghatid sundo sa anak namin pag may extracurricular activities. Siya din sumasama sa mother ko sa palengke sometimes. Yung groceries, we both do it. Bonding moment namin yun. Siguro clearer na division of labor once we move to our own house by next year.

yannuh

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #7 on: February 05, 2019, 02:25:58 pm »
Walang division of chores. Normally ako namamalengke, then nagluluto. Si hubby automatic naman naghuhugas ng pinggan. Sya din naglilinis ng bahay and every weekend, naglalaba kami kahit sino may gusto. I feed our cats, sya naman nagpapaligo and nagkacut ng nails nila. Mas marami sya ginagawa sa akin haha! Swerte ako masipag asawa ko.

tomatostellar

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #8 on: February 09, 2019, 03:42:48 pm »
Swerte ko masipag si hubby. Salungat schedule namin ngayon, and nahihirapan ako i-adjust tulog/gising ko para maipag luto sya.
Buti na lang payag sya na sya muna sa pag luto. Ako pag hugas dishes, ligpit ng mga pina-laundry. Ligpit in general kahit wala pa kami mga gamit ;D

minabey

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #9 on: February 09, 2019, 11:14:27 pm »
Our motto is: kung sino di makatiis, sya gumawa  ;D ;D ;D

I do the laundry - kasi automatic naman. He helps me na lang pag sampay. I fold the clothes because I don't like the way he does it. He stores them. I change the beddings.

Cleaning - kung sino "nadudumihan" na but the bathroom is mine.

Cooking - he cooks sometimes but when I do, he's mostly there to clean up after me or tambay to keep me company. I always do the dishes. He always makes my tea.

Budget - he keeps track of the money. I go to the market. He goes to the grocery.

Dog - grooming chores/giving meds, me. feeding time, him. taking dog out to pee/poop at anytime during the day or night - him.  :D

Driving - always him.
Trip planning - always me. I also do his packing for him.

Anything that comes up, if we both don't like doing it - whoever loses at bato-bato pik ;D ;D ;D
« Last Edit: February 09, 2019, 11:46:26 pm by minabey »

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #10 on: February 11, 2019, 10:11:57 am »
maganda tong topic na to... doing household chores is a bonding moment for us. nakakapagkwentuhan kaming mag-asawa.

ang clear division namin ay ang she cooks, i wash the dishes. yung ibang bagay depende na.

pagdating naman sa pag-aalaa ng bata, sya ang main, helper ako. sa paglalaba, kung sinong may time sya naglalaba.

crzysxycl

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #11 on: February 12, 2019, 07:49:03 pm »
nakakainggit kayo sisses. :(

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #12 on: February 12, 2019, 10:23:19 pm »
Bakit naman?

Dito ka na pala naglalagi. Dati sa ibang board kita nakikita.

crzysxycl

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #13 on: February 13, 2019, 09:24:21 am »
^Nag explore ako ng ibang threads. :)

Nakakainggit kasi hindi naghuhugas ng pinggan ang asawa ko, hindi rin marunong magluto. Nagkasakit ako, nabuntis at lahat pero hindi ko naramdaman na inasikaso nya ako. Pinaka contribution nalang nya yung ipagdrive ako sa hospital at ibili ng food. Pero when it comes to chores sa house, luto ko, ligpit ko, hugas ko. Minsan naglilinis sya at nagpapa laundry naman, mga once a month. Ang sabi ng iba, dapat daw pag nag aasawa natututo sa gawaing bahay. Not in my husband's case. I am a working mom so pagod talaga madalas plus I have health issues pa. Kung hindi ako kikilos, mabubundat kami sa fast food. Yun kasi ang go-to ng asawa ko kapag walang lutong food or wala na laman ang ref. I appreciate naman the little things na ginagawa nya kaso mas ok at mas magaan sana kung hati talaga sa chores since hati rin naman kami sa bills and all.

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #14 on: February 13, 2019, 09:49:41 am »
bakit hindi mo sya kausapin..

alam mo sa amin mag-asawa, masmarami pa akong alam na chores, pero pinag-aralan ng wife ko. tapos bago pa lang kami ikasal sinabihan na nya ako, sya ang magluluto tapos ako sa ligpit... sensitive ang skin nya. totoo naman. i once saw her hands nagsugat nung naglaba sya.

nasa pag-uusap naman yan sis. lalo na sayo may health issues ka. mabuti na yun alam nya yung sitwasyon mo... tsaka naniniwala ako na kapag tinutulungan ng husband ang wife sa mga chores masmasaya si misis.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #15 on: February 13, 2019, 10:45:49 am »
Pre-pregnancy:

I usually the laundry, bathroom and CR cleaning (I enjoy chores involving water), folding of clothes and arranging the cabinets.
He usually cleans the ref, aircon and fans, minor repairs, taking out the trash, paying the bills.
What we do together: grocery/market/furniture shopping, general cleaning, steaming the bed and changing the sheets.
Budget: we budget together but hindi pooled ang income namin. He takes care of the credit card bills and mortgage, sakin naman toka ang household expenses and savings.
Cooking and the dishes: Salitan kami; if he does the cooking, I do the dishes. Vice versa.

