watch now

Author Topic: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)  (Read 101525 times)

yabutize

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #260 on: October 02, 2018, 02:21:21 am »
^Ako din sis, di ko pa din talaga type. Di ko na muna ipipilit. My opinion of her was formed way before this whole expose hindi naman ako na-influence lang ng mga "chismis". Now if the 2015-2017 Anna Cay comes back, baka manood ulit ako.

Feelingera ng taon! SPM, magtigil ka jan. True naman, if not sa pagbuntot-buntot mo sa mga famous friends mo, di ka naman mababanggit dito.

Maiba tayo--remember when the Anna Victorino issue came to light? Di ba, Anne Clutz said something like, "Im so glad nagsalita ka" or something to that effect. Does that mean meron din sila rift ni Michelle Dy? Para kasing todo support siya kay AV. Tska siya din yung nagsabi na "mini-Michelle Dy si Rei", is that an insult or a compliment? May ginawa din kaya si MD against AC? Hmm.

About Lloyd Cadena--hindi ko pinapanood lahat ng videos nya pero pag yung mga charity work niya, avid fan ako nun. Hindi siya pa-bida, hindi nagmamayabang or naghahanap ng recognition. I feel his genuine kindness. Gusto ko yung pa-tsinelas niya sa mga street kids, mga school supplies and lalo na yung pang-kabuhayan showcase (tindahan). BRAVO, LLOYD!!!! Next na si Nina sa kanya. Nakabuti din ng loob.
« Last Edit: October 02, 2018, 02:23:26 am by yabutize »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #261 on: October 02, 2018, 03:11:10 am »
^Gustong gusto ko rin na nagpapa-aral siya. Basta yung mga charity works niya bet na bet ko. Alam mong doable pero hindi naman lahat gumagawa noon. More more more blessings for him talaga. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari kapag na-demolish na yung place nila. Dumadagdag sa ganda ng content niya talaga yung mga kapit bahay nila.

marge070407

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #262 on: October 02, 2018, 04:46:30 am »
infairness naman kay Say magaling siya magapply ng eyeliner sa kanya ako natuto.

bad.det

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #263 on: October 02, 2018, 08:00:28 am »
Nahagip ko nga sa twitter yan sa AV not sure why kasi i don't follow her. Magbabalik na nga sya sa YT. Kung susuportahan nila AC and Mama AC si AV di ba parang ang off nun.. To think na may mali din naman nagawa si AV noon kay Say? Hindi ko talaga gusto itong kampihan na nangyayari na to. Namimiss ko na yung dating YT community. Excited ako noon manood ng vlogs nila pag alam kong may event. Hingi na ko ng sorry in advance, pero may something padin kay AC eh. Parang hindi pa sya move on kay MD din.

yabutize

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #264 on: October 02, 2018, 08:18:43 am »
True. They can deny it all they want pero iba ang sinasabi ng body language nila. And true, kampihan system sila. Mga fans kas, madikit lang mga YTers kay MD, feeling nila, anti-Anna Cay na. Or vice versa. I wonder sino talaga pwede mag-unite sa mga 'to. Dati kasi I was counting on Anne Clutz since she's more senior than most. But since she took a side, waley na. Maybe Raiza C na lang? Or maybe even Nina (kahit na na-hurt din siya sigurado sa ginawa ni Isha, mag-kumare pa man din).

Btw, kamusta na si Ateng Kris Lumagui? Mukhang tahimik lately ah, hindi nababanggit dito. Baka natututo na dun sa mga pa-clickbait videos na maraming nagalit sa kanya. Lol.

projectgora

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #265 on: October 02, 2018, 09:11:50 am »
Napanood ko na naman ang cooking show ni LC. At aliw na aliw na naman ako sa tikiman time niya. Kung meron YouTuber talaga na gusto ko malaman ang income ay si LC yun.  ;D Baka mamaya magulat nalang ako sa Forbes Park, Makati na siya lumipat. ;D
Na-meet ko na si LC sa isang PAL event. Very humble and funny sya :) Regarding his income, baka maloka tayong lahat sa laki haha. Isa sa partners nya ang PAL at business class sya sa recent Thailand travel nya :) I wonder kung flights lang nakukuha nya from PAL :)

