watch now

Author Topic: DJs in the Philippines - all about them  (Read 31360 times)

ultimatehousewife

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #20 on: January 24, 2019, 08:57:06 am »
Sana umangat na ng bongga ang energy. Si cris tsuper, mukhang mabait pero di iiwan si Nicole hyala. Yun naman comments ng mga pinaalis na DJ sa love.mabait daw si cris tsuper. Si Nicole parang all about me me me nalang siya sa show niya.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #21 on: January 24, 2019, 09:05:05 am »
Energy FM na si DJ kara. She announced it sa show ni papa Jackson this morning.

Uy totoo? Yey! Masaya yung trio nila Papa Jackson, Kara at Chico. Di ako nakakapakinig lately, pag Friday lang. Pero sis, this morning? Pang umaga na ba si Papa Jackson?

Medyo worried lang ako about this move ni Kara. Si DJ Aira kasi nagstart na mag ere sa iFM, a couple of weeks na ata, then saka sya pinadalhan ng demand letter. Baka matulad si Kara.. but well, kung Energy na nga si Kara, it makes sense na madawit si Papa Jackson dun sa case na binanggit sa vlog nung Francis.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #22 on: January 24, 2019, 10:09:21 am »
^ Hi sis :) She announced kaninang madaling araw sa show ni papa Jackson :) kakatuwa.di ko lang sure if na announce na kung may timeslot na si kara.
Onga baka mag demand nitong love radio to stop kara from airing sa show sa energy.
Sana may insider from love radio na mga ka sis natin dito kung ano nangyayari sa management. Parang ang gulo kasi sa YouTube ng DJs e. Malaki yata kita ng DJs sa YouTube kaya gusto ng love radio na lahat ng kita sa kanila.pero kung nasa contract na naka register yung names ng djs ng love radio, talo ang mga DJs. Pero parang too much if hahabulin pa mga ex DJs sa bagong jobs nila :(

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #23 on: January 24, 2019, 10:24:33 am »
^ah madaling araw! haha. wala pa ko sa wisyo kanina. hehe. thanks sis! Pero sana may trio program din sila noh? sakit ng tiyan namin ni hubby kakatawa last friday sa kanila.

Yun din hinala namin sis. Habol nila yung kita sa Youtube. Some vlogs kasi nung tatlo, mas marami pang views kesa sa uploads ng YT channel mismo ng Love. Kasi shempre, kung mas popular sila than the other DJs of Love.

Listener ako ni Papa Jack since 2013 pa. Me and my hubby, minsan namimiss namin yung episodes ng TLC ni Papa Jack sa radio, nakikinig/nood kami ng replays sa Youtube, sa channel ni MoskiChan. He uploads replays ng iba pang radion program (Tambalan, Brgy Love Stories, Gabi na Gising na etc.). Last year, tumigil na sya mag upload ng mga programs ng Love Radio and nag iba sya ng format, roadtrip vids na inuupload nya. Maybe binigyan din sya ng cease and desist order due to copyright infringement. I checked last night and burado na lahat ng uploaded vids nya ng replays ng radio program.

Mula nung umalis si Papa Jack sa Love, dun ako naging curious talaga. Hindi rin naman kasi biro popularity ni Papa Jack, during the time na hindi pa uso ang social media, visible na sya sa tv, naghohost sya ng mga tv shows, guestings, interviews etc. And agree ako sa isang sis natin, laki ng contribution nya sa Love. Kaya kinda shocking nung sinabi nya sa farewell episode na he's leaving. Mula noon, nag aabang na ko sa posts nya and FB/IG live videos nya for clues. And mukha ngang management ng MBC yung reason. Not necessarily Nicole siguro, pero minsan may mga banat din sya sa show nya na parang kay Nicole eh. Well, speculation ko lang naman yan. Hindi kasi ako morning person, kaya di ako nakakakinig sa Tambalan, pero minsan sa cab or sa bus, funny din naman sila ni tsuper.

iceheaven31

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #24 on: January 24, 2019, 11:42:11 am »
my random thoughts:

-  what i know and also explained by Nicole in her socmed accounts, their DJ names belong to the station. so anything at all that uses their dj names, and any of their supposed vlog content that is recorded during their airtime as djs, she says, rightfully belongs to the station.

as to kung ano ang naging usapan nila tungkol diyan and sa kung bakit umabot sa termination / resignation, yan ang gusto ko ring malaman.. kung may naging compromise ba before umabot sa ganyan or what.

- jowadik (nicole's husband) is enraged (sino ba namang hindi) sa lahat ng bashing na natatanggap ng asawa niya, especially while she was pregnant. so bilang may budget sila, handa silang kasuhan ang lahat ng mga taong involved sa mga pambabatikos sa asawa niya. and yes, maingay siya sa soc med. kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga nabasa ko before, hinihintay lang ata na makapanganak si nicole before they proceed with all the legalities. lalo pa ngayon na tapos na maternity leave and back to work na si nicole, abangan ang susunod na kabanata.

pero bilang tao, grabedad naman din talaga kasi yung bullying at bashing natanggap ni nicole during her pregnancy. tanggap niya yung mga work-related pero yung "ligwak pusod queen" is just foul.

