watch now

Author Topic: Re: Say Anything You Want Thread 9  (Read 70837 times)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #140 on: November 01, 2018, 12:51:38 am »
^oo nga ang alam ko rin included na dapat lahat yan so paano mo magagamit kung di naman included.

-Daming ads ng gt ilang beses na akong nagkakamali ng click.
« Last Edit: November 01, 2018, 01:28:57 am by Shadow Angel »

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #141 on: November 01, 2018, 11:06:58 am »
^ ^^ oo nga mga sis.. Basic package lang kasi ako kaya siguro hindi included.. Anyways kung talagang gusto ko gamitin yun feature e need ko gumasto ng ganun kalaki.. May nakikita naman ako sa lazada na nagbebenta ng ganun for 2k lang kasama antenna. 😊

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #142 on: November 01, 2018, 11:18:11 am »
Lumalamig na talaga.

three8one

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #143 on: November 01, 2018, 12:18:00 pm »
dumating na naman ako sa punto ng pakikibaka... pahirapan na naman maligo! haha... ang lamig, brrrrr!

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #144 on: November 01, 2018, 03:38:56 pm »
Ampapangit naman ng palabas sa KBO! Sayang ang 30petot ko eh.. 🙁

Bridgette*

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #145 on: November 01, 2018, 06:34:16 pm »
Wuhoo 16th MP bonus 👌

Pero sad. Sa December ang daming pang Christmas shopping ng mga tao, kami ubos na. 😅 Aasa na lang ako sa conversion, allowances, et al ko 😪😁

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #146 on: November 01, 2018, 09:33:27 pm »
Hay salamat nakanuod din ng medyo interesting na movie.. boring lahat halos eh! The Mist. Ayos ang ending. Parang gusto kong dagukan yung lead actor eh. Pag Stephen King movies talaga mostly out of this world ang plot eh... Yun tipong mapapakamot ka ng ulo hehe.. 😆

Evolet027

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #147 on: November 02, 2018, 01:36:02 am »
Done with 3 chapters sa current book binabasa ko. Dapat matapos ko ang book na yun til Sunday.📕📚📓 😴😴😴

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #148 on: November 02, 2018, 08:14:14 am »
Happy pill ka talaga namin anak ilang beses namin pinapanood ang videos mo kahapon until now pinapanood namin ng papa mo. Nakakatuwa mga ginagawa mo. Ang bilis ng panahon parang ang laki mo na agad. Mamimiss ko mga ganito nating moment. I love you anak.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #149 on: November 02, 2018, 08:35:57 am »
^ ^^ oo nga mga sis.. Basic package lang kasi ako kaya siguro hindi included.. Anyways kung talagang gusto ko gamitin yun feature e need ko gumasto ng ganun kalaki.. May nakikita naman ako sa lazada na nagbebenta ng ganun for 2k lang kasama antenna. 😊

Sali ka sa mga car groups sa fb, hanapin mo yung group na same model ng car as yours. Makakakuha ka ng tips dun. True madaming mura sa lazada. Yan din sabi ko sa dad ko nung magpabili ng dashcam e kaso ayaw niya. Sa dealer niya gusto, inaalala niya kasi baka ma-void warranty sa wirings. Ang mahal, 12k ang binayad ko since sa dealer kami bumili and sila na nag-install samantalang may dashcam naman na tig-3k lang 😂

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #150 on: November 02, 2018, 05:05:32 pm »
^sumilip ako sa groups puro bentahan naman hehe. saka na lang ako magtatambay sa mga ganun. Malapit na pati magpasko. Dapat magtipid at magsave pa more para may panggastos sa vacay. 😅

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #151 on: November 02, 2018, 07:05:13 pm »
^True tipid mode na din ako pero mukhang mapapagastos ako sa kape haha. Hindi ako religiously nagco-collect ng stickers since mas mura bumili sa bookstore ng planner pero ang ganda ng travel organizer ng Starbucks ngayon.

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #152 on: November 02, 2018, 07:37:11 pm »
^hehe. Mapapagastos ka nga nyan sis. Angmahal ng isang order ng kape. Dalawang order na ng rice meal sa jabi or macdo ang katumbas nun. May soda pa kasama hehe! Buti ako hindi mahilig sa organizer. Tamad magsulat 😅.
Iwas nga din muna ako sa mall..nate-tempt magbili-bili ng mga gamit sa bahay.
Target ko nga mag-minimalist living eh.. Kaya bahay lang muna kami until sunday. Need ko pagkasyahin ang 1k sa buong week. Haha! Mura naman ang gulay eh. Healthy pa! 😆

