watch now

Author Topic: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)  (Read 68509 times)

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #720 on: February 26, 2019, 02:06:39 pm »
sis iceheaven: bet ko din sana ang cosleeper, kaso medj mahal yung mga nakikita ko, around 8k na yung pinakamura. Saka may ipapahiram saming crib, pero di pa namin nakikita. Regarding breastpumps, I think sa physical store ng BabyMama you can fit and even try the breast pump.


sis chiqmom and sis iammechelle: grabe roller coaster of emotions ako lately. Umiyak ako nung Sunday kasi nakita ko may fresh stretchmark sa may lower abdomen ko. huhuhu. as in ampula. kaya naiyak ako nang bongga. kahit naman before, parang tanggap ko na na magkakaron talaga ng stretchmarks pero di ko pa din napigilang maiyak.

Sis yung nabili kong co-sleeper sa Youji & Me nasa 4k lang... convertible na to playpen yun. But it's not made of wood hehe.

May stretchmarks din ako na color red nagulat ako kasi akala ko di ako magkakaron. Ngayong feb lang lumabas sa pusod area. sa ibang part ng tyan ko wala naman. tanggap ko naman di ako na-sad masyado. baka sa post partum pa magsink in sa akin na di na flawless tyan ko lol :D

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #721 on: February 26, 2019, 02:12:26 pm »
Congrats sis KrabbyPatty! You have a name na for your mini-me?

Have you packed your hospital bag na ba, sis? Magtanong sana ako how did you pack yung things ni baby. Puro what's in my hospital bag kasi nakikita ko sa Youtube, but the *actual* packing, wala ako makita. Like, nakaziplock ba, per outfit ang ziplock, yung mga damit lang ba ang dapat iziplock etc.

I work from home naman, ever since ng pregnancy ko. Might file my maternity leave one week before, pupunta ko sa office to personally talk to my boss din, i-clear ko kung covered na ba ko ng EML. hehe. Mas okay na personal para all questions out na.

Nagppractise na rin ako magswaddle, magsuot ng tie-side at magkarga kay baby. sabi ng friend ko, tuturuan naman daw ako ng nurse sa ospital kaso ang clumsy ko kasi at baka ang slow ko, di ko magets yung ituturo. hahaha. May Piglet ako na stuffed toy which is the right size for a newborn, kaya sya yung dummy newborn ko. hehe.

Huhu, di ba sis? *hugssss* pero okay lang yan, all for our beautiful babies naman. :) sabi ng asawa ko, i should be proud kasi battle scars ko yun. yeah, but still di ba, may panghihinayang ng konte. konti lang naman. :)

iceheaven31

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #722 on: February 26, 2019, 02:42:14 pm »
Sis yung nabili kong co-sleeper sa Youji & Me nasa 4k lang... convertible na to playpen yun. But it's not made of wood hehe.

nung time rin na buntis ako we were advised against wood playpens (kahit ready na ko mamili sa ikea kasi maganda hehe) kasi mauuntog lang daw si baby dun. and true enough, my baby at around 2 months, kahit nakaswaddle pa e minsan umiikot 90deg habang tulog, buti na lang hindi wooden ang crib or else mauuntog talaga siya sa gilid. plus may risk pa na maipit mga kumot etc dun sa in-between spaces ng wooden cribs. sa dami ng nababasa ko about SIDS, nako.

iammechelle: marami na akong nabasa na mas ok ang mamili ng pump bago manganak, kasi mas wala ka nang time bumili pag andyan na si baby. if gusto mo muna manigurado, have a haakaa ready at least. then pag nag-kick-in na milk mo and talagang nakita mo na ang pangangailangan na magpump, then saka ka bumili (well, magpabili probably) pero dapat alam mo na kung ano model and flange size. and dahil ako ay rebelde ng BFP (lol, left the group long ago), if you decide to pump (or if you think you need to pump) before 6 weeks e you absolutely can, just follow the proper schedule. hindi naman lahat ng baby magaling mag latch sa una (plus the case of inverted nipples, etc) so yung iba ginagamit yung pump kahit maaga para mastimulate milk production.

thatkdramaeonni: mine were in ziploc then :P 1 set for newborn size, 1 set of one size bigger (in case malaki talaga si baby nung lumabas hehe). inside a set was a swaddle, onesie, bonnet, mittens, socks/booties (damit, sapatos, gwantes, sumbrero, swaddle. hehe).