Chikadora101

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #266 on: October 02, 2018, 09:43:31 am »
Na-meet ko na si LC sa isang PAL event. Very humble and funny sya :) Regarding his income, baka maloka tayong lahat sa laki haha. Isa sa partners nya ang PAL at business class sya sa recent Thailand travel nya :) I wonder kung flights lang nakukuha nya from PAL :)

Pansin ko, dito sila pareho ni Say. Yung matagal na sila pero consistent. Si lloyd may hatak talaga sya sa masa..pero simple lang sya. Hindi mo sya makita na materialistic or puro materyal na bagay ang content ng videos. Si say naman, kahit konti views ny, sa brands sya nag bbuild up. Kahit hindi sya nawawalan ng raket. Tapos tahimik lang buhay nila pareho. Si Say and LC, marunong sila mag isip ano dapat bitawan nilang salita.

Hindi sila maingay, lowkey lang. Alam nila kung ano mga papatulan nilang bagay. Unlike newer ytbers, who would have thought of all influencers si isha ang mag kakaron ng demamdahan issue.. sya ang pinaka "simple" sa kanilang lahat. Si MD naman, may talent naman pero naturally may ere talaga sya at pansin ko masyado pa sya careless sa mga binibitawan nyang salita/posts.

So far for me sa mga legit born and raised  here in PH pinoy ytbers si Say and LC talaga ang may hatak sa masa at sa PRs or brands.

bad.det

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #267 on: October 02, 2018, 10:10:04 am »
I remember nung una kong napanood si Lloyd nasabi ko sa sarili ko na "Ang swerte ng magulang nito" kasi unang nood ko sakanya is yung nasa Dubai ba yun? Buong family pala nya andun na pero he chose to stay. Tapos napanood ko din na kaya na ng income nya sustentuhan magulang nya pero pinili ng parents nya mag stay sa dubai. Siya yung klase ng beki na dapat tularan eh, low key and mapagbigay.

airish_2

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #268 on: October 02, 2018, 10:10:10 am »
RE Kris L. Paano naman kasi well know sa click bait si ate. Then hihingi ng suggestion sa viewer babarahin din, yung last video na napanood ko which is recommended ni YT sakin is yung ASMR niya na maraming nacringe.

Okay naman comment ng iba hindi naman below the belt pero parang hindi iyon ang hinihintay ni ate Kris L gusto niya papuri. Aside from that gumastos pa sila sa Okada niyan ha.

projectgora

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #269 on: October 02, 2018, 11:56:09 am »
^^na-meet ko si LC last May 2018 lang. Hindi ko pa sya kilala kasi hindi talaga ako nanonood ng vlogs sa YT. Nakilala ko lang sya kasi isa daw sya sa pinakasikat na vloggers sa PH. Tawang tawa mga kasama kong bloggers kasi hindi ko sya kilala. Saan daw ba ako nakatira haha. Pero si LC, walang ere. Yung kasama kong blogger, todo pa pic at video sa kanya kasi fan ni LC ang anak nya. Ayun pinagbigyan sya :) Kasabayan naman sila LC mag antay ng Grab hanggang madaling araw. Hindi ko alam kung may kotse sya kasi nag aabang din sila ng mga kasama nya ng Grab.

Sana marami pang blessings ma receive nya :)

Gabby11

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #270 on: October 02, 2018, 12:05:37 pm »
napanood tuloy ako ng mga videos ni LC. good vibes!

rondashie

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #271 on: October 02, 2018, 12:10:29 pm »
Di ko rin type yung aura ni Kris L., maldita vibes.

Ngayon ko lang napansin na sobrang magkapareho ng edit at content ni PH at Nina. Kaya siguro sila nagkasundo dati.

I still think the smartest youtubers in terms of content and paghandle ng issues e si Say at Raiza. You can just tell from their words, tweets and how they frame their ideas. I agree na nahahatak ako ni Say everytime she travels, pero pag mundane everyday e hindi masyado. Si Raiza naman, talagang punong puno ng personality si girl.

Medyo na-off na ko kay Madam Anne kasi sobrang patol at gatong pala sa mga issues tsaka hindi ko inexpect na medyo different ang itsura niya in person and in photos/videos. Medyo nasobrahan sa filter at facetune.

Just watched Alex G's new vlog in San Francisco and as usual, punong puno ng endorsements buong trip. Medyo kasawa na din yung pa-Ariana niya wala na siyang pinerform kundi Ariana.


