watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 60)  (Read 131182 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #360 on: February 17, 2019, 10:21:21 pm »
Ahahah agree sa gma teleserye ang hilig nila sa storyline na magkapatid or kambal na magkaiba ang ugali hahaha paulit ulit na ganon lang

Ay true hahaha. Or magkapatid na laging magkaribal. Mga palabas dito sa atin pino-promote masyado ang inggit sa kapwa

sunnnyside

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #361 on: February 17, 2019, 10:53:24 pm »
Yes nasundan ko din yung Greatest Love and nagustuhan ko din. Mukha din kasing naresearch bago ginawa.

lilu

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #362 on: February 18, 2019, 10:53:31 am »
Huli ko atang pinanuod na teleserye na sinubaybayan ko talaga ay "Rubi" yung si Angelica Panganiban yung bida-Kontrabida.. hehe tas yung Pinoy movie naman yung kay Toni at Piolo ba Last Night..

three8one

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #363 on: February 18, 2019, 02:30:59 pm »
sino nanunuod ng Playhouse, kay angelika at zanjoe? ginaya lang  yun sa movie na Life As We Know It noh?

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #364 on: February 18, 2019, 03:35:39 pm »
Ngayon naman si Liza Dino ang inaaway ni Matti bakit daw sinasayang ang pera ng government sa pag-networking (hindi MLM ha)events sa abroad. Sinagot naman ni Liza na its a way to bring our movies to other countries.

Yung mga comment niyo regarding movies dying, teka bigla akong naconfuse. Nandoon na tayo na basura ang quality, pero hindi ba mga fanatics kahit naman basura ang movie basta bida ang LT na gusto nila gagastos pa rin sila para manood? O hindi? So paanong nawawalan ng kita if may mga nanonood pa rin? O mga movies lang ni Matti na indie na walang LT ang nilalabas niya kaya walang nanonood? Ano ba talaga, parang ang gulo na.

Yung mga palabas ni Vice at Vic malaki ang kita sa MMFF so I think good business yung ipagpatuloy nila yung mga basura movies na puro product placements para naman makabawi. Yes basura para sa atin pero sabi nga nila, one man's trash is another man's treasure.

So kung malaki ang fanbase ng pabebe na LT saan ba sila kumikita, sa ticket sales ng movies o sa ads ng mga TV commercial?

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #365 on: February 18, 2019, 04:36:24 pm »
Yung brother pala ni Liza Soberano nakabuntis ang bata pa niya, nakakatawa makabasa ng comments na hayaan daw si liza na tulungan yung brother since kapatid naman yun. Pero nakakatuwa na may nagcocomment din ng realtalk, kasi ang dating si liza ang gagastos kasi lalake yung kapatid niya and hindi pa naman nagwowork.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #366 on: February 18, 2019, 10:06:19 pm »
^Ilang taon na brother niya?

Normal Filipino mentality ang nagsasabi na tulungan. Alam mo naman sa Pinas kapag di ka tumulong sa kamag-anak ubod ka na ng sama lalo na kung ikaw ang breadwinner. Kawawa ang mga breadwinner at karamihan sa mga ofws ginawa ng palabigasan ng mga tamad.

^^Ang mga loveteams ang taas ng ratings ng mga tv projects nila at may mga product endorsements din. Kaso yung lakas nila sa mga tv projects kadalasan hindi naita-translate into box office hits (hindi naman super flop lahat pero yung mapapaisip ka pa din na nasan ang mga fans e ang taas ng tv ratings, laging jampacked ang mall tours pero hindi box office ang pila sa sine). Kasi ako man fan ako kunwari bakit ako bibili ng movie ticket, popcorn and softdrinks para panoorin ang mga loveteams na araw-araw ko din napapanood sa tv (yung iba maski fan pa yan maghihintay na lang pag available na free streaming online). Yun nga lang mas sa kanila sumusugal mga movie producers kasi alam nila na may fanbase kaya maski papaano may manonood tapos tatambakan nalang nila ng iba pang big stars as support.

