watch now

Author Topic: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)  (Read 68948 times)

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #280 on: November 21, 2018, 03:32:42 pm »
Thank you Mommies. Iiwasan ko na lang din ang magpuyat or i-stress ang sarili ko or anything na makakasama kay baby.

Mommies, matakaw na ba kayo lately? pa-share naman ng isang maghapong lafang ninyo! feeling ko ang takaw ko!

mysecretself

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #281 on: November 21, 2018, 03:51:39 pm »
^ang alam ko may mga superstition regarding that pero nung buntis mommy ko sa akin, namatay lola ko. andun pa din naman sya sa wake and weekly sa sementeryo after. okay pa rin naman ako ngayon. hehe. ang mas iniiwasan siguro is yung stress nga tsaka baka maging masyadong emotional ang buntis. eh emotional na tayo as it is kahit wala pang trigger.

oh yes, matakaw ako. at kakabuffet ko lang bilang nagbirthday ako nung weekend. tapos birthday ni hubby ngayon so good luck diba? i give in to my cravings pa naman lately so good luck sa weight gain ko this month. :P

mgvaa

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #282 on: November 21, 2018, 07:21:38 pm »
^nakakaramdam ako ng hilo sis pag kulang ang tulog ko.

Mga sis, patulong naman. namatay kasi ang lolo ko. may mga pamahiin ba sa buntis na bawal pupunta sa patay? yung mga ganoon? hindi ako naniniwala pero paranoid ako pag buntis

My condolences @iammechelle. Depends sayo pero yes may pamahiin na bawal ang buntis pumunta sa patay. Even sa cemetery nga ayaw ako papuntahin ng hubby ko nung undas. Kasi wala pa daw guardian angel si baby in our tummy and baka ma-attack sya ng evil spirits (nabasa ko somewhere, apparently even in western culture bawal din sa kanila pumunta ang preggers sa patay). My uncle passed away when my cousin was pregnant too before, I remember she did not attend the funeral pero nung wake andun sya. Kanya-kanyang belief nalang siguro sis. Ingat!

mgvaa

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #283 on: November 21, 2018, 07:28:12 pm »
Meron ba sa inyong magaattempt pumunta sa mga Christmas bazaars? Gusto ko sana kaso nagwoworry ako na baka mapagod ako masyado. Pano kayo magChri-Christmas shopping? Online na lang or sugod pa din sa malls?

Nag-start na ako mag shopping nung 11.11 sale online hehe so isa-isa ng dumadating sa bahay ang mga orders ko! Kanina nag mall ako saglit kasi nirecommend na ng ob ko ang slight walking dahil umangat na placenta ko ng konti. Ayun after about 2 hours of malling, pagoda tragedy ako hahaha super antok ako pag uwi! Nabuhayan lang ako ng dugo nung dinner kasi may mainit na sabaw hahaha! So siguro never ko na iaattempt mag-bazaar, online shopping nalang. Malling keri pero opening hours siguro ako pupunta palagi and during weekdays :) Happy xmas shopping sisses!

mgvaa

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #284 on: November 21, 2018, 07:43:57 pm »
Belated happy birthday @mysecretself!!!

Re: katakawan, basta I give in to what I crave for. Salit salit lang, one day salty, next day sweet naman hahaha! Kasi sabi ng mother in law ko pag di ko daw pinagbigyan sarili ko baka daw sad face yung baby paglabas  :P

Pero napansin ko normal lang naman kain ko as before, siguro now na hindi na ako nagwowork and nasa bahay lang palagi mas madalas ang rice meals ko like 3x a day (bfast-lunch-dinner) and mas madami intake ng fruits and veggies dahil lutong bahay palagi :)

Worried lang ako kasi I really have a sweet tooth, as in sa chocolates ata ako pinaglihi ng mommy ko hahaha so lumaki and nasanay ako na palaging may chocolates sa ref! Luckily, wala naman kaming lahing diabetes pero syempre nakaka-worry now that I am pregnant. So far normal pa naman sugar ko sa recent tests din. So when I eat chocolates, I drink super daming water feeling ko mawawash down nya sugar hahaha!!! Tsaka sabi ng friends ko wag daw patabain si baby sa tummy kasi baka mahirapan manganak. Madali naman daw patabain si baby paglabas nya :)

maypalaboy

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #285 on: November 21, 2018, 11:52:41 pm »
Hello Mommies,

first time to join in a thread. more on reading lang talaga ako.

