watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (Thread 59)  (Read 106996 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #480 on: November 23, 2018, 09:53:28 pm »
^ bakit hindi kasuhan ni Niko Si Kris para tumigil.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #481 on: November 23, 2018, 10:24:44 pm »
True kesa kuda ng kuda sa socmed sana magkontra-demanda na lang at magpakita ng ebidensya na nagsisinungaling si Kris. Now kung nakapaghain na sila ng kontra-demanda, wait nalang nila court proceedings para di lumalaki issue. Makakakuha ba ng hustisya ang kapatid niya kung sa socmed nila babanatan si Kris? Kelan pa naging courtroom ang socmed? Ang mainam payuhan niya kapatid niya na umuwi na ng Pinas at harapin ang kaso. Remember: Flight is a sign of guilt.

Loully

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #482 on: November 23, 2018, 10:33:46 pm »
^ bakit hindi kasuhan ni Niko Si Kris para tumigil.
oo nga no? pero para sa akin parang ang mahal at waste of time. usually matagal ang proceso at ang mahal ng legal fees. also, hindi madaling kalabanin si kris, she has the money (to pay a very good legal team kahit ilang taon pa aabutin) and influence. siguro if they win this, parang ganun na rin ang outcome.
abangan na lang natin ang susunod na kabanata  ;D

Loully

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #483 on: November 23, 2018, 10:49:04 pm »
True kesa kuda ng kuda sa socmed sana magkontra-demanda na lang at magpakita ng ebidensya na nagsisinungaling si Kris. Now kung nakapaghain na sila ng kontra-demanda, wait nalang nila court proceedings para di lumalaki issue. Makakakuha ba ng hustisya ang kapatid niya kung sa socmed nila babanatan si Kris? Kelan pa naging courtroom ang socmed? Ang mainam payuhan niya kapatid niya na umuwi na ng Pinas at harapin ang kaso. Remember: Flight is a sign of guilt.

nakakairita din ang kapatid niya parang hindi lawyer magsalita. ewan ko ba ngayon sa mga so-called professional and high profile people, parang mga ordinaryong tao lang naman ang mga asal. before socmed, karespeto-respeto sila, pero ngayon kita na natin pare-pareho lang pala tayo ng asal ;D

may pinakita daw kapatid ni nicko sa media na forwarded message kung saan pinamonitor ni kris ang flights ni nicko at may pagbabanta.

haay, next topic nga. si ate shawie nasa pep, natalo pa kathniel sa pagpapakilig  ;D ;D ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #484 on: November 24, 2018, 01:53:17 am »
Lol as if naman t**** si Kris para ngayon pa gawan ng masama si Nicko e pinangalandakan na ng kapatid na pinagbabantaan siya ni Kris kaya umalis. Kapag may nangyari ngayon kay Nicko obviously kay Kris na mabibintang yun. At isa pa bakit sa media magpapakita ng ebidensya na pinata-track ni Kris ang flight ni Nicko at may pagbabanta. Punta po sila sa pulis or sa nbi para i-report since buhay ang nakasalalay wag po sa media. Mas mainam pa nga kung nireport nila sa pulis, nagsampa ng kaso at saka nagpa-presscon. O baka gawa-gawa lang din ng camp ni Nicko yun kaya takot silang lumapit sa kinauukulan at gawin pormal ang lahat.

Re Sharon wala ng bago sa pagpapakilig niya. Saklap lang kasi di mister niya ang na leading man sa kilig story niya. Laging ex niya ang bida lol.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #485 on: November 24, 2018, 04:09:02 am »

Based sa history ni Kris, I think..naniniwala si kris na siya palagi ang lalabas na kawawa at siya palagi ang kakampihan ng mga tao, kaya I dont think naiisip ni Kris na masisira siya, not even once.

Ganun kalakas ang tiwala ni Kris sa kanyang "image".



This. Parang sinabi to ni James dati, na sabi ni Kris sa kanya, isang iyak lang niya si TV, sira reputation ni James. Totoo naman, actually.

