Author Topic: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)  (Read 4088 times)

fhierze21

  • Guest
DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« on: January 15, 2019, 09:28:46 am »
Gusto ku lang pu sana humingi ng payo sa inyo kase sobrang stress ku lang pu ngayun.
11 yrs ago merun pu akung naging boyfriend, nabuntis nya ako at nag kaanak kami. Dahil pu dala pa ng kabataan namin 19yrs old lang pu kase aku nuon, pinili ko pong lumayo sa kanya. Inuna ku pu [textspeak!] pangarap ku. Nagtrabaho at nag tapos pu aku ng pagaaral ku.. After 11yrs nagkita pu ulit kami ng ex boyfriend ku peru may asawa na pu sya at kasal na.. Isa pu syang INC hindi nya daw pu gustu [textspeak!] girl peru dahil nabuntis nya at para di sya matiwalag pinakasalan nya. Hindi ku pu akalain na magkikita kami ulit sa ganitong sitwasyun. Nagusap pu kami sa ngyari sa past na wala naman pong closure [textspeak!] about sa amin dun ku nalaman na hinintay nya ku peru di aku nag paramdam sakanya 27yrs old na sya nakapag asawa kakahintay nya sakin. Hindi ku pu lam ang gagawin ku mahal parin namin ang isat isa at naawa aku na makulong sya sa sitasyung hindi sya masaya dahil sa napipilitan lang sya.. Araw-araw pu sila ag aaway ng asawa nya. Hindi nya magawang makipag hiwalay dahil sa relihiyon nila. Hindi ku pu alam ang gagawin ku sobrang na dedepressed na pu aku at naguguluhan.. Sana ay may makapag payo po sakin. Salamat pu


glamorosa_09

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #1 on: January 15, 2019, 11:00:41 am »
So nilatag niya na sayo na hinding hindi talaga sya makakaalis sa marriage nila. Ibig sabihin nyan sis, huwag ka nang umasa na magiging exclusive ang relasyon niyo. Pag-aralan mong tanggapin na third-party ka forever at ikaw ang the other woman.

Lagi sila nag-aaway at di na sya masaya, ibig sabihin kahit never nyang iiwan ang asawa nya para sayo, maawa ka sa kanya, huwag mo syang iwan. Kayo pa rin.

Sa kanya lang pabor ang relasyon niyo. Nadedepress ka siguro dahil hindi mo pa matanggap ang kundisyon ng relasyon niyo.

Sis, siguro iniisip mo na unique ang problema mo sa sitwasyon niyo. Tipong mahal na mahal niyo ang isa't isa, pero dahil sa may dahilan (INC siya), eh hindi nya makayanang iwan ang asawa niya.

At siguro, naiisip mo na espesyal kung anong meron kayo ng ex-boyfriend mo. Two old sweethearts, meet again. Sorry sis, pero sa totoo lang, hindi unique ang problema mo. Si Married Man na gusto lang na may extra wheel, laging may dahilan kung bakit hindi sya makaalis sa marriage nila.  Magbrowse ka lang dito, iba-ibang reasons ang mababasa mo.

At sa lahat din ng emotional affairs, feeling ng magkalaguyo eh espesyal ang relasyon nila. Pero sa totoo lang it's the thrill of secrecy, infatuation, and the forbidden relationship. Parang ala soulmate ang feeling nila.

Malayu-layo na rin ang narating mo sa buhay. Nakapagtapos ng pag-aaral, nakapagtrabaho at nabubuhay mo ang anak mo bilang single mom. Hindi rin madali ang pinag-daanan mo. Sana lang, huwag mo sayangin yung mga pinaghirapan mo sa pamamagitan ng pagpapaloko sa lalaking alam ang mga salitang dapat sabihin sayo. Kung naging strong woman ka noon, kaya mo rin maging strong woman ngayon.

But then again, in the end, it's all up to you.



lady_butterfly

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #2 on: January 15, 2019, 06:42:21 pm »
Alam kong alam mo kung ano ang dapat mo gawin. Wag mo na lang gawing  kumplikado ang buhay mo sis.

May asawa ng sya at kahit di sya masaya sa asawa nya, kasal pa din sila. Tandaan mo may anak ka, maging good example ka sa anak mo.

plumpolka

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #3 on: January 15, 2019, 06:53:25 pm »
di siya masaya sa asawa nya kasi andyan ka. tignan mo pag wala ka, sasaya na ulit sila. what he does to his wife, he will surely do to you. hayaan mo na yung nakatali na. mag antay ka ng para sayo. dadating yan promise!  :)

lilu

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #4 on: January 15, 2019, 08:03:33 pm »
Siguro sis iniisip mo na you have the right love at the wrong time no? And syempre may anak na kayo, parang feeling destined talaga kayo mag meet ulit at mabuo na ang pamilya ganun ba? 

