watch now

Author Topic: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)  (Read 68944 times)

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #260 on: November 15, 2018, 11:32:34 am »
^Yehey! ako rin excited na sa gender. May mga kino-consider na akong names eh. Pag Boy Abel Mariano. Ayaw ng asawa ko isunod sa kanya. Abelardo kasi siya. So sabi ko, bilang huling baby na namin, dapat Jr. niya. at kung girl naman, Aebelle Mariana or Aebelle Mikaela. Arti-arti! First baby ko ay Andrea Marielle while ang second ko ay Alessandro Marius. Gusto ko may Marian variance kasi lahat sila ay dedicated kay Mama Mary. pinabinyagan ko sila pareho na Marian celebration. ;-) Wala na akong makita na variant ng Mary other than, Marie or Mari. Ayoko naman ng Mario. tee hee!

Girls, sino dito ang rooting for NSD? Alam ninyo, yung previous thread ko, "3rd Quarter Babies of 2013), burado siya kasi may napasama sa aming poser. Hmp! Nanghihinayang ako kasi may mga tips doon paano mabilis gumaling ang sugat sa keps. Sinunod ko yun then, 1 week lang halos ang sugat ko. Baka naman may iba kayong na-research para mas mabilis gumaling ang sugat.

mysecretself

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #261 on: November 15, 2018, 11:56:08 am »
wow, dami na natin! medyo pabasa basa lang ako this past week. hehe.

nagwowoworry ako na hindi ako nagggain ng 1 pound per week pero pag nakikita ko sarili ko, nalalakihan ako talaga. buti sana kung tyan lang kaso yung braso ko pangboxer. huhuhu.

thankfully, nawala na supon at ubo ko. nakuha sa calamansi, lemon juice, at madaming tubig. buti na lang hindi ako nilagnat kasi feeling ko yun yung mas delikado.

may naiisip na ako na names para sa girl, sa boy, ang hirap mag-isip. gusto ko sana boy na this time pero ayoko magexpect kasi baka madisappoint lang ako. di kasi ako tumutugma sa chinese calendar. boy dapat ako sa first pero girl ang lumabas.

alam nyo yung kasabihan naman na titingnan yung naunang sibling if may buntot yung buhok sa likod? pag may buntot daw lalaki, pag wala, babae. sa family namin, tumutugma. ewan lang sa iba.

checkup ko na ulit sa saturday. sayang nga kasi yung ob ko wala namang sariling ultrasound machine kaya sa CAS ko na talaga malalaman ang gender. Ang tagal, 1 month more!

NSD ako sa panganay so hopefully, ganun ulit kay bunso. budget namin pang-NSD lang. bwahaha. aside from yung betadine na feminine wash yung ginawa ko lang is yung dahon ng bayabas pakukuluan tapos papausukan ko sarili ko. di ko na maalala kung kelan sya talagang nagheal.

maganda nga daw na sa left side nakahiga pero minsan naka-right ako kasi gusto ni ate, naka-hug ako sa kanya. pag tulog na, saka ako magtuturn sa left side.

narealize ko lang, kung susundin ko yung pattern kung kelan ako nanganak the first time, posibleng pumatak ng holy week delivery date ko. medyo nabother ako. nagbabakasyon ba lahat ng mga ob pag holy week?

Nursekitty

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #262 on: November 16, 2018, 10:43:52 am »
Nakakatuwa naman may mga naisip na kayong names! :) Balak ko sana pag alam na namin gender saka na kami magiisip. Ang hirap kasi magbrowse sa internet! Haha.

^^napaisip din tuloy ako sis. EDD ko din papatak ng holy week. Pero when I was still working sa NICU, may mga available naman na OBs. Siguro better if ask natin mga OB natin kung nadito ba sila non. :) Ayoko din sana manganak na iba ang OB.

chiqmom

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #263 on: November 16, 2018, 10:51:11 am »
sis TINkerbelle28. welcome! yung sharp pain ko dati sa stomach is due to uti. better pacheck ka ob if consistent yung pain.

mysecretself naghahanap na din ako ng names ng baby. sabi daw kapag mababa yung tummy, boy then kapag bilugan naman is girl.not sure pero tugma yun sakin dati.

iammechelle yung dahon din lang ng bayabas gamit ko nun and betadine.

kapag gabi parang may gumagalaw sa left side ng stomach ko. parang kick sya though lighter sya. nagstart ito ng 14 weeks ako. not sure if baby yun kasi medyo nasa upper left side ng stomach. dba yung baby nasa baba pa lang? kagabi naman when nahiga ako sa left side, very consistent na yung parang throbbing nya.

