Author Topic: attracted to friend's boyfriend (There is an update. Please open.)  (Read 21601 times)

young_maiden

  • Guest
Last November 2018, pumunta ako sa binyag ng anak ng friend ko na classmate ko pa since college. During the event, nameet ko ulit iyong other classmate/friend namin na 7 years ko na di nakikita. sinama niya bf niya na pilot. she introduced me to her bf.

Nakasundo ko naman agad si long-lost friend ko at pati bf niya. dami namin napagkwentuhan. her bf is nice at palakwento din. my friend told him na lawyer ako. si bf naman eh humanga at madam na tawag sa akin. kahit sabihin kong tawagin ako by my name, madam o attorney pa rin ang tawag.

I found myself attracted to the guy physically and emotionally pero syempre I kept my attraction under control. BF ng friend ko eh.

When I added him sa fb, pansin ko lagi siya nagla-like sa mga pics ko. Hindi ko naman binigyan ng malisya kasi like lang naman.

A few days later, he sent me a message sa messenger, kung pwede daw magtanong. Sabi ko kung legal inquiry yan, mas prefer ko sa personal o tawagan ako so I gave him my office number and cp number. It turns out personal question pala kung may bf ako. Sabi ko wala at inasar ko siya kung may irereto ba siya. Heto conversation namin.

Him: May bf ka ba o currently dating?
Me: I am single.
Him: Ayun...
Me: Bakit? May irereto ka?
Him: Meron sana.
Me: Co-worker?
Him: Hindi. Seafarer siya. O gusto mo piloto? Bet sana kita.

Nawindang ako sa "bet sana kita." I initially thought na confession. Ilang seconds o minutes ako surprised. Then maya-maya, he added "for him. Mabait un gaya ko."

Bet pala ako sa bff nya. LOL. Ang impression daw niya sa akin eh ok daw ako at walang attitude problem kaya boto siya sa akin for his bff.

After one week, friend's bf called me and said na torpe daw sa akin ang bff niya. Sabi ko ok lang at baka hindi pa ready bff niya for a new lovelife. Hindi naman ako disappointed kasi di ko rin type bff niya.

Ang weird lang kasi nung gabing yun, friend's bf called me many times. Saglit lang namin napag-usapan bff niya. The rest eh about sa personal lives namin. We talked about our families, dreams, careers, etc. Anything basta decent topics. Walang sex. Hindi rin namention si gf. He kept on asking me about my lovelife. Kahit napuputol angf call, tumatawag pa rin siya. After more than an hour pa natapos ang kwentuhan namin sa phone.

Nung new year, I noticed di na kami fb friends. Nung kina-usap ko siya casually about that, nagulat siya. Ang alam daw niya fb friends pa kami. Either he is pretending na di niya ako ni-unfriend o si gf ang nag unfriend sa akin. Baka may napansin ang friend ko, nagselos at binuksan fb ni guy to unfriend me.

The guy asked me again thru text if nagparamdam na bff niya Sabi ko hindi. Then he texted "paasa talaga yun. todo build up ko nga sayo eh. kung ako talaga free lang."

naconfuse ako dun sa last sentence. confession kaya un? does he like me? pero i did not dwell on it. baka lalo pa ako maconfuse if inaalam ko totoong meaning.

nasurprised na ako nung niyaya niya ako magdinner nung january 2. tumanggi ako. sabi ko di ako pwede.

i feel guilty. I like him pero di ko naman kayang traydurin yung gf niya na friend ko din. i no longer replied sa mga messages niya pero i cannot stop thinking about him. tinatanong ko pa rin self ko if like niya ako.

Some of my friends nasense na may malisya na si guy sa akin at pinayuhan ako na lumayo na lang for the sake of the gf. Another friend told me na baka si guy mismo ang may gusto sa akin at para macover ang guilt niya, pinupush na lang ako sa bff niya.

Gusto ko pa naman sana maging friend siya kasi he seems so okay at gusto ko magkafriend ng pilot pero kung may masasaktan, huwag na lang.  Gusto ko na rin isumbong sana sa friend ko pero naisip ko too premature. may lusot pa si guy eh. he could say na friendly lang siya o feeler ako. worse, baka sabihin niya pa na ako lumandi sa kanya.

The naughty side of me wants to agree to have dinner with him once then saka ko sumbong sa friend ko para very obvious na ang malice. I am sure walang matinong gf ang papayag na ang bf niya makipagdinner alone with a girl he just met. for sure, may malice na sa guy yun.

Dito ko na lang nilabas sa GT lahat. mas mabilis magconfide dito. Thanks a lot.

« Last Edit: January 23, 2019, 08:49:42 am by young_maiden »

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #1 on: January 04, 2019, 04:30:55 pm »
Take your friends' advice and stay away from that flirt, bordering cheater of a boyfriend (of your friend! Gosh, this sentence alone... he's someone else's boyfriend).