3rd pregnancy ko. same issue, I have diabetes and hypertension. My first born na pre eclampsia kaya I undergo CS. premature baby ko 35 weeks and diagnose with PDA (heart condition).

2nd, all good I went to Perinatology to make sure baby will be okay. since nung time na yun alam ko na under ako ng high risk pregnancy.

Claiming that all our babies will be healthy. stay positive lang mga mommies. and take rest. kelangan natin yun kasi mahirap pag dumatin na si LO.

and also, I am looking for a budget friendly maternity package sana kasi this year din namin papaoperahan yung eldest ko sa puso at baka ma short na kami sa naipon namin na pera.



sana may makatulong sa akin.

Thanks!


iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #286 on: November 22, 2018, 07:51:11 am »
so yun nga, sa wake na lang kami pupunta at hindi na makikipag libing.  hindi ko rin papagurin ang sarili ko. excused na naman siguro ako this time at maiintindihan ako ng lolo ko. Salamat sa mga payo inyo sissies!

welcome @maypalaboy. welcome sa thread. padami na tayo ng padami! of course, everything will be alright. unexpected itong 3rd pregnancy ko, nagkukuwenta pa lang ako ng gastusin, sumasakit na ang ulo ko.  pero naniniwala ako na kapag si God nagbigay ng baby, may additional provision yan. kaya siguro, i-bless tayo sa ibang way like promotion,or iba pa. panggastos kay baby.

oh well, ang takaw ko. lafang kung lafang. gusto ko mag samgyupsal, pero noong minsan na nag-try ako ng kimchi, bloated ako for 3 days. so ayaw ko na ulitin. btw, belated sis @mysecretself

sis mgvaa bawas sa sweet. hehe pero ngayon nakakalaway yung mga chocolate cake in can na nauuso. hahahahahahah


mgvaa

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #287 on: November 22, 2018, 08:59:23 am »
Welcome @maypalaboy! Congratulations!

Tama si @iammechelle, a baby is indeed a blessing and God will surely provide. It may not be much but trust that it's enough for your needs.

I had to quit my job unexpectedly because of my pregnancy. Nag worry ako ng bongga at first, but nung gumagawa ako ng budget for November na-realize ko na ang laki din pala ng gastos ko sa toll, gas and food (plus shopping) nung nagwowork pa ako. Taga south kasi ako and my work was in Manila pa so mega slex-skyway-naiax ako everyday. Ang naiwan lang sakin now is my online work na super blessing talaga kasi yun na source ko for paying my bills. Nahihiya kasi ako i-asa sa hubby ko ang credit card at insurance bills ko hahaha! Kaya naniniwala talaga ako na God will provide! :)

mysecretself

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #288 on: November 22, 2018, 11:57:00 am »
thank you, @mgvaa and @iammechelle!  welcome @maypalaboy! God will provide! Naniniwala talaga ako dyan.

@mgvaa pangarap ko yan, online work na lang tapos sa bahay. kaso di pa pwede kasi may major expected expense kami next year. kelangan naming mag-tag team ni hubby ng bongga. wala pa akong nashoshopping kahit isa! huhu. good luck naman. if ever mall, hanggang greenbelt/landmark lang siguro ako kasi tatawid lang from office.

pasaway ako lately sa milk tea. tsarap tsarap! pero sabi ko papakabait na ako. hehe. once a week na lang. :D

chiqmom

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #289 on: November 22, 2018, 02:17:56 pm »
welcome maypalaboy!

mysecretself nagcoffee ako kahapon  :P kaya kahapon hanggang ngayon nagheheartburn ako. pasaway. pero hindi na uulit. hindi na din ako nakakapag softdrinks. kalaban ko ang sugary drinks ngayon e parang bloated ako after.

