Waaaahhhh! Ang hirap magkeep up mga beshies! Keep ?em coming though.

Sis
shukran: Good to hear from you, sis. Nung 1st tri ko din, bumubuka yung cervix ko. Sabi ni OB, pag di daw nakuha sa gamut, we?ll have to opt for cerclage at 14 weeks. Thank God, nadaan naman sa duphaston at progesterone. Pero hindi na nilift ni OB yung bedrest ko until 37th week na daw, baka daw kasi yung weight ni baby mag-add ng pressure sa cervix (most especially kung nakatayo ka lagi). Iniiwasan lang daw naming na bumuka ulit yung cervix prematurely. Same tayo sis, sina MIL at hubby ang nauutusan ko bumili. Minsan nag oorder lang din ako sa shopee pero sugal kasi dun: pwedeng okay makuha mo, pwedeng maganda lang sa pic pero pag natanggap mo na, iba pala tela etc.
Sis
mysecretself: Wala pa nga din ako nabibili for myself. Haha. Puro kay baby. Naghahanap nga din ako ng mga button-down pajama or tops para easy access pag BF. Yung mga daster ko kasi na pambahay, mataas ang neckline. Siguro magpabili ako nung spaghetti straps na natatali, para madali ibaba noh?Nakabedrest kasi ako ever since kaya di na ko bumili ng maternity clothes masyado. Hahaha. Keri naman ng mga dati kong dresses kasi maluwag naman sila (pre-pregnancy).
Sis
mechelle: Huhuhu, nagsked din ako ng SnR trip dati, 3rd trimester dapat, pero mukhang after I give birth na itey. Hahaha. Sa supermarket nalang ako bibili ng cetaphil.
Grabe pala sa BFP! Kulto-ish na nga datingan nila. While highly recommended naman talaga ang breastfeeding, ang sama naman na ijudge mo yung nanay kung walang maproduce na milk. May friend ako, hindi sya ever nakapagpabreastfeed kasi wala talaga siya maproduce, kahit ilang pumps na nagamit nya. Her kids turned out okay naman and excelling in school din. Sayang, instead na magprovide ng awareness and support yung page nila, nangdidiscriminate pa. May nakausap kasi ako ng mommy-to-be din na nakasabay ko kay OB, puring puri nya yung BFP na page.
Sis
KrabbyPatty: Congrats sa wedding sis! hehe. Ang cute ng entrance nyo, with baby girl! Mabuhay ang majujubis! Charot. Keri lang yan mga sissums. Malolose din natin yan lalo pag nasa terrible twos na ang mga junakibells. hehe.
Sis
mgvaa: Ang dami pala dapat dalhin na sets! Haha. Magprepare nalang din ako ng extra pero iwan na dito sa bahay, isang kanto lang naman layo naming sa ospital and marami mauutusan na kumuha ng extrang damit in case kulang. Plan ko bumili ng menstrual pads and adult diapers din para dalhin sa ospital. But will check yang charmee pull-ups. Parang okay yung ganyan instead of pads.
Handwash nyo ba gamit ni baby or okay lang ba iwashing machine?
Praying for all of us here! Stay safe, mommies!