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #264 on: November 16, 2018, 11:35:16 am »
sumasakit pa din ba puson niyo? kasi ako paminsan minsan ganon.. iba iba talaga pregnancy.. sa first pregnancy ko never ako naka exp. ng  sumasakit un puson. dahil siguro that time wala ako work nasa bahay lang. unlike now working mom na

chiqmom

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #265 on: November 16, 2018, 01:29:31 pm »
^true sis baka may effect yung fact na older na tayo now and working. dati sa two pregnancies ko, wala man ako issues masyado.

shukranhabibi1219

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #266 on: November 16, 2018, 01:40:47 pm »
ako din sis, nararamdaman ko sakit ng puson, pero as long as hindi daw pro long yung pain and walang spotting sabi ni ob, I can be assured daw na ok lang yun. may mga pregnancies daw na ganon till 9 months. Pero nong pumasok ako ng 18 weeks buti nawala na. Nakakapraning din kasi pag nararamdaman ko yun.

gigihopps

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #267 on: November 19, 2018, 08:39:30 am »
mysecretself hala, tugma din. Panganay namin may buntot anf buhok, lalaki ang first baby ko. Eh pano pag second baby?

iammechelle dahon lang ng bayabas sakin. Buti masipag nanay ko kumuha ng dahon na bayabas araw araw, palaging pinipilit akong upuan yung arinola para pausukan ang keps. hehe

littlekinselle Nung first trimester ko, mga twice a week sumasakit. Nawala naman din.
Ngayon naman, yung balakang ko palaging masakit, sabi nga OB dahil retroverted daw ako kaya expect na sasakit.

Meron ba dito na retroverted uterus din?

Jem17

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #268 on: November 19, 2018, 09:03:22 am »
@iammichelle, pinakuluang dahon ng bayabas lang din ang nkapagpagaling sa akin dati sa loob ng one week magaling na agad. ang ginawa ko noon ay umiinom muna ako ng mefenamic then after an hour habang pinapalamig lamig ko yung langgas, uupuan ko na sya pra hindi msyadong ramdam yung sakit, hehe..

^retroverted din ako sis, kaya nhirapan kami makabuo sa first baby namin, 3 years and a half in the making yung 1st baby namin. ;) ;)

Re: breastfeeding, may ma-sshare  po ba kayo para mas mabilis mag-flow ang gatas natin? lols. may sinasabi po sila, yung immassage daw po yung sa likuran natin?
« Last Edit: November 19, 2018, 09:19:09 am by Jem17 »

chiqmom

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #269 on: November 19, 2018, 10:16:43 am »
^nagtatake ako nuon ng malunggay capsule. if nauubusan, gumagawa ako ng malunggay soup. don't worry too much sa milk supply kasi nagooperate daw sya based on supply and demand. so the more na pinapadede yung baby, the more na nagproproduce sya kahit feeling natin wala laman. basta as long as nagsusuck yung baby and parang nasasatisfy sya, may gatas na lumalabas daw pag ganun.

katheeyong

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #270 on: November 19, 2018, 01:30:08 pm »
mysecretself hala, tugma din. Panganay namin may buntot anf buhok, lalaki ang first baby ko. Eh pano pag second baby?

iammechelle dahon lang ng bayabas sakin. Buti masipag nanay ko kumuha ng dahon na bayabas araw araw, palaging pinipilit akong upuan yung arinola para pausukan ang keps. hehe

littlekinselle Nung first trimester ko, mga twice a week sumasakit. Nawala naman din.
Ngayon naman, yung balakang ko palaging masakit, sabi nga OB dahil retroverted daw ako kaya expect na sasakit.

Meron ba dito na retroverted uterus din?

Hi @gigihopps I also have a retroverted uterus. Mas mahihirapan ba tayong manganak because of this?

mysecretself

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #271 on: November 20, 2018, 10:13:07 am »
@gigihopps if may buntot si panganay, lalaki daw susunod. if wala, girl. hehe.

