watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 60)  (Read 131285 times)

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #320 on: February 12, 2019, 09:56:42 am »
^Agree sis. May potential yung mga plotlines ng teleserye ng GMA, sa totoo lang. Kaso yung scriptwriting, meh kung meh. Saka parang tinipid lagi sa production cost. Sayang minsan yung cast kahit magagaling. And yes, andaming unnecessary plot twists at walang kamatayang cliches. Halatang pinapahaba nalang. Tapos patola pa si Suzette Doctolero sa mga comments sa shows nila.
« Last Edit: February 12, 2019, 11:52:57 am by thatkdramaeonni »

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #321 on: February 12, 2019, 05:53:00 pm »
Pati si Quark Henares at Mike Tan ba yun sumagot na rin sa movie issue. Halos same lang din mga sinasabi nila, pero kailangan ba haluan ng political issue?

Matagal na bagsak ang movie industry ng bansa, hindi naman nung panahon lang ni Du30 kaya nasira yan. Anyway back to the question, sa tingin niyo ba kung yung budget na limited (wala naman tayong magagawa kung konti lang talaga ang pera) nilaan na lang sa script at sa effects, tapos mga baguhan pero may potential na artista na lang ibigay (para less TF) pwede kaya? Nasubukan na ba ito?

mei-mei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #322 on: February 12, 2019, 11:18:01 pm »
^ Because politics and economics are always connected. You can?t talk about economy & consumers? buying power without touching on political governance.

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #323 on: February 12, 2019, 11:36:46 pm »
^ Because politics and economics are always connected. You can?t talk about economy & consumers? buying power without touching on political governance.

True, pero yung quality ng movies matagal nang basura panahon pa ni Ramos nagsimula na pumangit. Pero yung mga sinsabi nung 2 hindi naman about government halata lang na galit sila sa present admin kaya nila binanggit. Yung mga sinasabi nilang issues about entertainment tax matagal na yun, not just this present admin.


« Last Edit: February 12, 2019, 11:40:59 pm by desolate_cat »

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #324 on: February 13, 2019, 05:33:39 pm »
Yep matagal na naging basura mga pelikula, i remember halos puro bold films pa nung 90s hanggang early 2000. From st queens to viva hotbabes hehe tapos yung mga pa tweetums na artista noon nag bold star na lang para lang sumikat or para lang to stay relevant. Like sina maui taylor, rica p etc..

jasmine3689

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #325 on: February 13, 2019, 10:47:25 pm »
Isisi pa sa govt. nako antagal ng mulat ng mga tao. Di na mauuto sa mga filipino movies especially filmfest. Kahit kami ng family ko nanood kami ng tanging ina ilang years na rin nakaraan, lumabas kami ng movie na never again. Sayang lang pera puro kababawan. Pinapanood na lang foreign movie na maganda reviews para di sayang  sa pera. Sana di na lang ipantay yung price sa foreign kasi satin simple lang naman story

innocent_beauty

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #326 on: February 14, 2019, 05:26:21 am »
ako naman observation ko lang the reason kung bakit ang mga pinoy movies ay di na ganun ka bongga unlike sa US na aabangan mo talaga is una kc sa atin puro teleserye kaliwat kanan gabi gabi lahat , katatapos lang ng isa meron na agad. di pa kasama pang hapon serye dyan..Bida kung sino sikat yun ang in ang dami daming artistang magagaling naka focus lang kung sino sikat..sa dinami daming mga love team isisingit kahit di naman relevant sa kwento. Isa pa creative mind ng mga script writer abroad very creative sila or books and comics comes to life ( marvel, DC, lord of the rings etc.) ginagatusan talaga nila, uso sa US mga super heroes unlike sa atin pinoy heroes lang na kilala paulit ulit pa si darna at captain barbel. =) kung sino pa sikat yun ang bida kahit di bagay =)
« Last Edit: February 14, 2019, 05:29:59 am by innocent_beauty »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #327 on: February 14, 2019, 07:21:51 am »
Speaking of Pinoy Superheroes, parang wala ng balita sa Darna ni Liza Siberano.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #328 on: February 14, 2019, 10:01:25 am »
hindi lang us, pati thai films naungusan na tayo. Kahit mga romcoms nila walang binatbat mga romcoms dito. Puro kasi dito kung sino lang madaming fanbase yun lang, paulit ulit kahit hindi naman marunong umarte kaya puro loveteam. Kaumay. Korek sayang ang pera, kaya yung iba sa online lang nanonood

ayi0119

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #329 on: February 14, 2019, 12:05:47 pm »
Speaking of Pinoy Superheroes, parang wala ng balita sa Darna ni Liza Siberano.