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #723 on: February 26, 2019, 02:55:09 pm »
Thanks sa input sis iceheaven! Noob mom question: yung receiving blanket ba, dapat hooded? si MIL kasi bought 3 hooded towels, pwede ba yung gamitin as receiving blanket? Pwede rin ba yung regular swaddle as receiving blanket?

I ordered a haakaa-like milk catcher/breast pump sa @orangeandpeach in IG. Cheaper kasi, less than 600 lang and with good reviews din naman.

ooohhh, oo nga noh. pwede mauntog si baby. Manghihiram lang kami ng crib sa mga pinsan, pero nagtitingin pa din ako ng ibang crib just in case, di bet ni baby tulugan yung hihiraming crib. hehe.

Nagwawaddle na din pala ako maglakad. Huhu. Pag nakaupo nang matagal, pagtayo ko, masakit sa V area tapos ang hirap humakbang.

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #724 on: February 26, 2019, 03:00:40 pm »
ang helpful ng inputs mo sis iceheaven31 sa paggamit ng ziplock. at dahil jan, bibili ako ng ziplock. hindi pa ako naglalaba ng mga damit, baka gagawin ko na ng mid-March. Si hubby kasi, sa kisame namin nilagay mga preloved ng mga junakises ko, ang tagal ko na pinapakuha kasi gusto ko na rin ayusin. may iba pa akong baby stuff na naka-imbak, cute na onesies atbp.,  hmmm kung kaya ko lang na ako ang umakyat sa kisame, ako na kukuha. nesting na rin ang feeling ko mga sis.

parang napapaisip ako sa wooden crib. pero dahil co-sleep ko naman si baby until 2 months, parang ang bibilhin ko na lang muna ay yung baby nest. saka na ako mag crib pag papasok na ako sa office. total naman, 105 days leave natin!! i am claiming it! woooo

oh talaga,  rebelde ka ng BFP? kaasar doon, galit mga tao doon sa Jejemon saka sa modern cloth nappying pinays ba yun? iisa lang admin doon diba?

good thing pala, may online store ang babymama. so ang gagawin ko muna siguro ngayon ay magsukat ng flange size.

so ibig sabihin, ang tanda na ng stretchmarks ko? hahahaha pangatlo na ba naman ito eh. hehe

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #725 on: February 26, 2019, 03:04:09 pm »
sis KrabbyPatty, may sis na nagkwento sa akin before na nakisali sya sa ibang thread ng di niya sinasadya, na-kick out daw siya, pero di namin gagawin yun sa yo hahahahaha

naku, para na rin ako penguin mag lakad. baby dropping na ba ito? masakit na sa V area

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #726 on: February 26, 2019, 03:10:03 pm »
Totoo? Pwede makick out? grabe naman yun! ang heartless.. pati ba naman sa mga groups may intrigahan.

Di pa rin ako naglalaba ng mga gamit ni baby, maybe after ng next check up namin. Pwede pala magsukat sa BabyMama kahit sa online shop nila, sis? Visit ko nga website nila. Thanks ha, kala ko sa store lang nila pwede eh.

Ang scary kasi nung pulang stretchmark sis! huhuhu. At least pag puti, di masyado halata.


parang napapaisip ako sa wooden crib. pero dahil co-sleep ko naman si baby until 2 months, parang ang bibilhin ko na lang muna ay yung baby nest. saka na ako mag crib pag papasok na ako sa office. total naman, 105 days leave natin!! i am claiming it! woooo
amen to that, sis!! ;)

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #727 on: February 26, 2019, 03:15:10 pm »
Congrats sis KrabbyPatty! You have a name na for your mini-me?

