watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (Thread 59)  (Read 106767 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #460 on: November 20, 2018, 10:46:55 am »
^Sana itake na lang nila as constructive criticism kesa seryosohin nila ang AP. Matalino naman na manonood ngayon, alam naman na di lahat ng pulis masama pero may mga bugok pa din talaga. Pero sana talaga tapusin na nila yung palabas. Di ko siya napapanood e pero siguro nga di na mabuti panoorin kung yung mga rebelde na ang pino-portray na mabuting tao at sobrang salbahe ng Pulis.  Mahirap yan if bata ang audience tapos hindi napapaliwanagan maigi ng mga magulang

Maple19

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #461 on: November 20, 2018, 12:23:03 pm »
Ang OA lang na magfile pa ng case against AP. Ok lang yun iwithdraw na nila support nila sa show, kasi di sila binabayaran ng mga Pilipino para magartista at sumali sa production. LOL

In other news, nakakairita na si Mystica ah, dahil tapos na daw ang stint nya sa AP, kay Michael V naman sya magmamakaawa para isama sa show, kainis lang via social media pa ah. So ano, no choice na si Michael V kasi pag tumanggi naman sya, dating nya walang-awa.

phi pho

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #462 on: November 20, 2018, 10:21:50 pm »
kailan kaya nila balak tapusin ang AP? nakakasuya na kaya.


marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #463 on: November 21, 2018, 06:31:16 am »
Correct me if I?m wrong pero parang sinabi ng brother ni Nicko na gay si Nicko so I think wala naman romantic angle?

Loully

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #464 on: November 21, 2018, 01:53:19 pm »
I agree.. I remembered the scene years ago at Essensa Fort. Wherein si Kris nagwawala naka bathrobe lang hinahabol at minumura si Joey M hangang parking lot. Sinisigaw nya na she will ruin his life at she will destroy Joey M's political career. Yun pala according to the news wayback na nakikipag hiwalay na si Joey M sa kanya.

you witnessed this? grabe naman. this would have been gold kung ngayon 'to nangyari with cp cam and socmed :D kaya yan si Bistek  pag-isipan mabuti bago kumabit kay Kris. Feeling ko Bistek only wants to futher his political ambitions.

mabunganga brother ni nicko, pero sa nabasa ko sa PEP mas believable ang statement niya. parang may falling out talaga, at humanap si kris ng something to destroy nicko's reputation. in the end ang nakita lang nila na pwedeng makasuhan si nicko ay ang 1.2 m. malaking halaga sa ordinaryong tao, pero I think kaya naman mabayaran ng pamilya nila if kung totoo. maliit na presyo lang yan compared to his reputation. tama sabi ng brother niya, nicko wouldn't risk nakawan si kris knowing na si henares at fortun ang nasa legal team niya, at even with henares and fortun, 1.2m lang ang nakita nila na pwedeng kasuhan si nicko. mga trips lang daw yan na kasama si kris at coffee sa starbucks.

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #465 on: November 21, 2018, 03:06:52 pm »
^Agree. Nicko has a masters degree from NYU. Magkano lang ba ang 1.2M compared sa pinambayad niya sa mga ginastos sa pinagaralan niya.

Kung maaalala natin, pare-pareho lang halos ang drama pag nahihiwalay si Ate Kris sa guy. Laging inuunahan yung guy sa media (this time, sa soc med). Laging nasisira reputasyon nung guy, si Kris ang lumalabas lagi na victim. Ang kaso ngayon, nakahanap siya ng katapat niya. Sing kuda niya yung kapatid ni Nicko, at mukhang di takot sa kanya.


Loully

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #466 on: November 21, 2018, 05:42:01 pm »
^true, palagi talaga siya ang victim sabay sabing "I don't lie". Kaya whether totoo man sinasabi niya o hindi, mahirap talagang paniwalaan si Kris. Same storyline lang ang istorya niya every time may karelasyon siya. I don't follow her(she's just hard to miss sa mga showbiz balita) so hindi ko fully  alam, pero palage niyang nakakaaway ang nagiging kaibigan niya. I think bratty siya, okay and very generous siya kung yes ng yes ka sa kanya, pero ng-iiba siya kung umayaw ka sa gusto niya. Sa statement ng brother ni Nicko, parang ganyan din ang nangyari.

