Hello mommies! good to hear that everyone is doing well. Nasa third trimester na tayo!
sis Rory, i love the name Olivia. Tapos ang nickname ay Liv ;-) wag mo na masyado isipin ang dad mo para hindi ka-mastress. Mahirap lalo na at Daddy's girl ka rin. Pero kapakanan muna rin ni baby ang isipin. We are praying for you! and goodluck sa CAS!
eonni! - oo, okay lang ang elective CS, as long safe kayo ni baby, just in case, ano ang Blood Type mo? ang OB ko, chill lang din siya. medyo kaka-freak out kapag worst ang uunahin na approach. ang OB ko kasi, ever since, lagi lang siyang handa. pero bago niya sabihin sa akin, ina-assess nya muna ako. noong transverse si baby, sabi nya lang "ang likot naman ng baby, di ko alam ano gusto position, noong una breech, ngayon naman ay pahalang". tapos noong minsan naman, nakapa niya si baby, ganito naman ang sabi niya, "hay baby, di talaga kita maintindihan, akala ko pwet, tuhod mo pala!" minsan natatakot ako kung ano ibig sabihin dahil baka naman sa sobrang kalikutan, mag-cord coil kami.
mgvaa - uy, mahusay na supplier ng Alva at Babyland si vezees closet, sa kanya rin ako bumibili before. na-addict ako sa Sunbaby, pero ang mahal naman. magmember na kayo ng Modern Cloth Nappying Pinays. btw, malaki kamo si baby? pero tama ka, kung nasa genes ninyo yan, wala na magagawa kahit magdiet diba. ;-)
sis chiqmom, ang cute ng Venice ah. gusto ko rin ng name ng place. pero kasi ang surname namin ay Balboa, so gusto ko medyo sound spanish. hihi ang arte lang.
mga sis, 1 month na pala halos ang ubo ko. clear naman daw ang lungs ko, so mukhang allergies, binigyan na naman ako ng salbutamol+guaifenesin tapos mepresone. ang panget kasi ng panahon ngayon. huhuhu praying na okay lang kami ni baby. yung pulmo ko, nestea na mainit ang advice kapag makati lalamunan. in moderation lang kami kasi after ko uminom, ang likot ng bebelabs.