watch now

Author Topic: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15  (Read 45483 times)

curlylass

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #80 on: December 21, 2018, 01:57:47 pm »
THE Ateneo just can't catch a break. Diba recently lang din yung sa prof that was accused of sexual assaults?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #81 on: December 21, 2018, 08:42:19 pm »
Re: Janno tumatandang paurong

Maski idelete yung video ng bully may naga-upload pa din. Naibalita na sa gma, ni-blur lang ang face ng mga involved. Pati Malacanang nagrequest na imbestigahan ang nangyari and pati na Phil Taekwondo Assoc.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #82 on: December 23, 2018, 09:45:27 am »
Napasearch tuloy ako sa bully na bata pati sa fb real account ba nya yun? Wala man lang remorse puro kayabangan ang nakapost about incident.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #83 on: December 23, 2018, 04:14:07 pm »
^IG niya ang nasa bio niya

SNITCH kita

iba ang angas niya talaga

mysterioza_me

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #84 on: January 07, 2019, 12:45:47 pm »
May 3 ipis sa drinks na sinerved ng Gong Cha. Nakita ko ang post sa fb.
-- Pero nakakapagtaka lang di ba niya nalasahan or naamoy na may kakaiba dun sa iniinom niya. Ang lakas ng amoy ng ipis.

sophiasoon

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #85 on: January 08, 2019, 04:35:32 am »
^
True.
Parang suspicious naman yun.
Tinatlo pa yung ipis, e di nangangalingasaw na dapat yun.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #86 on: January 08, 2019, 05:30:50 am »
^Oo nga e, sabi pa ni victim for sure may nakain siya, if meron di ba niya mapi-feel na iba texture ng ipis vs sinkers? Di naman sa hindi ako naniniwala sa nagpost pero need pa niya ako iconvince lols.

airish_2

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #87 on: January 12, 2019, 11:55:47 am »
Yung parents na binugaw yung dalawang anak. Grabe! Nakakasuka!

like_bree

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #88 on: January 12, 2019, 12:27:36 pm »
^the father of those kids was the cleaning man in our condo.  I gave him Christmas envelop and a plastic bag full of goodies over the holidays.  He seems mahiyain and mabait.  so shocking kasi two days na siyang missing in action..

airish_2

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #89 on: January 12, 2019, 03:34:54 pm »
^What? Grabe he doesn't know daw pero makukulong din siya. Yung mother malamang sa malamang ay drug addict. Sino ba naman matino gagawa sa sariling anak niya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #90 on: January 12, 2019, 03:48:01 pm »
Yung mother may sex video with their son. Pati yung magkapatid pinagse-sex din daw. Anong nangyayari sa mundo?!

kvandenhaak

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #91 on: January 13, 2019, 06:28:27 am »
^Hold on...whaaat?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #92 on: January 13, 2019, 07:57:37 am »
^
Eto yung link ng news:
https://news.abs-cbn.com/news/01/11/19/mag-asawang-ibinubugaw-pinagtatalik-ang-2-anak-timbog-sa-taguig

Eto yung mismong laman ng news article in case di mag-open:

Arestado sa Taguig City nitong Biyernes ang isang mag-asawa matapos ibugaw online at sa personal ang sariling mga anak.

Inaresto ng Taguig police ang mag-asawa matapos makatanggap ang National Capital Region Police Office (NCRPO) hotline ng tip mula sa isang concerned citizen ukol sa ginagawang kahalayan ng mag-asawa sa kanilang 15 anyos na anak na babae at 13 anyos na anak na lalaki.   

Kuwento ni Superintendent Alexander Santos, hepe ng Taguig police, nilusob nila ang lugar na pinagtataguan ng mag-asawa. Nagkaroon umano ng habulan, at doon nakumpiska ang cellphone ng inang si alyas "May" at nakita ang mga mahahalay na video.

Sa mga nakuhang video ng mga pulis, nakitang nakikipagtalik si May sa binatilyong anak.

Sa isang video, inutusan naman niya na gumawa ng kahalayan ang magkapatid.
   
Sinermonan ni NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar ang mag-asawang sina alyas "Jerry" at May.

"Bakit mo naisip na gawin sa mga anak mo 'yan? Anong klaseng magulang kayo?" ani Eleazar.
   
Ang mga video, pinapadala ni May sa isang Amerikano sa Amerika kapalit ng P1,200.

Kuwento ni May, 2013 pa niya nakilala ang Amerikano sa social media.
   
Buwan-buwan din umanong nagpapadala ng sustento ang Amerikano na ipinagkasundo rin niyang mapangasawa ng anak na babae.

Bukod sa mga video, nagawa rin niyang ibugaw ang dalagitang anak sa isang British national na naging kliyente niya sa pagmamasahe. Naka-record din ang pagtatalik ng dalawa.

Depensa ni May, malaki naman daw ang naitulong ng Amerikano at napag-aaral niya ang anak dahil dito.

Iginiit naman ni Jerry na wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari dahil maghapon daw siyang nasa trabaho bilang janitor at carwash boy.
   
Nakuha na ng mga pulis ang detalye ng dalawang banyaga na parehong tinutugis na.

"Identified 'yung foreigner na mga suspek, we will just wait for the warrant of arrest to be issued by the court and then once issued, gagawa tayo ng effort para mahuli sila, kahit nasa abroad sila," ayon kay Chief Superintendent Eliseo Cruz, direktor ng Southern Police District.
   
Nahaharap sa mga kasong anti-child pornography, anti-child abuse, anti-trafficking in persons, at rape in relation to anti-cybercrime law ang mag-asawa.
   
Dadalhin naman sa shelter ng Department of Social Welfare and Development ang magkapatid.


?Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

sophiasoon

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #93 on: January 13, 2019, 10:41:27 am »
Grabe napaka shocking talaga. Kawawa yung mga bata, kasi damaged na yan sila. Napakalaking scar nun sa pagkatao nila.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #94 on: January 13, 2019, 05:29:19 pm »
Habang binbasa ko napapamura ako. Anong nangyayari? Susko!!! Huwag nalang mag-anak kesa ganyan. Grabe! Sana yung Amerikano ma i-report din sa FBI.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #95 on: January 13, 2019, 09:47:42 pm »
Hindi na dala ng kahirapan kundi dala ng katamaran. Ang baboy.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #96 on: January 13, 2019, 10:31:48 pm »
^True. Ganyan na ang ilan sa mga Pinoy. Tamad. Gusto easy money. Kaya madalas naloloko or katulad niyan pati anak idinamay kumita lang sa madaling paraan kesa magbanat ng buto. Buti nalang may concerned citizen na nagsumbong.

janachen

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #97 on: January 13, 2019, 10:33:57 pm »
what the he**!! pano nya nagawa sa sariling anak yun. grabe.

airish_2

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #98 on: January 13, 2019, 11:52:04 pm »
Yung sagot pa ni ate na nakapag aral naman daw yung mga bata. sa ganoon kaliit na halaga? Hindi naman siya yayaman sa ganoon kaso naluto na ata utak sa droga, imposibleng walang tinetake yung ganiyan. Nakakalungkot lang talaga.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Most Shocking News You've Heard Lately- PART 15
« Reply #99 on: January 14, 2019, 02:11:50 am »
Kashock din un sagot ng mag ina about sa bullying kaloka no remorse all I can see is validation ng mali gawa nila kaya pala ganyan anak nya. Baluktot ang katwiran ng magulang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close