Sa statement ni Kris milyones ang nasweldo ni Nicko from her business, tapos coffee and trips lang hindi makayang bayaran ni Nicko? Tapos if she was really willing to forgive and settle, for the sake of their good past, pwede na niyang ibigay ang 1.2 o pabayaran na lang, and no need na magkalat sa socmed.

On other news, super sad week dahil namatay ang husband ni Lindsay Custodio at ang anak ni Tirso Cruz. Parehong bata pa :(

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #467 on: November 22, 2018, 12:16:14 am »
^grabe :( they're so young

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #468 on: November 22, 2018, 07:47:19 am »
Agree ako sa inyo mga sis.

Pakiramdam ko din eh mukhang binubully lang ni Kris yung Nicko, and mukhang may romantic angle, or kung hindi man eh hindi sumunod yung Nicko sa kagustuhan ni Kris kaya ginigipit siya ngayon ni Kris.

Kase sa Pep at iba pang media eh 1.2 Million lang talaga "ninakaw" daw nung Nicko.. eh tapos ang OA ni Kris na kesyo masisira daw kinabukasan ng mga anak niya.

Sa halagang 1.2 Million lang eh sisirain ba nung Nicko pangalan niya? eh nag aral sa ibang bansa at matalino.

And lets face it, 1.2 Million is barya lang kay Kris, namimigay nga siya ng mga sasakyan at mamahaling regalo sa mga friends niya eh.

Tapos etong 1.2 Million eh kung i OA niya eh sobrang OA.

Hindi tugma eh.

xtine_orig

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #469 on: November 22, 2018, 04:28:14 pm »
^Pwedeng ang proof na nakuha lang nila is yung Credit card OR meron pa silang ibang proof na mas malaki ang ninakaw pero hindi lang nila disclose as part of their strategy. 

Pero I don't think na papayat at magkakasakit si kris if it's only a mere 1.2M.  I think there's more than what is in the news.


desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #470 on: November 22, 2018, 11:08:53 pm »
Agree ako sa inyo mga sis.

Pakiramdam ko din eh mukhang binubully lang ni Kris yung Nicko, and mukhang may romantic angle, or kung hindi man eh hindi sumunod yung Nicko sa kagustuhan ni Kris kaya ginigipit siya ngayon ni Kris.

Kase sa Pep at iba pang media eh 1.2 Million lang talaga "ninakaw" daw nung Nicko.. eh tapos ang OA ni Kris na kesyo masisira daw kinabukasan ng mga anak niya.

Sa halagang 1.2 Million lang eh sisirain ba nung Nicko pangalan niya? eh nag aral sa ibang bansa at matalino.

And lets face it, 1.2 Million is barya lang kay Kris, namimigay nga siya ng mga sasakyan at mamahaling regalo sa mga friends niya eh.

Tapos etong 1.2 Million eh kung i OA niya eh sobrang OA.

Hindi tugma eh.

Bigla ko tuloy naisip kung si James Yap ba totoo yung mga sinasabi niya against him o puro gawa gawa lang din niya? Siguro nga may nakuhang pera si James sa settlement nila pero ang pagkakwento ni Kris parang napakadaming milyones ang nakuha. May contract ba nilabas sa public to prove this? Saka yung ni kusing daw walang binibigay si James for Bimby I wonder if that is all true?

Yung pag-iinarte ni Kris kasi since si Nico ang nagclose ng mga endorsement deals niya baka daw majeopardize itong mga ito? Pwede ba yun? E pirmado na nga yung contract? Bakit mag ca-cancel ba sila o hindi magrerenew dahil wala na yung nagclose ng deal? Saka naman, magkano ang tax na binabayad ni Kris per year, mas malaki pa sa 1.2M, and according kay Falsis kasama daw sa charge mga trips abroad ni Kris. Madali lang patunayan yan, kailan ba yung charge ng airline at ilabas na yung passport ni Kris or airline records kung ilang seats ang binili at sino ang nasa passenger list. Tapos ang gustong settlement ni Kris is 32M? Aba dinaig pa ang 5-6 kung makadagdag ng interest!