It's simple, he's taken. If he really wants to pursue you, he should end his relationship first. Pag nagsumbong ka sa gf nya/friend mo, it's so easy for him to say na ikaw ang humahabol and you're only causing issues so you can be together. When I was in college, there was a guy na hindi ako tinatantanan and he even told me na break na sila ng gf nya. Though I had a slight physical attraction to him, my sanity and katarayan still won so I shut down every single one of his attempts.

Still, his ex gf (or still-gf) found out, confronted me in public and threatened to scratch my face. It took 5 of my friends to physically restrain me because I would have smashed her face in and sent her to the hospital after she threatened me. I ended up punching all of them in the arms just so they can let me go. Thank God they didn't because that dwarf was not worth it. I'd probably do her face more good than harm :-X

Don't get involved. Headache yan. Wag ka maghanap ng gulo.
« Last Edit: January 04, 2019, 06:49:05 pm by gumdrops26 »

plumpolka

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #2 on: January 04, 2019, 05:31:23 pm »
how you get him is how you'll lose him. and it clearly shows how he is as a gf. and kung ikaw ng gf, ganon din gagawin sayo. nako, 5 yrs been there done that ako sis. maniwala ka! hahaha!  ;D

TomHansen

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #3 on: January 04, 2019, 07:29:04 pm »
Bakit mo siya in-add sa fb? i'm sorry sis pero tingin ko dun nagstart yung pagkakamali at mga sumunod pang pagkakamali. Imbes na nagdie down at nakalimutan mo yung initial attraction sa kanya nagtuloy tuloy pa. Malinaw naman na naccheat siya sa gf niya by talking to you ng pagka-haba haba at sigurado alam niyang may attraction ka sa kanya kaya nagiging mas aggresive siya at nag-aaya ng dinner. Yung friend niyang nirereto kuno ploy niya lang yun para magkausap pa kayo..

Sabi mo di mo kayang traydurin yung kaibigan mo well ginawa mo na sis at ang pinakamagandang gawin mo na lang ngayon e tigil na yung communication sa guy, di lang para sa kaibigan mo kung hindi para sa iyo.

airish_2

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #4 on: January 04, 2019, 10:52:34 pm »
Weird, may gf siya pero keri niya makipag telibabad sa'yo. And yung mga parinig at pahaging niya. That guy is a bad news.

Shadow Angel

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #5 on: January 05, 2019, 08:27:46 am »
^^^ hi sis I know di tayo personal na magkakilala though sometimes nag crocross ang path natin dito sa forum. Pansin ko lang you easily get attracted to a complicated guy or may significant other na. Ano meron sa kanila challenging ba? Kasi diba you get bored sa guy na sa chat or other guy na parang ok naman you can easily spot pag may problema sa kanila or di mo gusto. Pero sa mga complicated guy you get confused about your feelings which is you should not be confused kasi taken na sila. I know you are smart girl but I wish you are more wiser than smart. You are good catch di naman dapat mataas ang standard pero know your worth. Stop while you can. Once makita mo para sayo ay grabe cloud nine feeling talaga. Mas triple ang saya pag alam mo nag start kayo ng guy mo ng maayos. Ikaw lang at walang iba. Naniniwala ako ang lalaking madaling maagaw madaling din maagaw ng iba.

mysterioza_me

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #6 on: January 05, 2019, 08:36:56 am »
I dont see anything wrong sa pag-add ni young_maiden sa guy. Sabi niya nga nagla-like sa photos niya pero for her walang malisya naman. The guy initiated the conversation at pakikipag-flirt hindi naman si young_maiden. *censored* talaga si guy, ginamit pa yung friend niya kunong seaman. Maybe na-sense niya na like siya ni young_maiden kaya he?s testing the waters kung bibigay si sis. Gagawin yun ni guy sa kahit kaninong babae na gusto niya hindi exemption si sis. Let us not blame the girl kung *censored* talaga yung lalake. Maski maghubad pa si young_maiden sa harap niya kung matino yang lalake di yan manglalandi ng ibang babae.

tomatostellar

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #7 on: January 05, 2019, 08:46:42 am »
Out of sight, out of mind. 
Kaya mo yan sis young_maiden. May landing taglay si guy. We cannot control what we feel, pero ang actions natin, we can.

mysterioza_me

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #8 on: January 05, 2019, 09:46:03 am »
^True may landing taglay si guy - maski sinong girl pa yan basta may chance si guy maglalandi yan

Fighting sis young_maiden dedmahin mo na. Hindi love yan kaya mawawala din agad yan.