iammechelle condolence sis


thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #290 on: November 22, 2018, 02:22:36 pm »
@mysecretself: sis! ako diiiiiin! super nagkecrave din ako ng milk tea! pero ayaw ako bilhan ni hubby. huhuhu. Before kasi, once a week, kaso di ako nakakatulog nang maayos sa gabi. Kaya ginawa namin once every 2 weeks. The last time nagmilk tea ako, wintermelon sa Serenitea regular size, parang nagpalpitate ako nung gabi, nahirapan ako matulog. Kaya totally cutdown nalang din muna. huhu. pero nakakamiss yung lasaaaa.   :-[

Matakaw in the sense na I eat frequently. Yung tipong nagheavy meal naman ako ng lunch, wala pang 1 hour gutom na ko agad! Hahaha. Nung 1st tri ko, grabe ang gas and heartburn ko and was advised to take small but frequent meals. Napapadami kain ko pag "nirequest" ni baby yung ulam! haha. Pre-pregnancy kasi, nasa heavy side na ko so medj control control sa portions. Wala din ako masyado iniiwasang food. Pero totally nagcut down ako sa coffee, processed foods saka chocolates.

Welcome pala and congrats, sis maypalaboy!  :D

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #291 on: November 22, 2018, 03:07:02 pm »
@maypalaboy congrats sis!

ako nag ccrave ako sa halo halo ng Razons :)

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #292 on: November 22, 2018, 03:08:53 pm »
naku nakatakas ako ng coffee kahapon. Nag brewed sila sa office eh. humingi ako pero mga dalawang lagok lang. sabi naman sis ay safe ang coffee. iwas pa rin ako pero tumatakas mga dalawang lagok lang hahahaha

naku patawarin ninyo ako kasi lumantak ako ng mangga at bagoong. naparami ang bagoong. uminom na lang ako ng maraming tubig after.

panget side effect ng Foster na inhaler, nahihilo ako konti. parang ang lakas noong gamot na yun eh. balik na lang ako sa salmeflo. lately wala na ako atake.

salamat sa pakikiramay ninyo ah. medyo ni-let go ko na ang lolo ko. 92 years old na rin naman siya at oks lang na magpahinga na. yun nga lang di ko na sya makikita. ;-(

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #293 on: November 22, 2018, 03:09:42 pm »
@maypalaboy congrats sis!

ako nag ccrave ako sa halo halo ng Razons :)

^wow sarap!!! parang gusto ko rin!

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #294 on: November 22, 2018, 06:05:04 pm »
Drooling sa mangga at bagoong! haha.
Lately naghahanap na ng maasim-maalat yung dila ko. Candied sampaloc ang meron dito sa bahay kaya yun yung pinapapak ko for days. Tapos water ng bonggang bongga.  ;D

jaimeko

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #295 on: November 25, 2018, 08:39:29 pm »
Sis, ok lang ba [textspeak!] salbutamol ventolin inhaler sa preggy?

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #296 on: November 26, 2018, 08:32:52 am »
^oo sis. salbutamol nebule ako dati pero di kinakaya. pinalitan ako ng Foster (Beclometasone Formoterol). pero medyo malakas ito. better consult na rin your OB. pag mag patingin ako sa pulmo ko, lahat ng reseta ng pulmo ko, pinapakita ko muna kay OB

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #297 on: November 26, 2018, 10:48:54 am »
Sis, ok lang ba [textspeak!] salbutamol ventolin inhaler sa preggy?

yes!! gamit ko din yan for my asthma and safe pati un Salbutamol Nebules + Plain NSS for nebulizer .

chiqmom

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #298 on: November 26, 2018, 01:31:13 pm »
hello mga mommies. kahapon nag crave din ako ng mangga e ang available lang yung hilaw pa na sobrang liit, so yun ang pinapak ko. lol

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #299 on: November 26, 2018, 02:48:30 pm »
^hahahahahaha nangangasim ako ngayon. dahil sa manggang maliit

 

Latest Stories

Load More Stories
Close