Nung nabasa ko yung interview ni Falsis sa Pep mas may sense nga yung sinasabi ni Falsis, ignore niyo na lang yung kabastusan nung bakla. Yung hindi nasunod na gusto ni Kris is yung gusto niya full time magwork sa kanya si Nico, which is ayaw ni Nico kasi marami pa siyang ibang work kaya nagalit si Kris.


« Last Edit: November 22, 2018, 11:50:12 pm by desolate_cat »

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #471 on: November 22, 2018, 11:11:26 pm »
you witnessed this? grabe naman. this would have been gold kung ngayon 'to nangyari with cp cam and socmed :D kaya yan si Bistek  pag-isipan mabuti bago kumabit kay Kris. Feeling ko Bistek only wants to futher his political ambitions.


Yung paghahabol ni Kris na nakabathrobe lang mula unit to parking lot siya mismo ang nagkwento sa interview kay Korina dati. Kaso iba lang yung dialogue niya, kesyo daw please ayusin natin ito.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #472 on: November 23, 2018, 05:23:38 am »
^Agree ulit mga sis.

Bastos yung Jesus Falcis, pero may sense nga pinagsasasabi.

Hirap ako maniwala fully kay Kris kasi may pattern siya eh.. From Ipe,  Joey Marquez,  Rommel Adducul, James Yap, and now kay Nico Falcis.

Pare parehas ang ginawa niya sa mga yan, na sinira ang buong pagkatao sa media.

Kay Herbert Bautista lang siya maamo siguro dahil hindi naman siya talaga pinatulan ng todo ni Herbert.

Sana naman lumabas ang totoo tungkol kay Nico Falcis, nasasayangan ako dun sa bata since matalino at may masters degree abroad.

sophiasoon

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #473 on: November 23, 2018, 11:55:52 am »
^Agree ulit mga sis.

Bastos yung Jesus Falcis, pero may sense nga pinagsasasabi.

Hirap ako maniwala fully kay Kris kasi may pattern siya eh.. From Ipe,  Joey Marquez,  Rommel Adducul, James Yap, and now kay Nico Falcis.

Pare parehas ang ginawa niya sa mga yan, na sinira ang buong pagkatao sa media.

Kay Herbert Bautista lang siya maamo siguro dahil hindi naman siya talaga pinatulan ng todo ni Herbert.

Sana naman lumabas ang totoo tungkol kay Nico Falcis, nasasayangan ako dun sa bata since matalino at may masters degree abroad.

Truth!
Kaya di ba? Yung kems ni Joey Marquez sa knya dati "Kris is a very dangerous woman"

Level up ang crazy game ni Madam Tetay.

MS_JanDel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #474 on: November 23, 2018, 04:39:07 pm »
I don't think she would risk her reputation as an effective endorser by making up this big mess. If ever kasi na hindi totoo to, malaki mawawala sakanya kasi wala na siyang network. The reason na effective siyang endorser is because she is very transparent and always appears to be honest. Kaya if this is all a big lie, ang laki ng mawawala sakanya. Nico is not worth losing her career over. And if may romantic angle nga, bakit walang posts si Kris about that? Bakit puro si HB? KNowing how she tends to over share her life pero never nagka hint about her and Nico sa socmed accounts niya? Palabas lang siguro ni Jesus yan to get the public sentiment. Destroying Kris' case by bringing up her past, relating it to the current case. Typical move yan to destroy the credibility ng kalaban.

I still do think na malaking misunderstanding lang to, lalong gumulo kasi nainvolve and buong angkan ng mga Falcis. Siguro this was settled if only umuwi si Nicko at nagusap sila ni Kris ng sila lang.

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #475 on: November 23, 2018, 05:11:20 pm »
^^ Totoo yung charges sa credit card. Actually kaya nga effective si Kris kasi lagi siyang parelevant.  Kaya gusto siya ng mga endorsements kasi kahit wala siyang show/project marami siyang way to stay in the limelight. Free for all lahat, mapa-positive o negative basta publicity ang drama niya. Sa totoo lang siya lang nakakagawa ng ganyan. Halos lahat ng artista pag wala ng project nawawala na rin sa limelight pero siya hindi. Yung "transparent" and "seems honest" na yan is kasama lang doon sa image niya.

