watch now

Author Topic: SSS Pension Bank Account---HELP  (Read 2444 times)

sportygurl

  • Guest
SSS Pension Bank Account---HELP
« on: November 03, 2018, 02:51:55 pm »
Guys, question lang. Diba ang monthly pension dinedeposit ng SSS sa bank of your choice basta dapat savings account?

Yun tita ko kasi nagpalit ng bank account so 2 months ago she went to SSS para i-update bank details nya. Pero last week may natanggap siya text from SSS telling her na binalik ng processing center nila ang form nya for bank information update reasons being naka cash card or debit card yun account na binigay ng tita ko. Eh ang sa tita ko ay savings account ng bpi na may debit card. Ang sabi ng bpi samin yan na yun equivalent ng pensioners account nila.  Sa PNB nga ang SSS Pensioners Account nila debit card din ang bigay nila.

Nagcheck ako sa website ng SSS at tumawag sa hotline nila, ang sabi naman basta savings account na may passbook or atm pwede. So bakit yun sa tita ko na savings account na may debit card di pwede? Pareho lang naman ang atm at debit card right? wala naman na ata ngayon atm card, lahat debit card na ang iniissue ng bank. Sa fb page nga ng metrobank they are telling their pensioner na may account with them to switch to emv chip debit card na.

So bakit ayaw tanggaping ng SSS ang bank account ng tita ko???

 

Latest Stories

Load More Stories
Close