Mali.. wag ganun sis. Wag ka madepress. Kahit na ikaw lumayo, or kung hinintay ka nya daw kuno, ganun ba kahaba ang panahon para di ka nya hanapin? Kamustahin ka or kahit anak man lang nya? Grabe naman.... kung nag overseas ka siguro at dun ka nanganak and nagpush ng career, at nilayo kayo ng parents mo sa kanya,  siguro dun pa pwede ko isipin na di ka na nga nya pwede mahabol...

So nalaman mo na at nagkaroon na kyo ng clousure ngayon, let him go sis.. ikaw ang pinaka talo dito. Sana lang hindi pa alam ng anak mo ngayon na nag meet na kayo ng tatay nya. Kasi mas mahirap yun. Wish you the best sis. Kung kaya mo nga na ikaw lang noon eh, kaya mo pa din ngayon.. wag mo pahirapan sarili mo. Wag mong lagyan ng title sarili mo na "Kabit". Layuan mo na lang din sya ulit.

airish_2

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #5 on: January 15, 2019, 11:02:57 pm »
Yung pinoproblema mo yung problema ng iba 😁 how sure na ayaw niya sa marriage na 'yun nachismis lang niya sayo siyempre pag magkukuwento siya one sided. tsaka anong hinintay pero dahil hindi ka nagparamdam kaya nagpakasal na siya. Ate uso na facebook 11 years ago kung walang facebook pwede friendster. Makasabi ng hinintay akala mo ginawa ang lahat.

Naoverwhelmed ka lang kasi nagkita kayo ulit. Tsaka bakit ikaw ang stressed? 😁 kaloka ka sorry ha, kasi nagawa mo naman makamove-on without him, kaya mo din 2019 na ate you can do it.
« Last Edit: January 15, 2019, 11:09:10 pm by airish_2 »

ficklemind

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #6 on: January 16, 2019, 08:54:45 am »
well 11 years ka naman nakasurvive ng wala siya teh,  kaya mo naman siguro magpakalayo layo ulit.
wag mo gawing complicated ang life sis.

Tumpak na tumpak to!   
Quote
" Sana lang, huwag mo sayangin yung mga pinaghirapan mo sa pamamagitan ng pagpapaloko sa lalaking alam ang mga salitang dapat sabihin sayo." 

ay sorry pala sis, about closure, hinde pa ba sapat yung 11 years kayong hiwalay na,   MAY ASAWA at may sariling pamilya na siya? hinde pa ba sayo closure yun?

nung nagkita ulit kayo at nalaman mo pamilyado na siya, inentertain mo pa din, at nagpabola ka like  dun sa nag-antay siya sayo  ::) oh please may anak siya sayo, siya pa talaga nag-antay at dahil no choice nag-asawa na lang kakatawa to  ;D , napilitan lang siya pakasalan, hinde siya masaya sa asawa niya.  naniwala ka naman !

hehe peace !

Good luck sis  :)


Bridgette*

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #7 on: January 16, 2019, 08:55:03 am »
He's married. Married sis. Problema na nila yun kung palagi silang nag aaway. Don't waver dahil lang nagkita kayo, akala mo lahat ng feelings mo bumalik ulit. He's already tied now, there's nothing to be confused about. Saka naghintay sya sayo pero nagpakasal sya sa iba? Ang lalaki gagawin lahat as in lahat kahit harangan ng sibat kung talagang gusto ka. Baka gusto lang nya mamangka sa dalawang ilog kasi nasa rough waters sya ngayon. Come on, you braved everything before. And you can still do it now. Don't falter.

quencher

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #8 on: January 16, 2019, 09:27:53 am »
Sis, ilagay mo ang sarili mo sa posisyon ng asawa niya. Anong mafi-feel mo?  :)
Run while you still can.  :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #9 on: January 16, 2019, 11:02:52 am »
Sorry pero ang babaw ng mga dahilanan ng guy. TS tigilan mo na yan hindi ka mahal niyan. Kesa magfocus kayo na pag-usapan ang tungkol sa inyo at sa nakaraan mas mainam na yung responsibilidad niya na lang sa bata ang atupagin ninyong pag-usapan.

Wag mong sabihin na wala kayong closure kasi meron. Nung pinili mo na lumayo, yun na ang closure ninyo.

airish_2

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #10 on: January 16, 2019, 11:18:47 am »
Kaya kayo pinagtagpo ulit para makasingil ka 😁 kamusta naman yung sustento sa anak mo? Doon ka Focus sa anak mo since years from now magkacollege na  siya kaya yung itaas na gumawa ng paraan para makasingil ka from him. Dinaan ka pa sa drama niya doon ka na lang mastressed sa anak mo.
« Last Edit: January 16, 2019, 03:24:58 pm by airish_2 »

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #11 on: January 16, 2019, 03:17:36 pm »
^HAHAHA. Korek sis, sustento na lang ng anak nya yung unahin nya.