- sayang nga yung short-lived marriage ni papa jack(son). bongga pa naman ng wedding nila nung nakaraan. :(

- in any corporate setting, involving your parents in any of your business affairs is downright unprofessional. so yung pagpaparinig ng nanay ni dj aira kay nicole in fb (plus dj aira liking the posts), is unbecoming of a professional.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #25 on: January 24, 2019, 12:26:01 pm »
Hay I hope the people involved understand muna ang lakaran sa demanda demanda . di simple yun. Mahal filing fee, atty's fee -acceptance na fee na 50k and exit fee(tama ba ang term) na babayaran after may court decision na anothrr 50k. Appearance fee pa na 5k. Plus mabagal pa justice system. Stress pa kada maghaharap sa court. Hope ma settle nalang nila amongst themselves. Para lahat maka move on.

I wonder sino sa management ng love ang gigil na gigil sa yt issue.

Re papa Jackson, if masabit siya sa kaso, for sure mag rant yan sa program niya hahaha. Si Kuya chico e cool na cool lang. He had his fair share of hardships sa love. Pero he is very happy sa energy.
« Last Edit: January 24, 2019, 02:14:49 pm by ultimatehousewife »

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #26 on: January 24, 2019, 01:09:40 pm »

as to kung ano ang naging usapan nila tungkol diyan and sa kung bakit umabot sa termination / resignation, yan ang gusto ko ring malaman.. kung may naging compromise ba before umabot sa ganyan or what.


- sayang nga yung short-lived marriage ni papa jack(son). bongga pa naman ng wedding nila nung nakaraan. :(


Yup, interested din ako malaman kung may agreement ba after nila umalis sa Love. Kasi si papa Jackson naman, December 2016 last airing nya, March 2017 nagstart na sya sa Energy. wala namang issue sa Love, i think. And with their DJ names, I know these are registered trademarks under MBC, and yes by law, MBC talaga may karapatan. This is also the reason why naging Papa Jackson si Papa Jack.

Nakakahinayang nga yung marriage nila, mukha namang magkasundo sina Toni at yung anak ni Papa Jackson. Naalala ko lagi yan ang rant ni Papa Jackson, yung walang divorce dito sa Pilipinas, na instead gumastos ka pambayad ng abugado para sa annulment, pambili mo nalang ng bigas. So sis @ultimatehousewife, you're right na kung involved nga sya sa kaso, magrarant na yan regarding mahal na fees. hehe.

airish_2

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #27 on: January 24, 2019, 01:10:01 pm »
Exactly nakakapagod demandahan. Yung time and effort pa kesehodang may pera ka. Lalo naman yung wala, dyusme isang dekada aabutin.

Good thing balik radyo si Kara.

flinalalala

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #28 on: January 25, 2019, 01:03:12 am »
Curious ako sa reason ng hiwalayang Papa Jack at Mimi. Anyone? 😁

ultimatehousewife

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #29 on: January 25, 2019, 08:40:38 am »
^ ako din sis! Ano kaya reason ng hiwalayan ni papa Jackson At Toni na wife niya?

Magaling si papa Jackson mag advise sa iba pero sadly siya din may love problem.

Sa video nila nung wedding, parang siya lang masaya. Yung girl parang Sakto lang. Medyo sad eyes ni ate girl. Yun comments nakita ko sa YouTube.

Si Kuya chico ang saya saya ng love life :D

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #30 on: January 25, 2019, 09:37:47 am »
^ang bongga pa naman ng wedding nila noh? Ayaw nya ata pag usapan yung reason ng hiwalayan. Nasa energy na sya nung inaddress nya na separated na nga sila ni Toni and wag na daw sya padalhan ng pictures something. Kaintriga. Hehe.

Pero ganun nga ata talaga sis, yung mga nagbibigay ng best love advices sila minsan yung nagsstruggle sa love life.

Nakakatawa din yung mga nagcocomment na si Kara at Papa Jackson nalang daw for real. Hehe.

bratty

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #31 on: January 25, 2019, 10:00:59 am »
Ang juicy din pala ng buhay ng mga ex-DJs ng love, parang sila lang ang may issues.

Regarding sa non-compete clause, ang alam ko sa mga kontrata kahit napirmahan na ng bothparties, pwede pa din yan ilaban lalo na at unfair ang practice, katulad ng case ng mga DJs, kung yun talaga ang line of work nila, bakit hahadlangan na umangat ang career sa ibang station? Siguro pwede pa yun bawal ang same time-slot na iniwanan nila, pero yung completely bawal mag-DJ sa conpetitor, parang ang labo. So sa AM stations na lang ba sila pwede? Hehe!