Have you packed your hospital bag na ba, sis? Magtanong sana ako how did you pack yung things ni baby. Puro what's in my hospital bag kasi nakikita ko sa Youtube, but the *actual* packing, wala ako makita. Like, nakaziplock ba, per outfit ang ziplock, yung mga damit lang ba ang dapat iziplock etc.

I work from home naman, ever since ng pregnancy ko. Might file my maternity leave one week before, pupunta ko sa office to personally talk to my boss din, i-clear ko kung covered na ba ko ng EML. hehe. Mas okay na personal para all questions out na.

Nagppractise na rin ako magswaddle, magsuot ng tie-side at magkarga kay baby. sabi ng friend ko, tuturuan naman daw ako ng nurse sa ospital kaso ang clumsy ko kasi at baka ang slow ko, di ko magets yung ituturo. hahaha. May Piglet ako na stuffed toy which is the right size for a newborn, kaya sya yung dummy newborn ko. hehe.

Huhu, di ba sis? *hugssss* pero okay lang yan, all for our beautiful babies naman. :) sabi ng asawa ko, i should be proud kasi battle scars ko yun. yeah, but still di ba, may panghihinayang ng konte. konti lang naman. :)

May name na kami! Alina Michelle... :) Alina is greek name meaning "light" and Michelle for "who is like God". hahah gusto ko yung Alina then kay hubby naman ang Michelle :D

Actually di pa ako nagpapack ng baby bag. Walking distance lang kasi yung hospital sa house namin kaya di ko pa naisip hahah. pero lahat ng baby clothes nalabhan na and naplantsa naman. Sabi ng OB ko bibigyan niya na ako admission slip sa next check up ko sa March 9 para ready na talaga.

Ako naman sis nanonood lang sa youtube ng baby vids tapos minsan nagpplay ako ng sounds ng baby na umiiyak para maimmuna na tenga namin lol. Bumili rin ako ng mga swaddleme yung may velcro para mas mabilis magswaddle haha!

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #728 on: February 26, 2019, 03:17:49 pm »
^sis hehe ang ibig kong sabihin, pupunta ka talaga sa store nila para mag sukat. balak ko, habang pumapasok ako, punta ako sa store para magsukat. para kapag naka-leave na ako, pwede na ako mag order online, alam ko na ang sukat. ;-) nalito rin ako sa sinabi ko hehe

actually, sa FB group siya nag join. doon siya tinanggal. sinabihan siya ng doon ka sa quarter na yan sumali, hehe ang chaka ano

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #729 on: February 26, 2019, 03:20:48 pm »
May name na kami! Alina Michelle... :) Alina is greek name meaning "light" and Michelle for "who is like God". hahah gusto ko yung Alina then kay hubby naman ang Michelle :D

Actually di pa ako nagpapack ng baby bag. Walking distance lang kasi yung hospital sa house namin kaya di ko pa naisip hahah. pero lahat ng baby clothes nalabhan na and naplantsa naman. Sabi ng OB ko bibigyan niya na ako admission slip sa next check up ko sa March 9 para ready na talaga.

Ako naman sis nanonood lang sa youtube ng baby vids tapos minsan nagpplay ako ng sounds ng baby na umiiyak para maimmuna na tenga namin lol. Bumili rin ako ng mga swaddleme yung may velcro para mas mabilis magswaddle haha!

wow Michelle ako! kaso Mechelle nga lang. hahaha di ko alam kung si Papa mali o yung clerk. Anyhoo, maganda talaga ang name na Michelle, wink wink.

gagawa kami ng GC. pag makapanganak na tayong lahat. sali ka namin sis saka si sis iceheaven

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #730 on: February 26, 2019, 03:27:24 pm »
sis Krabby: bumili din ako ng swaddle me na may velcro! hehe. aside sa ibang swaddles ko. hehe. Nice name for your little girl, sis. :)

sis iammechelle: ahh, haha. okay lang sis, kala ko may chart sila sa website eh. Pero good idea nga yun, visit muna to know your size then saka magorder online.
kaya minsan, stay away ako sa facebook. daming toxic. hahaha. charot. kala ko dito merong nagkikick out. di ko sure kung nagsubscribe na ko sa BFP, may approval din ata dun.

yes, yes please! hehe. pag napuno na ba tong thread natin, pwede gumawa ng thread 2? hahaha. parang tayo lang ata ang aabot ng thread 2 sa lahat ng mga "Babies Due in .."