But now, since I?m on bedrest since week 6 of pregnancy, almost sya na lahat sa house chores. My mom stays with us so the everyday cooking, dishwashing and light cleaning, mother ko na gumagawa. Ang participation ko nalang is to boss him around with the laundry. Hahaha. Joke lang. Automatic naman so I help out, pero si hubby na ang nagsasampay.

crzysxycl

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #16 on: February 13, 2019, 01:51:44 pm »
^^Bago ako manganak tinuruan ko sya ng mga chores. Pati pag saing na super simple lang. Wala, deadma. Lalo pa ngayon na hooked nanaman sya sa gaming (ragnarok). Pero ultimo paglagay ng pinggan sa sink after nya kumain, pag kumain sya ng packaged food or anything, instead itapon diretso sa trash bin, ilalagay pa sa mesa at ako pa rin lahat yan. Yung mga pitcher sa ref, kahit sya yung madalas uminom ng malamig, ako pa rin. Pero ito tinigilan ko na at hinahayaan ko mapansin nyang wala na syang mainom para kumilos naman tutal sya lang naman umiinom ng cold water sa bahay. Mga 5 years na ata akong hindi umiinom ng cold water. Pinagsasabihan ko rin sya at maraming beses na namin pinagtalunan kasi nakakapagod din. Akala mo kung sinong may katulong. Pero wala pa rin talaga. Kung hindi ako kikilos, baka ipisin lang mga tambak sa lababo.

futboler_dati

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #17 on: February 13, 2019, 04:13:14 pm »
^ napag-usapan nyo na ba ng ayos yan? kasi baka akala nya okay lang. kasi ginagawa mo pa rin lahat ng chores. naiintindihan kita eh. yung feeling na wala na kasing ibang gagawa.

kami ni wifey, inuutusan nya talaga ako. binibigyan nya ako ng to do lust.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #18 on: February 13, 2019, 07:27:50 pm »
Hindi ko naging problema kay hubby ang hatian sa chore mas marami pa nga syang alam sa akin na house chores noon nagstart pa lang kami. Hindi namin pinag uusapan pero automatic na kung sinong available or makakita ng dapat gawin ginagawa na.

Kahit may dishwasher machine kami kung sino ang available sya ang maglalagay sa washer or magbabalik ng pingan sa cabinet.

Madalas ako ang sa luto lalo na pag gusto ko ng asian/pinoy foods. Kasi sya automatic ang lulutuin nya pang western foods.

Sa pagfofold lang ng damit hindi ko sya masydong pinagagawa kasi inuulit ko minsan kapag nakikita ko sa wardrobe na di maayos ang fold.

Mas madalas lang ako ang naglilinis ng toilet bowl and sink pero sa bathtub automatic after shower or mag babad sa bathtub pareho namin nililinis kasi pareho namin di gusto na magkaroon ng molds and mildews.

Grocery madalas lagi kami magkasama. Kasi minsan pag sya lang naggrocery madami kulang or mali ang bili.

Halos lahat ng gawain outside sa house puro sya magpala ng yelo pero sa patio lang kasi un sa driveway/parking Area nagbabayad kami ng tao. Magcut ng grass pagsummer, magpulot ng mga dahon pag fall. Ilagay ang basurahan sa tapat pag schedule ng pick up. Ngayon winter sya lagi nagtatapon ng basura.

Kay LO kung sino makapansin na may dumi or puno na ang diaper sya ang gagawa. Lalo ngayon nagsasabi na sya pag may dumi or puno na. Madalas pag gusto maglaro sa snow ni LO silang dalawa madalas magkasama lalo na pag gusto ni LO na maggala habang nakasakay sa snow sled.

Noon baby pa si LO pinapatulog nya ako from 7-12am kaya one time lang ako gumigising pero minsan si hubby na ang bumabangon pag nagigising si LO.

Dahil sa thread na to lalo ko naisip na mas ok na ok talaga pag partner kayo sa lahat ng bagay. Sabagay sweet si hubby sobrang maalaga sa amin mag ina.
 

tomatostellar

  • Guest
Re: Husband Wife Division of Labor
« Reply #19 on: February 14, 2019, 12:52:49 am »
^ napag-usapan nyo na ba ng ayos yan? kasi baka akala nya okay lang. kasi ginagawa mo pa rin lahat ng chores. naiintindihan kita eh. yung feeling na wala na kasing ibang gagawa.

kami ni wifey, inuutusan nya talaga ako. binibigyan nya ako ng to do lust.
Parang maganda yang to do lust, pam Valentine's  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close