Happy for Kara at sana magtuloy tuloy na ulit ang career nya. Sino ang anak nya? Saka sino kaya yung politician na nagpa-aral sa kanya? Hahaha! Chismosa lang! 😁

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #32 on: January 25, 2019, 10:31:06 am »
^sis bratty, David Remo name ng anak ni Kara. Child actor sa gma, I think lumabas sya sa Cain at Abel as young Dingdong. May youtube channel din sya. Nung una nga di ako naniniwala na anak ni Kara kasi parang ang casual lang nila mag usap sa mga vids ni David, parang mag ate lang ganun. Pero gwapong bata. :)

Ahhhh kaya pala yun yung running joke nila na may paenvelope daw si congressman. Hahaha. Baka naman iskolar sya ng politician etc. Haha.

flinalalala

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #33 on: January 25, 2019, 10:33:20 am »
Diba 😂 Napakabongga ng kasal. Nabalita rin talaga yang kasal nila even sa TV. May issue pa nga nun si Lolit Solis with Papa Jack diba. Di ko alam if dahil sa age kaya di rin sila nagtagal. Pero kasi from the start palang naman alam na nila yun. May third party kaya o talagang di lang sila nagwork?

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #34 on: January 25, 2019, 10:38:37 am »
^Sis flinalalala, age factor din ang iniisip kong reason. Parang straight out of college nagpakasal na si Toni. Nasa 30s na nun si Papa Jack. I remember one caller nya sa Energy, parang ang problem ata is nagmamadali magpakasal (or something). Tapos may comment si papa Jackson na "gusto nyo kasi magsuot ng mahal na wedding gown noh? (Nonverbatim)". May pagkasarcastic lang yung dating. Hahaha.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #35 on: January 25, 2019, 10:43:26 am »
I watched yung lastest yt ni Francis Candia ba yun with almira sheil. Ito mga juicy info I got
1. May new gf si  papa jackson pero di sinabi kung sino
2. Yung sa tanong mo mukha mo segment, pina kita pix ni Nicole. Sabi ni almira, "sa tingin mo, DJ Nicole, walang babae asawa mo? " Something like that. Parang ang controversial lang ng pagkakasabi ni almira.
Hahahaha! Kakatuwa naman ang thread na ito :)  may kapwa ako ka gt na follower ng buhay ng DJs

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #36 on: January 25, 2019, 10:54:57 am »
Sis @ultimatehousewife yes! Yung almira sheil! Sya ata yung friend nina Kara at Aira na nagvvlog din. May mga interviews din sya kina Papa Jackson at Chico. Dun sa interview ni Papa Jackson parang nasabi nya dun (nonverbatim) "iba kasi pag hindi ka na makagalaw sa environment mo, yung parang nakakasakal"

Thanks sa juicy info! Hahaha. Si Kara nga kaya yung bagong gf???? Hahaha. May nabasa akong comment sa youtube na may nakakita daw sa kanilang nagkakape somewhere. Haha. Charot! Chismosa lang. Baka as friends lang.

airish_2

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #37 on: January 25, 2019, 11:19:44 am »
I remember kasabayan pa namin sila papa Jack and ex-wife niya sa wedding fair, suplado nga si papa Jack nun pero gets naman baka akala niya lalapitan siya. Ang bata pa kasi ni girl sabi nila walang factor yung age pero hindi rin lalo na kung kaka graduate pa lang at simula career.

iceheaven31

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #38 on: January 25, 2019, 11:29:13 am »
2. Yung sa tanong mo mukha mo segment, pina kita pix ni Nicole. Sabi ni almira, "sa tingin mo, DJ Nicole, walang babae asawa mo? " Something like that. Parang ang controversial lang ng pagkakasabi ni almira.

naku pag nalaman ni jowadik yan tapos hindi naman totoo, baka sa demandahan umabot yan!

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DJs in the Philippines - all about them
« Reply #39 on: January 25, 2019, 11:43:04 am »
^^talaga sis? Hehe. I agree with you. Age may not be a factor kung maglalast ang relationship, but it's definitely a consideration. Maybe naoverwhelm lang si girl na magpakasal or nadala sa dream wedding, pero yung after the wedding, yung marriage, deep inside di pa talaga ready. Iba pa rin kasi pag kasal na compared sa magjowa palang, may added strain talaga. Magkasama na kayo sa bahay, adjustments pa sa isa't isa and sa mga kasama sa bahay, then finances etc.

Napasearch ako about Mimi. Hahaha. May old thread pala dito sa GT re Papa Jack, namention dun si Mimi. Pero wala ako nakitang pics nya.
« Last Edit: January 25, 2019, 01:48:20 pm by thatkdramaeonni »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close