Kaya siya effective endorser dahil lagi syang nasa limelight. Good or bad publicity, kahit ano pa yan, lagi shang me ganap.

mei-mei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #486 on: November 25, 2018, 09:52:23 am »
nakakairita din ang kapatid niya parang hindi lawyer magsalita. ewan ko ba ngayon sa mga so-called professional and high profile people, parang mga ordinaryong tao lang naman ang mga asal. before socmed, karespeto-respeto sila, pero ngayon kita na natin pare-pareho lang pala tayo ng asal ;D

may pinakita daw kapatid ni nicko sa media na forwarded message kung saan pinamonitor ni kris ang flights ni nicko at may pagbabanta.

haay, next topic nga. si ate shawie nasa pep, natalo pa kathniel sa pagpapakilig  ;D ;D ;D

Agree! Sa ginagawa ng kapatid, mas lalong nasisira si Nicko while people are siding with Kris more. Masyado kasing bastos yung way ng kapatid na lawyer pa nga dapat.

Kris is definitely a drama queen & would exaggerate a lot of things to keep her in the limelight. But I still believe na totoong may paggamit ng pera nya na nangyari sa case ni Nicko. It could be plain overusing her credit card because he thought Kris wouldn't mind with the money she has. Like for example, inutusan sya na bumili ng flowers for her room, bumili sya ng pinakamahal and dinagdagan nya pa ng flowers for his own room without asking permission from her kasi he thought she wouldn't mind Or nag volunteer bumili ng shirt for Bimby then bumili din ng shirt for himself. In such ways, hindi nga total na P1.2million nun credit card charges ang ninakaw ni Nicko but may pagnanakaw pa din na ginawa kasi you're using other people's money without their clear consent.

As for James Yap, I can't believe people are now thinking he may be a good guy? I may not like Kris' drama antics on TV and used to even side with James when she first came out crying. But through the years, James has proven he is a bad dad to his children. I had to admit na I was so wrong in trying to defend him before against Kris' fans. Kasi kung matino ka talagang tatay, kahit anong siraulo ng ex mo, you would still MAKE A LOT OF EFFORT just to see your child. Bakit naman sa case nila Claudine and Raymart, kahit kasing baliw si Claudine si Kris, kahit anong sira nya din kay Raymart and kahit anong galit nun mga anak nila kay Raymart, he still makes an effort to see his children. Hindi pa nga yan super effort pero you can still see there is. Kay James, napakakulang ng effort nya kaya I have proven na bad dad sya. And hello lang, kumusta din yung isa nya pang anak before Bimby? Nakikitaan nyo ba nag effort sya at all? You don't even see the kid or read about him/her at ANY of his posts.

snowberry

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #487 on: November 25, 2018, 07:07:05 pm »
^ True , and remember si Lorna Kapunan ba yung lawyer ni James .At  since walang pre nup, talagang   malaki ang makukuha ni James  kung susundin ang law  sa hatian ng conjugal properties. Actually, kahit sinong lawyer , walang habol si Kris dahil wala nga prenup. 
OT -I read someweher na kaya daw di mapakasalan ni James si Michela kasi baka siya ang maisahan dahil mas mayaman na siya ,lols!  Takot na baka mangyari sa kanya ginawa ny kay Kris.

Pero back to N. Falcis' brod na lawyer, ang pangit nga ng ginawa  nya na pati sakit ni Kris idamay pa. So unprofessional. 

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #488 on: November 25, 2018, 09:41:59 pm »
Nakalimutan ninyo ata mga sis na si Kris mismo nagsabi na kung ano man nakuha ni James Yap sa kanya was ONLY FAIR and that James Yap was NOT Greedy at all.

Here is the proof:

http://www.gmanetwork.com/news/showbiz/pep/231963/pep-kris-aquino-on-settlement-with-james-yap-it-was-fair-i-don-t-think-he-was-greedy/story/


See... ang galing ni Kris mag spin noh?

Kahit sa bibig niya mismo nanggaling, kayang kaya pa din niya magpaikot at palabasin na pinerahan lang siya ng milyones ni james, at ibahin ang story, basta ginusto niya.

Madami naman naniwala sa pag spin niya.

Samantalang it's all over the web.

Kaya ako talaga eh isa sa hindi na niya mabobola, dahil mula pa lang kay Ipe eh alam ko na mga drama niya. Tanders na eh 😂





mei-mei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #489 on: November 25, 2018, 10:00:33 pm »
Isn't Michaela an executive in ADB? She may be earning as much as James. James may not want to marry her because of his own immaturity. Or maybe it's even Michaela who doesn't want to get married. We don't really know.