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #731 on: February 26, 2019, 03:30:51 pm »
sis KrabbyPatty, may sis na nagkwento sa akin before na nakisali sya sa ibang thread ng di niya sinasadya, na-kick out daw siya, pero di namin gagawin yun sa yo hahahahaha

naku, para na rin ako penguin mag lakad. baby dropping na ba ito? masakit na sa V area

Kaloka yung nakick out ha hahahaha Ms Minchin level sa strikta

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #732 on: February 26, 2019, 03:35:19 pm »
wow Michelle ako! kaso Mechelle nga lang. hahaha di ko alam kung si Papa mali o yung clerk. Anyhoo, maganda talaga ang name na Michelle, wink wink.

gagawa kami ng GC. pag makapanganak na tayong lahat. sali ka namin sis saka si sis iceheaven


Sali niyo ako sa GC sis! Para may kachat din ako habang nakaleave!! :D 

mgvaa

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #733 on: February 26, 2019, 03:51:55 pm »
Sis eonni iniisip ko din paano ipapack yung mga gamit. Mukhang ziploc na nga lang all the way hehe. Re: stretchmarks wala pa naman ako (super lucky sana wag mausog LOL hahaha) pero umaasa talaga ako na wala kasi mom ko wala after 5 children smooth pa din tummy nya hehe.

Sis mechelle saan tayo gagawa ng group chat (fb, viber, whatsapp)? Game din ako jan :) hindi naman active sa FB yung ibang sisses naten hahaha!!!

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #734 on: February 26, 2019, 04:08:21 pm »
^oo sure. Kasi since need mag review at maayos na backread ng mga tips at inputs bago manganak, kaya dito muna kami nag-cha-chat hahahahaha saka na lilipat sa GC.

Sis mgvaa, sa FB. pwede rin sa viber, sa hangouts atbp hahahaha or kahit saan ninyo gusto

di ko alam hanggang ilan bago mapuno. just in case, gawa na lang tayo ng thread 2

KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #735 on: February 26, 2019, 04:18:57 pm »
^ go na sa thread 2 sis!! hehe marami naman active dito sa FN eh :D

speaking of 105 days ML... ilan days itatransfer niyo kay hubby? hahah pwede magtransfer up to 7 days diba for paternity leave

mysecretself

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #736 on: February 26, 2019, 04:39:30 pm »
Grabe, ang active ng thread na ito, ang hirap humabol! Pabalik na lang reply ko. :))

@krabbypatty Wala akong balak itransfer kay hubby yung 7 days. hihi. yung regular leaves nya di nya naman nauubos, if gusto nya talaga yun na lang gamitin nya. mas bet kong imaximize yung akin. sayang eh. hehe. nice name for your baby girl! :)

@iammechelle if bibili man ako ako ng bagong pump, baka spectra ulit. or cimilre. mas mura ba cimilre kaysa spectra?

@iceheaven21 nag-ziploc din ako dati. true, less hassle kaysa maghahalungkat sa hospital bag. basta per set tapos pull out lang pag kelangan.

@eonni di naman necessarily hooded. lalo na if susuotan mo din naman ng bonnet. ang the best na swaddle for me is yung zinizipper lang. lol. summer ata yung brand. keri din yung ilalagay mo lang si baby tapos velcro. hindi kasi ako expert talaga sa swaddle swaddle lalo na kung yung muslin blanket lang gamit, mas magaling pa sa kin si hubby. hehe

@chiqmom ano yung laughing crystal? clueless me! hehe

@eonni sa first ko, wala akong stretchmarks, sa 2nd meron na. waaahhh!! pero medyo kebs na ako kasi kaya lang naman ako concerned eh nangarap pa akong makapagbikini after manganak. eh tanggap ko na. although nagpapahid pahid pa din ako ng sunflower oil. :))