Sa totoo lang, di ko gets yung mga ang tagal nang di nakita yung ex, nakapag abroad na, nakailang trabaho na, ilang jowa na dumaan, pero sasabihin pa rin nilang "walang closure". From experience, dumaan din naman ako dyan. A relationship ended with no explanations whatsoever. I repeatedly went to the guy to ask for an explanation and acceptable reason (piolo pascual ang peg. haha) but wala, wala akong napiga. Sya nagmove on agad, ako it took me a couple of years. Dun ko narealize na ako na lang ang naghahanap ng closure.

I think I heard this from Papa Jack dati: Closure, for some people, is a privilege. Hindi lahat nabibigyan ng closure sa isang relasyon, kahit ano pang hingi and makaawa gawin mo. So the best thing to do is ikaw mismo magbigay ng closure sa sarili mo. Close the chapter and move on.

And sis TS, wala ka dapat pagsisihan kung pinili mo ang pangarap mo over him. May anak ka, I believe para sa kanya kaya inuna mo yung career mo. And I also don't believe na hinintay ka nya. Bakit "hinintay" ka lang at di gumawa ng move to reach you? Ang passive masyado. I think, he's just trying to make you feel guilty about the 11 years na hindi kayo nagkita and lowkey blaming you for ending up with someone else. Hindi naman sya mapipilit magpakasal kung hindi nya rin gusto (at that time, at least).
« Last Edit: January 16, 2019, 03:19:30 pm by thatkdramaeonni »

stylus

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #12 on: January 19, 2019, 12:05:17 pm »
Stay away from him sis. Kung lagi sila nag aaway or sabi nya hindi sya masaya sa marriage nya, problema nya yun. Wag ka na magpadamay. Baka magkaanak ka ulit sa kanya.

Hindi ka nya mahal 11 yrs ago pa sis. Focus ka na lang sa anak mo.

Shadow Angel

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #13 on: January 20, 2019, 09:01:23 am »
Wala naman may asawang tao na magsasabi sa kabit/prospect maging kabit nila  na happy sila sa married life. Paano sila makakabola or makakakuha ng kabit kung sasabihin nilang ok sila ng wife/husband. Hindi na bago ganyan reason ng ex mo. Naloka ako sayo ikaw ang depress diba dapat un wife ang madepress once na malaman na ganyan ang husband nya. Isa pa may problema na nga ang mag asawa (if totoo) makikisali ka pa.

donya_dyosa

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #14 on: January 20, 2019, 11:28:26 am »
wala ka dapat ikadepress dahil may asawa na yan. wag ka makisawsaw. hayaan mo sila maghiwalay muna ng wala ka. pag may asawa na. wag makipagusap. bakit makikipagusap pa. tigilan mo. iset aside mo yang feelings mo sa gulong papasukan mo.
mas magulo yan kung ipipilit mo pa at iisipin mo pa..

vanity fair

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #15 on: January 20, 2019, 01:56:02 pm »
Pwede ba pakinggan mo lahat ng mga sinabi ng mga taga GT dito!  Please don't justify adultery.  He is now married.  Ikaw ang magiging kabit.  Bata ka pa, ang dami dami pa dyang lalake na makikilala mo.  Wag mong gawin excuse ang closure.  11 years kayong di nagkita.  Nabuhay ka naman ng maayos na wala sya.  It doesn't matter what religion you are in but going into a relationship with a married man is still a SIN.  Don't ruin their family.  Be the bigger person & walk away.  You will be blessed more if you do this.

minabey

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #16 on: February 10, 2019, 12:27:55 am »
Base lang sa intindi ko, sis, parang mas mahirap pa yung pinagdaanan mo 11 years ago kesa ngayon. Parang nalilito ka ngayon kasi #1 nagkita kayo ulet and the feelings are mutual pala at #2 di sya masaya sa married life nya - so pwede sana kayo ulet kaso INC sya kaya di sya makakaalis.

Tingin ko yan na sagot mo.

Kung pipiliin mo maging kayo pa den, magiging kabit ka in short. Pede ka makasuhan ng asawa nya kung naisin man nya. Parang wala kang laban dito, sis.

Kung pipiliin mo mag move on na lang, ano'ng malay mo balang araw magkalakas sya ng loob na tumiwalag? Di naman imposible yun... mahirap lang gawin. Sya dapat magkusa.

Whatever your decision, sis, kahit na mahirap parehong choice, sana piliin mo yung tama.






cupcakejane

  • Guest
Re: DEPRESSED NEED ADVICE ( NO CLOSURE SA RELATIONSHIP)
« Reply #17 on: February 16, 2019, 04:50:46 pm »
He is married, please be fair to the wife.  INC, catholic or christian, whatever his religion is, it is not acceptable to have a third party.  It is not fair to the present wife and it is not fair to you.

He got you pregnant.  He got his current wife pregnant.  Parang may trend siya diba?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close