My point remains that Kris being a drama queen and pa-victim does not negate the fact that James is a bad father and lover. Didn't he cheat with another woman that's why they broke up? And doesn't he, until now, not make effort to be present in the lives of his other children (Bimby and his eldest)? So you can make Kris all evil as you want but it still wouldn't make absolve James of his actual sins.
« Last Edit: November 25, 2018, 10:03:55 pm by mei-mei »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #490 on: November 26, 2018, 01:26:55 am »
True andaming ways and chances sana na nakabawi siya sa anak niya pero wala siyang ginawa. Bina-bash na bakla si Bimby pinagtanggol ba niya? Nagsabi pa siya sa interview na nakakawalang-gana mag-effort sa anak niya. Kapal niya. Nagre-reason out nalang si James para makaiwas sa responsibilidad niya sa anak niya.

And also dahil ba fair share ang nakuha ni James sa properties nila wala na siyang responsibilidad sa anak niya? Meron pa din naman di ba. Kung tutuusin true na malaki ang nakuha ni James kasi after ng hiwalayan nganga na lang sa sustento sa bata, si Kris na umako pati responsibilidad ni James. Nagbigay ata ng ilang beses sinawaan agad tapos kung ano-anong dahilan na sinabi makaiwas lang sa  pagsusustento.

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #491 on: November 26, 2018, 04:15:51 am »
Kawawa naman si Bimby at ang panganay ni James sa ibang girl. Nung last birthday ni Bimby, pair of socks lang binigay ni James. Hindi ako naniniwala na nag e effort siya makalapit kay Bimby kasi kung gusto talaga niya may paraan, kung ayaw, maraming dahilan.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #492 on: November 26, 2018, 05:00:15 am »
I think magkaiba ang point ng mga posts dito. Wala naman yata nagsasabi na hindi sya nambabae or napakabuting ama ni James at wala siya kasalanan kay Bimby o sa ibang anak niya.

Ang point is, madami ng sinabi si Kris na conflicting dati, and ginawang examples lang naman yung  mga sinabi niya about James na pabago bago depende sa mood niya, na totoo naman nangyari. Like yung sa hatian ng properties na may articles pa nga.

Kaya may mga sis na gaya ko na gusto muna makinig yung side nung Nicko bago maniwala dahil madami ng naging paandar si Kris in the past.
« Last Edit: November 26, 2018, 06:21:11 am by Antigone »

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #493 on: November 26, 2018, 05:42:40 am »
^ Gets na gets mo point ko sis Antigone.

I, for one, eh agree ako na masamang tatay si james yap. Wala naman nag claim na mabuti siyang tatay diba? Meron bang nagsabi sa past pages na dakilang ama si James Yap? Wala akong nabasa.

Ang point ko at ng ibang sisters eh madami ng kasinungalingan at pag spin ng kwento ang ginawa si Kris tungkol kay James Yap at sa iba pang lalake sa buhay niya.

Like si Kris mismo nag sabi na "fair at hindi greedy si James Yap" tapos all of a sudden, pag napagtripan na naman ni Kris, sasabihin niya sa media na napakalaki ng nakuha ni James at pinerahan lang siya ng milyones ni James Yap na ultimo para kina bimby at josh eh nawala.

Same spin ngayon kay Nico Falcis... halos maghihirap daw siya at ang mga anak niya sa mga nakuha ni Nico.. Pero yun pala 1.2 M lang..

Na.. hello.... ano ba talaga Kris?

Malaki ba o 1.2 Million lang..?

Point is... why spin?

Tapos in the end.. babanat siya ng "I dont lie..."

and other people tend to believe her without a blink.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #494 on: November 26, 2018, 07:03:46 am »
We dont know kung may iba pa pala aside sa 1.2M at di natin alam ano naka-stipulate sa endorsement contract niya. Kung magbabackread kayo may nagexplain na posibleng a single purchase ng item sa kaaway na produkto pwede magcause ng kung ilang milyon na lawsuit against Kris - posibleng yan ang pinag-alala niya. Oa man na nangayayat at nagkasakit siya dahil sa 1.2m bottomline kasi dun ninakawan pa din siya (if true ang bintang niya)

Gusto ko din marinig ang panig ni Nicko. Mabigat na bintang ang pagnanakaw. Pero dun sa ginagawa ng kapatid niyang lawyer nakakawala ng simpatya ang ganap niya. Ang layo na sa issue ng sinasabi na pati ba naman sakit sa balat ni Kris idinamay na.