Medyo nasstressed out ako lately sa sleeping arrangement. These past few nights, kami lang ni toddler ang nasa bed tapos si hubby sa mattress. Oks naman kaso nahulog si toddler kagabi. Usually kasi nagigising ako pag nalalayo sya sa kin kaso nakinig ako ng meditation bago matulog, napahimbing sleep. Nagising lang ako nung narinig ko. Sooooo, mukhang kelangan namin maginvest sa bed rail. Ano kayang ok? Pinagiisipan ko din kung kelangan ko ng babycuddle kasi nasurvive ko yung first ng walang ganon. Tapos isa pang worry ko is feeling ko breech pa din si baby eh 31 weeks na ako. Feeling ko umayos na pwesto nya eh kaso these past few days, yung hiccups nya above the belly button ko na naman naririnig. waaahh!





KrabbyPatty!

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #737 on: February 26, 2019, 04:55:42 pm »
^ ako sis baka magtransfer nung butal na 5 days. Mag-church wedding din kasi kami this December kaya gusto ko dumami leave niya haha! Feel ko di rin ako magaling magswaddle swaddle eh kaya bibili talaga ako nung ready to swaddle na haha. Hanap din ako nung may zipper na swaddle sa momzilla fair haha :D


iceheaven31

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #739 on: February 26, 2019, 05:03:11 pm »
Thanks sa input sis iceheaven! Noob mom question: yung receiving blanket ba, dapat hooded? si MIL kasi bought 3 hooded towels, pwede ba yung gamitin as receiving blanket? Pwede rin ba yung regular swaddle as receiving blanket?

hehe. as mentioned previously, hindi ko talaga nagamit ang receiving blanket maliban sa pansapin sa stroller. hehe. muslin swaddles lang talaga nagamit ko. i would probably advise not to use towels as blankets kasi makapal at baka makulob si baby, pero i think pwede regular swaddle as receiving blanket. the concept here is si baby need niya na parang nakabalot pa dahil fresh out of the womb pa siya, hence the need for swaddling. pag umuwi kayo from ospital, kahit anong kumot or swaddle pa meron kayo, ang mahalaga e swaddled siya :P hahaha. gulo ata ng nasabi ko. sorry :P

oh talaga,  rebelde ka ng BFP? kaasar doon, galit mga tao doon sa Jejemon saka sa modern cloth nappying pinays ba yun? iisa lang admin doon diba?

masyadong mga self-righteous at impractical mga advise dun. kawawa naman yung mga mixed feeding moms and mga moms na naghahanap ng legit advise and support. they are against bottle feeding, pumping before 6 weeks, and some of them look down on formula milk. ugh. grabe. kaimbyerna. i left when i received a lot of hate because i shared that i give my then 2mo-3mo baby 3ml of water pambanlaw lang ng halak and dila from formula milk (akala ata isang balde ang dami ng 3ml. di pa ba sila nakakakita ng syringe/dropper?). masyado nila ako binombard with water intoxication aneklavu when in fact it was my baby's doctor who advised to give just a little bit of water. haaay. ang toxic nila dun pramis.

May name na kami! Alina Michelle... :) Alina is greek name meaning "light"

Nice name, sis! And Alena rin gusto kong name if may baby girl ulit kami, and yes, Encantadia inspired yan. lol

gagawa kami ng GC. pag makapanganak na tayong lahat. sali ka namin sis saka si sis iceheaven

aawwww! i love you all na talaga!! *kris aquino tone*

@iceheaven21 nag-ziploc din ako dati. true, less hassle kaysa maghahalungkat sa hospital bag. basta per set tapos pull out lang pag kelangan.

yes ganun nga, isang hugutan na lang pag kinailangan, and most importantly, para hindi madumihan. although hindi ko alam sistema diyan sa pinas, dito kasi nung nanganak ako, while nasa ospital, hospital swaddle and clothes ang gamit ni baby, inabot ko lang yung ziploc set ko nung pauwi na kami.

WHEW. sobrang active ng thread. ilabet.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close