watch now

Author Topic: Faint Line on PT  (Read 2993 times)

berryprincessy

  • Guest
Faint Line on PT
« on: January 02, 2019, 03:32:04 pm »
Hi mga sis. sana po may makasagot ng questions ko. nagtest po kasi ako last sunday pero yung second line is super faint line. nagtry ulit ako after 1-2hrs using the same brand negative na siya. hindi ko alam kung pregnant na ba ako. ayoko na magPT kasi natatakot ako baka negative. Been TTC na po for 2 years na. TIA.

iammechelle

  • Guest
Re: Faint Line on PT
« Reply #1 on: January 03, 2019, 01:54:13 pm »
what are your symptoms sis? nung second pregnancy ko, faint line lang din siya. I asked my OB about it ang sabi sa akin, kagagawa pa lang daw ng baby pag faint line.  anong oras ka nagPT? try mo ng anytime of the day. pag may faint line pa rin, positive ka na

preciousjulia

  • Guest
Re: Faint Line on PT
« Reply #2 on: January 03, 2019, 03:56:06 pm »
Sis faint line lang din sakin nung first prenancy ko. Naconfuse nga ako kung yun na ba yun..yung tipong sobrang inaaninag ko pa mabuti. :D
Wala din ako symptoms nun, no hilo, no suka..delayed lang ako for about 2 weeks yata na normal lang for me kasi madalas ganun ako pag stress and hindi pa namin  plan ni hubby mag baby.. but still nag try pa din ako mag PT (mommy instinct maybe?)
Baka bago pa lang sis? Then factor this kasi yung time mo ng pagkuha ng urine, kailangan first urine mo sa morning.. kaya siguro nung inulit mo after ilan hours sobrang labo na nya na parang negative na.. Nag google ako about sa faint line sa PT kaya ako napadpad dito sa GT. Kahit faint line daw basta two lines still positive.
Nagtry ako ulit after 2 days malinaw na yung second line. :)
« Last Edit: January 03, 2019, 04:05:56 pm by preciousjulia »

cescilay

  • Guest
Re: Faint Line on PT
« Reply #3 on: January 03, 2019, 09:13:35 pm »
Sa akin faint line din dati. Since gusto ko makasiguro dahil irregular ang period ko, nagpa-laboratory test ako the very same day. Yun positive nga :)

berryprincessy

  • Guest
Re: Faint Line on PT
« Reply #4 on: January 04, 2019, 09:55:45 am »
^thanks sa reply mga sis.

@iammechelle -- sis wala naman ako masyado nararamdaman. no hilo, no suka din. pero nung mga nakaraang araw bago magchristmas feel ko parang mabigat dibdib ko, di ako makahinga ng maayos. akala ko pag busog lang ako or masikip lang damit ko. tapos after nun itong week lang feel ko ang acid ng lalamunan hanggang sa may taas ng chest pero saglit lang ngayon wala na. di ko alam if symptoms yun pero kasi may history naman talaga ako ng gastroenteritis or baka minsan higa agad ako after meal kaya ramdam ko may acid. pero hoping ako na sana nga positive ako sa pregnancy.

@preciousjulia -- wala din ako symptoms sis. pero yun nga parang may hyperacidity ako pero lately wala na. Yung unag PT ko na may super faint line tinake ko yun ng morning. Unang pee ko that day. Hindi pa ko nagcheck ulit after nung second test ko na negative. parang natatakot ako. Pero praying and hoping talaga kami na ito na yung little one namin ng hubby ko.

@cescilay -- bukas ako sis nakasched sa OB. TVS daw ako. kaya kinakabahan ako.. praying talaga. si lord na bahala sa amin. sana ito na yung inaantay namin.



 
« Last Edit: January 04, 2019, 10:03:59 am by berryprincessy »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close