Chikadora101

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #272 on: October 02, 2018, 02:30:12 pm »
Pinapanuod ko yung july-august vlog ni Heart Evangelista.... Parang gusto ko sya sabihan Heart stop saglit di maka cope isil at mata ko!! 😄😄😄😄 Snippets lang kase sya so bitin!!! 😁😁😁 Like yung sa hmr trip nya.. nakikita din ibang parts ng house nya..nakaka tuwa 😃😃😃😃😃
« Last Edit: October 02, 2018, 02:35:20 pm by Chikadora101 »

rondashie

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #273 on: October 02, 2018, 02:50:45 pm »
Mga fans kas, madikit lang mga YTers kay MD, feeling nila, anti-Anna Cay na.

Have to agree on this one. Ginawa to ng mga fans ni Anna Cay kay Say at Raiza recently lang nung ebloggers ball. Nagpapicture lang si Raiza kay MD, inaway away na ng fans ni AC. Si Say naman siya yung seatmate ni MD sa round table, ginawan na ng issue. Sabi nga ni Raiza e hindi naman porque may masamang nagawa ang kaibigan mo e iiwan mo na. Hindi naman ganon ang pagkakaibigan.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #274 on: October 02, 2018, 02:52:51 pm »
Sis projectgora, feeling ko wala pang kotse si LC. Baka talaga iba ang investments niya. Sa current house niya kasi wala kang makikitang parking space. As in eskinita lang papasok palabas eh. Nakakatuwa naman na-meet mo na siya.

Yung anak ko nga naging chant namin yung kanta niya "Buhay ng squatter" Ang kulit kasi. lol  ;D

Yes to Say, saan kaya kumukuha ng tapang itong babaeng ito? Minsan nag wine night pa siya sa travels niya. Masasabi kong matapang at matalino talaga siya as in. At grabehan lang talaga sa sipag. Hands down. Sa sobrang sipag niya wala na siyang time magbasa dito sa GT. Char!  ;D (no pun)  :P

rondashie

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #275 on: October 02, 2018, 03:00:00 pm »
Sa sobrang sipag niya wala na siyang time magbasa dito sa GT. Char!  ;D (no pun)  :P
Tawa ko ng tawa  ;D ;D ;D magpakabusy kasi kayo gumawa ng content para di na kayo nagbabasa sa GT char

Si Say lumapag sa Manila ng 3am from Bangkok, pagcheck ko sa IG nasa Siargao na siya kakaloka  ;D

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #276 on: October 02, 2018, 03:13:00 pm »
^Di'ba? Tapos selective reading lang naman ang gagawin. Hello thread 5 na ito. Sana nagbasa kayo from threads 1-4.  ;D Oo kasama naman niya sis niya sa Siargao adventure niya. Kaya hindi talaga siya mawawalan ng content as in. Iba iba pa. Gusto ko din na hindi siya mapili sa accommodation. Ka-excite tuloy Siargao vlogs niya.

airish_2

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #277 on: October 02, 2018, 03:17:22 pm »
^haha! Yan sis, message yan sa fans at sa mga Ytubers na lurker dito na sinabi below the belt ang comments dito! Sabi ko nga san banda?

Si RealAsianBeauty nasa shortlist for Loreal contest like lang ata photo niya yung Loreal for Paris, sana manalo siya 😊

rondashie

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #278 on: October 02, 2018, 03:19:57 pm »
^Ay true yan, hindi siya mapili sa hotels. Kahit na inn lang yan, ivovlog pa niya at may room tour pa! Kaya siguro sanay siya sa travel kasi di maarte. Jinudge ko siya dati kasi "mukhang maarte" pero nung napanood ko vlogs niya, siya yung walang arte. Di ko kinaya yung nagga-Grab Bike siya araw araw sa Bangkok, kasi ako di ko tatry yun e hahaha

san banda ang below the belt comments???

simang

  • Guest
Re: All about Local Youtubers/ Vloggers (Thread 5)
« Reply #279 on: October 02, 2018, 03:21:01 pm »
Yung anak ko nga naging chant namin yung kanta niya "Buhay ng squatter" Ang kulit kasi. lol  ;D

First time kong nakanuod ng vlog ni Lloyd yung binaha yung house nila and grabe 1 week yata akong na LSS sa song na yan hahahaha pinagtatawanan ako ng asawa ko san ko daw ba narinig yung kanta haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close