Author Topic: Taking care of old parents when no other sibling would  (Read 2791 times)

luntian.hijau

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
Taking care of old parents when no other sibling would
« on: September 21, 2018, 07:10:01 pm »
Without further ado, eto po ang situation ko..

OFW, married, living together with hubby and turning 9mo baby daughter.
Currently based somewhere here in Southeast Asia. Malapit lang.
Already planning to migrate somewhere else with the help of hubby's family, hopefully in less than 2 years time. Papers are already being processed.

Recently, my mom, aged mid 60s, based in PH, went to the clinic due to elevated BP because of financial woes (nagpahiram sa kaibigan, hindi binabayaran nang buo / on time yung monthly payment dapat, in the end sila ang agrabyado). When I called her, nag-iiyak sa phone kasi sagad-sagad na sila, and sa first of the next month pa papasok ang pension nila ng dad ko (aged late 70s). Hindi man din ganun karami ang extra money namin, pero napilitan na rin ako magpadala ng kapiranggot para lang maitawid ang mga susunod na araw. Mind you, hindi naman kami mahirap in a sense. Di ko lang naintindihan kung bakit nasagad sila nang ganun, pero sinabi ng nanay ko na nagse-share sila ng kaunting pagkain sa kapatid niyang kasama nila sa bahay, at diagnosed ng cancer. Itong tita kong ito, may anak ito na sa bahay din namin nakatira, pero kahit na may maayos na hanapbuhay at very active sa socmed at pala-gimik, pala-travel, pala-shopping, pala-facial pa nga minsan, hindi ito pala-contribute sa finances sa bahay, sa kasamaang palad.

Dalawa lang kaming magkapatid. Itong kuya ko tinawagan ko, based rin siya abroad pero not in the same country as I am. Sinabi ko situation. Tinawanan na lang ang sinabi ko dahil wala siyang magawa (or he chose not to do something now gawa nang may pinaglalaanang travel plan sila as a family). In short, hindi siya basta-basta naaasahan.

Bigla lang sumagi sa isip ko ngayon, na what if umuwi na lang kami sa Pinas, instead of lumipat sa ibang bansa, dahil sa magulang ko. Kaso, alam ko naman din ang buhay diyan. Matrapik, binabagyo, hindi ganun ka-safe, mabagal pa internet. Hindi ko alam kung diyan ko talaga gusto mapalaki ang anak ko at ang mga magiging kapatid pa niya if ever. Kaso naawa naman ako sa mga magulang ko. Walang anak na malapit sa kanila, at ang kuya ko hindi ko naman din maasahan gawa nang mas malayo siya. At panigurado hindi rin papayag ang asawa ko gawa nang naka-mindset na kaming dun kami sa pamilya niya, sa ngalan ng mas mabuting buhay para sa anak namin, dahil kahit dito sa bansa kung saan kami ngayon ay hindi rin talaga kami truly settled gawa nang tied sa employment namin ang amin residency, at hindi naman din kami magiging PR dito.

At siyempre, may iba ring ugali ang nanay ko. Basta, ganun. At medyo nasakal din ako kaya pinili kong umalis ng Pinas in the first place. Minsan nga kung magbakasyon ako sa Pinas e kung ano-ano pa naririnig ko mula sa kanya na hindi ko maintindihan. Iniimagine ko na lang na kung uuwi kami, ganito ang aabutin ko, pati ng asawa at anak ko. And hindi naman din ako super close na parang bff type sa parents ko. Pero ganumpaman, matanda na sila pareho, at hindi rin ganun kalakas ang kalusugan nila.

So ayun. Medyo naguluhan, although alam ko naman na sa sarili kong ayaw ko rin talaga umuwi. Pano kaya? Or kung kayo, anong gagawin niyo? Or meron ba ditong nakaranas ng ganito? Masama ba kong anak dahil lang sa mas iniisip namin ng asawa ko ang future ng baby namin? Share na lang po kayo ng experiences or reactions. Salamat sa oras.
« Last Edit: September 21, 2018, 07:14:45 pm by luntian.hijau »

curlylass

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 489
Re: Taking care of old parents when no other sibling would
« Reply #1 on: September 22, 2018, 12:31:12 am »
Nothing wrong kung unahin mo ang sarili mong pamilya. Yan na ang pamilya mo ngayon, natural lang na sila na ang priority mo. If maka-migrate na kayo, try nyo na lang din i-petition magulang mo? Pero kung di nyo talaga kaya na magkasama ng matagal, pag settled na kayo, try nyo na lang bisitahin parents mo once in a while, or sila pabisitahin mo sainyo. Isama mo na lang sila sa budget mo para if ever may emergency ulit sila, may mabibigay ka.

Goodluck, sis!

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3256
Re: Taking care of old parents when no other sibling would
« Reply #2 on: September 22, 2018, 05:43:49 pm »
Sis I?m almost on the same boat as you.
I think I?m better off abroad kasi lower taxes, sagot na medical ko and pension ko, not to mention my retirement. Feeling ko love life naman Mas ok din sa abroad at Wala naman din ako napala sa pinas. Health wise, air is cleaner here, less alikabok. Crime rate sinabi mo, kahit 2am-3am Wala akong worries.
So I?m not in Manila for my future, old age/retirement plans.

As for my kids, when they were young, I think ok lang sa pinas. Ok naman education system natin sa Manila. Ang ayoko lang talaga ang security. Pero kahit pa ganun sa Manila, Feeling ko Mas natututo mga Bata sa pinas at mas ?wais? kesa sa mga kids abroad na sheltered. But again, it all depends sa upbringing din naman. So in other words, para sakin, early education doesn?t really matter for kids. It?s how we bring them up and how they adapt.

With the parents.... it?s been frustrating for me kasi Ayaw nila gumamit ng smartphone. Kaya phone bill ko eh mataas, tawag and text ko roaming. Worse when I call them minsan the landline malabo din. Signal is also bad. Hirap ako. Mga siblings ko Wala din sa pinas. One in Canada and another in Belgium. Malayo sila so they can?t go as often. Unlike ako, Asia lang din, so this year naka 4x nako visit. But still, I feel it?s not enough. We want them to stay with us. Sila Ayaw. We want to hire a helper to stay with them. Sila Ayaw. Kaya feeling ko kami nag w worry. Feeling ko dapat one samin andun. But then paano naman future namin, na Kelangan namin magtabi for our retirement so need parin naman namin magwork. So it?s not an option for us to resign and go back.

We exhausted options for them, Ayaw nila :(
Kaya Sobra akong frustrated.
« Last Edit: September 22, 2018, 05:46:57 pm by Girltalker2 »

luntian.hijau

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
Re: Taking care of old parents when no other sibling would
« Reply #3 on: September 25, 2018, 12:05:08 pm »
@curlylass: salamat sa very un-judgmental reply. and thank you for the idea. actually, sabi nga ng brother ko, if halimbawa maayos na papeles namin at makarating na kami sa kanila (dun kasi ang plano naming migration, to the country where he is), pag-ipunan namin na makarating parents namin dun. ang sagot ko na lang: "buhay pa kaya sila nun?"  :-[

@Girltalker2: yes. education in Pinas is actually good, pero grabe ang security and cost of living satin, yun talaga ang hindi ko kayang balikan for good. salamat sa reply, at least now I know I'm (almost) not alone. and yes, nasa upbringing and pag-adapt lang rin ng kids.

curlylass

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 489
Re: Taking care of old parents when no other sibling would
« Reply #4 on: September 25, 2018, 02:03:51 pm »
Think positive. Everything will align, eventually.  ;)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close