Oh well sana lumabas ang totoo sa issue na ito. Malinis ang pangalan ni Nicko if di true ang issue. Or maparusahan siya kung totoo man. Maliit o malaki man na halaga ang panget na may record ng pagnanakaw.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #495 on: November 26, 2018, 07:49:25 am »
Kaso ang problema, sa mga balita sa media eh 1.2 Million lang binabanggit.

I mean, bakit hindi sabihin lahat lahat kung yun naman talaga ang totoo? As if naman bawal sabihin? Bakit kailangan i- OA. Yun ang point eh.

Kung 1.2 M. lang eh di sabihin na 1.2 M., huwag ng sabihin na kesyo maghihirap sila ng mga anak niya na napaka impossible naman sa 1.2 M.

Yung pag spin kasi ni Kris ang nakakainis.

Kung may kasalanan si Nico at talagang milyones ninakaw niya kay Kris, eh tama, lang makulong siya, pero sana kung pinag titripan lang din siya ni Kris eh naway lumabas din ang totoo at kawawa naman si Nico.

IMO, hindi naman makaka apekto kay Kris ang pagbili ni Nico (daw) ng kalaban na brand ng products na ine endorse niya, if ever na true ang accusations.

Hindi naman public record ang kanyang credit card statement hindi ba? Si Kris at staff lang niya nakakakita plus the bank na hindi naman para ibuyangyang ang kanyang credit history sa publiko.

Sino ba sa mga artista na yan, ang talagang araw araw eh yung kanilang ine endorso lang talaga tinatangkilik nilang brand?

We all know, na besides sa ine endorse nilang product eh tumatangkilik sila ng kalaban na brand.

Kung hindi naman si Kris ang nag post ng credit card statement niya eh malalaman ba natin na may ganun?




mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #496 on: November 26, 2018, 09:07:53 am »
Problem is cc ng company ni Kris ang ginamit. KCAP is Kris. At talagang lalabas ang cc statement kasi she decided to sue Nicko, yun ang proof niya na may nawala sa kanya (if meron nga). Mukhang matagal din pinag-isipan ni Kris bago nagsampa ng demanda kasi alam niya pwede maging implications. Mainam pa nga na nagsettle nalang sila ng tahimik. Binayaran na lang ng Falcis kung magkano ang nagastos ng kapatid nila.

MS_JanDel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #497 on: November 26, 2018, 09:18:40 am »
I think yung basis niyo sa case ni Nico with Kris is how she was with Joey and James, which is wrong. Sunk cost na yung kay Joey and James. Hindi siya relevant sa case with Nico.

Porket nagpost ng good things sa soc med, may romantic angle na? Porket hindi siya pinatulan gagawa na ng kwento para sirain si Nico. I don't think so, kung si HB pa yan  maniniwala ako. Sabi pa ni Kris, she acknowledges na may utang na loob siya kay Nico because he was with her when she was building her online presence kaya willing siya to forgive if maguusap sila.

If walang kasalanan si Nico and kung siya talaga ang naagrabyado, sinisiraan lang, pinagbantaan, it's very easy for him to file a case. Bakit di nila magawa? I don't think money will matter if your reputation is at stake. Businessman din si Nico, may pera siya.

Ang daming kuda ni Atty, ngayong sinampahan na ng kaso, tumahimik na.

xtine_orig

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #498 on: November 26, 2018, 09:36:38 am »
Hindi lahat ng nailabas sa socmed ay yun lang sa tingin ko.  Pwedeng, hindi talaga nilalabas ng kampo ni Kris ang ibang proof as part of their legal strategy.

As per mga lawyers ni Kris, hindi na sha pwede magshare pa ng ibang information regarding her case.  The same maybe with Jesus' / Nicko side, pwedeng di rin nila nilalabas ang alas nila at nirereserve nila sa korte. 

So i don't think its fair to judge kris na 1.2M lang, mag iinarte na sha.  Even if its only few hundreds, but the fact that trust was compromised, talagang dapat itama ang mali.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #499 on: November 26, 2018, 10:04:29 am »
Basta ako ang point ko lang, aantayin ko lahat ng info bago ako maniwala kahit kanino. Especially may history si Kris na inconsistent and ang story niya, depende sa mood niya. Hindi maa-avoid na maapektuhan niyang inconsistencies niya in the past ang reaction ng ibang tao sa mga bago na naman niyang ganap.

Saka na ko mag judge pag kumpleto na ang info.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close