Well, I hope magfocus sila sa Darna, hindi sa loveteam.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #330 on: February 14, 2019, 04:45:17 pm »
Honestly ang hirap ibuild up si Liza para sa Darna na role, Angel Locsin talaga ang pinakafit lang na gaganap dyan pero move on na ako.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #331 on: February 14, 2019, 07:42:21 pm »
Walang wala talaga ang movies sa pinas kahit di na sa US movies icompare sa korean or japanase movie na lang wala pa rin. Un mga baguhan parang wala man lang training period basta lang naging artista kahit nga sa free movie sa online di mo panonoorin dahil sayang oras mo.

Majority kasi mahilig sa love team kaya ganyan ang thread. Daming delusional na fans ng loveteam hindi lang siguro ako fanatic sa artista kaya di ko magets. Tapos puro kabit ang pa ang theme. Sci-fiction or action hindi talaga kaya ng movie industry natin. Kaya ang ending puro drama or romcom.

Ang mahal ng sine ganyan lang ibibigay sayo mga pabebe acting.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #332 on: February 14, 2019, 07:48:00 pm »
^Benta kasi ata talaga kapag tungkol sa kabit e. Tingnan mo maski ang show ni Raffy Tulfo more on kabit at sustento ang gusto laging isalang kasi yun ang mataas ang views.

Agree ako parang di ko mafeel si Liza as Darna, ang hinhin e.

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #333 on: February 14, 2019, 08:58:14 pm »
^napansin ko rin yan sa tulfo, puro ganyan ang topic. Kawawa naman yung iba na may legit concern di na ineere.

^^agree ako sa lahat ng sinabi mo sis. Haha napapaisip talaga ko bat di tayo makalevel sa mga korean and japanese movies, even thai nga eh. May mga quality movies din naman tayo but hindi sila bumebenta. Ganun kababaw ang mga movie goers dito sa atin, na they see a movie merely for entertainment. And alam ng mga producers yan. Since sila ang may pera, sila ang may say.

baby_ni_jaybee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #334 on: February 14, 2019, 09:00:35 pm »
Maganda sana yung katulad nung RPG Metanoia eh, kaso sobrang gastos gawin. Yung company namen na gumawa nyan hanggang ngayon naghihingalo pa din lol. Imagine ilang years ginawa, 5 years ata, tapos dun sa 5 years na yun wala naman income kase nakafocus lang sa paggawa nun. Tapos indi naman nakabawi sa kita don. Kulang tayo sa tao na gagawa ng ganyan, plus yung budget pa. Kaya mga producers mas susugal sila dun sa alam nilang kikita.

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #335 on: February 14, 2019, 09:21:54 pm »
Kaya nga aware naman sila sa mga korean movie sana nagka idea sila kahit hindi na kailangan yung sobrang bigat na tema. Kaloka 2 years na daw si Liza at Enrique kailangan talaga sabay sa movie nila, laging same old trick.

_hotbabe_

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #336 on: February 14, 2019, 10:47:05 pm »
Mark Herras at WynWyn Marquez break na. Wala ng ?Ga? sa IG.😂😂

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #337 on: February 14, 2019, 11:19:17 pm »
Tama rin observation ng ibang sis dito daming teleserye mula hapon hanggang gabi. Ang tagal pang matapos di sila makalevel up sa ibang gumagawa ng series na per season tapos konting episode lang. Mababasa mo pa un iba one day taping lang then ipapalabas kinagabihan paano naman magkakaroon ng quality un minadali mahilig kasi na ok na yan basta meron. Paano naman kasi di kikita un probinsyano wala naman choice un masa di naman lahat may netflix at cable kaya probinsyano na lang. Tapos parang walang ibang channel 2 at 7 lang (dahil fanatic ayun network war) Tama din kayo lahat na binigyan ng teleserye sa movie sila rin. Sayang un mga tunay na may talent sa pag arte katulad ni Iza, Alessandra, Dimples Romana etc.

Tapos un iba kahit walang talent sige teserye dito movie dyan. Ang malupit may album pa. Kahit nga OPM wala na sayang na sayang. Nakakahiya naman sa legit na actors and singers.

Wala tayong magagawa kasi di naman tayo ang priority target nila. Kundi un majority mahilig sa love team at puchu puchung comedy.

brokus

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #338 on: February 15, 2019, 04:01:56 am »
hindi na rin ako nanonood ng local films or series, years ago na ata ang last...

kdrama addiction ko, at everytime nanonood ako nun, naiisip ko, bakit sila kaya gumawa ng mga unique story (e.g medical, legal, spy series.), kitang kita na nageeffort talaga sa writing at research... Im pretty sure marami magagaling na writers jan, but for some weird reason, they stick to same story plot over and over again...

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 60)
« Reply #339 on: February 15, 2019, 09:00:02 am »
Maisingit ko pa 250php halos half na sweldo na ng minimum wage earners. Compared dito mas mababa ang pang sine 1hr na sweldo lang ng minimum wage earner (in 3d pa yan) kaya sobrang mahal talaga ng sine sa pinas.
« Last Edit: February 15, 2019, 09:04:18 am by Shadow Angel »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close