@katheeyong retroverted uterus din ako, pero di naman ako nahirapan manganak sa first. parang wala naman daw masyadong bearing yun. :)

mysecretself

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #272 on: November 20, 2018, 11:58:08 am »
Meron ba sa inyong magaattempt pumunta sa mga Christmas bazaars? Gusto ko sana kaso nagwoworry ako na baka mapagod ako masyado. Pano kayo magChri-Christmas shopping? Online na lang or sugod pa din sa malls?

gigihopps

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #273 on: November 20, 2018, 12:29:31 pm »
Hi @gigihopps I also have a retroverted uterus. Mas mahihirapan ba tayong manganak because of this?

Hindi naman ako nahirapan sa pangaganak sa first baby ko sis. Yun lang yung malapit na mag end first trimester ko, palaging masakit yung balakang at medyo nahihirapan tumayo pero keri lang naman.

@mysecretself ah ganun ba, iba yata pag kakaintindi ko, kala ko babasehan yung panganay saming magkakapatid. Kuya ko kasi, may buntot, tapos ako yung pangalawa.
Ngayon, yung first baby ko naman lalaki at may buntot din, medyo nageexpect na ako babae to. Hehe
Ganun din sa chinese calendar, girl ang gender.


iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #274 on: November 20, 2018, 01:20:02 pm »
hello mommies! ngayon lang nakabalik uli. salamat sa mga tips sa pag aalaga ng keps ;-)

sumasakit rin ang puson ko, pero hindi naman masyado. mas ramdam ko ang throbbing sa may right side. pero hindi naman masakit talaga. pagka ganoon, lilipat na lang ako sa left side.

update sa asthma ko, wala na! yehey! inalis na mga oral steroids. inhaler na lang ang inireseta. pero mas malakas sa salmeflo. Foster ang ipinalit. medyo pricey lang ng kaonti.

Nagkwenta ako ng duphaston expenses ko, at tumataginting na 22k na! huhuhu kasi P76.25 x 60pieces x 5 months! wala pa ang mga hika meds ko at vitamins.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #275 on: November 20, 2018, 04:19:56 pm »
@iammechelle: sis, until 5th month ka nakaduphaston? 3rd month ko palang sa duphaston, dati twice a day lang, ngayon 3x a day kasi placenta previa totalis ako, tas may slight spotting ako nung nakaraan.. around ganyan din siguro yung total ng gastos namin. Ayaw na namin muna magkwenta. haha.  ;D


@mysecretself: Still on bedrest, kaya baka online online nalang. Sa December 7 pa next appointment namin, hopefully ma-lift na yung bedrest para makamili naman kahit paunti unti.  :)

chiqmom

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #276 on: November 20, 2018, 09:03:55 pm »
mommies, nahihilo ba kayo? baka sa mata ko ito or pwede din sa dugo. parang dinuduyan ako. pero kanina yung waiter d ko makita yung mukha so iniisip ko baka sa mata din.
« Last Edit: November 20, 2018, 09:06:29 pm by chiqmom »

iammechelle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #277 on: November 21, 2018, 07:47:06 am »
^nakakaramdam ako ng hilo sis pag kulang ang tulog ko.

Mga sis, patulong naman. namatay kasi ang lolo ko. may mga pamahiin ba sa buntis na bawal pupunta sa patay? yung mga ganoon? hindi ako naniniwala pero paranoid ako pag buntis

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #278 on: November 21, 2018, 10:02:40 am »
mommies, nahihilo ba kayo? baka sa mata ko ito or pwede din sa dugo. parang dinuduyan ako. pero kanina yung waiter d ko makita yung mukha so iniisip ko baka sa mata din.

pag nahihilo sis you can take bonamine very safe sa preggy un.. :)

chiqmom

  • Guest
Re: Babies Due On 2nd Quarter of 2019 (April, May and June)
« Reply #279 on: November 21, 2018, 10:28:25 am »
^thank you sis

^^sabi daw ng matatanda bawal pero yung cousin ko naman namatay lolo nya, pumunta sya and active sya namamahala ng wake. ok naman kid nya. honor student and very active. yung isang cousin ko naman ng namatay yung lola namin, hindi talaga sya pumunta. reason niya nun is lagi na siya nakukunan so she wanted to be safe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close