gab54

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #9 on: January 05, 2019, 10:33:25 am »
Gosh minsan exciting talaga yun bawal. Pero kung mabuti kang tao hindi mo ito itutuloy dahil may masasaktan. Besides, kung kaya nyang gawin ito sa GF nya then kahit hiwalayan nya sya at ikaw ang ipursue, malamang gagawin nya rin ito sayo. Lumayo ka na sa ganung lalaki. Maayos ka namang babae, look for someone unattached

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #10 on: January 05, 2019, 02:21:52 pm »
^^^ hi sis I know di tayo personal na magkakilala though sometimes nag crocross ang path natin dito sa forum. Pansin ko lang you easily get attracted to a complicated guy or may significant other na. Ano meron sa kanila challenging ba? Kasi diba you get bored sa guy na sa chat or other guy na parang ok naman you can easily spot pag may problema sa kanila or di mo gusto. Pero sa mga complicated guy you get confused about your feelings which is you should not be confused kasi taken na sila. I know you are smart girl but I wish you are more wiser than smart. You are good catch di naman dapat mataas ang standard pero know your worth. Stop while you can. Once makita mo para sayo ay grabe cloud nine feeling talaga. Mas triple ang saya pag alam mo nag start kayo ng guy mo ng maayos. Ikaw lang at walang iba. Naniniwala ako ang lalaking madaling maagaw madaling din maagaw ng iba.

Mismo. Nasusundan ko din mga relationship issues ni TS, and so far puro ganito eksena, either may asawa or may gf, sorry just noticed it.


Magbubuhat nako ng sarili kong bangko ha, pero this happened to me nung dalaga pa ako, heck maski married nako, bf ng friends, friends ng bf, co-workers, mga bagong kakilala, madali naman kasi maramdaman pag meron laman mga banat sayo, or may malisya, ako close - kumbaga block ko agad, maski glance, di ko na gagawin moreso makipagusap, usually pag naman nakita nila na di ka interested, titigil na yan din agad-agad.

Yung physical attraction, normal naman siguro yun, pero yung i-entertain pa, foul na. He has a GF, na friend mo pa mismo. Di na dapat pinaabot pa sa add-an sa FB, tawagan etc.


« Last Edit: January 05, 2019, 02:33:09 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

young_maiden

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #11 on: January 05, 2019, 05:07:13 pm »
Na-appreciate ko payo ninyo. Thanks a lot.

I agree with sis mysterioza na walang masama sa pag add ko sa kanya sa fb. Hindi naman sign ng paglalandi ang mag add ng tao sa fb di ba.

Di ko lang inasahan na lalandiin niya ako. Siya ang nauna, not me.

Ang mali ko lang eh pinansin ko pa pero gusto ko rin bigyan ng benefit of the doubt iyong tao. What if nga gusto lang niya talaga maging matchmaker sa amin ng friend niya? Takot  din ako maakusahang assuming. Inisip ko muna nung una baka friendly lang.

Nung nasense ko na iyong malice lalo na nung niyaya niya ako magdinner, umiwas na ako. 3 days ko na siya hindi kinakausap.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #12 on: January 05, 2019, 06:21:50 pm »
Point taken.

Pero quote kita sa sinabi mo sa taas mismo ha?

"i feel guilty. I like him pero di ko naman kayang traydurin yung gf niya na friend ko din"

Sabagay title nga pala ng thread "attracted to friend's bf" so aminado ka naman pala, alin ba nauna, maattract ka sakanya, or magpakita sya ng interest/malice sayo, or sabay?
« Last Edit: January 05, 2019, 06:23:30 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

young_maiden

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #13 on: January 05, 2019, 06:43:21 pm »
^ type ko na siya nung nameet ko siya sa binyag. He is attractive at masaya kasama. Pero iniisip ko simpleng crush lang na mawawala agad after ng binyag. I am the kind of person na nawawala paghanga sa crush ko kung di ko naman nakikita. Bf din siya ng friend ko so di ko na masyado inisip attraction ko.

Kahit nga iyong paglike ni guy sa pics ko hindi ko binigyan ng malice. Hindi ako kinilig.

Nanumbalik lang iyong attraction ko nung nagkwentuhan na kami over the phone. Ang saya niya kausap. No dull moments.

Hindi ko lang talaga inasahan na he feels the same way (assuming nga na he likes me back) at kakausapin pa ako.

I thought after ng binyag, no more communication na from him at hanggang fb likes na lang siya. I was wrong.

TomHansen

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #14 on: January 05, 2019, 07:06:11 pm »
^ Pero ang sabi mo kasi "I found myself attracted to the guy physically and emotionally pero syempre I kept my attraction under control. BF ng friend ko eh." kaya ko nasabi na mali na in-add mo siya sa fb.  Isang malaking wall sana yung pagiging di niyo fb friends para di umabot sa ganito at nasundan pa ng pagbigay mo ng number kahit di mo pa alam na personal question lang pala itatanong niya.

young_maiden

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend :-(
« Reply #15 on: January 05, 2019, 07:48:15 pm »
^ engot ko lang kasi, bro.