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #367 on: February 18, 2019, 10:25:14 pm »
18 na rin ata kaso nagaaral pa kaya yung ibang fans ni Liza ang galit. Tapos natamaan yata yung iba narealtalk kasi which is may tama talaga kasi sino nga naman gagastos sa panganganak yun malamang hingi kay Liza.

lilu

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #368 on: February 19, 2019, 12:24:24 am »
Sobra naman kung si Liza lang ang mag shoulder lahat.. may magulang naman siguro yung gf ng lil bro nya.. as if sa side lang ng lalaki ang sasagot lahat. Prenatal check ups to panganganak kung sasagutin naman ni Liza yun, eh walang problema kasi sa 9mos naman siguro makakahanap na lil bro nya ng work... grabe naman ka-Oa ng fans ah.. hahaha

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #369 on: February 19, 2019, 01:04:49 am »
^Naku sis alam mo naman Pinoy may mentality na lalake ang dapat na provider. Kapag di kaya ng lalake, yung side ng family no guy ang magpo-provide. Kaya yung iba ipinipilit na si Liza ang umako ng responsibilidad ng bro niya 😂

curlylass

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #370 on: February 19, 2019, 02:00:57 am »
Engaged na si Dani Baretto.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #371 on: February 19, 2019, 04:48:48 am »
Congrats kay Dani

Akala ko naman kung ano na yung new achievement ni Kelsey M. O siya sige, congrats na din sa kanya.

Ganda ng new hair color ni Cristine Reyes pero hindi ko gusto haircut niya.
« Last Edit: February 19, 2019, 04:50:29 am by mysterioza_me »

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #372 on: February 19, 2019, 01:41:44 pm »
napanood ko yang interview ni Liza Soberano naawa ako sa bata lalo na nung sinabi nya na I feel tired sometimes and I  feel so unfair because  everything has been put on my shoulder kasi nga sya breadwinner ng family...tapos nga nakabuntis pa yung brother nya...parang dating wala man lang tumutulong sa kanya...i was just wondering ano ginagawa ng tatay nya.

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #373 on: February 19, 2019, 01:43:22 pm »
Para yata sa movie niya with Xian Lim yung hair niya ngayon. Napansin ko kapag may movie or project siya talagang all out siya. Katulad ng I can do that kesehodang kumain ng apoy or magpapanget siya go lang siya.
« Last Edit: February 19, 2019, 01:46:38 pm by marge070407 »

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #374 on: February 19, 2019, 04:50:33 pm »
napanood ko yang interview ni Liza Soberano naawa ako sa bata lalo na nung sinabi nya na I feel tired sometimes and I  feel so unfair because  everything has been put on my shoulder kasi nga sya breadwinner ng family...tapos nga nakabuntis pa yung brother nya...parang dating wala man lang tumutulong sa kanya...i was just wondering ano ginagawa ng tatay nya.

Sabi  pa nga sa tsismiss kinokontrol ng  tatay nya yung pera niya? Mabait na bata si Liza ramdam mo rin 'yong hanash nya sa buhay.
« Last Edit: February 19, 2019, 06:10:32 pm by janachen »

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #375 on: February 19, 2019, 06:03:57 pm »
Mas gusto ko vibe ni Xian pag medyo madumi syang tingnan, with the messy hair, full mustache and all

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #376 on: February 19, 2019, 06:07:08 pm »
Pati ba sa American mother's side ni Liza siya rin ang breadwinner? Ang alam ko may salon/spa siya tapos dad and gf/wife ng dad niya nagmamanage. Maappreciate mo rin talaga yung mga kapatid ng mga artista na hindi naging pabigat i.e. hindi binalewala yung hirap ng artista like brother ni Bea Alonzo and Kim Chiu's siblings.

alexsy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #377 on: February 20, 2019, 01:45:39 am »
Magiging Sarah Geronimo part 2  etong si Liza. kawawang bata

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #378 on: February 20, 2019, 05:52:39 am »
Kawawa naman si Liza. Ang bata pa niya para magsabi na pagod na siya. Ang hirap talaga kapag sa iyo nakasandal ang buong pamilya. Kung minsan talaga hindi masama maging maramot at unahin muna ang sarili sa totoo lang

casablanca8

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #379 on: February 20, 2019, 05:52:55 am »
Gerald and Janice sa FP. How true kaya

 

Latest Stories

Load More Stories
Close