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #153 on: November 02, 2018, 07:52:14 pm »
^Oo nga e haha. Yung pouch na kasama ng travel organizer ang gusto ko talaga dun, bonus na lang na may organizer siyang kasama. Useful din kasi planner/organizer sa akin. Nagagamit ko siya sa office and personal stuff na kailangan ko isulat. Gusto ko din yan minimalist na yan e kaso nung nagstart ako mag-declutter ng mga damit, bags, shoes naisipan ko naman bumili ng bumili pamalit dun sa naipamigay ko. So nabalewala lang ang pagbabawas ko ng gamit kasi nagdagdag din ako ng mas madami pa compared sa naipamigay ko 😂

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #154 on: November 02, 2018, 08:29:39 pm »
^haha! Parang ganun nangyari sakin lately ah. Nagdeclutter din ako, ipinamigay mga bagay na di magamit. Angkaso bumili din naman ng bnew things.. Waah! Nakakaguilty... di bale..may more than 1mo pa naman para magtipid heheeeh..kahit konti ang masave, importante wag munang gumastos nang malaki. Para hindi nganga sa dec hehe.. Tayo nang magtipid! 😀

kvandenhaak

  • Guest
Re: Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #155 on: November 02, 2018, 09:56:26 pm »
Pasabat...lol! I use a planner too and everyday and it's a very powerful tool in being productive. Pero yung Starbucks planner walang masyadong space to put task. Pinuno na halos ng pictures ng artworks. Mas maganda sana ginawa na lang nilang Bullet Journal style. Yung dotted line na lang para at least more customizable. Pero, mga friends ko sa Pinas na nagco-collect ng planner pero hindi ginagamit?

Evolet027

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #156 on: November 02, 2018, 10:45:15 pm »
Grabe yung librong binabasa ko. Nananampal. Buti na lang libro lang sya kundi puro pasa na mukha ko. 😂😂😂

mysterioza_me

  • Guest
Re: Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #157 on: November 03, 2018, 01:27:30 am »
Pasabat...lol! I use a planner too and everyday and it's a very powerful tool in being productive. Pero yung Starbucks planner walang masyadong space to put task. Pinuno na halos ng pictures ng artworks. Mas maganda sana ginawa na lang nilang Bullet Journal style. Yung dotted line na lang para at least more customizable. Pero, mga friends ko sa Pinas na nagco-collect ng planner pero hindi ginagamit?

Yung iba ginawa atang status symbol ang Starbucks planner and may maipost lang sa socmed na meron sila. Nanghihinayang sila na sulatan pero ako mas nanghihinayang if hindi ko susulatan. Yung iba baka sadyang collection lang nila. Last year coffeebean ang planner ko kasi mas maraming space para sulatan and sa pagkakatanda ko mas konting stickers ang required ipunin. This year bumili lang ako sa mall. At ngayon dahil gusto ko ang travel organizer ng starbucks magcocollect ako uli ng stickers.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #158 on: November 03, 2018, 03:23:18 am »
Maka comment din over naman kasi ang mahal ng kape sa pinas halos kalahati ng sweldo per day ng minimum wage. Kaya parang pag naka starbucks ka sosyal na. Though di ako madaling madala sa paandar ng mga ganitong tao lalo na nagpopost sa socmed. May mga kilala akong lubog na sa utang or panay pa ang utang pero lagi naka starbucks. Kaya pag sa akin nanghihiram big NO sagot ko. Nakakatuwa sana marami ng pinoy ng masasabi mong can afford kaso di ko alam if marami ba na may maipost lang sa socmed.

- may nakabasa ba ng post ni Lolit regarding FA kapag kasama sa costumer service ang pagtitinda cheap na kaagad or dapat mo ikahiya? Kaya un iba ok na maging tambay wag lang maging tindera/janitor etc. Gusto ko sana mag comment sa IG nya na dapat sya mahiya mahilig syang magpalibre. Kaso wag na lang baka mastress lang ako hahaha.
« Last Edit: November 03, 2018, 03:49:25 am by Shadow Angel »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 9
« Reply #159 on: November 03, 2018, 06:00:38 am »
^Hay naalala ko tuloy ex-officemate ko nanghiram ng 500 sa kin kasi wala na daw siya pamasahe and pang-allowance until next payday. Pinahiram ko naman. Then Lo and behold nakasalubong ko sumisipsip ng frappe.

Nabasa ko yan sis sa IG ni Lolit. Nakakatawa na lang din yung ibang nagco-comment. Pinasosyal LANG daw na waiters and waitresses ang mga FA. Akala ba nila sa mga waiters sa panahon na to mga mababa ang pinag-aralan kaya mababa ang tingin nila at hindi dapat maicompare kasi super prestigious maging FA?! Hahaha. Saka wala naman mali na magbenta sila ng snacks. Kami kumakain kami bago ang flight namin pero bumibili pa din kami ng snacks sa plane para sa kids. Saka paano yung mga galing sa international flights tapos lilipat ng domestic (pinsan ko na seaman ganito) at wala ng time kumain so mas ok ba na magutom ang pasahero wag lang ma-deglamorized ang FA?!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close