Dami kasi sa fb na humihingi sa akin ng legal advice thru online lang. irritated ako lalo na iyong mga taong di ko naman close pero maalala lang ako kung may legal concern.

Kaya ang ginagawa ko, inuunahan ko na. Binibigay ko agad contact details ko.

Ang naive ko lang kay pilot kasi inakala ko hihingi din siya ng legal advice. Iyon pala personal matter ang concern niya.

Anyway, hindi naman na kami fb friends. He or the gf removed me from his fb. Hindi na siguro magmatter kung sino. At least, nagkaroon na ng wall. :-)

young_maiden

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend (There is an update. Please open.)
« Reply #16 on: January 23, 2019, 08:49:06 am »
Hi mga bros and sis. I have an update on this guy.

Nung January 6, he texted me "Hi, gorgeous. Labas naman kayo ng best friend ko mamaya."

I turned him down kasi never ko naman nameet best friend niya. Then siya na mismo nagyaya sa akin lumabas.

Pasensya na kung naging marupok ako but I said yes. Nung january 6, nagdinner kami. Nung january 7, nag movie naman kami. Sa tuwing di kami magkasama, magkatext kami o tumatawag siya sa akin.

Naninibago ako sa pilot na ito. Never siya humirit ng sex o anumang bastos na topics. Puro matitinong topics kami. Mula pamilya, career hanggang politics napag-uusapan namin. Never din kami naging intimate. No sex, no kissing at no holding hands.

Sabi pa niya ang chill ko lang daw kasama. Makabonding niya lang daw ako happy na siya. He often calls me gorgeous sa text. He said ayaw daw niya humingi ng legal advice sa akin. Baka isipin ko daw user siya. Sinusundo at hinahatid pa ako sa bahay.

I like him and I enjoy his company pero di ko totally ma-enjoy dahil may gf siya na former classmate ko pa. I feel guilty. Sana nga maghint na lang siya ng s*x eh. Hindi naman sa dahil yun gusto ko pero at least mas clear na yun lang pakay niya. Kaso hindi.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka he genuinely likes me na or falling in love with me. Kaso di ko rin magawa i-conclude yun. Scared ako na baka pag nag assume ako, biglang mali pala ako.

I know may kasalanan ako sa gf pero naawa ako. This is a case of emotional cheating which is more painful than physical cheating. Kung ako gf, mas kakayanin ko pang gumalaw ng ibang babae ang bf ko kaysa magkagusto siya sa iba habang kami pa.

He is asking me out again sa weekend. I am planning to confront him kung ano pakay niya. I will ask him bakit ang flirty niya sa akin kahit may gf siya. Then if napa-amin ko siya na may feelings siya sa akin, that's the time na sasabihan ko siya na di ko kayang ituloy pinagagawa namin habang may gf siya.

Unfair din on my part kasi ang daming questions. What if sincerely type nga ako? Iiiwan niya ba gf niya for me? I hate mind games. It's time to confront him. If he cannot be honest on his feelings, I am out.

Feel free to share your thoughts. Patawad ulit sa pagiging marupok ko. :-(

airish_2

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend (There is an update. Please open.)
« Reply #17 on: January 23, 2019, 09:56:55 am »
Don't think twice sulutin mo na sa girlfriend niya. Grab the opportunity.

TomHansen

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend (There is an update. Please open.)
« Reply #18 on: January 23, 2019, 09:59:03 am »
Same na lang yun sis mapa-physical or emotional cheating pa rin yun, parehong masama para sa gf niya at masama sa pagkatao mo. Why be the person na naninira ng relationship? In your world ikaw dapat ang bida hindi ang kontrabida. Hindi masamang maging selfish pero sana wala tayong inaapakang ibang tao especially if that person trust you at wala namang ginagawang masama sa iyo.

Bakit kailangan mo pang malaman ang feelings niya when your decision should be based sa inaasal/pagkatao niya? hindi pa ba enough ang mga nangyayari at mga nangyari sa past mo para makapagdecide ka para sa ikabubuti ng buhay mo sis?

oh and btw di mo na siya kailangang tanungin, nanliligaw na siya sayo nuon pa.. :)

young_maiden

  • Guest
Re: attracted to friend's boyfriend (There is an update. Please open.)
« Reply #19 on: January 23, 2019, 10:07:12 am »
^ pero sana hiwalayan niya muna gf niya, bro. di naman siya married. he has a choice to leave the girl.

sa tingin ko, he is confused sa feelings niya. lito siya kung sino sa amin ni gf ang gusto niya pero ayaw niya pa totally harapin at i-resolve kung sino ba.

kaya need ko na siya kausapin. if he cannnot leave the girl, magsama sila. ako na lang lalayo. kakausapin ko na lang siya para magkalinawan kami.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close