Gusto ko din mag share why bihirang bihira na ako manood ng PH TV kahit movies, napa bihira as in walang wala pa talaga nakakapag attract sa akin to watch local drama. Sana magbasa din yung old school directors o traditional sa mga ideas na meron mga millenial ngayon, kailangan nila maka catch up sa latest at mas pinaganda. Magaling naman Filipinos, madrama.
Di lang naman kasi sa effects yan Direk.-
- Sa Teleserye, please paki bawasan o i-limit nyo naman ng isang taon lang, kasi kakaumay talaga, kayo na mismo papatay sa Local Movies, why? Kasi nilagay nyo na lahat sa teleserye, ano pa sa tingin ninyo ikasasabik ng manonood sa inyo? Bakit pa nga naman sila/ako/kami mag abala kung natodo nyo na sa teleserye lahat?
- Yung movies madalas, predictable na yung susunod na kabanata, utang uta ako.
- Repetitive scenes, halikan dun halikan diyan, sampalan dun sampalan dyan, puro sampalan, kabit dun kabit diyan, di lahat makakarelate dyan, nakalimutan nyo na Directors, may ibang group pa na di interesado sa kwentong kabit chu chu, yung komedya na mala Vice at Vic (I think enough na yung mga corny and offensive jokes)
- Paulit ulit yung mga bida, paulit ulit yung love teams, puwede bang mix naman para di nakatali sa isang love team lang, naging posible nga sa ibang bansa yan, malamang kaya natin yan. Filipinos are creative naman, sinasayang lang talaga.
- NETWORK Wars, kakaumay. Kapag may ganyan, patayin nyo na lahat ng channel itira nyo na yung isang channel para tapos usapan. Paano kikita at panonoorin yang mga local movies kung may ganyang mindset na taga kabila ito, di ko kilala. Gulay! Nagremote control ka pa. Paano talaga kikita yang mga movies, puro sila mga bida wala na, paano na yung mga small actors na magaling pero di na-aappreciate.