Ito kasi ha. Nung naghiwalay sila ni James panay sabi niya na sobrang laki ang nakuha ni James na settlement. Ang impression is millions, na kesyo pati daw sana para sa mga anak niya nagalaw pa. Tapos ito naman kay Falcis na millions din ang nakuha. E kung totoo yung mga nawalang pera e di dapat naghihirap na siya ngayon.
« Last Edit: November 23, 2018, 05:18:18 pm by desolate_cat »

plumpolka

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #476 on: November 23, 2018, 05:18:22 pm »
umay-serye na ko dito kay kris a. palagi na lang syang pa-victim. nahanap na naman syang i-b-bully nya na victim daw sya. alam na ng lahat ugali nya from all the past issues. imposible naman na ganon sya ka-t**** para lokohin ng ganong karaming tao. d ba sya natututo o sya talaga ang may mali?

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #477 on: November 23, 2018, 05:54:56 pm »

Matabil mashado yung Jesus pero sabi nga nyo mga sis, pag inalis yung katalasan ng dila niya, may sense mga sinasabi niya. Antayin ko muna yung side nung Nicko bago ako maniwala kung kanino man.
« Last Edit: November 23, 2018, 08:15:38 pm by Antigone »

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #478 on: November 23, 2018, 08:38:34 pm »
Ilang beses na ring naipost ni Kris si Nico sa IG niya, saying good things about him, how proud she was of Nico etc.

Maybe.. kaya walang "romantic" post si Kris about Nico kasi maybe, hindi pumapatol si Nico from the very start?

Maybe ganun?

Based sa history ni Kris, I think..naniniwala si kris na siya palagi ang lalabas na kawawa at siya palagi ang kakampihan ng mga tao, kaya I dont think naiisip ni Kris na masisira siya, not even once.

Ganun kalakas ang tiwala ni Kris sa kanyang "image".


Loully

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 59)
« Reply #479 on: November 23, 2018, 09:32:23 pm »
I don't think she would risk her reputation as an effective endorser by making up this big mess.

That's how she gets her endorsements by making herself relevant and keep her in public's attention. So kahit wala na siyang show, nasa news pa rin siya, at kilala at pinag-uusapan. At effective nga naman, kita mo hindi ako nagbabasa ng mga articles about sa kaniya before pero alam ko ang nangyayari sa buhay niya at ngayon I read na posts about her and nakikisali sa usapan. Pag nakikita ng tao ang face niya sa producto, marerecognize agad siya.

May nabasa akong comment sa PEP na nakakatawa daw ang kaso na sinampa niya. Parang the commenter downloaded a copy of the case. Hindi ko binasa ang case pero sa lumalabas sa news ang dami ng holes ang makikita mo sa statements ni kris. Una, sobrang laki daw ang nawala na maaapektuhan ipon para sa kanyang mga anak. Bilyonarya siya so, isipin na lang natin kung gaano kalaki ang nawala kung totoo man. Ngayon, even with a very powerful legal team (henares and fortun), ang nakaya lang nila kasuhan si nicko ay 1.2M.

Ang 1.2M ay galing sa credit card na very traceable kung saan ginamit. Airline tickets na kasama si Kris, at coffee sa starbucks. So, company expenses yun. Madali lang naman ma.trace kung totoong ginamit ni Nicko for personal purchases o hindi.

Sabi din ni kris, delaying tactics daw ang kampo ni Nicko. Pero sabi din ng kapatid niya, they were willing to give 400k para matapos na lang, pero hindi daw satisfied si kris at gusto papirmahan documents kung saan Nicko will confess na totoo ang accusation, pero ayaw nila siyempre kasi nga hindi totoo. Hindi naman siguro magmamatigas pamilya ni nicko kung totoo, at kayang-kaya naman siguro nilang bayaran ang 1.2M.

Doon sa nagsasabi ng maapektuhan ang mga na-close na deals ni nicko, bakit hindi ba pwede mamatay o mag.resign ang tao na ng.close ng deals? So, no, kung done deal na hindi na maapektuhan sa pag-alis niya.

Ang conclusion ng essay na ito ay, naninirang-puri lang si Kristetay at the same time it keeps her in the limelight. A win-win for someone like her who thrives on attention, parang may histrionic personality disorder ata siya.  She's done this over and over again, and the recent one nga ay kay James. After the annulment sabi niya fair ang nakuha, ngayon pinalalabas niyang parang unfair at again siya ang victim.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close